NAGSIPAG-ALISAN na ang lahat, tanging si Jacob at ang asawang si Adelyn na lang ang naiwang nakaupo roon. Tahimik lang ang kanyang asawa at hindi nagsasalita kaya naman siya na mismo ang bumasag ng katahimikang iyon.
“Adelyn…” He cupped his wife’s hand. Kaagad niyang naramdaman ang panlalamig noon at hindi na niya kailangan pang magtanong kung bakit. “Kinahabahan ka.”
Noon nagbaling ng tingin ang asawa sa direksiyon niya.
“At paanong hindi ako kakabahan sa lagay na ito, ha, Jacob?” Humugot ito ng hininga. “Hindi mo ba narinig kung ano ang sinabi ni Lola? If I fail to do this job the way she wants it to be done, I’m going to be fired. I’m going to lose everything! At alam mong kapag nangyari iyon, hindi lang ako ang maaapektuhan kundi maging ikaw din….”
Batid niya kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ni Adelyn. Tama rin naman ito na malaki ang nakasalalay sa deal na iyon, kaya nga gagawin niya ang lahat para sa asawa. May kakayahan na siya ngayong protektahan at ilaban ang mga karapatan nito. Iyon nga lang, hindi pa niya iyon masasabi rito sa ngayon.
Banayad niyang pinsil ang kamay ng asawa, umaasang sapat iyon upang kahit paano ay mapagaan ang nararamdaman nito.
“I have faith in you and your capabilities, love.” Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. “You can do this, Adelyn.”
“I… I’m really nervous, Jacob,” anang asawa niya sa mababang tinig. “Alam kong may kakayahan si Neil na makuha ang deal na iyon, pero ni-reject ng El Nuevo holdings ang proposal niya. Sa palagay mo ba talaga mailulusot ko ito?” Adelyn shook her head. “Perhaps you shouldn’t have done that—”
“Why are you so pessimists?”
Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamay nito.
“H-hindi mo kasi ako naiintindihan, Jacob.”
“At paanong hindi kita naiintindihan? I know your struggles. I’ve seen them—”
“Jacob, alam mong wala akong pakialam sa kahit anong hirap pa ang pagdaanan ko dahil alam kong parte iyon ng trabaho.”
“Pero sumosobra na sila. Lalong-lalo na ang pinsan mong si Neil!” Hindi niya naiwasan ang magtaas ng tinig. Labis ang nadarama niyang galit para sa binata at kahit pa yata ano ang gawin nito ay malabong mapatawad niya ang mga ginawa nito kay Adelyn. “He’s—”
“Oo, siguro nga minsan sumosobra na siya—sila. Pero, Jacob…” Malalim ang naging buntong-hininga nito. “That way alam kong hindi nanganganib ang posisyon ko sa kompanya. Do you even have an idea kung bakit walang ni isa ang nagpresinta na kunin ang project? Because they’re all waiting for me to bite the bait. And you did, Jacob!”
Napabutong-hininga na lang siya at napahilot sa sentido. Hindi na niya nagugustuhan ang tinatahak ng usapan nilang iyon. Mukhang ang project pa yatang iyon ang magiging dahilan ng pag-aaway nilang mag-asawa, at iyon ang pinakahuling bagay na nanaisin niya. Ngunit hindi na rin naman niya maaaring sabihin dito na umurong dahil kapag ginawa nito iyon ay tiyak na malilintikan pa rin ito sa lola nito.
Kinabig ni Jacob ang asawa at mabilis na hinalikan sa mga labi.
“Ang mabuti pa pumasok ka na sa trabaho. Marami ka pang dapat gawin para sa biggest break mo,” aniya na nilangkapan ng ngiti ang sinabi. He lightly pressed the tip of Adelyn’s chin afterward. “See you later at home.”
“At ikaw… pumasok ka na rin sa trabaho mo.”
“Hm.”
Magkasabay silang tumayo at nilisan ang mansiyon.
Hindi na nagpahatid pa si Adelyn sa opisina kaya naman kaagad na dumiretso si Jacob sa El Nuevo Holdings. Pagkaupo niya sa loob ng sariling opisina ay kaagad niyang ipinatawag si Lilibeth.
