NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
“JACOB!” Napatigil siya sa paglilinis ng kotse nang marinig ang tinig ng isa sa mga kasamahan, nang lingunin niya ang direksiyong pinagmulan ng tinig ay nakita niya si Samuel na naglalakad palapit sa kanya. Hawak nito ang cellphone niyang kaagad nitong iniabot. “Kanina pang tunog nang tunog itong cellphone mo, pare. Naiinis na si Bossing at nakakakulili na raw ng tenga,” anito. Ikinuskos niya ang mga basang kamay sa laylayan ng kanyang pang-itaas at kinuha iyon mula kay Samuel. “Salamat, pare. Pakisabi na rin kay Bossing na pasensiya na.” Tumutunog pa rin ang cellphone niya, pero hindi niya iyon sinagot kaagad. Galing sa hindi kilalang numero ang tawag kaya nag-aalangan siyang sagutin iyon. Uso pa naman ang mga spam call at text message ngayon kaya nagdesisyon siyang patayin na lang iyon. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay nakatanggap ng text message si Jacob mula sa hindi kilalang numero. Si Lily ito. Kaagad niyang tinawagan ang numero nang makilala kung sino ang tumatawag. “Li
“SIR, ang gusto lang naman ng lolo ninyo ay ang bumalik kayo sa mansiyon kaya—” “Pinaglololoko mo ba ako?” Jacob scoffed. “Gusto niya akong bumalik sa mansiyon pagkatapos ng lahat?” Oo at bata pa siya noong mangyari ang lahat ng bangungot sa kanyang buhay, pero hinding-hindi niya makakalimutan kung sino ang dahilan ng lahat ng iyon—walang iba kundi ang sarili niyang lolo. Ipinangako niya sa sariling kamumuhian ito habang-buhay. “Totoo ang lahat ng sinasabi ko, Sir. Kung gusto ninyo, maaari ko kayong isama sa mansiyon ngayon din para makausap si Don Juan.” “Right. Ito ang paraan niya para maakit akong pumunta sa kanya. Pagkatapos ano?” naiiling na saad niya. Napahugot ng malalim na hininga ang assistant ng lolo niya. “Ang totoo niyan… may taning na ang buhay ni Don Juan, Sir. Kaya gusto niyang bumalik ka sa mansiyon dahil ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng maiiwang niyang ari-arian.” “Ah, talaga ba?” walang-interes na tugon niya. Oo, kailangan niya ng pera. Subalit
TINAWAGAN ni Jacob ang assistant ng kanyang lolo noong nagdaang gabi at ipinaalam dito ang naging desisyon niya. Tinanggap niya ang posisyong ibinibigay nito sa El Nuevo Holdings para kay Adelyn. Sinabihan siya ni Anton na susunduin siya nito sa bahay para dalhin sa kompanya, ngunit tumanggi siya at sinabing siya na lang ang pupunta roon—nang palihim. Ayaw niyang malaman ni Adelyn ang tunay niyang pakay sa lugar na iyon… hindi pa sa ngayon. “Nandito na tayo, Sir,” imporma ng taxi driver nang ihimpil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kaagad siyang nagbayad at mabilis na umibis ng taxi. Tiningala niya ang ilang palapag na building. Simula ngayon ay doon na iikot ang buhay niya. Hindi sigurado si Jacob kung magtatagumpay ba siya sa binabalak, pero sisiguraduhin niyang gagawin ang lahat para protektahan si Adelyn. Papasok na siya ng entrance nang bigla siyang harangin ng guard. “Sir, ano po ang pakay ninyo?” magalang na tanong ng guard sa kabila ng tinging ipinukol nito sa kanya.
NEIL was getting impatient as the minutes passed. Kanina pa umalis ng meeting ang secretary ng president ng El Nuevo Holdings para sunduin ito sa opisina ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. Naiinis na niluwagan nito ang suot na necktie at marahas na nagbuga ng hangin. “Hey,” alo naman kaagad ng nobya nitong si Veronica. Hinaplos nito ang braso ng binata at ngumiti. “Medyo busy lang siguro ang—” “Busy?” He tapped his finger on his wristwatch. “Anong oras na? Hindi ba at sila mismo ang nag-set ng appointment na ito at sinabihan tayo na makipag-meeting sa kanila?” Mayamaya ay bumukas ang pinto ng meeting room at pumasok ang secretary na kausap nito kanina. Pero laking dismaya ni Neil nang wala itong kasama. Naiinis itong napatayo at pinamaywangan ang babae. “Mr. Wilson, I’m afraid to inform that we are no longer interested with the cooperation,” nakayuko ang ulong saad ng babae. “What?!” Umalingawngaw ang tinig ni Neil sa apat na sulok ng meeting room. Hindi nito naiwasan ang ma
MABILIS na nagmulat ng mga mata si Jacob nang maramdamang wala na si Adelyn sa kanyang tabi. Mas nauuna siyang bumangon sa asawa tuwing umaga at isa iyon sa iilang pagkakataon na hindi na niya nagigisnan ito. Hindi niya maiwasang mag-isip na baka may problema ito. Kagabi ay natutulog na ito nang dumating siya at sa kalagitnaan nang gabi ay naalimpungatan siya at narinig itong umiiyak. At kapag sumasapit ang ganoong pagkakataon, mas pinipili ni Jacob na bigyan muna ng space ang asawa bago ito tanungin. Pababa na siya sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula roon si Adelyn. “Ang aga mo yatang nagising,” aniya at tuluyan nang nilisan ang kama. “Tumawag ang assistant ni Lola. She wants me to join them for breakfast.” Adelyn sauntered towards the vanity table. “Gusto mo bang sumama?” “Can I really come with you?” tanong niya habang naglalakad patungo sa banyo. “Baka mamaya sabihin na naman ng pamilya mo na nawalan sila ng gana—” “It’s not really a normal breakfas
NAGSIPAG-ALISAN na ang lahat, tanging si Jacob at ang asawang si Adelyn na lang ang naiwang nakaupo roon. Tahimik lang ang kanyang asawa at hindi nagsasalita kaya naman siya na mismo ang bumasag ng katahimikang iyon. “Adelyn…” He cupped his wife’s hand. Kaagad niyang naramdaman ang panlalamig noon at hindi na niya kailangan pang magtanong kung bakit. “Kinahabahan ka.” Noon nagbaling ng tingin ang asawa sa direksiyon niya. “At paanong hindi ako kakabahan sa lagay na ito, ha, Jacob?” Humugot ito ng hininga. “Hindi mo ba narinig kung ano ang sinabi ni Lola? If I failed to do this job the way she wants it to be done, I’m going to be fired. I’m going to lose everything! At alam mong kapag nangyari iyon, hindi lang ako ang maaapektuhan kundi maging ikaw din….” Batid niya kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ni Adelyn. Tama rin naman ito na malaki ang nakasalalay sa deal na iyon, kaya nga gagawin niya ang lahat para sa asawa. May kakayahan na siya ngayong protektahan at ilaban ang mga