LOGINSoleia POV
Alas-siyete na ng gabi nang bigla akong magising dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kuwarto ko.
Napangiwi ako at dahan-dahang dinilat ang mga mata.
Who the hell?
Nakahiga pa ako nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa labas ng bedroom ko.
“Miss Soleia?”
Napakunot ang noo ko. Si Zenjiro?
“Soleia, tulog ka ba?”
Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa bedside table. Alas-siyete na pala ng gabi nun. Nakatulog ako kanina sa kakaisip nang kung ano-ano. Hindi ko namalayang nakatulog ako nang ilang oras matapos kong mag-ayos din ng mga gamit.
Bumangon ako at inayos ang gusot kong buhok. Pagkatapos ay mabilis ko ring inayos ang suot kong pambahay bago lumapit sa p***o.
Sandali pa akong huminto nun kasi hindi puwedeng basta-basta kong bubuksan ang p***o nang nakangiti. Hindi rin puwedeng ipakita kong natutuwa akong siya ang kumakatok ngayon sa pintuan ng kuwarto ko.
Remember, Soleia. Masungit muna, bawal maging kalog. Seryoso muna ang atake mo sa kaniya.
Kaya naman inayos ko ang mukha ko at pinilit na sumimangot. Bahagya ko pang kinunot ang noo bago ko tuluyang binuksan ang p***o.
“Ano?” cold kong tanong.
Nakatayo sa harapan ko si Zenjiro. Nakasuot siya ng simpleng itim na T-shirt at gray na pajama pants. Medyo magulo ang buhok niya, at mukhang katatapos lang din niyang mag-asikaso ng kung ano sa kusina.
Napatingin ako sandali sa mukha niya.
Tang-ina, cute talaga, e. singkit rin pala ang mata niya. Tapos, hindi ko malaman kung mukha siyang Koreano o chinese, basta, parang halo.
“Good evening,” bati niya. Ngumiti pa ito, lalo tuloy naging cute.
“What do you need?”
Nakita kong medyo napataas ang kilay niya. Ramdam na ramdam pa rin siguro niya ‘yung kunyaring pagiging cold ko. Sorry, Zenjiro, ganito muna ako. Kailangan ko munang makilala ka pa ng husto bago mo malasap ang kabaitan at magiging mabait ko. Yes, kasama na rin ito sa pagbabago ko siguro.
“Dinner.”
Kunyari ay nagulat pa ako. “Anong dinner?”
“Kumain ka na ba?”
Umiling ako. “Not yet.”
“Good. Naghanda ako ng hapunan. May niluto akong adobong manok, baka gusto mo akong sabayan na?”
Ay, shit! Adobong manok? Para bang lalong nagising ang diwa ko.
Iyon kasi ang isa sa mga paborito kong ulam. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakam. Kanina pa pala ako nagugutom, pero dahil sa sobrang sarap ng tulog ko, hindi ko naisip na maghanap ng makakain.
“May niluto kang adobo?” tanong ko pero medyo masungit pa rin. Medyo tanga ako doon. Paulit-ulit ako, kakasabi nga lang ng may adobong manok, tinanong ko pa ulit. Halata tuloy na parang uma-acting na galit na lang ako.
“Yes. Kung gusto mong kumain, may nakahanda na sa dining area.”
Kailangan kong panatilihin ang composure ko, kaya dahan-dahan akong tumango. Hindi ko pinakita na parang excited akong matikman ang luto niya.
“Okay.”
“Okay?”
“Yes.”
“Then, I’ll wait for you.”
Tumalikod na siya at naglakad palayo.
Isinara ko muna ang pintuan ng kuwarto ko at saka napahawak sa dibdib ko.
Oh, my God!
Adobong manok?!
Paborito ko talaga iyon. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang lutuin iyon o nagkataon lang? Adobong manok kasi talaga ang isa mga ulam ng pinoy na nag-iisang nagpapatakam sa akin ng husto.
Hanggang sa maalala kong kailangan ko palang magpanggap na galit, kaya agad na nawala ang ngiti ko.
“Behave, Soleia,” saway ko sa sarili.
Lumabas na ulit ako ng kuwarto makalipas ang ilang minuto. Naglakad ako patungo sa dining area habang pilit na pinananatili ang seryosong ekspresyon sa mukha. Pero pagdating ko roon, muntik na akong mapahinto.
Nasa gitna ng hapag ang isang malaking serving bowl na puno ng adobong manok. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko. May mga piraso ng pinya sa ibabaw at gilid ng ulam!
Napatingin ako nang maigi sa pagkain. Hindi lang basta adobong manok ang niluto niya. Adobong manok na may pinya pa. Iyon mismong klase ng adobong gustong-gusto ko!
