NEIL was getting impatient as the minutes passed. Kanina pa umalis ng meeting ang secretary ng president ng El Nuevo Holdings para sunduin ito sa opisina ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. Naiinis na niluwagan nito ang suot na necktie at marahas na nagbuga ng hangin.
“Hey,” alo naman kaagad ng nobya nitong si Veronica. Hinaplos nito ang braso ng binata at ngumiti. “Medyo busy lang siguro ang—”
“Busy?” He tapped his finger on his wristwatch. “Anong oras na? Hindi ba at sila mismo ang nag-set ng appointment na ito at sinabihan tayo na makipag-meeting sa kanila?”
Mayamaya ay bumukas ang pinto ng meeting room at pumasok ang secretary na kausap nito kanina. Pero laking dismaya ni Neil nang wala itong kasama. Naiinis itong napatayo at pinamaywangan ang babae.
“Mr. Wilson, I’m afraid to inform that we are no longer interested with the cooperation,” nakayuko ang ulong saad ng babae.
“What?!” Umalingawngaw ang tinig ni Neil sa apat na sulok ng meeting room. Hindi nito naiwasan ang mas lalong mainis nang maalala kung gaano katagal ang ipinaghintay nito roon. “Alam n’yo bang sinayang n’yo lang ang oras ko? Pinapunta n’yo pa ako rito para sabihin na hindi na matutuloy ang cooperation n’yo sa kompanya namin? At bakit? Bigyan mo ako ng mas matinong rason!”
“I’m sorry, Mr. Wilson, kung pinaghintay namin—”
“I want to see your boss! Right now!” anito at tinabig ang babae papunta sa gilid.
Hindi pa man nakakarating sa pinto si Neil ay pumasok na roon si Lilibeth.
“Hey, Lili,” nakangiting bati nito. Pinilit ni Neil ang sariling ngumiti sa kabila ng inis na nararamdaman. “I think there’s some misunderstanding here—”
“Misunderstanding?” Sinulyapan ni Lilibeth ang secretary nito. “What did you tell them, Stacey?”
“Sinabi ko po sa kanila na hindi na makikipag-cooperate ang El Nuevo Holdings,” malumanay namang tugon secretary ng babae.
“That’s right. Walang mali sa sinabi ni Stacey.” Humalukipkip si Lilibeth.
“What?!” Hindi makapaniwala si Neil. “Sa isang iglap nagbago na ang isip mo? This isn’t fair—”
“We don’t have a deal yet, Mr. Wilson. You’re here for the proposal—”
“Aren’t we usually do this proposal thing just for the formality—”
“Well, I’m afraid there are some changes here in the company.”
“Changes?” Nagtaas ng kilay si Neil.
“You’ll know it one of these days.” Tinapik ito ni Lilibeth sa braso saka iniwan.
Ilang sandali pang nakatunganga lang si Neil sa kawalan bago nakabawi. Nagdadabog na niligpit nito ang mga gamit at isinilid iyon sa bag.
“You’ll regret this, Lili,” nagbabantang saad niya. “Let’s go, Veronica!”
“Are we going to leave just like that?” tanong ng nobya nito.
“At sino’ng may sabing I’ll let this one slide?” Neil scoffed.
NAKATAYO si Jacob sa parking, sa tabi mismo ng sasakyan ni Neil. Bahagya siyang sumandig doon nang makitang papalapit na ito at ang nobya nitong halatang nag-aalala rito. Neil didn’t look pleased with the come out of his meeting. At alam niya kung bakit. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting tagumpay sa bagay na iyon.
Lalong hindi maipinta ang mukha ni Neil nang makita siya nitong nakasandig sa sasakyan. Iniabot nito ang attaché case sa nobya at walang anu-anong sinugod siya. Hinaklit nito ang kuwelyo ng damit niya at hinila siya palayo. Kaagad din naman siyang binitiwan nito na animo diring-diri itong mahawakan siya.
“Ikaw!” Dinuro siya nito. “Don’t you dare lean on my car again.”
Kaagad namang ininspeksiyon ni Veronica ang sasakyan ng nobyo ang nanlilisk ang mga matang nagbaling sa kanya.
