Share

Obsessively In Love
Obsessively In Love
Author: Amynta_Lyon

Chapter 1: His annoying behavior

I tilted my head side by side because of how tired it is looking for so many details on my laptop. Sobrang dami kasing schedule na dapat ayusin for next week dahil ang daming meeting at lakad. I was organizing all the schedules for next week, oo next week pa pero kailangan ko na siyang ayusin dahil syempre una sa lahat sekretarya ang trabaho ko. Dapat maayos ko na ang lahat ng ito dahil bukas o sa mga susunod pa na araw ngayong linggo ay madagdagan ang schedule. Well, it is quite tiring but I love my work. I’m Damara Irish Vertudez, pangarap ko na mula noon pa man ang maging isang sekretarya. Naaalala ko pa noon pa man ay ako na palagi ang secretary sa school, I love organizing, do many plans, arranging schedules, meeting people, and hardworking noon pa man. Hindi tutol ang mga magulang ko sa naging pangarap ko dahil suportado nila ang anumang desisyon ko sa buhay. 

I grew up in Tarlac province, yes, probinsyana ako. Panganay sa magkakapatid. Both of my parents are farmers who own hectares of farms. Syempre dahil magsasaka ang mga magulang ko ay naranasan ko rin ang mga nararanasan nila. When I was in grade school, I used to help them in our farms, even on my mother’s poultry and piggery. Palagi pa akong inaasar ng mga kaklase ko noon dahil minsan ay nadadala ko sa school ang amoy ko na galing sa babuyan. Minsan kasi kinakausap ko pa sila bago ako pumasok eh. Pero that’s when I was in grade 5, I guess. Uhugin days pa. Pero when I was in high school, wala na akong naging pakialam pa kung asarin ako dahil sa magsasaka ang magulang ko kasi hello, they know my family was a big supplier of mangos, rice and sugarcane. Labas pa ‘yung babuyan at manukan ng Mama ko. 

Nag-unat ako ng aking mga kamay sa biglang pag-tunog ng doorbell ng aking condo unit. Tiningnan ko ang oras at aba, alas-onse na ng gabi. Hindi naman ako umorder ng kahit ano, bakit may nagdo-door bell? I was just wearing a pink silk sleepwear dress kaya kumuha ako ng jacket sa closet bago nagtungo sa pintuan. 

“Hey, Damara! Open the door, it’s me! C’mon!” 

Nang marinig ko ang boses na ‘yon ay dali-dali ko na siyang pinagbuksan ng pinto at agad itong natumba at pinatong ang ulo balikat ko. 

Amoy alak! Pero ang bango pa rin, hays.

“S-Sir Bry, why are you here?” I asked while guiding his back. 

Well, why am I even asking? Eh hindi na naman bago na madalas tumutuloy ang boss ko dito kapag nalalasing? Oo, lasing.

“This was the nearest place from where I’ve been,” he mumbled. 

Napailing nalang ako at inalalayan ito patungo sa kwarto ko. Nang ihiga ko ito sa higaan ay inalis ko na agad ang mga laman ng bulsa niya at inilagay sa side table. Pumunta ako sa kusina upang ipaghanda ito ng panlinis sa katawan niya para mahimbing naman itong makatulog. Hindi na ‘to bago pa sa akin, I don’t even know why am I even taking care of him in this kind of situation. Bumalik na ako sa kwarto at nadatnan kong bukas ng ang mga butones nito hanggang gitnang bahagi ng kanyang polo. At talaga namang pinapadali ang trabaho ko. I put the basin on the side table bago kumuha ng tower ‘tsaka siya pinunasan. Una kong pinunasan ang pagmumukha nitong napaka-gwapo, half Spanish ba naman eh. No wonder bakit ang daming nagkakagusto rito. Tapos nakaka-adik pa ‘yung amoy, ang kaso sobrang sungit, prangka, at pasaway. I rolled the sleeves of his polo up until his elbow and continued cleaning him. Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako. Nilakasan ko ang aircon bago lumabas ng kwarto dahil sa sala na lang ako matutulog. 

Tapos ko na rin naman ang gawain ko kaya it’s now my turn to take a rest. 

Kinabukasan, kumunot ang noo ko nang mapagtanto na nakahiga na ako sa sariling kong kama. I looked around my room pero ako nalang ang tao. Nang lumabas ako ay wala na rin siya. Mukhang maaga itong nagising at napag-desisyunan na umuwi. 

Nag-asikaso nalang ako dahil papasok din ako. Nagluto lang ako ng ham at nagkape bago naligo at nag-ayos. I’m just wearing a nude color formal suit and applied light make-up. Kinuha ko na ang mga gamit ko maging ang susi ng aking sasakyan bago umalis ng condo patungo sa company. 