Napatingin ako kay Zenjiro na kasalukuyang nag-aayos ng mga plato.
Sandali, hindi kaya sinabi ni Lola Celia sa kaniya kung ano ang paborito kong ulam?
Kaya ba ito ang niluto niya?
Ano ito, isang sorry dinner?
Si Lola talaga, pinaglalapit talaga kami agad ng lalaking ito.
“Come here,” tawag niya. Kung papakinggan ang boses niya, ibang-iba na talaga ‘yung ngayon kaysa kanina na ang lakas-lakas niyang manigaw.
Mabilis akong lumapit at umupo sa bakanteng silya.
“Thanks,” cold kong sabi.
Wala siyang naging reaksiyon. Inilapag lamang niya ang pitsel ng tubig sa lamesa bago umupo sa tapat ko.
“Eat while it’s hot.”
Tumango ako. Kinuha ko agad ang kutsara at tinidor. Sa totoo lang, gusto ko nang kumuha ng malaking piraso ng manok at isawsaw sa masarap na sarsa. Pero bago ko pa maisubo ang unang subo, biglang nagsalita si Zenjiro.
“Wait.”
Napahinto tuloy ako.
“What?”
Hindi siya sumagot agad. Sa halip, bahagya siyang yumuko at pinagtagpo ang dalawang kamay.
“Let’s pray first.”
Napatitig ako sa kaniya.
Oh. Magdadasal muna pala.
Mabilis ko tuloy ibinaba ang kutsara at tinidor. Medyo nahiya pa ako dahil doon. Maka-diyos din pala siya. Bagay na lalo kong kinahanga.
Pumikit din ako at tahimik na nakisabay sa panalangin.
Pagkatapos ng ilang sandali, nag-sign of the cross siya.
“Amen.”
“Amen,” mahina kong sagot.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang bagay sa simpleng kilos niyang iyon. Hindi naman siya nagpakitang-tao. Hindi rin niya ako pinilit na magdasal. Basta ginawa niya lang iyon na para bang natural na bahagi ng bawat pagkain niya ang magpasalamat.
I smiled inwardly. Okay. Plus points.
Ay!
Nawawala na naman tuloy ako sa acting-an ko. Hindi ko na tuloy ulit tinignan siya, lalo na sa mata. Dapat ko munang iwasan iyon dahil sa tuwing magtatama ang mga mata namin, para akong ice cream na nabibilad sa ilalim ng sikat ng araw. Oo, nakakatunaw ang mga tingin niya, grabe.
First day palang naming nagkakasama pero parang ang hirap pigilan ang sarili kong maging mabait na sa kaniya at makipag-close na nang tuluyan.
Pero, huwag muna talaga.
Saka na, first day palang, Soleia, kumalma ka.
Zenjiro POVNakasukbit na sa balikat ko ang bag ko at hawak ko na rin ang susi ng motor nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sa labas ng clinic.“Seriously?”Napahinto ako sa may pintuan at napatingin sa kalangitan. Kanina lang ay maaliwalas pa ang panahon. May kaunting ulap, pero hindi naman mukhang uulan. Kaya hindi na ako nagdala ng kapote o payong dahil ang akala ko ay makakauwi ako nang walang aberya.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng clinic habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Parang may bagyo!Napakamot ako sa ulo. Paano ako makakauwi nito? Naka-motor pa naman ako. Kahit magdala ako ng payong, wala rin akong magagawa dahil tiyak na mababasa pa rin ang kalahati ng katawan ko. Ayokong umuwi nang basang-basa, lalo na at malamig ang panahon.Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng clinic.“Maghihintay na lang muna ako,” bulong ko sa sarili.Isinara ko ang pintuan at iniwan ang mga susi sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay nagtungo a
Zenjiro POVWala nang tao sa clinic ko nang matapos kong asikasuhin ang huling medical record ng pasyente ko.Napatingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon. Medyo marami ang naging pasyente ko ngayong araw, pero mabuti na lang at wala namang seryosong kaso. Karamihan ay mga batang may lagnat, sipon, at ubo lang.Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at isinara ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga bagong message ba galing sa mga emergency patient. May ilang notification mula sa mga magulang ng pasyente, pero wala namang kailangang sagutin ka agad.Nang maisilid ko na ang mga gamit ko sa bag, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.Aurelia is calling...Video call pa, kaya dali-dali ko iyong sinagot.“Hello, baby!” Agad na bumungad sa screen ang magandang mukha ng girlfriend ko. Nasa loob siya ng ospital at mukhang nasa nurse station. Nakasuot siya ng puting uniporme, may nakasabi
