Share

CHAPTER 7: Going back in Manila

“Oh nakabalik na pala kayo, kumain na ba kayo? Sakto at naghanda na ako para sa tanghalian natin,” sambit ni Mama nang makapasok kami ng bahay ni Brion.

Kagagaling lang namin sa bayan dahil ipinag-grocery ko sila Mama maging ang mga magsasaka namin. Sila Mama na lamang ang bahala mag-repack ng mga iyon at ipamigay. Magkatabi kami ni Brion na kumain kasabay sila Mama, matapos niyon ay si Mama na rin ang nag-ayos dahil kailangan na pumasok nila Sophia at Derick. Habang kami ni Brion ay kailangan na mag-asikaso dahil alas-tres ang uwi namin pabalik sa Maynila.

Muli kong nakita ang cheque sa lamesa ko, humahanap ako ng tyempo maibigay ito kila Mama. At sa tingin ko ay ngayon na ‘yon. Lumabas na ako dala ang aking mga gamit bago nagtungo sa kusina kung saan nadatnan ko sila Mama na nakaupo sa lamesa at nag-uusap sa hindi ko malamang dahilan, pero bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha. Marahil ay dahil sa problema na kinakaharap ng aming bukid. 

“Ma… Pa,” sambit ko bago nilapag ang cheque sa lamesa. 

Kinuha iyon ni Mama at agad napatingin sa akin.

“Anak, totoo ba ito? E-Eh sobra-sobra naman ata ito,” nag-aalalang sambit ni Mama.

“Hindi namin ito kayang tanggapin, pipilitin na lang namin ibenta ang kalahati ng mga baboy natin. Baka kaltas ito sa sahod mo ng ilang buwan, Damara–” 

“G-Galing po kay Sir Brion ‘yan, walang bawas sa magiging sahod ko, hindi rin po utang… w-wala pong kapalit,” nakayukong sambit ko.

Naku, sana lang walang kapalit kahit ano! Pero okay lang, basta walang kapalit na hindi maganda, kahit utos-utosan niya ako ayos lang ‘no! Pero ‘yung makatao naman sana. Baka mamaya ay utusan akong lumipad para bumili ng kape sa Espanya eh.

Bakas sa mukha ni Papa ang hindi pagsang-ayon sa pera. 

“Damara, pasensya na pero wala akong lubos na tiwala sa Boss mo. Hindi ko alam kung anong maaaring maging kapalit nito. E-Eh baka niyan kawawain ka sa trabaho, o kaya ay pagurin ka,”

“Pa, hindi naman ganun si Sir Brion. Strikto siya oo, pero hindi po siya gagawa ng bagay na labas sa trabaho ko, may kontrata naman po kami at nakalagay doon kung ano lang ang dapat gawin ko at hindi dapat,” mahinahong sambit ko bago hinagod ang balikat nila pareho ni Mama.

“Huwag po kayong mag-alala, bukal po sa loob ko ‘yan. I’m doing that to help, Damara is a good secretary, she is hardworking and let this be an opportunity for me to help her family, dahil sa pagiging isang magaling na secretary sa akin,” kalmadong sambit ni Brion dahil nagtungo siya rito sa kusina para uminom ng tubig.

Dahil doon ay wala ng nagawa sila Papa at lubos na nagpapasalamat kay Brion dahil sa laki ng tulong na kanyang ibinigay. Dahil din doon ay pinabaunan ni Mama si Brion ng suman at tupig. Hindi ko alam kung kumakain ba siya nyon or kung familiar ba siya sa suman at tupig, pero I’m sure dalawa naman kaming kakain ng mga iyon. Nag-iwan pa ako ng ilang pera dagdag para sa allowance ng dalawa kong kapatid bago kami tuluyang umalis. 

“Kapag pagod kana magmaneho just let me know, so I could also drive,” sambit ko habang kami ay nasa kalagitnaan ng byahe. 

“No, I can drive. Siguro mag-stop over na lamang tayo to take a rest.”

Tumango-tango naman ako bago tuluyang nag-suot ng seatbelt dahil nasa highway na kami. 

“Nga pala, thank you so much talaga sa tulong ninyo, Sir! Sobrang laking tulong niyon kung alam niyo lang,”

“I know,” he simply said. 

