MINSAN may mga bagay talaga na kaya mong paghirapan para sa pamilya mo. Kahit nakakapagod man basta may dedikasyon ka, wala kang mararamdamang pagod.Palagi kong inisip ang pamilya ko kahit nasa CR ako iniisip ko pa rin sila. Ganyan ako ka-family oriented. Sabihin na lang natin na pasaway ako minsan pero matulungin naman ako hehe. Para sa pamilya mo, gagawin mo pa rin kahit may hahadlang sa ‘yo. Iniisip ko, paano kung wala ang mga magulang ko ngayon, may Leslie Magtrano pa ba ang magtatanggol sa mga babaeng sinaktan? Ang corny ng iniisip ko ‘no?Nagpapasalamat ako at may pamilya pa ako, ‘yong iba nga riyan wala ng pamilya. May pamilya akong palaging masaya kahit may problema silang hinaharap. Hayy buhay!Kumakain ako ng banana cue ngayon kasi palagi ko itong kinakain kapag nandito ako sa palengke. Marami kang mapagpipilian dito, may fish ball, kwek-kwek, taho, turon at marami pang iba. Lahat ng nabanggit ay paborito ko lahat. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa isang sasakyan n
ANG MGA MAGULANG natin ay parang pari kasi pwede tayong kumausap sa kanila tungkol sa mga problema natin sa buhay.Para sa akin, mahalaga ang pamilya ko. Sila ang karamay ko sa lahat ng bagay. May kaibigan man ako na pwedeng magbigay ng magpayo sa akin pero iba pa rin talaga pagdating sa pamilya.“Anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil ‘yan lang ang kaya naming ipamana sayo” sabi ni Mama. Si Papa naman ay nagpaalam na kasi kailangan niyang mag-CR. Uminit na ang mata ko, alam ko na tutulo na rin ang mga luha ko.“Alam niyo naman na ginagawa ko ito para sa inyo, Ma.” Kusa nang nagsituluan ang mga luha ko. Pagdating sa masinsinang usapan tungkol sa pamilya ay nagiging emosyonal ako.“Alam naman natin na mahirap lang tayo pero walang masamang mangarap ‘di ba anak?”“May kasibihan nga na ang mahihirap ay maraming pangarap kaya fight lang ng fight!” sabi ko habang nangingibabaw pa rin ang luha. Napatingin sa akin si Mama at tila nag-aalala siya.“Oh bakit ka umiiyak?” tanong niya.“Ah w
MAAGA akong nagising hindi dahil excited ako o ano. Basta, maaga lang akong nagising. Naligo na agad ako matapos kong bumangon sa kama. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas na ng kwarto.“Oh anak, ang aga mo naman atang nagising,” sabi ni Mama nang maabutan ko siyang nagluluto ng agahan.“Ayoko ma-late e.”Nagsimula na akong magmedyas at magsapatos. Tamad kasi akong magsapatos kapag tapos na akong maligo kaya sa sala na ako nagsasapatos."Kumain ka na anak,” pag-aaya sa akin ni Mama at pumunta na ako sa kusina.“Giniling ba yan, Ma?”“Oo anak, kasi nakapag-grocery ako kahapon kaya naisipang kong bumili ng giniling. Gusto mo bang ibaon ito?”“Sige Ma, alam mo namang paborito ko ‘yan,” sabi ko.“Ma, nasaan po si ate? Wala po kasi siya sa kwarto niya kanina,” tanong ni Cholo“Kumakain na ang ate mo,” sagot ni Mama sa kaniya.“Bakit mo ako hinahanap?" ako naman ang nagtanong.“Wala.”“Kumain ka na rito Cholo baka ma-late ka pa,” pagsasabat ni Mama at naupo na rin siya. Sinim
“HINDI pa rin ako makapaniwala sa paglapit niya kay Phillip. Tch!” kwento sa akin ni Daphne habang nagpipindot sa cellphone niya.“Paki ko?” walang pakialam na tanong ko.“Kahit kailan talaga ‘yang si Nicole nakakairita!”“Wala na tayo roon,” sabi ko.“Basta yuck! Nakakasuka siya!”Natawa na lang ako. Ewan ko ba sa babaeng ito, kung ano-ano ang sinasabi. Biglang pumasok si Ma’am Angeles kaya nagsipasok na ang iba kong kaklase na nasa labas kanina.“Okay class we will have an arrangement of seats now,” anunsyo ni Ma’am.“Ma’am naman!”“’Wag na po Ma’am!”“Kontento na po kami rito!” Protesta nila.“No buts class that’s final!” may diin na sagot ni Ma’am sa mga nagmamaktol kong kaklase.“Sorry I’m late.”Napalingon ako sa nagsalita.Hanggang ngayon ba naman late pa rin siya? Tss.“Late ka na naman Rosier! Saan ka ba nanggaling?” tanong ni Ma’am kay Phillip.“Edi sa kalandian niya, saan pa ba?” mahina pero mariin na sabi ni Daphne sa tabi ko.“Manahimik ka nga,” mahinang sita ko. Napangus
