TINAWAGAN ni Jacob ang assistant ng kanyang lolo noong nagdaang gabi at ipinaalam dito ang naging desisyon niya. Tinanggap niya ang posisyong ibinibigay nito sa El Nuevo Holdings para kay Adelyn. Sinabihan siya ni Anton na susunduin siya nito sa bahay para dalhin sa kompanya, ngunit tumanggi siya at sinabing siya na lang ang pupunta roon—nang palihim. Ayaw niyang malaman ni Adelyn ang tunay niyang pakay sa lugar na iyon… hindi pa sa ngayon.
“Nandito na tayo, Sir,” imporma ng taxi driver nang ihimpil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Kaagad siyang nagbayad at mabilis na umibis ng taxi.
Tiningala niya ang ilang palapag na building. Simula ngayon ay doon na iikot ang buhay niya. Hindi sigurado si Jacob kung magtatagumpay ba siya sa binabalak, pero sisiguraduhin niyang gagawin ang lahat para protektahan si Adelyn.
Papasok na siya ng entrance nang bigla siyang harangin ng guard.
“Sir, ano po ang pakay ninyo?” magalang na tanong ng guard sa kabila ng tinging ipinukol nito sa kanya.
Napatingin si Jacob sa sariling repleksiyon sa salaming dingding ng building. Maayos naman ang kanyang hitsura, malinis din. Iyon nga lang hindi siya nakadamit ng pormal kagaya ng mga taong naglalabas-pasok sa building.
“Ah…” Bigla niyang naalala ang sinabi ng assistant ng lolo niya kaninang umaga. “Meron akong appointment kay Sir Anton.”
“Ah. Kayo pala iyan, Sir.” Kaagad itong sumaludo na naging sanhi ng pagkailang niya. “Tuloy kayo, Sir.”
Ipinagbukas pa siya ng pinto ng guard. Napagtanto niya nang sandaling iyon na iba talaga ang nagagawa ng status ng isang tao sa lipunan basta mayroon itong kaakibat na yaman.
Pagdating ng lobby nagtagpo sila ng pinsan ni Adelyn, kasama nito ang nobyang kung makatingin sa kanya akala mo ay may nakakahawa siyang sakit. Bagaman alam niyang may pakay ito roon, hindi pa rin niya inaasahan na magkikita sila nang sandaling iyon.
“Well… well…” Neil pocketed his hands and walked toward him. “What are you doing here?”
“Nagpunta ako rito para sa trabaho. I have a job offer—”
“Aren’t you ashamed of yourself, Jacob?” kaagad namang segunda ng nobya nitong si Veronica. “You don’t belong in a place like this, can’t you see?”
Hindi niya pinansin ang sinabi ng mga ito at dumiretso na ng lakad. Pero hindi pa man siya ganap na nakakalayo sa mga ito ay nagsalita na naman si Neil.
“Yeah, right. Masyadong malaki ang building na ito, talagang kailangan nila ng maraming janitor.”
Magkasabay pang tumawa ang dalawa na nakapagpakulo ng dugo niya. Walang masama sa pagiging janitor. Masama lang talaga ang ugali ni Neil dahil walang mabuting bagay ang lumalabas mula sa bibig nito. Tuloy ay hindi na nakapagtimpi pa si Jacob at binalikan ito.
“You know… there’s nothing wrong with me!” asik ni Jacob saka marahas na itinulak ang lalaki.
“Don’t you dare get your filthy hands on my suit!” singhal nito na pinanlisikan pa siya ng mga mata. “Alam mo ba kung magkano ito? Ni hindi mo nga maibili ng masarap na pagkain si Adelyn—”
“Shut up!” Dinuro niya ang lalaki dala ng labis na galit. It shocked him as well. Hindi akalain ni Jacob na magagawa na niyang ilabas ang lahat ng galit niya. Siguro dahil batid niyang may magagawa na siya ngayon. “You know what… you will lose it this time, Neil.”
Nagtagis ang bagang nito. “What?”
“Kung ano man ang pakay mo sa lugar na ito alam kong importante iyon. Pero ito ang tandaan mo… hindi mo iyon makukuha!” aniya sa mababang tinig.