Oo na, alam mo nang malaking tulong ang kalahating milyon, negosyante ka eh. Napa-irap naman ako bago humalukipkip.

“Yeah, I know you know. Pero sobrang salamat talaga sa perang ‘yon. As in, hindi lang sa pamilya ko pero sa mga magsasaka,” nakangiting sambit ko ‘tsaka humarap sa kanya. “So, dahil dyan…. I will do anything you said! Kahit utusan mo pa ako maghatid ng papers mula 15th floor hanggang ground floor. Go ako riyan! Promise, I will do anything,” taas noo na sambit ko.

“Are you sure you’ll do anything?” nakangising sambit nito habang nagmamaneho. 

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya dahil sa hindi malamang ibig sabihin. Dahil doon ay natawa siya sa itsura ko at muling bumaling sa kalsada. I slightly slapped his arm because of annoyance. 

“Why? What were you thinking?” natatawa pa ring aniya.

“Aba malay ko sa ‘yo,” sambit ko at kalauna’y natawa rin.

“Nagtatanong lang naman ako to make sure if you’re really wanted to do anything eh,” bakas pa rin sa boses niya ang pang-aasar.

“Yeah! I’m willing to do anything… pero syempre yung desente ah. Hoy~ kahit hindi mo sabihin ay alam ko ‘yung gusto mong sabihin ‘no! Mga hirit mo eh ‘no? Huwag ako, Brion ah,” sambit ko sa kanya at doon ay sabay kaming natawa.

“Ipag-luto mo ako pagbalik natin sa Manila,” he then stated before looking at me as he stopped due to traffic light.

“Go! Magaling ako r’yan. Anong luto ba ang gusto mo?” proud na sagot ko dahil syempre, ako pa? Palagi kong pinapanood ang Mama at Papa ko magluto noong bata pa ako ‘no.

“Pinakbet.” 

Kumunot naman agad ang noo ko sabay taas ng isang kilay.

“Pinakbet? Sigurado ka? Kailan ka pa kumain ng pinakbet?” pagbibiro ko bago umupo nang maayos.

“I’ve never ate that, kaya nga gusto ko tikman eh,”

“At saan mo naman napulot ‘yang suggestion mo na ‘yan eh hindi mo nga ata alam kung ano ang pinakbet eh,” natatawa na sambit ko bago muling bumaling sa aming dinaraanan.

“Well, Derick told me that’s your specialty. So, I guess… let’s give it a try,”

Muli akong napatingin sa kanya dahil doon, akalain mo nga naman at mukhang nagkwentuhan ang dalawa kumag. 

“Okay, deal! Ipapatikim ko sa’yo ang specialty ko. It’s not my specialty for nothing. Dahil first time mo kumain ng pinakbet, I’ll make your first time memorable and tasteful,” sambit ko habang taas-baba ang aking kilay. Doon ay napangiti siya at tango bago itinuon ang pansin sa aming dinaraanan. 

Nang makabalik sa Maynilla ay hinatid muna ako ni Brion sa condo ko bago siya umuwi. Naghugas lang ako ng aking katawan bago nagpahinga nang hindi namamalayan nakatulog na pala ako. I woke up around 9 PM, isang oras lang pala ang nai-tulog ko mula ng maka-uwi kaninang 8 PM marahil dahil sa pagod sa byahe. 

As I went to my kitchen, walang laman ang ref ko, although may can goods ako sa pantry pero gusto ko may sabaw. Nag-shower lang ako saglit bago lumabas para magtungo sa malapit na mall. Well, 10 PM pa naman magsasara ang mall. Nagtungo ako agad sa supermarket at bumili ng mga kakailanganin ko sa condo, nag-dagdag na rin ako para may stack at laman naman ang aking ref. Para rin hindi na ako pa-balik-balik at labas nang labas para mamalengke. 

Inabot lang ako ng mga ilang minute dahil alam ko naman na kung ano ang mga dapat kong bilhin. Dahil sa pagod ay tinamad na rin ako magluto sa bahay. Oh ‘di ba, ang gulo ko? Naghanap na lamang ako ng makakainan kung saan they serve Filipino cuisine at luckily may nahanap naman ako. Kung may malapit lang na karinderya malapit sa condo ko doon na ako kakain eh. 

