Share

CHAPTER 4

LUMAKI AKO na may paniniwalang, ang mga lalaki ay isa lamamg instrumento para saktan ang mga babae. Paano ko nasabi? Simple lang. Bitter lang akong tao.

Lahat kasi ng nakikita kong babae ay palagi silang umiiyak nang dahil lang sa isang lalaki. Kaya tutol ako sa mga nagmamahalan kasi naaawa na ako sa mga babaeng umiiyak. Hindi ko man na-experience ang magmahal sa isang lalaki pero nakikita ko kasi kung paano nila saktan ang mga babae.

Hindi ko makakalimutan ‘yong babaeng umiiyak sa isang food chain. Lalo no’ng sinabi niya ang dahilan ng pag-iyak niya. Doon na ako naging bitter. Hindi ko na rin pinaniniwalaan ang salitang forever mula no’ng araw na iyon.

[FLASHBACK]

Naglalakad ako pauwi ng bahay kasi ginabi na ako ng uwi. Habang naglalakad ako sa tapat ng isang food chain ay may nakita akong babaeng umiiyak sa labas ng food chain. Wala nang tao food chain kasi sarado na ito.

Nakaupo siya sa sahig habang umiiyak. Anong nangyari sa kanya? Nanakawan? Naglayas?

Kaya hindi ko na mapigilang lumapit sa kanya. Katulad din sa kaniya, umupo rin ako sa sahig katabi siya.

“Anong problema mo? Bakit ka umiiyak?” tanong ko. Parang parehas lang kami ng edad. 15 pa lang kasi ako.

“Ah wala,” sabi niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang 'wala'. Halata kasi sa itsura niya na may problema siya.

“Nanakawan ka ba miss? Naglayas ka ba?” sunod-sunod na tanong ko.

“Hindi ako nanakawan. Hindi rin ako naglayas sa amin,” sagot niya.

Kung gano’n, ano ang problema niya?

“Alam mo kung away pamilya ‘yan, ‘wag kang magalit sa kanila kasi sila ang pinakamagandang regalo na binigay sa ‘yo ng diyos,” sabi ko.

“Hindi naman away pamilya ang problema ko.”

“Ano nga?” pag-uulit ko.

“Boyfriend,” simpleng sagot niya.

“Ano? Boyfriend?” gulat na tanong ko. “Ilang taon ka na ba?"

“15.”

“15? Ang bata mo pa para magkaroon ng boyfriend. Alam ba ‘to ng pamilya mo?” tanong ko.

“Hindi.” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Baka bahain pa rito dahil sa tindi ng iyak niya.

“Bakit ka umiiyak kung boyfriend mo ang problema? Nag-ayaw kayo ‘no?” tanong ko ulit.

“Niloko kasi niya ako.”

“Niloko?” Napatayo ako sa sinabi niya.

“Shhh ‘wag kang maingay,” sita niya.

“Bakit ka niloko? Ang mga lalaki nga naman talaga oh!”

“Kasi nakita ko siyang may kasamang babae,” Dahil sa sinabi niya ay mas lalong humagugol ang babae.

“Tahan na,” pag-a-alo ko sa kaniya. “Nagawa ba niyang mag-explain sa ‘yo?”

“Sinabi niya lang sa akin na siya raw ang mahal niya at hindi ako.”

Ano kamo? Nagpipigil na ako ng emosyon dahil baka bigla na lang ako sumabog dahil sa galit. Bwisit na lalaking ‘yon!

Sana hindi masarap ang ulam niyo ngayon!

“Bwisit pala siya eh! Alam mo bang may iba siyang mahal bukod sa 'yo?”

“Oo,” sagot niya.

“Tanga ka pala eh,” sabi ko.

“Oo na, tanga na ako. Sobrang tanga tanga ko!” Humagugol pa rin siya. Kaya hindi ko na mapigilang yumakap sa kanya.

