NAPARAMI ang inom ni Adelyn, kaya naman halos hindi na ito makausap nang umuwi sila kinagabihan. Binuhat na rin niya ito papasok sa kanilang silid dahil mukhang hindi na nito magagawang maglakad nang hindi nadadapa. At hindi niya iyon inaasahan sa asawa ganoong balak pa nitong ipagpatuloy sana ang trabaho pagkauwi nila. Adelyn never got wasted like that. Bigla tuloy siyang napaisip kung stressed ba ito sa laki ng kinakaharap na responsibilidad. Nang sumapit ang umaga, tulog na tulog pa rin si Adelyn. Hindi na ito ginising pa ni Jacob dahil araw naman ng Linggo. Sinamantala na rin niya ang pagkakataong iyon upang makipagkita kay Don Juan. Hindi pa talaga siya handa sa muling paghaharap nilang iyon ng kanyang lolo, pero nang nagdaang gabi napagtanto niyang wala rin namang maidudulot na maganda kung iiwasan pa niya ang matanda. After all, there were some favors that he wanted to ask his grandfather. Mga bagay na mas makakabuti kung ito na lang ang gagawa para sa kanya. Sa ganoong paraan
GISING na si Adelyn nang makabalik sa bahay si Jacob. Pababa na ito sa hagdan nang maabutan niya. “O, saan ka galing?” nagtatakang tanong nito. Itinaas niya ang mga dalang supot. “Bumili ako ng tinapay pang-almusal. At ibinili na rin kita noong pangtanggal ng hangover doon sa Korean convenience store na nadaanan ko kanina,” aniya habang naglalakad patungo sa kusina. Kaagad namang sumunod ang asawa sa kanya. “Bread o cereal?” tanong niya kay Adelyn na kaagad na sumalampak sa silya. “Bread, please.” Minamasahe nito ang sentidong sa malamang ay sumasakit dahil sa natamo nitong hangover. Natatawang nagtungo siya sa likuran ng kanyang asawa at binigyan ito ng head massage. “Ah… this is good,” anas ni Adelyn habang nakapikit ang mga mata. “Bakit ka naman kasi uminom nang gano’n karami kahapon?” Hindi niya napigilan ang sariling hindi magtanong. At batid niyang mayamaya lang bubuwelta sa kanya ang asawa. “Kung may problema ka, alam mo namang p’wede kang magsabi sa akin….” “P-problem
“MASARAP naman, `di ba?” tanong ni Adelyn matapos nitong ipatikim sa kanya ang nilutong ulam. “Siyempre, basta ikaw ang nagluto masarap,” nakangiting tugon ni Jacob sa asawa at saka muling tumikim. “Nambobola ka lang yata, eh.” “Bakit ko naman gagawin iyon?” Kumunot ang kanyang noo. “Kailan kita binola, ha?” Pabirong sinundot niya ang tagiliran ng asawa na ikinakiliti naman nito. Adelyn squeaked, but immediately stopped when Lily walked into the kitchen. Hinampas siya nito sa braso at itinulak palayo. Hanggang ngayon nahihiya pa rin itong makita sila ng ibang tao na magkulitan gaya noon. Pero nasisiguro ni Jacob na kung nasa bahay sila at walang kasama, it might lead to something. “Ate, luto na ang sinigang,” anunsiyo ni Lily mayamaya. “Nagpaluto ako ng sinigang. Baka kasi hindi kumakain ng kare-kare ang mga bata,” ani Adelyn. “Ang mabuti pa maghayin na tayo. Sunduin mo na sa garden si Nanay Larissa, Jacob.” He did what he was told. Pagkatapos niyang maihatid ang ina-inahan sa
“DITO ka pa rin ba magtatrabaho sa bahay?” tanong ni Jacob habang magkasalo silang kumakain ng asawa ng agahan. “Yeah,” nakangiting tugon ni Adelyn. “Kaya hindi mo na ako kailangang ihatid pa sa office.” “Okay.” Mabilis niyang tinapos ang pagkain na mukhang ipinagtaka ng kanyang asawa dahil bahagyang kumunot ang noo nito. “Nagmamadali ka yata?” tanong ni Adelyn nang tumayo siya. Dinala ni Jacob ang pinagkainan sa lababo at hinugasan iyon. “Kailangan ko kasing umalis nang maaga,” tugon niya nang bumalik sa mesa. Ginawaran niya ang asawa ng isang mabilis na halik sa mga labi pagkatapos ay nagdiretso na palabas ng bahay. Papasakay na si Jacob ng kanyang motorsiklo nang biglang lumabas si Adelyn bitbit ang binalot niyang naiwan pala. “You forgot this,” anito. “Madaling-madali ka naman masyado.” Ito na ang nagsilid noon sa loob ng kanyang bag. “Sorry. Ayaw ko lang kasing mahuli dahil nagpapa-good shot ako sa boss ko.” “Sige na at baka nga mahuli ka pa.” Ilang sandali pa siyang n