“Wala akong ginagawang masama. Relax.” Nakangising itinaas ni Jacob ang mga kamay.
“Anong wala?” Neil gnashed his teeth. “Ikaw… alam mo ba kung ano ka? Isa kang malaking malas! Wala kang mabuting dulot sa buhay ni Adelyn! Alam mo bang dahil sa iyo minalas ako?!”
Gustong humalakhak ni Jacob nang sandaling iyon pero pinigilan niya ang sarili.
“At bakit mo naman nasabi iyan?”
“Hindi ko pa nakakalimutan kung ano ang sinabi mo sa akin sa lobby kanina!” asik nito na may kasama pang pagtulak.
“You jinxed him!” segunda naman ni Veronica sa sinabi ng nobyo.
“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi n’yo.” Kahit na ang totoo alam na alam niya kung ano ang ipinagpuputok ng butsi nito.
“Dahil sa iyo minalas ako sa deal namin!” Eksasperadong nagbuga ng hangin si Neil.
“Ako ba talaga ang may kasalanan kung bakit ka minalas?” ani Jacob sa mababang tinig. “O baka naman ikaw?”
“What?!” Naningkit ang mga mata nito.
“Hindi mo ba naisip na baka bumabalik na sa iyo ang lahat ng mga maling ginawa mo? Karma is a bitch, they say.” His lip twitched. “Akala mo ba hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo kay Adelyn?”
“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”
Humakbang siya palapit dito, pero nangurong naman ito.
“Gabi-gabing napupuyat ang asawa ko sa paggawa ng mga proposals at pagtapos ng mga projects na iniwan mong nakatiwangwang habang ikaw naman walang ginawa kundi ang maglakuwatsa at dumalo sa mga party kung saan-saan! Lahat ng pagod ng asawa ko nawawalan ng saysay because you keep taking credits!”
“I’m not taking credits!” tanggi nito. “Hindi ko naman kasalanan kung nagmamabait sa akin ang pinsan ko para s******p. Palibhasa alam ni Adelyn na ako ang paborito ni Lola!”
“Anong sabi mo? S********p?” Kumuyom ang mga kamay ni Jacob, handa nang suntukin si Neil nang mahagip ng kanyang paningin na papalapit na sa kanila ang assistant ng lolo niya.
“Jacob,” tawag ni Anton sa kanya.
Kaagad na nilingon niya ito nang makalapit.
“Ah, mukhang nakakuha ka nga ng trabaho rito. Driver?” nanunuyang saad ni Veronica pagkakita kay Anton.
Nilingon siya ni Anton at makalipas ang ilang sandali ay nagbalik ng tingin sa dalawa.
“Yes, he’s working here from now on. However, not as a driver,” paliwanag ni Anton.
“Ah, so janitor nga?” nakangising wika ni Neil. Hindi nawawala ang kaarogantehan nito.
Napabuntong-hininga na lang ang assistant ng lolo niya.
“Hindi. Jacob will work in the office.”
Kaagad na nanlaki ang mga mata ng magkasintahan sa narinig.
“H-how could that be?” hindi makapaniwalang tanong ni Veronica nang makabawi.
“Well… he passed our qualifications, and he looks promising for the job.”
Hindi maintindihan ng dalawa kung paano ngingiwi sa sinabing iyon ni Anton. Mukhang hindi naniniwala ang mga ito na may pag-asa siyang makapasok sa isang malaking kompanya kagaya ng El Nuevo Holdings. Kung alam lang ng mga ito na iyon pa lang ang simula ng maraming sorpresang hatid niya.
Akmang magsasalita pa sana si Neil nang biglang tumunog ang cellphone nito. Hindi na niya narinig pa kung sino ang tumawag dahil tinungo na nila ni Anton ang elevator at bumalik sa opisina.
Pagdating doon ay inabutan niya si Lilibeth na naghihintay sa kanya.
“Nagawa mo na ba ang isa pang pabor na hinihiling ko?” tanong ni Jacob nang maupo sa swivel chair. Isa-isa niyang binuklat ang mga folder na dinala roon ni Lilibeth at ng secretary nito.
