NAGULAT pa ang kaibigan ni Jacob nang ihimpil niya ang motorsiklo niya sa tapat ng bahay nito. Kaagad namang bumangon si Zyrus mula sa pagkakahiga nito sa bench sa may garden at isinara ang binabasang libro bago nito tinungo ang mababang gate at pinagbuksan siya. “Dude, long time no see,” ani Zyrus na nakipagbungguang siko pa sa kanya. Ipinasok niya ang motor at sumama rito papasok sa loob ng bahay. “Kumusta na? Ang tagal na nating hindi nagkikita. Parang kasal n’yo pa yata ni Adelyn mula noong huli tayong nagkita, ah!” Iginiya siya ng kaibigan sa minibar nito sa isang sulok ng bahay. “Nabanggit sa akin ni Emil na napasyal ka raw sa bistro niya kamakailan. Hindi ko naman inaasahan na ako naman ang papasyalan mo ngayon.” Ngumit lang si Jacob at pinanood ito sa pagsasalin ng alak sa mga baso. “Napasyal ka. Anong balita?” Inabot niya ang isang baso at sinimsim ang laman noong whisky. “Heto.” Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Muntik na kaming mag-away ni Adelyn.” P
NAPABUNTONG-hininga na lang si Adelyn nang magsuka si Jacob sa loob ng sasakyan. Pero hindi naman niya magawang pagalitan ito nang sandaling iyon. Para ano pa gayung mukhang wala naman ito sa huwisyo. Bukas na lang siguro kapag inutusan niya itong maglinis ng sasakyan. After a few moments, Adelyn drove the car back home. Habang nasa biyahe ay natutulog lang ang asawa niya. Mukhang ang sarap ng tulog nito at kahit pa nga halos mahulog na ito sa pagkakaupo sa backseat ay hindi man lang ito nagigising. “Jacob,” gising niya rito nang sa wakas ay makarating na sila ng bahay. “We’re home…” Bumaba siya mula sa driver’s seat at pinuntahan ang asawa sa likod. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Nagising naman si Jacob at nakangiting tumingin sa kanya. “Adelyn…” Kakabigin pa sana siya nito para halikan, ngunit mabilis siyang umiwas. “No kissing until you’re clean,” aniya rito. Hinila niya palabas si Jacob. Mukha namang mas nasa huwisyo na ngayon ang asawa niya dahil nagagawa na nitong mag
MAAGANG gumising si Adelyn at naghanda para sa pagdalaw niya kay Nanay Larissa. Gusto niyang magtagal-tagal doon para mas marami silang oras na mag-usap. Paglabas niya ng bahay ay eksaktong namang pagdating ng sasakyan. Bumaba mula sa driver’s seat si Jacob at iniabot sa kanya ang susi. “I’ve cleaned the mess,” ngingiti-ngiting sabi nito. Dinala ng kanyang asawa ang kotse sa auto shop kung saan ito dating nagtatrabaho at ipinalinis ang nasukahan nito. Mukhang madaling-araw pa lang ay umalis na ito dahil naibalik nito kaagad ang kotse. “Mabuti naman naibalik mo kaagad ang sasakyan. Balak ko pa naman sana magbiyahe na lang papunta kina Nanay Larissa.” “Ihahatid na kita roon, tutal naman ay kukunin ko sa bahay ni Zyrus ang motor,” anito pagkatapos ay binawi na sa kanya ang susi. Hindi naman tumanggi pa si Adelyn, mabilis siyang nagtungo sa gawi ng passenger’s seat at lumulan doon. “Bakit nga pala bigla mo na lang naisip na magpunta kay Nanay?” tanong ni Jacob nang paandarin na nito
“JACOB!” Nilingon niya ang direksyion na pinanggalingan ng tinig at nakita niya si Lilibeth na tumatakbo mula sa elevator. “Are you leaving already?” tanong nito nang magpang-abot sila. “Oo. Natapos ko na rin naman kaagad ang pagpirma sa mga kailangang pirmahan. Bakit may ipapagawa ka pa ba?” “Ah, gano’n ba?” Sumagap ito ng hininga, mukhang hiningal sa ginawang pagtakbo kani-kanina lang. “Wala naman na akong ibang ipapagawa. Gusto ko lang sanang humingi ng pasensiya sa nagawa ko.” Kaagad na nangunot ang noo ni Jacob. “Pasensiya sa nagawa mong ano?” “Noong tumawag ako na si Adelyn ang nakasagot.” Lumalim ang kunot sa kanyang noo. “What happened, Lilibeth?” Hinawakan niya ang braso nito. “Well, it’s not really my fault, Jacob. Noong tinawagan kita hindi ko alam na hindi pala talaga ikaw ang kausap ko sa kabilang linya. Malay ko ba hindi naman nagsalita kaagad ang asawa mo,” paliwanag nito. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Please, Lilibeth, `wag ka nang
