KAAGAD na nag-empake si Jacob nang makabalik silang mag-asawa ng apartment habang si Adelyn naman ay hindi muna kaagad nakaporma dahil okupado ang isip niya. Maraming tumatakbo roon nang sandaling iyon, mga bagay na hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin sa asawa. Kaya naman tangay-sunod lang siya sa mga sinasabi nito kahit na alam niyang mali na hayaan si Jacob na isiping okay lang ang lahat sa kanya. “Love,” mayamaya ay tawag sa kanya ng asawa nang mapansin nitong nakaupo lang siya sa gilid ng kama at pinapanood ito sa ginagawa. “Ano na? Hindi ka pa ba mag-eempake?” “I-iniisip ko pa kung ano-ano ang mga dadalhin ko.” Binitiwan ni Jacob ang hawk nitong damit at nilapitan siya. He framed her face with his hands and looked at her eyes. “Alam kong nabigla ka,” anito sa malambing na tinig. “Y-yeah.” Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinawakan ang palapulsuhan nito. “Puro ka na lang kasi sorpresa. Can you please slow down a little, Jacob? O siguro kung may natitira k
MASAYA si Adelyn sa pagdating ng mga kaibigan nila ni Jacob. Nakatulong ang pagkaaliw niya kasama ang mga ito para panandaliang makalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya. At least, she didn’t have to think about it for the time being. Kung maaari nga lang na pakiusapan niya ang mga itong huwag na lang munang magsiuwi. Pero siyempre, hindi naman iyong maaari dahil may kanya-kanya na ring pamilya ang mga kaibigan niya. Ang ilan pa nga sa mga ito ay may inaasikaso na ring mga anak na nagsisipag-aral na. “Aba, at talagang iniwan na tayo rito ng mga tukmol na iyon, ha.” Nagbaling ng tingin si Adelyn sa kaibigan niyang si Marie nang magsalita ito. Halos ilang oras na rin nang makatapos silang sabay-sabay na kumain ng hapunan. Niyaya ni Jacob ang mga asa-asawa ng mga ito na magpunta sa game room para maglaro ng billiard. “Boys will always be boys,” sabi naman ni Jackielyn. “Magpasalamat na lang tayo na hindi sila nagba-barhopping sa mga oras na ito at nagte-table ng mga babae.” “
KAAGAD na sinalubong si Jacob ng kanyang asawa pagpasok pa lang niya ng mansiyon. Kapwa sila walang pasok sa trabaho nang araw na iyon, ngunit umalis siya ng bahay dahil may kinailangan siyang asikasuhin. “Hey,” bati niya sa asawa. Ginawaran niya ito ng halik sa mga labi. “Where have you been?” tanong nito habang titig na titig sa kanya. Sa hitsura ni Adelyn nang sandaling iyon parang biglang gustong kabahan ni Jacob. Tila ba may kung ano siyang nababanaag sa mga mata ng kanyang asawa, pero ayaw naman nitong sabihin kung ano iyon. “I’m sorry kung hindi na ako nakapagpaalam kanina noong umalis ako. Tulog na tulog ka kasi at nag-alangan naman ako na gisingin ka—” “Jacob… ang tinatanong ko kung saan ka galing. Hindi ako naghahanap ng paliwanag kung bakit ka umalis.” Napapikit na lang siya nang mariin kapagdaka ay nagmulat. “M-may inayos lang akong importante sa office,” kalmado pa ring tugon niya. “Ah…” tumatango-tangong sabi ni Adelyn. Pero ramdam niyang tila hindi ito naniniwala
NAPANGANGA na lang si Adelyn nang makarating sila sa greenhouse ni Don Juan. Napakaaliwalas doon at magaganda ang mga tanim nitong bulaklak. Some of the flowers were in full bloom. Nilapitan niya ang aisle ng mga pulang rosas at inamoy-amoy iyon. Ilang sandali pa at katabi na niya ang matanda na may dalang gunting. Ginupit nito ang isang stem at iniabot sa kanya ang roses. Sa sobrang excitement ni Adelyn nakalimutan na niya ang tungkol sa mga tinik noon at natusok siya. “Ouch…” Bigla niyang nabitiwan ang rose na kaagad namang pinulot ni Jacob. “Are you hurt?” Inabot nito ang kamay niya. May kaunting dugo sa daliri niya dahil sa pagkakatusok. “Oh, I’m so sorry, Adelyn. I should’ve removed the thorns,” dispensan naman ni Don Juan. “It’s okay. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nag-ingat,” tugon niya. “It’s just a prick. Malayo naman po ito sa bituka.” “Jacob, bumalik ka muna sa mansiyon at ikuha mo si Adelyn ng kahit bondage man lang,” utos ni Don Juan sa kanyang asawa. Ibina
