Share

CHAPTER 3

last update Terakhir Diperbarui: 2022-08-03 21:44:42

NANG MATAPOS ang aming klase sa naunang dalawang subject ay tumunog na ang bell, hudyat na recess time na.

“Girl tara na,” pag-aayaya ni Daphne sakin.

“Saan?”

“Naku! Edi sa cafeteria.”

“Alam ko naman pero bakit mag-aayaya ka pa e pupunta naman tayo doon. Tsk!”

Hindi na siya nagsalita subalit hinila na niya ako papuntang cafeteria. Ang hilig niya talagang manghila. Dahil sa tindi ng paghihila niya ay nakarating kami agad sa cafeteria. As usual maraming tao kaya pinili na lang naming umupo sa bakanteng table na ‘di kalayuan sa counter.

“Girl, wait lang tatawagan ko lang si Drake,” masiglang sabi niya. Hindi ko na nagawang magsalita nang nawala na siya ng parang bula. Saan naman kaya ‘yon susuot?

Si Drake ay boyfriend ni Daphne. Kahit nagtitimpi ako sa mga couples, siyempre exempted na sila Daphne kasi alam niyo na best friend ko siya ‘di ba? Pero tutol talaga ako noon sa relasyon nilang dalawa, bakit? Kasi alam kong sasaktan lang niya si Daphne in the near future.

Nangako naman si Drake sa akin at kay Daphne na hindi niya raw ito sasaktan. Maniniwala na ba ako sa kaniya? Pero nangako ako sa sarili ko na kapag nakita ko si Daphne na umiiyak dahil sa kaniya sisiguraduhin kong masasabunutan ko talaga si Drake. Ganoon ako ka-brutal.

Palinga-linga ako sa mga tao rito sa loob. Ilan sa kanila ay kilala ko na. May mga ilan din akong nakikita na bago, siguro mga transferee at new student sila. Isa na roon si Phillip.

Naningkit ang mga mata ko nang nakita kong nakatingin siya sa akin. Anong tinitingin niya rito? Ilang sandali pa ay dumating na si Daphne kasama ang boyfriend niyang si Drake na may dalang pagkain. Saan sila nakakuha nito?

“Girl, nandito na ang pagkain!” masiglang bungad niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Saan mo nakuha ‘yan? Baka dinekwat niyo ‘yan ha,” sabi ko at tinaasan niya lang ako ng kilay.

“Ano ka ba, Girl! Siyempre, binili namin ‘to rito ‘no!”

“Bakit kasama mo ‘yan?” patungkol ko roon sa lalaking kasama ni Daphne. Ngumisi pa ito. Putulan ko kaya ‘to ng ngipin?

“Hindi ka ba nasanay e palagi kaya natin siyang nakakasama tuwing break. Makalimutin ka na talaga,” pagbibiro niya.

“Kumain na kaya tayo,” iritadong sabi ko.

“Halika na babe,” pag-aayaya niya kay Drake. Umupo na rin si Drake sa tabi ni Daphn. Nasa tapat ko sila at ako lang mag-isang nakaupo rito. Napangiwi na lang ako sa tawagan nila.

Nagsimula na kaming kumain, tumagal ang ilang minutong pananahimik namin at nagpasya nang magsalita si Drake.

“Babe, alam mo bang naging kaibigan ko si Phillip Rosier?”

“Kailan pa?” tanong ng nobya niya.

“Kaibigan mo siya?” pasigaw kong tanong kay Drake. Nabitawan ko pa ang kinakain ko dahil sa gulat. Hindi ko na mapigilang hindi magtanong. Lahat ng tao rito ay napatingin na sa akin sa lakas ng pagkakatanong ko. Agad akong yumuko at napapikit kasi hiyang-hiya na ako.

“Oo, kaibigan ko siya. Bakit? Kilala mo siya?” tanong ni Drake sa akin.

Hindi ako sumagot.

“May hinding magandang nangyari sa kanila kanina at kahapon. Nakipag-agawan pa kasi sila sa iisang notebook kahapon tapos muntik nang masagasa ni Phillip itong si Leslie,” pagpapaliwanag ni Daphne kay Drake. Bahagya pa itong natawa. Anong nakakatawa?

"Ah nabanggit ka nga niya sa akin kanina.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

“Ano?” Sa ikalawang pagkakataon ay napalakas na naman ang pagkakatanong ko. Wala na akong pakialam kung may nakatingin na naman sa akin. Actually, kanina pa sila nakatingin sa akin.

“Pfft! Joke lang, Leslie. Ito naman umiinit na agad ang ulo.”

“Lalong iinit ang ulo ko kapag nagbiro ka pa!” bulyaw ko. Ayaw na ayaw ko na talaga marinig ang pangalan niya. Nakakainis siya!