“Good morning, Ms. Damara!” bati sa akin ng ilan nang makarating sa main building. Tumango lang ako bago sumakay sa elevator. 

Nasa ika-limang palapag nga pala ang opisina ng boss ko at tabi lang ng opisina nito ang akin. Nang makarating ay kumatok muna ako bago pumasok nang papasukin ako nito. At ayun nga at naabutan ko itong nakahilata sa kanyang upuan habang nakataas ang dalawang paa sa lamesa. 

“What’s the schedule for today?” he simply said while looking at me.

“For today’s schedule, Sir… you need to check the letters and memos given by the departments. Also, signing some papers from the directors,” sambit ko habang nakatingin sa tablet. 

“Is that all?” walang emosyon na tanong nito bago umayos ng upo.

Tiningnan kong muli ang nasa planner ko at ng makita kong wala naman akong nakaligtaan so far kaagad akong sumagot. "Yes, Sir!"

“Okay then, bring me all the papers now.” He then commanded as he took his pen. 

Habang ako ay agad na nagtungo sa office ko upang kunin lahat ng mga paper na ibibigay sa kanya. Naayos ko na rin ito kahapon para ibibigay nalang sa kanya ngayon. Nang makabalik sa opisina niya ay ibinaba ko na rin agad sa lamesa niya ang lahat. 

“Ito na po ang lahat, Sir.”

“Thank you, you may go.” 

Tumango naman ako bago nagtungo na sa office ko para rin magtrabaho dahil marami pa akong kailangan ayusing details mula sa meetings na naganap kahapon before distributing to each department. Dalawa kasi ang naganap na meeting kahapon at medyo mahaba-haba ‘yon kaya naman sobrang dami kong kailangan ayusin na details and information na napag-usapan kahapon. 

I just finished doing the first one and napagtanto na lunchtime na pala. Sinabihan ko ang aking amo na kakain ako sa labas with my friend who just invited me. Actually nasa lobby na siya at naghihintay. Nang makita ito ay dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap.

“Hi! Kumusta? My God, isang linggo tayo halos hindi nagkita!” masiglang usal ko at napansin ang pag-bulong ng ilan sa mga employee sa paligid. Para bang nadismaya sila kasi dumating ako at niyakap si Jamyr. Yes, his name is Jamyr, my friend since high school and he’s also my ex-boyfriend. Well, originally friends talaga kami. And then noong nag-college kami ay naging magkasintahan pero unfortunately, our relationship didn’t work out kaya we stayed as friends. 

“I’m good, how about you? You look great today by the way,” namamangha na usal nito nang pagmasdan nito ang kasuotan ko.

“Baliw, eh usually naman ganito ako manamit. Anong bago?”

“Ah basta, you look good. Ano ba? Ikaw na ‘tong na-puri arte-arte ka pa ryan,” pagpupumilit nito na tila nairita pa bago kinuha ang coat nito sa couch. “Let’s go!” dagdag pa nya bago kami tuluyang nagtungo sa parking lot kung saan ang sasakyan niya.

Eh kasi alam ko naman na maganda ako sa suot ko ano. Sa suot ko lang na ‘to, nagmumukha kasi akong tao kapag naka-formal attire haha. 

“Nagpaalam ka ba sa boss mo?” he asked while looking at the road.

“Mm. Nagchat lang ako sa kanya bago umalis.” Tumingin ako sa cellphone ko to make sure maayos ang pag-inform ko sa kanya. 

Panigurado kasi ay busy ‘yon at ayaw niya ng na-aabala siya lalo na kapag sobrang abala at focus ito sa kanyang ginagawa. Eh magpapaalam lang naman ako na kakain sa labas dapat ko pa bang personal na sabihin ‘yon? Baka mamaya na-bato pa ako n’yon ng sapatos eh. Para kang nag-paalam nyon kung pwede ka ba huminga o hindi hahaha.  

“Pinayagan ka naman?” Sinulyapan ako nito saglit bago ibinalik ang pansin sa daan.

“I didn’t wait for his reply, I just informed him. I don’t need his approval, lunch time ngayon ‘no. Para naman akong bata nyan, ‘tsaka para ko naman syang magulang sa lagay na hihintay ko pa ang approval niya to eat lunch with you.”