Wala naman masyadong tao kaya hindi rin ako nahirapan humanap ng upuan ko, I ordered sinigang na baboy at nang makita kong they also serve chicken curry ay nag-order na rin ako. Para naman sa drinks ay nag-order lang ako ng iced tea at syempre tubig. Habang hinihintay ang order ko, tinignan ko ang resibo ko para tingnan kung nabili ko ba ang mga kailangan kong laman sa ref ko and so far okay naman. Laman sa ref lang talaga ang binili ko dahil hindi ko naman kakayanin kung in general ako mag-go-grocery ano. 

Sumandal ako sa aking kinau-upuan habang naka-krus ang aking mga braso habang hinihintay ang pagkain. Habang nililibot ang aking paningin ay tumaas pareho ang kilay ko dahil sa aking nakita. 

“Nico?” bulong ko sa aking sarili. He is talking to someone I cannot see properly dahil medyo natatakpan ang mukha nito ng kanyang buhok. At nang hawiin nito ang kanyang buhok ay doon ku-mu-not ang noo ko. “Ms. Olivia?” 

“Here’s your order, Ma’am.” 

Agad akong lumipat ng upuan sa upuang katapat ko para talikuran sila at hindi ako makita, sana lang ay hindi nila ako napansin kanina. Pero medyo malayo naman sila sa entrance so I guess? Hopefully… teka, bakit ba ako nagtatago at takot mahuli? Anyway, hindi naman sa takot ako mahuli or something, baka lang ma-ilang sila sa akin or whatever they think about me seeing them together at a restaurant eating together. 

“Thank you,” sambit ko sa waiter bago ako tuluyang kumain.

Magkakilala ba sila? Pero paano? Well, baka nga. Maliit lang naman ang mundo. 

Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil marami akong aasikasuhin. 

“Good morning, Sir! Here’s the report from the marketing department. Yung sa finance po ay fina-finalize pa, makukuha ko na rin po by this afternoon after their meeting,” nakangiting sambit ko nang mailapag sa table niya ang folder.

“Thank you, get me some hot coffee.” Kinuha niya ang folder at sumandal sa kanyang upuan ng hindi man lang ako nililingon.

Ang aga-aga ha, ang aga-aga. 

Ngumiti naman ako bago tumango at tuluyang nagtungo sa cafeteria para bumili ng kape. 

“Good morning, Ms. Damara!” pagbati sa aking ng isang intern na siyang kasabay ko na ngayon maglakad papasok sa elevator pa-akyat sa office ng butihin kong amo.

“Para po kay Sir Brion ‘yan?” tanong nito sa akin habang nakatingin sa hawak kong kape. 

“Yes,” nakangiti naman na sagot ko.

“Mabait po ba si Sir? Isang beses ko palang siya nakikita and nami-meet eh. Gwapo siya kaso nga lang mukha kasi siyang masungit,” aniya sabay bungisngis. 

“Pffft!” Napatakip ako sa aking bibig dahil baka mapalakas pa ang aking pagtawa. “Well, mabait naman siya pero tama ka… masungit siya,” pabulong na sambit ko at sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at may pumasok. Napatakip siya sa kanyang bibig na tila pinipigilan ang kanyang sarili sa pagtawa. 

Nang makabalik, binigay ko na sa kanya ang kanyang kape bago ako bumalik sa office ko para magtrabaho. Pumatak ang lunch at inayos ko na muna ang table ko bago lumabas. Sakto namang lumabas rin si Brion sa kanyang office dahilan para magkatitigan kami.

“You’re having your lunch also?” aniya at marahan naman akong tumango. “Okay, ikaw na lang ang kumuha ng makakain natin. Get me some kare-kare and then mango shake. I’ll be waiting here.” At muli na siyang bumalik sa kanyang opisina. 

My jaw dropped on what just happened. Nagtataka akong napatingin sa isang empleyadong napatigil sa harapan ko dahil sa nangyari. She looked concerned though.

