Share

Kabanata 26

KAAGAD namang nag-init ang mga pisngi ni Adelyn nang marinig ang sinabing iyon ng asawa. Of course, she knew what he meant by that. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil hindi pa rin naman siya pagod at wala pang balak matulog. Ang totoo nga, gusto niyang sulitin ang gabing iyon kasama ang kanyang asawa dahil kahit na nga sabihing nagsasama sila sa iisang bubong, mas lamang ang mga araw at oras na abala sila sa trabaho. Lalo na ngayon na mas abala si Adelyn sa project proposal na ginagawa at si Jacob naman ay nagsimula na ang bagong yugto ng career.

Ah, siguro ay kailangan nilang matutunan kung paano balansehin ang trabaho at buhay nilang mag-asawa, lalong-lalo na siya. Kung si Jacob lang wala siyang masasabi dahil hindi naman nagkulang ito.

Napangiti na lang si Adelyn nang pagsalikupin ni Jacob ang kanilang mga kamay at igiya siya nito pababa ng upper deck ng cruise ship. Pero hindi pa sila tuluyang nakakababa ng hagdan ay dumating sina Lilibeth at Anton. May dala pang bote ng whisky
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status