Soleia POVNakakainis kasi ang dami ng tao nang makarating ako sa tapat ng sikat na bilihan ng inihaw na manok dito sa Savaya Town.Pagkababa ko pa lang ng tricycle, agad kong napansin ang napakahabang pila sa labas ng tindahan. Halos umabot na sa gilid ng kalsada ang mga taong naghihintay. May mga pamilyang bibili ng ulam, may mga naka-motor na halatang pauwi na galing trabaho, at mayroon ding mga kagaya kong nagmamadaling makabili bago maubusan.Napangiwi ako. Naku! Ang haba naman ng pila! Sumilip ako sa loob ng tindahan. Nakita kong abala ang mga empleyado sa paglalagay ng bagong ihaw na manok sa mga lalagyan. Mabango ang amoy ng litson na manok, lalo na kapag naaamoy mo ang timpla ng marinade at ang usok mula sa ihawan.Pero hindi iyon ang pangunahing problema ko.Si Zenjiro! Tiyak na malapit na siyang umuwi mula sa clinic niya, at kung magtatagal pa ako rito, baka maabutan niya akong wala pa sa bahay. Gusto ko sanang maihanda ang hapunan bago siya dumating.Iyon ang request niya
Soleia POVAlas tres na ng hapon nang magising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Akala ko ay nananaginip pa ako. Akala ko sa pinapanuod ko kanina sa TV ko. Pero hindi kasi totoong nanggagaling sa labas ang ingay na iyon.“Delivery! Hello! May tao ba diyan? Hi, kanina pa po ako rito, yohoooo!!”Kasabay niyon ang sunod-sunod na pagpindot sa busina ng motor. Napaka-ingay. Napangiwi ako at pilit na dinilat ang mga mata. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Katatapos ko lang ding managinip nang bigla akong ginising ng kung sinong napakaingay sa labas.Nakakabulaho na rin siya ng ingay sa mga kapitbahay.“Delivery po! May delivery! May tao po ba diyan? Hello po!”Napabuntong-hininga ako. Sino ba naman ang nag-order? Wala namang nabanggit sa akin si Zenjiro na may parcel siyang parating? Kung sa kaniya ito, malalagot talaga siya sa akin. Panira siya ng tulog.Bumangon na ako mula sa kama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Hindi ko na rin pinag-abalahan pang magpalit ng damit dahil pantulog l
Soleia POVHabang kumakain kami ni Zenjiro ng tanghalian, hindi ko maiwasang mapansin na parang sanay na sanay na siyang makatanggap ng kung anu-anong pagkain mula sa mga pasyente niya.Kanina pa kasi ako nakikinig sa mga kuwento niya tungkol sa clinic. May mga batang nagpapatingin, may mga magulang na kung anu-anong tanong ang itinatanong, at mayroon ding mga nanay na nagdadala ng pagkain bilang pasasalamat daw sa kaniya.Napaisip tuloy ako.“Zenjiro.” Napatingin siya sa akin habang nagsasandok ng sabaw.“Oh?”“Totoo bang maraming nagdadala sa ‘yo ng pagkain sa clinic o mga order mo iyon?”Natawa siya sa tinanong ko. Alam ko naman na kasi kung ano ‘yung totoo. Wala lang, gusto ko lang makausap siya habang nandito pa. “Oo. Bakit?”“Anong mga pagkain?”“Kung anu-ano. Minsan cake, minsan tinapay, may mga nagdadala rin ng prutas. May mga nanay na nagluluto pa ng ulam at ipinapadala sa clinic.”Napataas ang kilay ko. “Wow! Ang dami naman pala talaga.”Napakamot pa siya bigla sa ulo. Ewan
Soleia POVPagkauwi ko sa bahay, hindi ko maiwasang mapasimangot habang isinasara ang gate.Nakakainis! Sobrang nakakainis!Nag-effort pa naman akong pumunta doon, tapos ganoon lang mapapala ko.Pinauwi lang ako at sinabihan pang hindi pambatang pagamutan iyon!Ganoon lang?Wala man lang tanong kung gaano kasakit ang ulo ko? Hindi man lang nag-alok na tingnan ako? Hindi man lang nagsabing magpahinga muna ako sa clinic niya?Pambata nga ang clinic niya, pero doktor pa rin naman siya! Hindi ba puwedeng bigyan niya ako ng gamot doon?Napailing ako habang naglalakad papasok sa bahay.Pogidok nga pero ang cold naman pala kapag nandoon na sa clinic niya.Pagdating ko sa sala, ibinaba ko ang dala kong bag sa sofa. Nasayang lang ang dala-dala kong tinolang manok at kanin.Pagkatapos ay dumiretso ako sa dining area para uminom ng tubig. Naupo ako sa silya at sumandal.Ano ba naman kasi ang inaasahan ko?Hindi naman kami magkasintahan. Hindi niya obligasyong alagaan ako o mag-alala sa akin. Is