“Tahan na, wala ka namang kasalanan eh. Nagmahal ka lang pero sa maling lalaki nga lang.” Pagco-comfort ko sa kaniya. Kawawa naman siya. Nagmahal na nga, niloko pa. Pambihira.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang yaka namin ang isa’t-isa. Kumalas na ako sa yakap niya dahil sobrang basa na ng uniform ko.

“Ako nga pala si Leslie,” pagpapakilala ko. “Ikaw, ano’ng pangalan mo?” tanong ko sa kanya.

“Daphne, Daphne Martinez.”

“Nice meeting you, Daphne.” Bahagya akong ngumiti sa kaniya.

“Nice meeting you, too.” May sumilay na ngiti sa mga labi niya kaya mas nilakihan ko pa ang ngiti ko. Tumigil na rin ito sa pag-iyak.

“’Wag ka nang umiyak. Baka pumangit ka, maganda ka pa naman,” pagbibiro ko na siyang ikinatawa niya.

“Hindi na.” She smiled.

“Promise?”

“Promise.”

“Promise mo rin sa akin na magmo-move on ka na,” sabi ko. Sandali siyang natahimik at ilang sandali pa ay sumagot na rin siya.

“Susubukan ko.”

“’Wag mong subukan, gawin mo.” Ngumiti lang ako sa kaniya.

“Uhm Leslie, can we be friends?” tanong niya. Mukhang nahihiya pa siya.

“Oo naman,” sabi ko. Niyakap niya ako ulit at mas mahigpit na ito kumpara kanina.

“Salamat, Leslie ha kasi nandyan ka para damayan ako sa problema ko,” she said in between our hug.

“Ano ka ba wala ‘yon ‘no!”

Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay namin at nakwento ko rin sa kaniya ang pagiging couple hater ko. Nagulat pa nga siya eh. Sa Huntsburg Academy pala siya nag-aaral, hindi ko lang siya nakikita roon kasi palagi lang akong nasa classroom at nag-aaral.

Hanggang sa maalala ko kung anong oras na.

“Sh*t! Patay ako nito!” natatrantang sambit ko.

“Bakit?” tanong niya.

“Gabi na, malilintikan ako kay Mama nito,” kinakabahang sabi ko.

“Naku umuwi ka na Leslie,” sabi niya.

“Paano ka?”

“Okay lang ako “no! Uuwi na rin ako.” Ngumiti lang siya sa akin.

“Sige alis na ako, Daphne. Kita na lang tayo sa school bukas!" paalam ko.

“Sige!” sabi niya bago ako tuluyang umalis.

Naabutan ako ng sermon pag-uwi ko.

[END OF FLASHBACK]

Si Daphne na makita ko lamang sa labas ng isang food chain na umiiyak ay naging matalik ko nang kaibigan hanggang ngayon.

Dahil doon ay nagsimula na akong magtimpi sa mga couples na nakikita ko. Ang mga lalaki talaga ang dahilan kung bakit ako bitter. Patuloy lang nilang sinasaktan ang mga babae.

Natigil ang pag-iisip ko nang tinanong ulit ako ni Daphne.

“Girl, ano na?”

“Mahabang kwento,” nasabi ko na lang.

“Ano ba yan!” pagmamaktol niya.

“Manahimik ka na nga.”

“Psh!”

Tuluyan na kaming pumasok sa classroom. Bakit parang inaantok pa ako? Matutulog na lang ako.

“Leslie! Leslie! Bangon na uwian na oy!”

“Inaantok pa ako Daphne,” inaantok na sabi ko.

“Gusto mo bang maiwan dito mag-isa?” tanong niya.

Wala na akong magawa kundi bumangon. Kainis!

“Halika na.” Hinila na niya ako palabas ng classroom.

Nakarating na kami sa mismong parking lot ng school dahil sa kakahila niya. Bakit ang hilig-hilig niyang manghila?

Nagpaalam na ako sa kanya at siya naman ay nagpaalam na rin. Naglakad na rin ako papunta sa labasan at habang naglalakad ako pauwi ay ramdam kong parang may sumusunod sa akin.

Sino naman kaya ito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status