KAAGAD namang nag-init ang mga pisngi ni Adelyn nang marinig ang sinabing iyon ng asawa. Of course, she knew what he meant by that. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil hindi pa rin naman siya pagod at wala pang balak matulog. Ang totoo nga, gusto niyang sulitin ang gabing iyon kasama ang kanyang asawa dahil kahit na nga sabihing nagsasama sila sa iisang bubong, mas lamang ang mga araw at oras na abala sila sa trabaho. Lalo na ngayon na mas abala si Adelyn sa project proposal na ginagawa at si Jacob naman ay nagsimula na ang bagong yugto ng career. Ah, siguro ay kailangan nilang matutunan kung paano balansehin ang trabaho at buhay nilang mag-asawa, lalong-lalo na siya. Kung si Jacob lang wala siyang masasabi dahil hindi naman nagkulang ito. Napangiti na lang si Adelyn nang pagsalikupin ni Jacob ang kanilang mga kamay at igiya siya nito pababa ng upper deck ng cruise ship. Pero hindi pa sila tuluyang nakakababa ng hagdan ay dumating sina Lilibeth at Anton. May dala pang bote ng whisky
HINDI na nakakain pa ng agahan si Adelyn dahil sa natanggap nitong balita. Nagbihis lang ito at humarap na sa cellphone at panay ang tawag at pakikipag-usap sa mga kapatid ng ama nito. Kahit hindi ito magsalita alam ni Jacob na iniisip nito ang kinakaharap na problema ng ama. Ganoon naman kabait na anak ang kanyang asawa, kahit pa ano ang sama ng maging trato ng mga kaanak ay wala itong baong masamang tinapay kanino man. Mayamaya pa ay lumabas siya ng kanilang cabin para hanapin si Anton. Hindi na siya nagpaalam sa asawa na lalabas dahil hindi niya gusto maabala pa ito. Hindi naman siya nahirapang hanapin si Anton dahil nasa may pool area ito kasama si Lilibeth. Maaga pa lang ay nagsasaya na ang dalawa sap ag-inom ng cocktail. Kaagad naman siyang kinawayan ni Lilibeth nang makita siya nitong papalapit. “Jacob!” nakangising bati sa kanya ni Anton nang ganap siyang makalapit sa pool. “Where’s Adelyn?” kaagad namang tanong ni Lilibeth. Lumangoy ito sa gilid ng pool para makalapit.
“ALL this time lulong ka sa casino, `Ma?” Nakita ni Jacob kung paano nagtagis ang panga ng kanyang asawa. Alam niyang galit ito sa mga nalaman tungkol sa mga magulang nito. Ngunit hindi niya magawang sumingit sa usapan ng mga ito. Bagaman asawa siya ni Adelyn, ito ang anak kaya wala siyang karapatan na magbitiw ng kahit anong komento ukol doon. Naroon lang siya para maging back-up o taga-awat sa kung ano man ang maaaring mangyari sa mga susunod na sandali. “`Ma, sagutin mo ako, ano ba?!” halos pasigaw na saad ni Adelyn. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niyang ganoon kalakas ang boses ng asawa. Mukhang naputol na ang pisi ng pasensiya nito. “Nagawa ko lang naman iyon dahil nai-stress na ako sa papa mo!” Bigla na lang humagulhol ng iyak ang ina nito. “Kung alam mo lang gaano ako nagsisisi na pinakasalan ko pa iyang ama mo!” “Saka na natin problemahin ang hiwalayan, p’wede?” anang papa ni Adelyn. “Ang kailangan nating intindihin ngayon ay kung paano maibabalik sa mga inv
JACOB tucked his wife to bed when they arrived home. Hindi siya pumayag na hindi ito makapagpahinga dahil alam naman niyang pagod na pagod ito sa biyahe pa lang nila. Adelyn barely slept and she needed rest more than anything. Ayaw niyang ma-compromise pa ng mga masasamang pangyayari ang kalusugan ng asawa niya. “Sleep now, Adelyn,” aniya rito matapos itong kumutan. Ginawaran pa niya si Adelyn ng mabilis na halik sa mga labi bago siya tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Subalit bago pa man siya makahakbang palayo rito ay nahagip na ng kanyang asawa ang laylayan ng damit niya. “Saan ka pupunta, Jacob?” tila batang paslit na tanong nito. Binabalak niyang kitain na ang kanyang lolo matapos maihatid sa bahay ang asawa niya. Gusto niyang kumilos na kaagad at nang matapos na ang problema nito. Pero hayun si Adelyn at pinipigilan pa siya. Naupo siyang muli sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi nito. “You need to rest, love. Pagod ka sa biyahe at wala kang tulog.” “Saan ka ng