“OH! Long time no see, Leslie,” ani Nicole. Hindi ako nagsalita at naglakad na lang saka ko siya nilagpasan. “Kinakausap pa kita!” Saktong pagdaan ko ay hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako.“Wala ako sa mood para makipag-daldalan sa ‘yo kaya please padaanin mo na kami.”“Sorry, pero ako meron.”Umigting na ang bagang ko sa inasta niya. Heto na naman po tayo.“Kumusta na pala ang negosyo niyong parating nilalangaw?” tanong niya. Tumawa pa ang mga alipores niya at mga tao rito sa paligid namin.Ayaw na ayaw ko ‘yong pinag-uusapan nila ang tungkol sa pamilya ko o anong mang kinalaman sa pamilya ko. Sinusubukan niya talaga ako a!“Okay lang naman, hindi kagaya sa ‘yo na paglalandi lang ang alam.”“Anong sabi mo?” gulat na sambit niya. Pati ang mga alipores niya ay nagulat din sa sinabi ko. Halata ang pagkainis sa mukha niya. I smiled secretly.“Bingi ka ba? Gusto mo ulitin ko pa?” “Akalain mo ‘yong dating binully ay ngayon marunong nang lumaban.” Tumawa siya. “Nagbago na ang
“This is what you call the seismograph.” Pinakita ng teacher namin sa science ang picture na naglalaman ng seismograph. “The seismograph is the machine that is to measure the pattern of an earthquake,” dagdag niya.“Wala naman akong naintindihan e,” bulong ng nasa kaliwa ko. Hindi ko na kailangang sabihin kung sino iyon kasi kumukulo na talaga ang dugo ko sa kaniya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon muli ang atensyon ko kay Ma’am Angeles. Siya kasi ang science teacher namin.“The study of earthquakes and the waves they create is called seismology, from the Greek seismos, to shake. Scientists who study earthquakes are called seismologists.”Nanatili lang akong nakikinig sa discussion at heto namang katabi kong si Rey ay tahimik lang din. Ang gwapo niya, lalo na kapag seryoso siya.Lumipas ang oras nang magbigay si Ma’am ng test sa amin.“Leslie alam mo ba ang sagot nito? Naguguluhan kasi ako sa choices e,” sabi ni Rey na nakaturo ang daliri sa libro.“Letter A ang sagot dyan,” s
PHILLIP'S P.O.V.“LESLIE, alam mo ba ang sagot nito? Naguguluhan kasi ako sa choices e,” sabi ni Rey na nakaturo ang daliri sa libro. Napatingin naman ako sa tinuro niya at sakto naman na iyon ang sinasagutan ko ngayon.“Letter A ang sagot dyan,” sabi ni Leslie.“Ah gano’n ba sige salamat.”“Walang anuman.”Nagtuloy-tuloy lang sila sa pagsagot at ako naman ay naghihirap na. Badtrip!Nang matapos kong sumagot ay pinasa ko kay Ma’am Angeles ang papel ko at nagkataong nakabasay ko si Leslie.“Ito na po, Ma’am/Here’s my paper, Ma’am,” sabay naming sambit. Agad naman siyang tinutukso ng best friend niya ngayon dahil sa pangyayaring iyon. Best friend nga ba? Basta wala akong pakialam sa kanila.Nang makaupo siya ay nag-aasaran pa sila ni Daphne. Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nila. Akala nila sa akin, chismoso?At nang makaharap siya ay nagulat na lang ako sa inasta ko. Bigla ko siyang nilapitan at bahagyang inilapait ang mukha ko sa mukha niya! Pati siya ay nagulat sa ginawa ko.Sh*t
“SORRY am I late?” usal ko nang makapasok ako sa classroom ko.Iginala ko muna ang paningin ko at nahigip ng mga mata ko ang isang babae na uupo sana pero tumayo ulit siya. Pamilyar ka sakin ah?“Ikaw na naman?” gulat naming sambit.Siya! Siya yung sinusubukang umagaw ng notebook ko kahapon sa bookstore namin! Siya rin ‘yong muntik ko nang masagasaan kanina sa daan. Akalain mo ‘yon naging kaklase ko pa siya?“Do you know him, Miss Magtrano?” tanong ni Ma’am sa kaniya.“Naku hindi po” umiiling sa sagot niya at saka siya umupo. Nakita ko naman siyang nakikipag-uusap sa katabi niya.“Come in and introduce yourself,” sabi ni Ma’am Angeles.Sinimulan ko nang maglakad papunta sa gitna at ang mga babae naman dito ay biglang nag-ingay dahil sa kakatili nila.“Keep quiet!” sita ni Ma’m na siyang nakapagpatahimik ng mga babae rito sa loob.“Good morning everyone, I’m Phillip Rosier and I’m 18 years old,” pagpapakilala ko.“What is your motto in life?” tanong ni Ma’am. Motto? Wala akong alam sa