“Yes. Naitawag ko na.”
“Good.” Nag-angat siya ng tingin. “Nakita ko kanina na meron pala tayong pending six-star hotel project na halos isang taon nang nakabinbin.”
“Ah, yes.” She sauntered toward his table. “Napatigil ang pag-aasikaso ng project dahil sa merger.”
“Let’s push the project forward. At gusto ko sanang i-award natin ang project sa Wilson Firm,” nakangiting sabi niya.
Kaagad na nangunot ang noo ni Lilibeth.
“Jacob, I… I can’t follow. Naglalaro ka ba o ano?”
“Paano kapag sinabi kong oo?”
“I… I really don’t know what to say.”
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Adelyn nang ipatawag siya ng kanyang lola sa opisina nito. Naroon ang pinsan niyang si Neil na mukhang takot na takot na nakatayo sa isang gilid.
“L-Lola, ipinatawag n’yo raw po ako—” Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi nang biglang ibinato ng matanda ang folder sa direksiyon niya. Nasalo niya iyon ngunit may mga nahulog pa ring papel mula roon na isa-isa niyang pinulot.
“Ang sabi ni Neil ikaw daw ang gumawa ng proposal?”
Namimilog ang mga matang nagbaling siya ng tingin sa pinsan. It was the first time he acknowledged her work. At mukhang alam na niya kung bakit. He wanted her to take the blame for whatever trouble he had caused.
“L-Lola—”
“Sagutin mo ang tanong ko, Adelyn!”
Napakislot siya sa lakas ng boses ng matanda. Boses pa lang nito ay talagang nakakatakot na.
“O-opo.” Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ng pinsan.
“Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Dahil sa iyo ni-reject ng El Nuevo Holdings and proposal!”
“You’ve offended them! How dare you!” segunda ni Neil.
“Dahil sa iyo malaking halaga ang nawala sa firm!” Dinampot ng lola niya ang pen holder at ibinato na naman iyon sa direksiyon niya.
Kumuyom ang mga kamay ni Adelyn. Galit na galit siya sa ginawa ng pinsan, pero sinikap niyang huwag maiyak sa harap ng mga ito.
“I’m sorry… Hindi na po maulit,” mababa ang tinig na hingi niya ng paumanhin.
“Get out!” anang lola niya.
Yakap ang folder, lumabas siya ng opisina at nagtuloy sa banyo. Doon ay umiyak siya nang umiyak hanggang sa medyo gumaan ang kanyang pakiramdam.
MABILIS na nagmulat ng mga mata si Jacob nang maramdamang wala na si Adelyn sa kanyang tabi. Mas nauuna siyang bumangon sa asawa tuwing umaga at isa iyon sa iilang pagkakataon na hindi na niya nagigisnan ito. Hindi niya maiwasang mag-isip na baka may problema ito. Kagabi ay natutulog na ito nang dumating siya at sa kalagitnaan nang gabi ay naalimpungatan siya at narinig itong umiiyak. At kapag sumasapit ang ganoong pagkakataon, mas pinipili ni Jacob na bigyan muna ng space ang asawa bago ito tanungin. Pababa na siya sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula roon si Adelyn. “Ang aga mo yatang nagising,” aniya at tuluyan nang nilisan ang kama. “Tumawag ang assistant ni Lola. She wants me to join them for breakfast.” Adelyn sauntered towards the vanity table. “Gusto mo bang sumama?” “Can I really come with you?” tanong niya habang naglalakad patungo sa banyo. “Baka mamaya sabihin na naman ng pamilya mo na nawalan sila ng gana—” “It’s not really a normal breakfas
