Share

Chapter 3

last update publish date: 2026-11-12 22:57:27

Soleia POV

Pagpasok ko sa kuwarto, agad kong isinara ang pintuan at sumandal doon.

Napakagat-labi ako. Agad kong inalis ang galit at inis ko. Gusto kong sumigaw, pero hindi sa galit kundi sa gulat. Hindi ako makapaniwalang ang cute nung lalaking iyon at dito pa talaga nakatira sa old house namin.

Oo, arte lang naman talaga ang pagiging galit ko kanina. Isa iyon sa talent ko talaga. Biro lang ang pagpapaalis ko sa kaniya kanina, pero ang totoo ay ayoko.

Pero kasi, shit, heto na naman ako. Galit dapat ako sa mga lalaki kasi mga manloloko sila. Pero kung ganitong ka-cute at kasarap ang lalaking bagong tutukso sa akin, handa na naman ata akong magpaloko.

Bakit ang hot ng nangungupahan pala dito sa bahay ni Lola? Bakit hindi niya agad sinabi sa akin ito noon pa. Hindi sana ay matagal na akong nandito. Baka matagal nang naging kami ni Zenjiro.

Shit, ang aga akong nakuha ni Zenjiro. Dapat focus na talaga ako sa goal ko, e. iiwas na dapat ako sa mga lalaki, kahit pangit o guwapo pa ‘yan.

Pero, lintik naman kasi. Talagang pinakita pa niya sa akin kanina ‘yung tinatago niya sa ibaba. Siraulo rin, e.

Pero, gagi, dạks ah. Wala pa iyong buhay kanina, pero ang dạks talaga, nakakaloka!

Hindi ko akalaing ganito ang magiging unang gabi ko sa bahay na kinalakihan ko. Ang akala ko, pagdating ko rito ay makakapagpahinga na ako nang maayos. Makakahiga sa malambot kong kama, makakapag-unpack ng mga gamit at makakatulog nang walang iniisip.

Pero hindi!

Sa halip na katahimikan ang bumungad sa akin, isang lalaking kung makasigaw ay akala mo may nakapasok na kriminal sa bahay. Mabuti na lang talaga at cute siya.

Pero ang kapal pa rin talaga ng mukha niya kanina na tawagin akong magnanakaw.

Napailing ako habang inilalapag ang tuwalya sa ibabaw ng kama.

Nakakahiya rin kasi halos nakita na niya ang lahat kanina. Akala ko wala akong kasamang iba rito, kaya lumabas lang ako sa banyo ng walang tapis. Sakto pa talaga na kakauwi lang niya nung lumabas ako. Ayon, nakita na niya ang lahat-lahat.

Pero, ano kayang say niya doon. Na-hot-an naman ba siya sa akin? Aba, dapat, oo, kasi pinagpaguran ko ito. Always ako nagwo-walk at nagi-gym. Diet din ako palagi, para lang mapasarap kong tignan ang katawan ko. Iyan ang pang-akit ko sa mga lalaki, simula pa noon, kaya nakasanayan ko na ring mapa-stay ng ganito ang katawan ko.

“Zenjiro,” bulong ko. Ang poging pakinggan ng name niya, tapos pogi rin talaga siya. Nakadagdag pogi pa nung malaman kong doctor siya ng mga bata.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa nangyari.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na hinanap ang pangalan ni Lola Celia. Kailangan ko rin kasing malaman o mapakinggan ang paliwanag niya. Kailangan ko ring ma-confirm na si Lola Celia ang kausap niya kanina. Baka kasi nanloloko lang siya, tapos siya pala ang totoong magnanakaw.

Pero kung magnanakaw man siya, ang pogi niyang magnanakaw.

Ilang ring lamang ay sinagot na niya ang tawag ko.

“Hello, apo! Nakapasok ka na ba sa kuwarto mo?”

“Yes, Lola. Nandito na po ako.”

“Good! Nakapagpahinga ka na ba? Kumain ka na ba? Hindi ka ba nahirapan sa biyahe?”

“Okay lang po ako, Lola. Pero may itatanong lang po ako.”

“Ano iyon, apo?”

“Is it true na may umuupa talaga sa bahay natin? Totoo bang kausap ka kanina ni Zenjiro?” paglilinaw ko.

“Oo, apo, pasensya ka na kung huli ko na nasabi. Nandito kasi sa bahay ngayon ang kumare ko, na-busy ako bigla, kaya nawala sa loob kong sabihin na may makakasama ka sa bahay na ‘yan,” paliwanag niya.

Natuwa ako, siyempre, dahil totoo nga ang lahat nang sinasabi ni Zenjiro. Ibig sabihin ay matagal ko ngang makakasama rito ang lalaking hot na iyon.