“I’M home,” anunsiyo ni Jacob nang makapasok sa loob ng kanilang apartment. Nagtuloy siya kaagad sa kusina at inilagay sa freezer ang ice cream na binili niya na noon ay malapit nang matunaw. Mukhang nagising lang ang asawa niya pero hindi pa ito bumababa. Ibinaba lang niya sa kitchen counter ang ibang pinamili at nagtungo na sa kanilang kuwarto. Doon ay inabutan niya si Adelyn na nakaupo habang sapo ang noo. Ni hind inga rin nito napapansin na naroon na siya at nakasandig sa may doorframe. “Adelyn,” tawag niya rito na sinundan pa niya ng pagkatok sa pinto. Nakita niyang napaigtad pa ito dala ng pagkagulat. “O-o? Nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba?” Nilingon siya nito. Nagtuloy na sa pagpasok si Jacob at lumapit dito. Kaagad niyang sinapo ang noo ng asawa nang makaupo sa gilid ng kama. Normal naman ang temperatura nito nang sandaling iyon. “Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong niya. Inalis nito ang kamay niyang nakasapo sa noo nito at umiling. “Masakit lang ang u
“WAKE up, sleepy head!” Adelyn groaned when Jacob pulled the curtains to the side. “Come on, it’s Saturday.” Nagtalukbong ito ng kumot. “Wala namang pasok sa trabaho kaya hindi natin kailangang gumising nang maaga—Jacob!” Nakasimangot ito nang hilahin niya pababa ang kumot. “What?” “I’m naked.” “And so am I,” Jacob countered. “It’s cold!” Nakipaghilahan ito ng kumot sa kanya. “A warm bath will help you ease the cold. Bumangon ka na dahil may kikitain tayo.” “Sino?” nakakunot ang noong tanong nito. “Ang tatapos sa problema natin.” Nagtungo na si Jacob sa banyo at tumapat sa shower. Mayamaya pa naramdaman niyang yumakap si Adelyn sa kanya mula sa likuran. “Ah, Adelyn… this isn’t a good idea when we’re in a rush.” Inabot nito ang sabaon at nagsimula nang maligo. “Don’t worry, maliligo lang naman tayo.” Napailing na lang si Jacob. She was teasing him. Malamang na gumaganti ito sa kanya dahil sa sapilitan niyang pagpapabangon dito. “Anyway, give your father a call.” “Eh?”
NASA gitna ng isang importanteng meeting si Jacob, pero wala roon ang isip niya. Ni hindi nga niya naiintindihan kung ano ba ang mga sinasabi ni Lilibeth sa unahan nang sandaling iyon. Lipad ang utak niya sa kakaisip kung nagdududa na ba si Adelyn sa kanya. Hindi niya inaasahan ang komprontasyon nito sa pagtulong sa kanila ni Anton nang utusan niya itong magpaggap isang linggo na ang nakakaraan. Isa pa, napapansin niya na mula noon ay naging madalas na ang pagtatanong ng kanyang asawa tungkol sa mga bagay-bagay na dati ay hindi naman nito ginagawa. “Jacob?” Lilibeth slammed her hand on the table, making him flinch. “Jacob, are you with me?” Naipilig niya ang ulo pagkatapos ay nilingon ito. “Y-yeah.” Tumikhim siya at umayos sa pagkakaupo. “Kung gano’n, ano ang masasabi mo?” Pinagsalikop ni Lilibeth ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. “Masasabi about what?” Tumaas ang kilay nito. “See? You’re not with me,” umiiling na saad nito. “I’m sorry.” Humugot siya ng isang malalim na hininga.
NAGBIBIHIS si Jacob nang pumasok si Adelyn sa kanilang silid. Nauna na itong magbihis sa kanya at bumaba na sa kusina para ayusin ang mga dadalhin nilang pagkain sa mansiyon ng lola nito. Nagpatawag na naman kasi ng family dinner ang matanda at nagpresinta ang asawa niyang magdadala sila ng pagkain dahil gusto nitong i-celebrate ang pregnancy nito kasama ang pamilya. Hindi sana gusto iyon ni Jacob, pero hindi naman siya makahindi dahil ayaw niyang magdamdam pa si Adelyn sa kanya. Nilapitan siya ni Adelyn at tinulungan sa pagbobotones ng long sleeve polo niya. Hindi ito nagsasalita habang ginagawa iyon, pero nararamdaman niyang may gustong sabihin ang asawa. Hinuli niya ang mga kamay nito at magkasunod na hinalikan ang mga iyon. “What’s the matter?” “Sa tingin mo, maging maganda kaya ang reaksiyon nila kapag nalaman nilang may paparating na bagong miyembro ng pamilya? “Kung gano’n… nag-aalala ka pala sa sasabihin nila?” Gusto sana niya itong pigilan at nang hindi na sila tumuloy,