EXCITED si Jacob na madala si Adelyn sa mansiyon kung na magiging bago nilang tahanan na mag-asawa. Kaya naman dali-dali siyang umuwi. Pasipul-sipol pa siya nang makarating sa bahay. Nakaparada na sa labas ang sasakyan kaya nasisiguro ni Jacob na nakauwi na ang kanyang asawa. Kaagad niya itong tinawag nang makapasok sa bahay. “Adelyn… where are you, love?” magiliw na tawag niya rito. Sumulpot naman ito kaagad mula sa kusina na may hawak na isang basong tubig. “Ano iyon?” nakakunot ang noong tanong nito. Nakangiting lumapit si Jacob sa asawa at hinawakan ang kamay nito. “Pagod ka na ba?” Lumagok ito ng tubig na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya pagkatapos ay umiling. “Nakapagpahinga naman na ako pagkagaling kina Nanay. Ang totoo niyan kakagising ko lang. Bakit?” “Hayun!” Kinuha niya mula rito ang baso at ipinatong na lang iyon sa kalapit nilang estante. “Come with me.” Hinila niya ang asawa palabas ng bahay. “Sandali.” Bigla itong tumigil. Bumaling siya paharap dito. “Ang s
KAAGAD na nag-empake si Jacob nang makabalik silang mag-asawa ng apartment habang si Adelyn naman ay hindi muna kaagad nakaporma dahil okupado ang isip niya. Maraming tumatakbo roon nang sandaling iyon, mga bagay na hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin sa asawa. Kaya naman tangay-sunod lang siya sa mga sinasabi nito kahit na alam niyang mali na hayaan si Jacob na isiping okay lang ang lahat sa kanya. “Love,” mayamaya ay tawag sa kanya ng asawa nang mapansin nitong nakaupo lang siya sa gilid ng kama at pinapanood ito sa ginagawa. “Ano na? Hindi ka pa ba mag-eempake?” “I-iniisip ko pa kung ano-ano ang mga dadalhin ko.” Binitiwan ni Jacob ang hawk nitong damit at nilapitan siya. He framed her face with his hands and looked at her eyes. “Alam kong nabigla ka,” anito sa malambing na tinig. “Y-yeah.” Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinawakan ang palapulsuhan nito. “Puro ka na lang kasi sorpresa. Can you please slow down a little, Jacob? O siguro kung may natitira k
MASAYA si Adelyn sa pagdating ng mga kaibigan nila ni Jacob. Nakatulong ang pagkaaliw niya kasama ang mga ito para panandaliang makalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya. At least, she didn’t have to think about it for the time being. Kung maaari nga lang na pakiusapan niya ang mga itong huwag na lang munang magsiuwi. Pero siyempre, hindi naman iyong maaari dahil may kanya-kanya na ring pamilya ang mga kaibigan niya. Ang ilan pa nga sa mga ito ay may inaasikaso na ring mga anak na nagsisipag-aral na. “Aba, at talagang iniwan na tayo rito ng mga tukmol na iyon, ha.” Nagbaling ng tingin si Adelyn sa kaibigan niyang si Marie nang magsalita ito. Halos ilang oras na rin nang makatapos silang sabay-sabay na kumain ng hapunan. Niyaya ni Jacob ang mga asa-asawa ng mga ito na magpunta sa game room para maglaro ng billiard. “Boys will always be boys,” sabi naman ni Jackielyn. “Magpasalamat na lang tayo na hindi sila nagba-barhopping sa mga oras na ito at nagte-table ng mga babae.” “
KAAGAD na sinalubong si Jacob ng kanyang asawa pagpasok pa lang niya ng mansiyon. Kapwa sila walang pasok sa trabaho nang araw na iyon, ngunit umalis siya ng bahay dahil may kinailangan siyang asikasuhin. “Hey,” bati niya sa asawa. Ginawaran niya ito ng halik sa mga labi. “Where have you been?” tanong nito habang titig na titig sa kanya. Sa hitsura ni Adelyn nang sandaling iyon parang biglang gustong kabahan ni Jacob. Tila ba may kung ano siyang nababanaag sa mga mata ng kanyang asawa, pero ayaw naman nitong sabihin kung ano iyon. “I’m sorry kung hindi na ako nakapagpaalam kanina noong umalis ako. Tulog na tulog ka kasi at nag-alangan naman ako na gisingin ka—” “Jacob… ang tinatanong ko kung saan ka galing. Hindi ako naghahanap ng paliwanag kung bakit ka umalis.” Napapikit na lang siya nang mariin kapagdaka ay nagmulat. “M-may inayos lang akong importante sa office,” kalmado pa ring tugon niya. “Ah…” tumatango-tangong sabi ni Adelyn. Pero ramdam niyang tila hindi ito naniniwala