“And who do you think you are to say that?” nakangising saad ni Veronica. “Don’t act as if you have superpowers to predict the future. Una sa lahat, wala kang alam. So shut up!”
Jacob’s lip twitched.
“Mark my words,” aniya saka mabilis na tinungo ang elevator.
Bumukas ang mga pinto noon mayamaya at nakita niya sa loob si Anton na kaagad niyang ipinagpasalamat.
“Bumaba na ako para sunduin ka. What took you so long?”
Napahugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at nagbaling dito nang makalulan na siya ng elevator.
“May nakita lang akong mga kakilala sa lobby.”
“Sino?”
“Mga taong hindi na natin pa dapat pag-aksayahan ng oras.”
“O-oh.” Tumikhim si Anton. “Naghihintay na sa iyo si Lilibeth sa opisina niya.”
KAAGAD na iniwan ni Lilibeth ang ginagawa nito nang pumasok si Jacob sa opisina ng babae. Ito ang vice president ng El Nuevo Holdings. Ang sabi ng kanyang lolo, ito ang dating president, pero bumaba ito ng puwesto para sa kanya. Kung ano man ang rason nito para gawin ang bagay na iyon, hindi niya alam.
“Jacob?” tanong nito nang magkalapit na sila. Naglahad ito ng kamay na kaagad naman niyang tinanggap. “At last, we met. I didn’t expect that the new president was this young.”
Ngumiti ito at nagbaling kay Anton.
“Hindi ba nabanggit ni Don Juan na ang apo niya ang magiging bagong president ng El Nuevo Holdings?”
“Well…” Pinagsalikop ni Lilibeth ang mga kamay. “Ang buong akala ko ang anak ni Don Juan ang tinutukoy niya.”
“My father’s dead long ago,” singit ni Jacob.
“Oh… I’m sorry.”
Nagkibit lang siya ng balikat.
“I’ll go get something for you to drink,” ani Anton pagkatapos ay tinungo na ang pinto.
“Have a seat.” Lilibeth gestured to the couch.
Magkasabay silang nagtungo roon at naupo.
“I hope you don’t—”
“What? Hold a grudge against you?” tumatawang saad ni Lilibeth. “No, Jacob. Of course, I won’t. Noon pa lang ma-acquire ni Don Juan ang El Nuevo sinabi na kaagad niya sa akin na ang pagiging presidente ko ng kompanya ay pangsamantala lang.”
Kung ganoon, iyon pala ang dahilan kung bakit maluwag sa loob nito ang pagbaba sa puwesto.
“I’m glad to hear that.” He also felt relieved. “Ang totoo niyan kailangan ko ang tulong at gabay mo sa pagpapatakbo ng kompanya. This is… all new to me,” pag-amin niya.
“Yeah, I know.” Ngumiti si Lilibeth. “Don Juan gave me a heads-up last night. “At wala kang dapat na ipag-alala, Jacob. Everyone here is your friend and ally. Huwag ka ring mahihiyang magtanong kung kailangan mo ng tulong. I will help you in any way I can. Malaki ang utang na loob ko sa lolo mo at gusto kong maibalik iyon sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo.”
Her words warmed his heart. Naalala tuloy niya rito ang asawa. Palagi ring ganoon ang mga sinasabi sa kanya ni Adelyn para mapagaan ang loob niya.
Ilang sandali pa at bumalik na si Anton dala ang kape para sa kanila, subalit hindi ito nag-iisa. May kasama itong babaeng sa palagay niya ay secretary ni Lilibeth.
“Ma’am, naghihintay na po sa meeting room ang mga taga Wilson Firm.”
“Oh, right.” Nilingon siya ni Lilibeth. “Meron pa nga pala akong meeting—”
“You don’t have to go,” ani Jacob sa mababang tinig.
“What do you mean?”
He crossed his legs and leaned against his seat.
“El Nuevo Holdings won’t cooperate with Wilson Firm… hindi pa sa ngayon.”
Nakakunot ang noong tumitig sa kanya si Lilibeth.