“Kita mo na? Iyang amo mo talaga,” napapa-iling na sambit ko sa kanya bago nag-buntong hininga. Natawa naman ito bago ako hinaplos sa aking braso to comfort me at umalis. 

Bumili ako ng adobong baboy para sa akin bago bumili ng lunch ni Brion. 

“Makakaya niyo po ba ‘yan, Ms. Damara?” tanong ng isang empleyado at tumango naman ako bago kinuha ang tray na punong-puno ng laman.

“Oh, wait! Mine is chicken curry and iced tea for drinks. Damara, wait for me, let me help you.”

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Mr. Mathew, ang kaibigan ni Sir Bry. 

“A-Ah, ayos lang po, Sir! I can do this,” nakangiting sagot ko pero umiling ito. 

Kinuha nito ang bitbit kong tray ‘tsaka inilipat ang ibang laman sa tray niya bago ito unang naglakad, leaving me speechless. 

“C’mon.” He moved his head, gesturing to me to walk with him already.

“T-Thank you po, Sir.”

As we arrived at the office, kumunot agad ang noo ni Brion.

“What the f*ck are you doing here, Math?” he asked. 

“Well, it’s lunch break. So, I guess I’m at least allowed to butt in, right? Ms. Secretary?” sir Mathew asked me as we both put down the trays on the table. Marahan naman akong tumango habang na-iilang silang tiningnan dalawa.

“What else can I do, asshole?” sambit ni Brion at wala na itong nagawa pa. 

Umupo na kami pareho, nasa harap namin si Brion habang katabi ko naman Sir Mathew.

“And you’re eating lunch with us?” taas ang isang kilang na tanong ni Brion.

“Why not? You don't want to eat with me now, huh? Porque ba na-solo mo si Ms. Damara for three days straight, I’m not allowed now to eat with the two of you?” pagbibiro nito dahilan para masamid ako sa sarili kong laway.

“Shut up, Math. Just eat,” tila naiirita na sambit ni Brion bago kumain.

“Kidding aside, I was just checking you dahil hindi tayo natuloy sa trip natin last time. Thank you, Ms. Damara for taking him with you dahil tila mamamatay ata ang isang ‘yan kapag hindi naibsan ang ka-boring-an sa buhay eh,”

“Walang anuman, Sir. He insisted anyway,” sagot ko naman at doon nagka-titigan ang dalawa. 

Sir Mathew looked so shocked on what I’ve said pertaining to Brion’s insisted to go with me.

“Really? I thought you asked him to go on a trip,”

“Ahm, it is not actually a trip para gumala. I went to Tarlac province to check my family’s situation. Nasalanta kasi sila ng bagyo,”

“Ohhh, I didn’t know you’re married–”

“Her mom and dad, stupid,” sumbat naman ni Brion dahilan para manlaki ang mata ni Sir Mathew before giving me an apologetic smile.Tumango naman ako.

“Pero anyway, you insisted, huh?” bakas sa boses ni Sir Mathew ang pang-aasar sa kaibigan, napa-iling nalang ako dahil doon. Minsan ay para talaga silang aso’t pusa.

“The f*ck, man? Just eat,”

“Okay, chill,” natatawa pa ring sagot ni Sir Mathew bago tuluyang kumain. 

Natawa na lang ako sa kakulitan nito ni Sir Mathew. Hilig talaga niyang inisin itong si Brion. 

Matapos ang lunch break, balik muli sa trabaho. I went to the finance department to get their report dahil halos kakatapos lang ng kanilang meeting. 

“Here’s the report of the finance department, Sir.” Ibinaba ko sa kanyang lamesa ang folder na agad niya namang kinuha.

“Thank you. Have you checked the interns? I need to see the progress report from their team leader by tomorrow. That’s all.” Sumandal ito sa kanyang kinauupuan matapos tingnan ang folder na inabot ko.

“That’s noted, Sir. I’ll go ahead,”

“And by the way…” Napa-hinto ako sa sinabi niya at pahabol nitong sasabihin, “don’t forget our dinner later.”

Tumango naman ako at napangiti sa hindi malamang dahilan. Marahil ay dahil sa tuwa dahil he still remember na ipag-luluto ko siya ng kanyang request na pinakbet.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status