Nagkwentuhan silang dalawa at tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanila. Naalarma lang ako nang may biglang tumunog na ringtone sa kung sino mang nagmamay-ari ng cellphone na ‘yon. Agad na tumayo si Drake

nang tumunog ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

“Babe nagyaya ang barkada na punta muna raw kami sa court. It is okay with you na sumama sa ako kanila?”

“Kasama ba si Phillip?” tanong ni Daphne at sumulyap pa siya sa akin. Ako yata ang trip nitong bruhang ‘to a. Inaasar ata ako nito e.

“Oo babe, kasama si Phillip,” diniinan pa ni Drake ang pagkakasabi niya sa pangalan ni Phillip. Kung iuntog ko kaya ang mga ulo nila sa mesa? Promise kahit saglit lang.

“Umalis ka na nga!” pagtataboy ko kay Drake. Ngumisi pa siya habang naglalakad palayo nang matapos niyang halikan si Daphne sa pisngi. Agad namang lumaki ang ngiti ni Daphne.

“Ang sweet ni Drake ‘no?” pang-aasar niya. Magsama silang dalawa!

“Sweet mo mukha mo.” Inirapan ko na lang siya.

Nagsimula na kaming lumabas ng cafeteria at papunta kami ng classroom ngayon. Maaga pa pero mas mabuti na iyon para hindi kami ma-late sa susunod naming klase.

“Girl tanong ko lang, bakit wala ka pang boyfriend?”

“Naku, sasaktan lang nila ako,” sabi ko.

“’Wag naman lahatin. Baka may ibang lalaki pa riyan na hindi ka sasaktan.”

“Naku wala na!” madiin kong sabi.

"Hindi natin alam. Tanong ko ulit, bakit hindi ka naniniwala sa forever at saka bakit palagi kang bitter sa mga magjowa?” dagdag niya at dito na ako napalingon sa kanya. Forever. Ang salitang kinamumuhian ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Officially Yours   CHAPTER 30

    Leslie's POVARAW ang lumipas mula nang pumunta sa bahay namin si Phillip. Nasauli ko na rin ang jacket niya pero agad niya ring binalik sa akin. Nagtaka nga ako kung bakit pero sabi niya akin na lang daw 'yon.Kahit kailan talaga 'yong lalaking 'yon.At araw rin ang lumipas nang naging busy ako sa trabaho ko sa Golden Empire. Ngayong linggo ata naging abala ako sa trabaho. Madaling araw na akong nakakauwi sa bahay at pagdating sa school ay puyat ako. Natutulog lang ako sa classroom at hindi na rin ako nakikinig sa mga tinuturo nila sa amin. Ngayon nga ay pasado alas diyes na ng gabi at nandito pa rin kami sa opisina. Todo xerox ako sa mga binibigay sa aking dokumento at mas dinoblehan ko na ang bilis ko kompara sa dati.Hindi pala madali ito.Sa ilang linggo kong pananalagi dito ay ngayon ko lang na-realize na hindi pala madali ang ginagawa dito sa kompanya. Kahit 'yong matataas na rango sa akin ay sobrang abala rin sa kanya-kanyang ginagawa. Sina Aira at Maecah ay hindi na bumibisi

  • Officially Yours   CHAPTER 29

    Leslie's POVMabilis lumipas ang mga araw at kahit ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan 'yong nangyari noong paghalik sa akin ni Rey. Kahit palagi niya akong nakakasalubong, ngingiti 'yon at para bang walang nangyaring paghalik sa akin 'yong tao. Palagi ring bumabagabag sa isip ko ang katanungang, may gusto rin kaya siya sa akin? Hindi mawala-wala sa isipan ko ang tanong na 'yan. Hindi na nga ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip nun. Sinong hindi magugulat na bigla ka na lang hinalikan nung tao at first kiss ko pa siya ah. "Leslie, ano pang ilalagay namin dito?" Tanong ng kagrupo kong si Ivan.Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho ngayon at kasalukuyan kaming nagdedesign sa assigned project namin dito sa bench ng school. At bilang leader nila (bobong leader to be exact haha), ako 'yong nagmamanage ng mga gagawin namin."Marami pa, hintayin muna natin si Phillip nasa kasi kanya 'yong pinapabili natin eh." Sagot ko. "Ang tagal naman ni Phillip," naiinip na tugon ni Jane, k