ADELYN rolled to her husband’s side of the bed just to find out that he wasn’t there. Bigla siyang napamulat at kaagad na iniwan ang kama para hanapin ito. Una niyang sinilip ang banyo, pero wala roon si Jacob. Isinunod niya naman ang walk-in closet, subalit bigo pa rin siyang matagpuan doon ang kanyang asawa. Bigla niyang naisip na baka nag-jogging ito sa labas. Mabilis siyang nagsuot ng kanyang night robe at bumaba. Hindi pa siya nakakarating sa dulo ng hagdan ay nasalubong na niya ang kasambahay nilang si Mylene na may bitbit na tray ng almusal para sa kanya. May kasama pa iyong long-stemmed na pulang rosas, na sa malamang ay pakana ng kanyang asawa. “Magandang umaga po, Ma’am,” nakangiting bati sa kanya ni Mylene. “Ibinilin po ni Sir Jacob na dalhan na lang kayo ng agahan sa kuwarto. Sa baba na po ba kayo kakain?” “Oo, sa baba na lang, Mylene. Salamat.” Mabilis namang pumaling patalikod ang kasambahay at dinala ang tray sa dining area. Sinundan niya ito at nang makaupo ay nagtan
MABUTI na lang at hindi umalis sa tabi ni Adelyn ang kaibigan nang araw na iyon na hindi umuwi ang kanyang asawa. Para siyang maiihing hind isa pag-aalala sa asawa. Hindi naman sana magkakaganoon kung may natatanggap man lang siyang sagot o text message mula kay Jacob. Kaya nang sumapit ang kinaumagahan napagdesisyunan ni Adelyn na mag-file na ng missing person report sa presinto. But just when she was about to get out of the house, Jacob came home. Patakbo niyang nilapitan ang asawa at halos umukuyabit na rito nang makalapit. Hindi niya napigilan ang sarili at kaagad siyang napaiyak. “Hey…” Gumanti si Jacob ng isang mahigpit na yakap. “Bakit ngayon ka lang dumating? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Bakit hindi ka nagsasabi kung saan ka pupunta? Bakit bigla ka na lang umalis, ha?” magkakasunod niyang tanong sa pagitan ng bawat hikbi. “I’m sorry….” Naramdaman niya ang banayad na paghaplos ng kamay palad nito sa kanyang likod. “Hindi ko na nasabi kaagad ang nangyari dahil nabig
NAHULING bumaba si Jacob kaysa kay Adelyn dahil nagbihis pa siya. Nai-deliver ang order nila kaya excited itong bumaba para kumain. Pero imbes na ang tuwang-tuwang Adelyn ang maabutan ni Jacob, isang nakasimangot na asawa ang nakita niya nang sapitin ang dining area. Idagdag pa ang kasambahay nilang tila namumutla na sa takot.“Mylene,” tawag niya sa kasambahay.Kaagad itong tumakbo palapit sa kanya.“S-Sir…”“Bakit?” Hinawakan niya ito sa balikat. “May problema ba?”“Si Ma’am po kasi—”“May kasalanan din naman kasi siya!” malakas na putol ni Adelyn. Hindi na tuloy nakapagpaliwanag ang kasambahay nila.“What’s the matter, love?” Nilapitan niya ito nang mapansing tumataas-baba pa ang dibdib nito.“Kung hindi ba naman…” Mariing naglapat ang mga labi ng kanyang asawa. “Siya ang tumanggap ng delivery, pero hindi man lang niya ch-in-eck muna ang mga d-in-eliver noong rider!”“Ano ba kasi ang problema? Mali ba ang items o may kulang ba—”“Walang dressing! Walang dressing ang burger! Sampung
TAHIMIK lang na nag-aalmusal sina Adelyn at Jacob nang umagang iyon ng Biyernes. Wala siyang binabanggit na kahit ano tungkol sa oras ng presentation niya sa El Nuevo Holdings, pero kahit na ganoon ay mukhang may alam ang kanyang asawa tungkol sa bagay na iyon. Ito na mismo ang unang nagbukas ng topic tungkol doon.“Ala-una pa naman ng hapon ang presentation mo sa office, tama?” anang asawa niya sa pagitan ng pagsubo.“Hm,” tipid na tugon ni Adelyn na nasundan ng tango.Pero kahit na hapon pa iyon, pinaplano niyang magpunta nang mas maaga.“Magkita na lang tayo pagkatapos para sabay tayong makauwi.“Sasabay ka sa akin pauwi?” She cocked her head to the side. “Paano kung maaga akong matapos sa presentation at hindi pa naman tapos ang office hours mo?”“A-ah… oo nga pala. Nawala iyan sa isip ko.” Uminom ito ng kape. “Anyway, basta sabihan mo ako kung ano ang kakalabasan ng presentation.“Of course.” Humugot si Adelyn ng isang malalim na hininga. “After all, ikaw ang salarin kung bakit a