NAPAKISLOT si Jacob nang bigla may tumapik sa kanya habang nag-aabang na bumukas ang mga pinto ng elevator. “H-hey,” aniya nang mabungaran si Lilibeth sa kanyang tabi. “Ikaw pala `yan.” “Parang nagulat ka yata. Ni hindi mo ba nakitang papalapit na ako?” anito. “I’m sorry.” Namulsa siya pagkatapos ay bumuntong hininga. “You look dashing with that suit, by the way,” nakangiting puri ni Lilibeth nang makalulan na sila ng elevator. “A-ah, thanks.” Hinagod niya pa ang suot na coat at necktie. “This is my wife’s gift.” “I see. You told her about the—” “Hindi pa.” Nilingon niya si Lilibeth. “Oh…” Isang tipid na ngiti ang ibinigay nito at hindi na muling umimik. Ilang sandali pa at bumukas na ang mga pinto ng elevator. Kaagad silang lumabas at nagtungo sa kanya-kanyang opisina. Pero hindi pa man nag-iinit ang upo ni Jacob ay heto na si Lilibeth bitbit ang mga folders. “Nakalimutan kong ibigay sa `yo ang mga ito. Noong isang araw pa nga pala ito ipinabibigay ni Don Juan.” Inilapag nit
HINDI alintana ni Jacob ang cellphone niyang makailang ulit nang nagba-vibrate sa loob ng bulsa ng kanyang coat. His motorcycle almost went in full speed as he was in a rush to get home to Adelyn. Labis-labis ang kanyang pag-aalala para sa asawa nang marinig mula kay Aling Ising na may sumugod at nanggugulo sa kanilang bahay. Jacob had a hunch who it was. At nang makarating na nga siya sa labas ng kanilang apartment ay nakita niya ang pinsan ng kanyang asawa na pigil-pigil ng mga tanod habang iginigiya sa direksiyon ng barangay mobile. Kaagad siyang bumaba mula sa kanyang motor at tinakbo ang loob ng bahay. Doon ay inabutan niya si Aling Linda na inaabutan ng maiinom na tubig ang kanyang asawa. “Adelyn…” aniya na kaagad nahinila ito at niyakap nang mahigpit nang makalapit. Isang mahigpit na yakap din ang naging ganti nito sa kanya. She buried her face on his chest and started crying. “I’m here now…” Banayad niyang hinaplos ang likod nito. Bagaman naroon na siya ay hindi pa rin kum
ANG malilikot na ilaw at mga halo-halong amoy ang sumalubong kay Jacob nang makapasok siya sa loob ng bistro. Medyo malaki na ang ipinagbago ng lugar sapul noong huli siyang magawi roon, at hindi na nga niya halos matandaan kung kailan. Oo, may mga bisyo siya noong tinalikuran niya para kay Adelyn hindi lang dahil sa pakiusap nito. Siya na mismo ang kusang tumigil bago pa man iyon ipakiusap sa kanya ng asawa. Nagdiretso siya sa may bar counter at naupo sa isang bakanteng stool. Ngingiti-ngiti pa siya nang bumaling sa direksiyon niya ang bartender nang gabing iyon. “Jacob, my boy!” magiliw na bati ng lalaki. Si Emil, isa sa malapit niyang kaibigan at siyang may-ari ng bistro. Kaagad itong nakipag-fistbump sa kanya at tila ba hindi pa ito nakontento roon dahil kinabig pa siya nito para sa isang mabilis na yakap. “Ang tagal mong hindi nagawi rito, ah.” “Well, alam mo na,” nakangising tugon niya. “Ikaw naman! Hindi naman dahil pupunta ka rito ibig sabihin babalik ka na sa luma mong buh
TUMITIBOK ang ulo ni Jacob nang magising siya nang umagang iyon. Pero imbis na ang loob ng kanilang silid mag-asawa ang bumungad sa kanya ay nakamulatan niyang nasa loob siya ng isang hindi pamilyar na kuwarto. Sapo ang ulo ay dahan-dahan siyang bumangon at naupo. Pilit niyang binalikan sa isip ang malalabong eksena kagabi bago siya tuluyang mawalan ng malay. Kaagad naming nagbalik sa alaala niya ang ilan sa mga iyon, lalo na ang pag-alis niya sa bistro ng kaibigan kasama si Lilibeth. At noon niya naalala ang sinabi nitong dadalhin siya sa bahay ng kanyang lolo. Nilisan ni Jacob ang kama at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga habang tinatahak ang direksiyon ng banyong kanugnog ng silid. Hindi niya naiwasang mapangiwa nang makita ang sarili. He looked wasted. Noon lang ulit niya nakita ang sarili sa ganoong estado. Umiiling na naghilamos na lamang siya ng mukha. Mayamaya pa ay magkakasunod na katok ang pumukaw sa kanya. Nagpunas siya ng mukha at kaagad na lumabas ng bany