NAGSIPAG-ALISAN na ang lahat, tanging si Jacob at ang asawang si Adelyn na lang ang naiwang nakaupo roon. Tahimik lang ang kanyang asawa at hindi nagsasalita kaya naman siya na mismo ang bumasag ng katahimikang iyon. “Adelyn…” He cupped his wife’s hand. Kaagad niyang naramdaman ang panlalamig noon at hindi na niya kailangan pang magtanong kung bakit. “Kinahabahan ka.” Noon nagbaling ng tingin ang asawa sa direksiyon niya. “At paanong hindi ako kakabahan sa lagay na ito, ha, Jacob?” Humugot ito ng hininga. “Hindi mo ba narinig kung ano ang sinabi ni Lola? If I failed to do this job the way she wants it to be done, I’m going to be fired. I’m going to lose everything! At alam mong kapag nangyari iyon, hindi lang ako ang maaapektuhan kundi maging ikaw din….” Batid niya kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ni Adelyn. Tama rin naman ito na malaki ang nakasalalay sa deal na iyon, kaya nga gagawin niya ang lahat para sa asawa. May kakayahan na siya ngayong protektahan at ilaban ang mga
MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Jacob. Malalim na ang gabi nang dumating siya sa bahay at tulog na tulog na ang kanyang asawa. Marami siyang bagay na inasikaso sa opisina, mga mahahalagang bagay sa negosyo na kailangan niyang matutunan. Hindi niya gustong magsinungaling sa asawa, ngunit napilitan siyang magpadala ng text message kay Adelyn na nagsasabing nasa ospital siya at binabantayan si Nanay Larissa dahil may mahalagang inasikaso si Lily sa shelter. Kaagad naman iyong naunawaan ng kanyang asawa. Nakahain na ang agahan at nakadulog na sa mesa si Adelyn nang sapitin niya ang kusina. May binabasa itong kung anong file habang umiinom ng kape. Kaagad namang nag-anagat ng tingin ang kanyang asawa nang maramdaman nito ang presensiya niya. “Good morning,” nakangiting bati niya at ginawaran ito ng halik sa mga labi bago naupo sa kanyang puwesto. “Mukhang hindi ka nakatulog nang maayos kagabi. Okay ka lang ba?” tanong ni Adelyn mayamaya. “Okay lang naman ako.” Nagsalin siya
NAPARAMI ang inom ni Adelyn, kaya naman halos hindi na ito makausap nang umuwi sila kinagabihan. Binuhat na rin niya ito papasok sa kanilang silid dahil mukhang hindi na nito magagawang maglakad nang hindi nadadapa. At hindi niya iyon inaasahan sa asawa ganoong balak pa nitong ipagpatuloy sana ang trabaho pagkauwi nila. Adelyn never got wasted like that. Bigla tuloy siyang napaisip kung stressed ba ito sa laki ng kinakaharap na responsibilidad. Nang sumapit ang umaga, tulog na tulog pa rin si Adelyn. Hindi na ito ginising pa ni Jacob dahil araw naman ng Linggo. Sinamantala na rin niya ang pagkakataong iyon upang makipagkita kay Don Juan. Hindi pa talaga siya handa sa muling paghaharap nilang iyon ng kanyang lolo, pero nang nagdaang gabi napagtanto niyang wala rin namang maidudulot na maganda kung iiwasan pa niya ang matanda. After all, there were some favors that he wanted to ask his grandfather. Mga bagay na mas makakabuti kung ito na lang ang gagawa para sa kanya. Sa ganoong paraan
GISING na si Adelyn nang makabalik sa bahay si Jacob. Pababa na ito sa hagdan nang maabutan niya. “O, saan ka galing?” nagtatakang tanong nito. Itinaas niya ang mga dalang supot. “Bumili ako ng tinapay pang-almusal. At ibinili na rin kita noong pangtanggal ng hangover doon sa Korean convenience store na nadaanan ko kanina,” aniya habang naglalakad patungo sa kusina. Kaagad namang sumunod ang asawa sa kanya. “Bread o cereal?” tanong niya kay Adelyn na kaagad na sumalampak sa silya. “Bread, please.” Minamasahe nito ang sentidong sa malamang ay sumasakit dahil sa natamo nitong hangover. Natatawang nagtungo siya sa likuran ng kanyang asawa at binigyan ito ng head massage. “Ah… this is good,” anas ni Adelyn habang nakapikit ang mga mata. “Bakit ka naman kasi uminom nang gano’n karami kahapon?” Hindi niya napigilan ang sariling hindi magtanong. At batid niyang mayamaya lang bubuwelta sa kanya ang asawa. “Kung may problema ka, alam mo namang p’wede kang magsabi sa akin….” “P-problem
