Share

CHAPTER 23

Leslie's POV

GABI na nang maabutan ko sina mama at papa na nakaupo sa upuan at mukhang problemado dahil sa sinapit kanina lamang.

"Oh, nariyan ka na pala anak," bungad sa akin ni mama at napalingon naman sa akin si papa.

"Halina't maghapunan na tayo," saad naman ni papa.

"Wala po akong gana." usal ko dire-diretsong naglakad papasok ng bahay.

"Anak, alam namin na nasaktan ka sa nangyari kanina at hindi lang ikaw, kami rin ng papa mo. Ang maaari lang nating gawin ngayon ay tanggapin ang nangyari. Hindi na maibabalik ang nasira na, anak." puna ni mama.

"Naintindihan ko naman po pero sobra na po ang ginawa nila." napayuko na lang ako.

"Alam namin, pero nangyari na ang nangyari," si papa naman ang nagsalita.

"Kaya anak, 'wag ka nang magtampo sa amin ng tatay mo. Pati na rin kami nasasaktan dahil sa ginawa mong paglayo."

"Pasensya na po."

"Kumain na tayo anak," nagmamakaawang aya ni Mama.

"Busog pa po talaga ko 'Ma, kayo na lang po. Mauna na po ako," tinalikuran ko na sila at tinungo ang k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status