“Since you’re the president of El Nuevo Holdings now, I’ll follow your order. Pero gusto kong malaman mo na isa ang Wilson Firm sa pinakamagaling sa industriya—”
“I’m aware of that.”
“By any chance… do you hold a grudge against them?” nakakunot ang noong tanong sa kanya ni Lilibeth.
“Let’s just say… I know them better,” aniya. Dinampot ni Jacob ang tasa ng kapeng lumalamig na at humigop.
“Fine.”
“Ah, and one more thing.”
“Ano iyon?”
“Hayaan mong ang secretary mo na lang ang magsabi sa kanila. May mas mahahalagang bagay pa tayong dapat pag-usapan.”
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e
NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na
WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a
ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin
WALANG sinayang na sandali si Jacob, umalis siya kaagad para makausap ang ama ni Adelyn nang makompirma niya kung ano ba talaga ang katotohanan. Pero dahil hind inga ito sumasagot sa mga tawag niya, hindi niya alam kung saan ito makikita. Para makasiguro, inuna na lang niyang puntahan building na pag-aari ng pamilya nito at hinanap ito sa opisina.“Hi,” bati niya sa receptionist. Bagaman asawa siya ni Adelyn hindi pa rin siya basta-basta nakakapasok doon dahil na rin sa kagagawan ng lola nito.“Yes, Sir?” nakangiting tugon sa kanya ng receptionist.“Nandiyan ba si Papa?” Bahagya siyang napangiwi nang marinig ang sarili na tinatawag itong ganoon. Hindi siya sanay dahil bibihirang pagkakataon na i-address niya ng ganoon ang kanyang father-in-law. “Baka p’wedeng pakitawagan ang office niya at pakisabing gusto siyang makausap ng manugang niya. Please, importante lang.”“Ah, wait a minute, Sir.”Kaagad naman nitong tinawagan ang opisina ng biyenan niya gamit ang intercom. Sinabi ng recepti
HINDI umuwi sa bahay si Adelyn nang nagdaang gabi dahil sinamahan nito ang kaibigan. Wala namang kaso iyon kay Jacob dahil alam naman niya kung nasaan ang asawa. Umaga na nang umuwi ito, eksaktong namang kadarating lang din niya galing sa pagja-jogging. Binigyan lang niya ito nang isang mabilis na hlik bilang pagbati dahil amoy pawis siya.Magkasabay naman silang pumanhik nito sa kanilang silid.“How’s Marie?” tanong niya nang makapasok sila sa banyo.Binuksan kaagad ni Adelyn ang gripo sa bathtub.“She caught her husband cheeting on her,” tugon nito habang naghuhubad ng gown.He helped him get rid of it.“That’s… foul. Kung titingnan mo mukhang ang ganda naman ng pagsasama nilang mag-asawa.” Npabuntong-hininga na lang si Jacob.“Matagal na pala niyang pinagdududahan si John.” Naglublob ang asawa niya sa bathtub.He decided to join her instead of going to the shower.“I guess a woman’s instinct is always right.”Bigla tuloy siyang kinabahan. Pinagdududahan na rin kaya siya ni Adelyn?
PUMASOK si Adelyn sa loob ng mansiyon para magpunta sa powder room, at nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa kanyang pinsan. Subalit sa kasamaang-palad nakasalubong naman niya ang fiancée ni Neil. Hindi na siya magtataka kung bakit naroon ito. They always come in pair.“Oh, hi, cousin!” nakangising bati sa kanya ni Veronica.Pakiramdam ni Adelyn mas lalong sumama ang timpla niya nang sandaling iyon. The audacity of this woman to call her that when they weren’t even close. Hindi pa nga ito naikakasal sa pinsan niya kaya wala pa itong karapatang tawagin siya noon.“Hi, Veronica,” walang ganang bati niya rito.Nilagpasan na niya ang babae, pero nakakailang hakbang pa lang si Adelyn nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso.“Sandali lang, Adelyn. Bakit naman aalis ka na kaagad ni hindi pa tayo nakakapag-usap.”Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay sa mukha nito.“I’m going to the powder room—”“Mas importante pa ba ang pagpunta mo sa po