Share

Kabanata 9

GISING na si Adelyn nang makabalik sa bahay si Jacob. Pababa na ito sa hagdan nang maabutan niya.

“O, saan ka galing?” nagtatakang tanong nito.

Itinaas niya ang mga dalang supot.

“Bumili ako ng tinapay pang-almusal. At ibinili na rin kita noong pangtanggal ng hangover doon sa Korean convenience store na nadaanan ko kanina,” aniya habang naglalakad patungo sa kusina.

Kaagad namang sumunod ang asawa sa kanya.

“Bread o cereal?” tanong niya kay Adelyn na kaagad na sumalampak sa silya.

“Bread, please.”

Minamasahe nito ang sentidong sa malamang ay sumasakit dahil sa natamo nitong hangover. Natatawang nagtungo siya sa likuran ng kanyang asawa at binigyan ito ng head massage.

“Ah… this is good,” anas ni Adelyn habang nakapikit ang mga mata.

“Bakit ka naman kasi uminom nang gano’n karami kahapon?” Hindi niya napigilan ang sariling hindi magtanong. At batid niyang mayamaya lang bubuwelta sa kanya ang asawa. “Kung may problema ka, alam mo namang p’wede kang magsabi sa akin….”

“P-problem
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status