LOGINSoleia POVPagkabukas pa lang, agad kong nakita ang pagbabago sa mukha niya.Awang-awa ang tingin niya sa akin.“Soleia?!”Ngumiti ako kahit hinihingal pa rin.“Hello!”“Anong ginagawa mo rito?”Nagulat ako. “Dinalhan ngani kita ng pagkain.”“Sa ganitong panahon?”Napatingin siya sa malakas na ulan sa likuran ko bago muling ibinalik ang tingin sa akin.“Bakit ka nagpunta rito? Hindi mo ba nakikita kung gaano kalakas ang ulan?”Parang galit na galit pa siya sa akin.Napakunot ang noo ko. “Eh, nag-aalala ako sa iyo.”“Pero hindi ibig sabihin nun kailangan mong suungin ang ulan! Paano kung may nangyari sa iyo habang naglalakad ka rito?”“May kapote naman ako.”“Hindi iyon ang punto, Soleia!”Napatahimik ako. Hindi ko akalaing pagsasabihan niya ako nang ganoon. Akala ko nga matutuwa siya dahil dinalhan ko siya ng hapunan. Pero mukhang mas inalala pa niya ang pagpunta ko kaysa sa pagkaing dala ko.“Pasensiya na,” sabi ko na lang.Napabuntong-hininga siya at saka umatras upang bigyan ako ng
Soleia POVAlas siyete na ng gabi pero hindi pa rin humuhupa ang ulan. Kanina pa ako nakatayo sa may bintana habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos nito. Kanina ko pa hinihintay na tumila kahit kaunti man lang, pero parang lalo pang lumalakas. Paminsan-minsan ay may kasabay pang malalakas na kulog na nagpapayanig sa paligid.Napakunot ang noo ko.Nasaan na kaya siya?Alam kong umalis siya ng clinic nang alas singko, pero baka hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi dahil sa lakas ng ulan. Naka-motor pa naman iyon. Hindi naman puwedeng basta-basta siyang bumiyahe sa ganitong panahon.Napabuntong-hininga ako. “Baka gutom na iyon.”Muli akong sumilip sa labas. Wala akong nakitang anumang senyales na hihina ang ulan. Ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada ay halos hindi na makita dahil sa lakas ng buhos ng tubig. Naalala ko tuloy na may niluto akong paksiw na manok para sa kaniya. Kanina ko pa iyon inihahanda. Excited pa naman akong ipatikim sa kaniya dahil siya mismo ang nag-
Zenjiro POVNakasukbit na sa balikat ko ang bag ko at hawak ko na rin ang susi ng motor nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sa labas ng clinic.“Seriously?”Napahinto ako sa may pintuan at napatingin sa kalangitan. Kanina lang ay maaliwalas pa ang panahon. May kaunting ulap, pero hindi naman mukhang uulan. Kaya hindi na ako nagdala ng kapote o payong dahil ang akala ko ay makakauwi ako nang walang aberya.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng clinic habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Parang may bagyo!Napakamot ako sa ulo. Paano ako makakauwi nito? Naka-motor pa naman ako. Kahit magdala ako ng payong, wala rin akong magagawa dahil tiyak na mababasa pa rin ang kalahati ng katawan ko. Ayokong umuwi nang basang-basa, lalo na at malamig ang panahon.Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng clinic.“Maghihintay na lang muna ako,” bulong ko sa sarili.Isinara ko ang pintuan at iniwan ang mga susi sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay nagtungo a
Zenjiro POVWala nang tao sa clinic ko nang matapos kong asikasuhin ang huling medical record ng pasyente ko.Napatingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon. Medyo marami ang naging pasyente ko ngayong araw, pero mabuti na lang at wala namang seryosong kaso. Karamihan ay mga batang may lagnat, sipon, at ubo lang.Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at isinara ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga bagong message ba galing sa mga emergency patient. May ilang notification mula sa mga magulang ng pasyente, pero wala namang kailangang sagutin ka agad.Nang maisilid ko na ang mga gamit ko sa bag, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.Aurelia is calling...Video call pa, kaya dali-dali ko iyong sinagot.“Hello, baby!” Agad na bumungad sa screen ang magandang mukha ng girlfriend ko. Nasa loob siya ng ospital at mukhang nasa nurse station. Nakasuot siya ng puting uniporme, may nakasabi
Soleia POVNakakainis kasi ang dami ng tao nang makarating ako sa tapat ng sikat na bilihan ng inihaw na manok dito sa Savaya Town.Pagkababa ko pa lang ng tricycle, agad kong napansin ang napakahabang pila sa labas ng tindahan. Halos umabot na sa gilid ng kalsada ang mga taong naghihintay. May mga pamilyang bibili ng ulam, may mga naka-motor na halatang pauwi na galing trabaho, at mayroon ding mga kagaya kong nagmamadaling makabili bago maubusan.Napangiwi ako. Naku! Ang haba naman ng pila! Sumilip ako sa loob ng tindahan. Nakita kong abala ang mga empleyado sa paglalagay ng bagong ihaw na manok sa mga lalagyan. Mabango ang amoy ng litson na manok, lalo na kapag naaamoy mo ang timpla ng marinade at ang usok mula sa ihawan.Pero hindi iyon ang pangunahing problema ko.Si Zenjiro! Tiyak na malapit na siyang umuwi mula sa clinic niya, at kung magtatagal pa ako rito, baka maabutan niya akong wala pa sa bahay. Gusto ko sanang maihanda ang hapunan bago siya dumating.Iyon ang request niya
Soleia POVAlas tres na ng hapon nang magising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Akala ko ay nananaginip pa ako. Akala ko sa pinapanuod ko kanina sa TV ko. Pero hindi kasi totoong nanggagaling sa labas ang ingay na iyon.“Delivery! Hello! May tao ba diyan? Hi, kanina pa po ako rito, yohoooo!!”Kasabay niyon ang sunod-sunod na pagpindot sa busina ng motor. Napaka-ingay. Napangiwi ako at pilit na dinilat ang mga mata. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Katatapos ko lang ding managinip nang bigla akong ginising ng kung sinong napakaingay sa labas.Nakakabulaho na rin siya ng ingay sa mga kapitbahay.“Delivery po! May delivery! May tao po ba diyan? Hello po!”Napabuntong-hininga ako. Sino ba naman ang nag-order? Wala namang nabanggit sa akin si Zenjiro na may parcel siyang parating? Kung sa kaniya ito, malalagot talaga siya sa akin. Panira siya ng tulog.Bumangon na ako mula sa kama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Hindi ko na rin pinag-abalahan pang magpalit ng damit dahil pantulog l