Tumango-tango na lang ito na medyo natatawa pa. Nang makarating sa isang restaurant ay kumain na rin kami agad. Dahil kaunti lamang ang agahan ko ay dalawang serve ng kanin ang in-order ko at dalawang dish ng ulam. Everytime may nadidiscover si Jamyr na restaurant at masasarap ang mga luto ay agad ako nitong niyayaya for lunch. In fairness, magaling ang panlasa nito pagdating sa mga pagkain. Buraot ba naman noong high school eh, akala mo food critic. 

We just talk about some of our friends na halos isang buwan na naming hindi nakaka-bonding. Sobrang busy siguro talaga nila sa work kaya halos sa chat na lang kami nagkaka-usap, minsan madalang pa. Ganoon naman usually kapag adulting na talaga, kapag naman nasa iisang table kami ay hindi pa rin nawawala ang closeness namin sa isa’t isa at hindi pa nauubusan ng chika. They have been my friends since high school. Ganun siguro talaga kapag high school friends ano? Habang tumatagal ay mas lalong tumitibay ang samahan niyo hanggang sa pagtanda. Pinag-uusapan lang namin na sana by this weekend sana makapag-bonding kami. Busy sa kani-kanilang trabaho syempre, malalayo rin kasi ang ilan kaya hindi rin namin masisi. Pero nakakapag-usap naman kami through group chat so there’s no problem. We just miss hanging out together. 

“Nga pala, I saw your boss last night.” 

“Really? So, umiinom ka pala kagabi? Bakit hindi nag-aaya, ang daya mo naman!” pabiro na sambit ko kahit sobrang busy ko naman talaga kagabi. Tapos itong amo ko akalain mo, pa-inom-inom pa, tapos sa akin uuwi at magpapa-asikaso. Dapat may dagdag na bayad ‘yon eh.

“Yeah, napadaan lang para uminom kaunti. Pero ang boss mo alak na alak, I saw him surrounded with so many ladies. He’s with his friends last night.” 

Natawa naman ako sa itsura nito dahil parang tumatak sa isipan niya ang nangyari kagabi. 

“Ganun naman ‘yon, hindi na ako bago roon.” Humalukipkip ako’t napailing sa sinabi niya.

“You better stay away from a man like that, Damara. I mean, you better be careful of that man,” ma-awtoridad na sambit niya habang diretsong nakatingin sa akin. 

“Ano ka ba? Oo naman, I’ve known him for years now at ni-minsan ay hindi mo siya makikitaan ng motibo ng pagkagusto sa akin. Walang-wala ako sa mga babae na nakakasalamuha nyon dahil tingin ko ay mga elegante ang mga tipo niya. Malabong magustuhan ako nyon. Hindi ako ang tipo niya okay? Ang tipo nyon ay mala-sexy model o ‘di kaya ay elegante talaga, dahil ganoon siya.” 

“Damara, you’re attractive as f*ck. You look elegant as well, ano ka ba? Don’t ever look down on yourself,” iritang usal nito at natawa naman ako nang may kasama pa itong pag-irap.

“Yeah, okay. Noted.”

At bigla kaming napatigil sa pag-uusap nang nag-ring ang phone ko. 

“He’s calling,” I stated before answering the phone. “Hello, Sir?”

“Yes, hello. Come to my office now,” seryosong usal niya.

“P-Pero, Sir–”

“Now,” mariing sambit niya bago ibinaba ang linya.

“I-I’m sorry, Jamyr. I need to go, urgent ata. Bawi ako next time ah.”

“Hatid na kita. I’m done eating.” Pinunasan nito ang kanyang bibig bago tumayo at kinuha ang kanyang mga gamit para ihatid ako. 

Grabe naman talaga sa pagka-utusero nitong amo ko. May ilang minuto pa ako sa lunch break eh at hindi pa ako tapos sa kinakain ko. 

Nang makarating sa company ay nagpaalam na ako kay Jamyr bago nagtungo sa office ng amo ko.

“Y-Yes, Sir. What is it? May ipapagawa po ba kayo?” sambit ko habang hinihingal pa. Nadatnan ko itong nakaupo sa couch kaharap ang lamesang puno ng pagkain.

“I don’t want to eat alone, join me.” 

My jaw dropped on what he said. Gusto kong sumigaw sa sobrang inis dahil sa sinabi niya. He’s the worst, I swear! Ito ang isa sa pinaka-ayaw ko sa pag-uugali ng amo ko na ‘to, ang kainin ang oras ko. But then, I can’t complain dahil una baka masisante ako ng wala sa oras, I’m the first ever secretary na tumagal sa lalaki na ‘to, pangalawa maayos magpasahod, ayun nga lang grabe sa ugali. He’s no other than Brion ‘Bry’ Alaric Carter, the worst man I have ever encountered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status