  • Officially Yours   CHAPTER 28

    Leslie's POV"ATE, kanino 'yong magarang cellphone na nasa kama mo?" Tanong sa akin ni Cholo habang nasa hapag kainan kami, naghahanda na para pumasok sa eskwela."Sa akin," sagot ko nang may sinusubong pagkain."Talaga?! Sa'yo 'yon?!""Ito naman, parang hindi ka makapaniwala ano?""Nasaan ba 'yong dating cellphone mo at saan mo nakuha 'yan? Sweldo niyo na ba kaya nakabili ka ng mamahaling cellphone?" Usisa niya."Nasira kasi kahapon 'yong luma. Ito naman," sabay pakita sa kanya nitong cellphone ko. "... bigay sa akin ng k-kaibigan ko, oo bigay niya hehe." Nauutal na sambit ko.Bakit ang hirap bigkasin ang salitang kaibigan?"Kaibigan mo? Si ate Daphne ba?""H-Hindi.""Eh sino?""B-Basta kaibigan ko," sambit ko dito at sabay inom ng tubig."Baka bigay ng boyfriend mo?" Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya.Huk!"A-Anong boyfriend ka dyan?! Ni wala nga akong boyfriend eh!" Nauubong sabi ko."Okay ka lang ba, Ate?""Ikaw ba naman ang gulatin at masamid, sa tingin mo okay lang ak

  • Officially Yours   CHAPTER 27

    Leslie's POVHindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa hawak ko. Hindi naman sa first time kong makahawak ng Iphone at hindi marunong gumamit nito pero iba kasi sa pakiramdam na may nagbigay nito sa akin.At sa tao pa na kinaiinisan ko.Hindi ako mapalagay. Tinitigan ko lamang ang ito at masusing pinagmasdan. Kasalukuyan akong nagpapa-photocopy nitong mga nakatambak na mga papeles at nanatiling nasa hawak ang atensyon ko.Tungkol doon sa inalok niyang kapalit, hindi na ako nag-atubiling tumanggi pa dahil kailangan ko rin ng panibagong magagamit na cellphone. Nung una, nagdalawang-isip ako sa magiging desisyon ko pero nakikita ko sa kanya ang sinseridad sa kanyang mga mata kaya pinagbigyan ko siya kahit labag sa pride ko.Lakas maka-pride 'no? Pride chicken, gusto mo?Napagdesisyunan kong buksan ang laman ng paper bag na hawak ko. Karton lang naman ang cellphone ang laman nito maliban sa...Ano 'to?May namataan itong isang papel at isang makapal na papel na sa tingin ko ay lalagya

  • Officially Yours   CHAPTER 26

    Leslie's POVNakakapagod!Sobrang nakakapagod!Unang gabi ko pa nga lang sa trabaho pero parang bibigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Biruin mo, buong gabi akong pinapapunta sa kung saan-saang floor ng mga nagpapautos sa akin. Tignan natin kung hindi bibigay ang katawan mo nun.Kaya ang ending, inaantok pa akong bumangon sa kama ko. Parang hinahatak ulit ako nito at pilit pinapabalik sa pagkakatulog. Pero kailangan kong magising ng maaga kasi may pasok pa ako.Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at hindi na ako nagulat sa itsura ko ngayon. Para akong multo na ngayon lang nagpakita dahil bagsak ang mga mata ko, sabog ang buhok, at kumikilos na parang patay.Panget ka na nga, mas pumanget ka pa ngayon.Bigla nalang nagising ang diwa ko nang may naalala ako. 'Yung lalaki kagabi sa may elevator!Bigla na lang kasi niya ako kinausap at ako naman ay nagulat sa paglitaw niya."We meet again."'Yan ang sinabi niya na hindi ko maintindihan. Ano daw? We meet again eh kagab—teka... n

  • Officially Yours   CHAPTER 25

    Leslie's POVNaalimpungatan ako ng gising at kitang kita ko ang sinag ng araw na dumapo sa katawan ko. Napagdesisyunan ko nang bumangon at gawin ang daily routine ko. Lunes na naman at papasok na ako sa school at pati na rin sa trabaho ko.Pagkauwi ko galing sa kompanya na pinag-apply-an ko ay doon ko din sinabi kina Mama at Papa na nag-apply ako sa nasabing kompanya. Nung una nagalit sila sa akin dahil nagsinungaling ako at hindi man lang ako nagsabi sa kanila kumbaga nagpadalos-dalos lang ako. Pero tinanggap na rin nila dahil gusto ko rin makatulong sa kanila at naiintindihan rin naman nila ang punto ko bilang mga magulang.Ang hindi ko lang maintindihan ay ang mga reaksyon nila. Imbis na galit ang dapat una kong makita, gulat ang kinalabasan. Bakit gulat na gulat sila nang banggitin ko 'yong kompanya? Dahil ba bihira lang sila tumanggap ng empleyado at nakatsamba lang ako? Hehe parang ganon na nga siguro 'yon.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at tingungo ang kus

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status