Ilang sandali pa ang lumipas at bumukas ang pinto ng opisina at pumasok na ang taong hinahanap niya.
“Jacob, gusto mo raw akong makausap?” ani Lilibeth nang sapitin nito ang harap ng mesa.
“Maupo ka.” He gestured on the chair.
“No, thanks. Anyway, ano ba ang pag-uusapan natin? Ipinapatawag din kasi ako ni Don Juan.”
Bahagyang napakunot ang kanyang noo, pero kaagad din iyong nawala. Kung ano man ang pag-uusapan nito at ng kanyang lolo hindi na niya nais pang panghimasukan iyon kung hindi naman makakaapekto sa mga personal niyang interes at plano.
Jacob cleared his throat. Iniwan niya ang swivel chair at naglakad palapit kay Lilibeth.
“Let me guess… we received a call from Wilson Firm, tama?” aniya.
Tumaas ang kilay ni Lilibeth.
“Yes, that’s right. I’m quite surprised na nakarating na sa iyo ang balita.”
“At ano ang naging sagot mo sa kanila?”
“Well…” Pinagsalikop nito ang mga braso. “Sinabi ko na pag-iisipan natin.”
“Hm… Bukas gusto kong sabihin mo sa kanila na tatanggapin natin ang panibagong project proposal mula sa kanila.”
“Sandali lang. Parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari at nagbago na kaagad ang isip mo? Hindi ba kahapon lang ay pina-reject mo ang proposal ni Neil—”
“Dahil hindi siya ang nararapat para sa project na ito,” giit niya.
“Kung gano’n bakit hindi ikaw ang personal na—”
“Hindi, Lilibeth. Ikaw ang gusto kong mamahala ng project na ito at humarap sa kanila. Magpapadala sila ng panibagong tao. Someone who’s more competent than Neil. Do me a favor… treat her right.”
“Give me a reason kung bakit ko kailangang pakitunguhan nang—”
“Dahil ang taong tinutukoy ko ay si Adelyn. Asawa ko siya.”
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Lilibeth matapos marinig ang sinabi niya.
“I-I… I didn’t expect that.”
Bahagya naman siyang natawa sa sinabi nito.
“Hindi mo ba inaasahan na may asawa na ako?”
“Hindi. Ang ibig kong sabihin…” Napakamot si Lilibeth sa baba. “Hindi ko akalain na ganoon na lang ang koneksiyon mo sa pamilyang iyon.”
At ganoon na lang din ang poot na nararamdaman niya para sa mga Wilson. Ah, kung hindi lang din talaga dahil kay Adelyn baka kung ano pang mas malalang bagay ang nagawa niya. Kulang pa ang pagpapahirap niya sa mga ito. Pero dadahan-dahanin iyon ni Jacob… mas gusto niyang namnamin ang tagumpay at mas magiging kapanapanabik ang mga bagay.
“Marami ka pang mga bagay na madidiskubre sa mga susunod na araw, Lilibeth,” aniya sa mababang tinig.
“Huwag kang magsalita ng ganyan, nae-excite ako,” biro naman nito na ikinatawa nilang dalawa. “Anyway, mukhang wala ka namang masyadong ginagawa.”
“Sinisimulan ko nang pag-aralan ang mga bagay-bagay dito sa kompanya. Bakit?”
“Ah, gano’n ba? Sasabihin ko sanang sumama ka sa akin sa pakikipagkita sa lolo mo.”
“Sa susunod na lang siguro ako dadalaw,” pagtanggi niya. “Mas mahalaga para sa akin ngayon ang matutunan ang mga dapat.”
Ipinagkibit-balikat lang ni Lilibeth ang sinabi niya at lumabas na ito ng opisina.
Wala pa sa tamang huwisyo si Jacob para muling harapin ang lolo niya. Nasisiguro niyang sa muli nilang pagkikita ay hindi na naman maiiwasang pag-usapan ang mga malulungkot na nangyari sa nakaraan. Bagaman sinisisi niya ito, hindi niya iyon gustong gawin nang paulit-ulit, lalo na ngayong mas una na sa prayoridad niya ang ikakabuti ng buhay nila ni Adelyn sa hinaharap. He would deal with his issues a little later.
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e
NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na
WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a
ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin