LOGINSoleia POV
Hindi pa kami tapos mag-usap ng lola ko. Nag-enjoy rin kasi akong makipag-usap kay Lola Celia. Siyempre, topic namin si Zenjiro kaya nasa mood akong makinig at makipag-usap sa kaniya.
“Matino siyang binata. Magalang din. Doctor pa ‘yan.”
“Doctor po?”
“Oo. Pediatrician siya. Doctor ng mga batang lalaki. Kaya nga madalas siyang abala sa clinic niya.”
Napataas ang kilay ko. Pediatrician pala? Kaya pala may identification siyang nakasabit sa bag kanina.
“At alam mo ba, single pa iyon!”
Napangiti ako nang hindi sinasadya. Iyon ang pinaka-hinihintay kong marinig sa kaniya. Jackpot. Lalo akong natuwang mag-stay dito sa bahay.
Pero sa totoo lang, iba na rin ang kutob ko kay Lola. Pakiramdam ko kasi ay parang binubugaw niya ako kay Zenjiro.
Pero, bet ko naman, laban ako dito.
“Really po?”
“Matagal na raw walang girlfriend. Hindi ko nga alam kung bakit hindi na siya nagso-syota ngayon. Guwapo naman, cute, matino at may magandang trabaho.”
Okay lang iyon. May hinihintay siguro siya. Baka nga dumating na ang babaeng para sa kaniya. Nandito na nga ata siya. Nasa tabi-tabi lang. Ang clue ay maganda, sexy at magaling magluto, kaya doon siya mag-ready. Kukuhin ko ang loob niya sa mga masasarap kong iluluto.
“Lola!”
“Oh?”
“You’re so updated sa buhay niya!”
Natawa rin siya. “Aba, siyempre! Mabait na tenant iyon. Natural lang na malaman ko ang mga nangyayari sa buhay niya.”
“Even his relationship status?”
“Of course!”
Napailing ako habang nakangiti. Grabe talaga ang lola ko. Akala ko ba ang itatanong niya ay kung kumusta ang biyahe ko? Bakit parang mas marami pa siyang alam tungkol sa lalaking umuupa sa bahay namin kaysa sa akin?
“At saka, apo,” dagdag niya, “huwag mo namang awayin. Baka hindi ka niyan pansinin kapag kailangan mo ng tulong.”
Napangiwi ako.
“He’s the one who started it!”
“Well, pareho na kayong mag-sorry.”
“Fine, Lola.”
“Good girl. Magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap ulit.”
“Okay. I love you, Lola.”
“I love you too, apo. Enjoy your vacation!”
Pagkababa ko ng tawag, napahiga ako sa kama.
Tumingin ako sa kisame habang iniisip ang mga sinabi ni Lola Celia.
Cute. Matino. Single. Pediatrician. Parang kumpleto na ang background information ng lalaking iyon.
Hay, naku. Alam na alam talaga ni Lola kung anong kailangan ko. Nung tumawag ako sa kaniya last, last night na umiiyak dahil sa kalasingan, heto, bigla na lang niyang sinabing magbakasyon ako dito. Kunyari pa siyang nakalimutang sabihin na may lalaki rito, pero ang totoo, sinadya niyang magkagulatan kami ni Zenjiro.
At halata naman si Lola na gusto niyang magka-close kami ng lalaking iyon.
Pero, pahinga na muna talaga ako sa pakikipagrelasyon. Tama na muna ang ilang pakikipagrelasyon na puro ang sama ng ending.
Pero malalaman pa rin. Medyo kakaiba nga kasi itong si Zenjiro. Parang malilibang talaga ako nang husto sa kaniya.
Pero, ang mahalaga, makapagbakasyon ako nang maayos. Wala na rin akong dapat pang ipag-alala dahil mabait naman daw ang lalaking iyon.
Buong Mayo ang balak kong pag-stay rito. Iyon ang plano ko bago pa dumating ang lalaking iyon sa eksena.
Bakasyon, ibig sabihin ay walang trabaho, walang pressure, walang mga taong kailangang pakisamahan kung hindi ko gusto.
At higit sa lahat, walang lalaki!
Iyon ang talaga pinakaplano ko. Dahil hindi naman ako umuwi rito para maghanap ng bagong pagkakaabalahan.
Umuwi ako para magpahinga. Para mag-move on. Para tuluyang makalimutan ang isang taong nagparamdam sa akin na hindi ako sapat kahit ibinigay ko naman ang lahat.
Napabuntong-hininga ako. Ayokong balikan ang nangyari. Ayokong alalahanin kung paano ako naniwala sa mga pangako, kung paano ako nagtiwala, at kung paano ako iniwan na parang wala lang ang lahat ng pinagsamahan namin.
I promised myself that I would never be that foolish again.
Hindi na ako magiging marupok. Hindi na ako basta-basta maniniwala sa matatamis na salita ng kahit sinong lalaki. At lalong hindi na ako magpapadala sa itsura.
Kaya lang, biglang sumulpot sa isip ko ang mukha ni Zenjiro.
Ang matangkad niyang pangangatawan. Ang maayos niyang buhok. Ang mukha niyang halatang guwapo kahit nakakunot ang noo dahil sa galit. Pati ang boses niyang malalim habang sinisigawan ako kanina.
Napapikit ako.
Damn it! Isama pa ‘yung malaking bagay sa ibaba niya na pinakita sa akin kanina, ang lala talaga.
Hindi ba puwedeng ordinaryong tenant lang na walang anumang kaakit-akit sa paningin ko ang makakasama ko rito?
Bakit kasi ang aga ata akong binigyan ni Lord nang bagong kasiyahan ulit?
Tahimik na bahay lang sana, e, pero iba, may bonus pala. Ang dadatnan ko pa talaga sa bahay na ito ay isang cute na doktor, tapos single pa.
Umupo ako sa kama at hinila ang unan papunta sa dibdib ko.
May naisip kasi akong plano. Gusto kong magre-branding. Kung dati ay seryoso ako palaging magmahal. Iyong tipong matino talaga sa harap ng nagiging jowa ko. Mahinhin, matalino, at masipag. Iyong tipong ang akala nila ay wala akong kadaldalan sa pagkatao o pagiging kalog. Ganoon ako palagi sa mga nakakarelasyon ko.
Na naisip kong parang hindi tama. Kasi nung ganoon ako, parang mas hindi pa ata ako siniseryoso. Dapat atang samahan ng kaunting pagiging negative. I mean, dapat luke, baliw, kalog at m*****g na rin siguro.
Napagtanto ko, boring din ata ako sa kama. Kapag may nangyayari sa amin ng nagiging boyfriend ko, wala akong maisip na gawin. Kumbaga, palagi akong nahihiya kapag ganoon na ang nangyayari. Naalala ko rin ngayon ‘yung sabi nang naging first boyfriend ko. Napaka-boring ko raw sa kama. Wala raw akong alam na gawin kundi mahiga lang at bumukaka. Hindi manlang daw ako sanay mangromansa. Hindi nga, hindi ako sanay.
Ngayon, parang alam ko na tuloy kung anong problema sa akin. Sweet naman ako at mabait palagi na girlfriend, pero ang problema, ayon, boring ako sa kama.
Napatayo ako bigla. Humarap ako sa salamin at doon tumitig. “Boring ka sa kama, Soleia, boring. Iyon ang problema mo kaya ka iniiwan ng mga lalaki,” sabi ko sa sarili ko habang napapaluha na naman.
Grabe, tanga ko sa part na iyon. Panay ang isip ko sa kung anong mali sa akin, pero iyon lang pala. Late ko na rin napagtanto. Sobrang late na.
Tama nga ang naisip kong magre-branding na. Sa susunod na may lumandi sa akin, mag-a-upgrade na ako. Sige, kung ganoon pala ang sikreto para tumagal ang relasyon, ilalaban at pag-aaralan ko nang maging magaling sa kama.
Zenjiro POVNakasukbit na sa balikat ko ang bag ko at hawak ko na rin ang susi ng motor nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sa labas ng clinic.“Seriously?”Napahinto ako sa may pintuan at napatingin sa kalangitan. Kanina lang ay maaliwalas pa ang panahon. May kaunting ulap, pero hindi naman mukhang uulan. Kaya hindi na ako nagdala ng kapote o payong dahil ang akala ko ay makakauwi ako nang walang aberya.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng clinic habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Parang may bagyo!Napakamot ako sa ulo. Paano ako makakauwi nito? Naka-motor pa naman ako. Kahit magdala ako ng payong, wala rin akong magagawa dahil tiyak na mababasa pa rin ang kalahati ng katawan ko. Ayokong umuwi nang basang-basa, lalo na at malamig ang panahon.Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng clinic.“Maghihintay na lang muna ako,” bulong ko sa sarili.Isinara ko ang pintuan at iniwan ang mga susi sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay nagtungo a
Zenjiro POVWala nang tao sa clinic ko nang matapos kong asikasuhin ang huling medical record ng pasyente ko.Napatingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon. Medyo marami ang naging pasyente ko ngayong araw, pero mabuti na lang at wala namang seryosong kaso. Karamihan ay mga batang may lagnat, sipon, at ubo lang.Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at isinara ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga bagong message ba galing sa mga emergency patient. May ilang notification mula sa mga magulang ng pasyente, pero wala namang kailangang sagutin ka agad.Nang maisilid ko na ang mga gamit ko sa bag, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.Aurelia is calling...Video call pa, kaya dali-dali ko iyong sinagot.“Hello, baby!” Agad na bumungad sa screen ang magandang mukha ng girlfriend ko. Nasa loob siya ng ospital at mukhang nasa nurse station. Nakasuot siya ng puting uniporme, may nakasabi
Soleia POVNakakainis kasi ang dami ng tao nang makarating ako sa tapat ng sikat na bilihan ng inihaw na manok dito sa Savaya Town.Pagkababa ko pa lang ng tricycle, agad kong napansin ang napakahabang pila sa labas ng tindahan. Halos umabot na sa gilid ng kalsada ang mga taong naghihintay. May mga pamilyang bibili ng ulam, may mga naka-motor na halatang pauwi na galing trabaho, at mayroon ding mga kagaya kong nagmamadaling makabili bago maubusan.Napangiwi ako. Naku! Ang haba naman ng pila! Sumilip ako sa loob ng tindahan. Nakita kong abala ang mga empleyado sa paglalagay ng bagong ihaw na manok sa mga lalagyan. Mabango ang amoy ng litson na manok, lalo na kapag naaamoy mo ang timpla ng marinade at ang usok mula sa ihawan.Pero hindi iyon ang pangunahing problema ko.Si Zenjiro! Tiyak na malapit na siyang umuwi mula sa clinic niya, at kung magtatagal pa ako rito, baka maabutan niya akong wala pa sa bahay. Gusto ko sanang maihanda ang hapunan bago siya dumating.Iyon ang request niya
Soleia POVAlas tres na ng hapon nang magising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Akala ko ay nananaginip pa ako. Akala ko sa pinapanuod ko kanina sa TV ko. Pero hindi kasi totoong nanggagaling sa labas ang ingay na iyon.“Delivery! Hello! May tao ba diyan? Hi, kanina pa po ako rito, yohoooo!!”Kasabay niyon ang sunod-sunod na pagpindot sa busina ng motor. Napaka-ingay. Napangiwi ako at pilit na dinilat ang mga mata. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Katatapos ko lang ding managinip nang bigla akong ginising ng kung sinong napakaingay sa labas.Nakakabulaho na rin siya ng ingay sa mga kapitbahay.“Delivery po! May delivery! May tao po ba diyan? Hello po!”Napabuntong-hininga ako. Sino ba naman ang nag-order? Wala namang nabanggit sa akin si Zenjiro na may parcel siyang parating? Kung sa kaniya ito, malalagot talaga siya sa akin. Panira siya ng tulog.Bumangon na ako mula sa kama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Hindi ko na rin pinag-abalahan pang magpalit ng damit dahil pantulog l
Soleia POVHabang kumakain kami ni Zenjiro ng tanghalian, hindi ko maiwasang mapansin na parang sanay na sanay na siyang makatanggap ng kung anu-anong pagkain mula sa mga pasyente niya.Kanina pa kasi ako nakikinig sa mga kuwento niya tungkol sa clinic. May mga batang nagpapatingin, may mga magulang na kung anu-anong tanong ang itinatanong, at mayroon ding mga nanay na nagdadala ng pagkain bilang pasasalamat daw sa kaniya.Napaisip tuloy ako.“Zenjiro.” Napatingin siya sa akin habang nagsasandok ng sabaw.“Oh?”“Totoo bang maraming nagdadala sa ‘yo ng pagkain sa clinic o mga order mo iyon?”Natawa siya sa tinanong ko. Alam ko naman na kasi kung ano ‘yung totoo. Wala lang, gusto ko lang makausap siya habang nandito pa. “Oo. Bakit?”“Anong mga pagkain?”“Kung anu-ano. Minsan cake, minsan tinapay, may mga nagdadala rin ng prutas. May mga nanay na nagluluto pa ng ulam at ipinapadala sa clinic.”Napataas ang kilay ko. “Wow! Ang dami naman pala talaga.”Napakamot pa siya bigla sa ulo. Ewan
Soleia POVPagkauwi ko sa bahay, hindi ko maiwasang mapasimangot habang isinasara ang gate.Nakakainis! Sobrang nakakainis!Nag-effort pa naman akong pumunta doon, tapos ganoon lang mapapala ko.Pinauwi lang ako at sinabihan pang hindi pambatang pagamutan iyon!Ganoon lang?Wala man lang tanong kung gaano kasakit ang ulo ko? Hindi man lang nag-alok na tingnan ako? Hindi man lang nagsabing magpahinga muna ako sa clinic niya?Pambata nga ang clinic niya, pero doktor pa rin naman siya! Hindi ba puwedeng bigyan niya ako ng gamot doon?Napailing ako habang naglalakad papasok sa bahay.Pogidok nga pero ang cold naman pala kapag nandoon na sa clinic niya.Pagdating ko sa sala, ibinaba ko ang dala kong bag sa sofa. Nasayang lang ang dala-dala kong tinolang manok at kanin.Pagkatapos ay dumiretso ako sa dining area para uminom ng tubig. Naupo ako sa silya at sumandal.Ano ba naman kasi ang inaasahan ko?Hindi naman kami magkasintahan. Hindi niya obligasyong alagaan ako o mag-alala sa akin. Is