“MASARAP naman, `di ba?” tanong ni Adelyn matapos nitong ipatikim sa kanya ang nilutong ulam. “Siyempre, basta ikaw ang nagluto masarap,” nakangiting tugon ni Jacob sa asawa at saka muling tumikim. “Nambobola ka lang yata, eh.” “Bakit ko naman gagawin iyon?” Kumunot ang kanyang noo. “Kailan kita binola, ha?” Pabirong sinundot niya ang tagiliran ng asawa na ikinakiliti naman nito. Adelyn squeaked, but immediately stopped when Lily walked into the kitchen. Hinampas siya nito sa braso at itinulak palayo. Hanggang ngayon nahihiya pa rin itong makita sila ng ibang tao na magkulitan gaya noon. Pero nasisiguro ni Jacob na kung nasa bahay sila at walang kasama, it might lead to something. “Ate, luto na ang sinigang,” anunsiyo ni Lily mayamaya. “Nagpaluto ako ng sinigang. Baka kasi hindi kumakain ng kare-kare ang mga bata,” ani Adelyn. “Ang mabuti pa maghayin na tayo. Sunduin mo na sa garden si Nanay Larissa, Jacob.” He did what he was told. Pagkatapos niyang maihatid ang ina-inahan sa
“DITO ka pa rin ba magtatrabaho sa bahay?” tanong ni Jacob habang magkasalo silang kumakain ng asawa ng agahan. “Yeah,” nakangiting tugon ni Adelyn. “Kaya hindi mo na ako kailangang ihatid pa sa office.” “Okay.” Mabilis niyang tinapos ang pagkain na mukhang ipinagtaka ng kanyang asawa dahil bahagyang kumunot ang noo nito. “Nagmamadali ka yata?” tanong ni Adelyn nang tumayo siya. Dinala ni Jacob ang pinagkainan sa lababo at hinugasan iyon. “Kailangan ko kasing umalis nang maaga,” tugon niya nang bumalik sa mesa. Ginawaran niya ang asawa ng isang mabilis na halik sa mga labi pagkatapos ay nagdiretso na palabas ng bahay. Papasakay na si Jacob ng kanyang motorsiklo nang biglang lumabas si Adelyn bitbit ang binalot niyang naiwan pala. “You forgot this,” anito. “Madaling-madali ka naman masyado.” Ito na ang nagsilid noon sa loob ng kanyang bag. “Sorry. Ayaw ko lang kasing mahuli dahil nagpapa-good shot ako sa boss ko.” “Sige na at baka nga mahuli ka pa.” Ilang sandali pa siyang n
NAPAKISLOT si Jacob nang bigla may tumapik sa kanya habang nag-aabang na bumukas ang mga pinto ng elevator. “H-hey,” aniya nang mabungaran si Lilibeth sa kanyang tabi. “Ikaw pala `yan.” “Parang nagulat ka yata. Ni hindi mo ba nakitang papalapit na ako?” anito. “I’m sorry.” Namulsa siya pagkatapos ay bumuntong hininga. “You look dashing with that suit, by the way,” nakangiting puri ni Lilibeth nang makalulan na sila ng elevator. “A-ah, thanks.” Hinagod niya pa ang suot na coat at necktie. “This is my wife’s gift.” “I see. You told her about the—” “Hindi pa.” Nilingon niya si Lilibeth. “Oh…” Isang tipid na ngiti ang ibinigay nito at hindi na muling umimik. Ilang sandali pa at bumukas na ang mga pinto ng elevator. Kaagad silang lumabas at nagtungo sa kanya-kanyang opisina. Pero hindi pa man nag-iinit ang upo ni Jacob ay heto na si Lilibeth bitbit ang mga folders. “Nakalimutan kong ibigay sa `yo ang mga ito. Noong isang araw pa nga pala ito ipinabibigay ni Don Juan.” Inilapag nit