Pero kailangan kong umarte kay Lola na galit ako. Ayokong malaman niya na ganito ako karupok at kalandi.

“Matagal na po ba talaga siya rito?”

“Oo. Ilang buwan na rin. Mabait naman ang batang iyon. Hindi ka magkakaroon ng problema sa kaniya.”

Dapat lang kasi sawa na ako sa mga baliw na lalaki. Gusto ko naman ng mga matitino at seryoso.

“Pero, Lola, grabe siya kanina ah! He called me a thief!”

“Ano?”

“Magnanakaw raw ako! Tresspassing pa! Para akong kriminal na biglang pumasok sa bahay natin!”

Natawa si Lola Celia sa kabilang linya. “Ay, baka nagulat lang iyon, apo. Hindi niya kasi alam na darating ka.”

“Well, I didn’t know na may nakatira na pala rito kaya nasigawan ko rin siya. Nag-away talaga kami kanina,” paliwanag ko pa sa kaniya.

“Pareho lang kayong nagulat. Okay lang ‘yan. Mabait naman si Zenjiro,” sabi pa niya. May mabait bang nagpapakita ng titë, kaloka. Pero, okay lang. Kahit araw-araw pa niyang ilabas iyon, okay lang talaga.

Pero ang disaster nang unang pagmi-meet namin. Nakakaloka ang mga sigawan at away namin kanina. Well, wala naman akong magagawa kung ganoon na ang nangyari. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang itsura ng lalaking iyon nang makita niya ako. Halatang hindi niya inaasahang may babaeng lalabas sa banyo ng ganoong ang itsura.

At aminin ko man o hindi, nakakatawa talaga ang sabay naming pagsigaw kanina.

“Anyway, Lola,” pagpapatuloy ko, “hanggang kailan ba siya rito?”

“Matagal pa, apo. Ang dami na niyang advance na bayad, ilang buwan din. Matagal na kasi talaga siyang nakatira riyan at mukhang komportable naman siya. Bakit? May problema ka ba?”

“Nothing. I’m just asking.”

Nagpaplano na rin kasi akong dito na tumira kasi baka si Zenjiro na.

Ay, buwisit. Ang aga-agang naging marupok ng malanding babaeng ito.

“Mag-adjust na lang kayo sa isa’t isa. Hindi naman kayo magkakaroon ng problema kung pareho kayong marunong umunawa.”

Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, first day ko palang dito ay iba na ang happy ko. Feeling ko, dahil kay Zenjiro ay maaga-aga akong makaka-move on. Kahit na lang ang lala ng huling nangyari sa buhay pag-ibig ko. Sobrang lala talaga.

“Alam mo, apo,” biglang sabi ni Lola Celia, “mabait talaga si Zenjiro. Cute pa.”

Cute nga, sobra! Tapos ang laki pa ng titë. Hindi na tuloy mawala-wala sa isip ko ang nakita ko kanina. Impyernes, pink ang head ah. Tapos, mataba pa. Parang ang enjoy laruin nun.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 32

    Zenjiro POVNakasukbit na sa balikat ko ang bag ko at hawak ko na rin ang susi ng motor nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sa labas ng clinic.“Seriously?”Napahinto ako sa may pintuan at napatingin sa kalangitan. Kanina lang ay maaliwalas pa ang panahon. May kaunting ulap, pero hindi naman mukhang uulan. Kaya hindi na ako nagdala ng kapote o payong dahil ang akala ko ay makakauwi ako nang walang aberya.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng clinic habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Parang may bagyo!Napakamot ako sa ulo. Paano ako makakauwi nito? Naka-motor pa naman ako. Kahit magdala ako ng payong, wala rin akong magagawa dahil tiyak na mababasa pa rin ang kalahati ng katawan ko. Ayokong umuwi nang basang-basa, lalo na at malamig ang panahon.Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng clinic.“Maghihintay na lang muna ako,” bulong ko sa sarili.Isinara ko ang pintuan at iniwan ang mga susi sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay nagtungo a

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 31

    Zenjiro POVWala nang tao sa clinic ko nang matapos kong asikasuhin ang huling medical record ng pasyente ko.Napatingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon. Medyo marami ang naging pasyente ko ngayong araw, pero mabuti na lang at wala namang seryosong kaso. Karamihan ay mga batang may lagnat, sipon, at ubo lang.Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at isinara ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga bagong message ba galing sa mga emergency patient. May ilang notification mula sa mga magulang ng pasyente, pero wala namang kailangang sagutin ka agad.Nang maisilid ko na ang mga gamit ko sa bag, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.Aurelia is calling...Video call pa, kaya dali-dali ko iyong sinagot.“Hello, baby!” Agad na bumungad sa screen ang magandang mukha ng girlfriend ko. Nasa loob siya ng ospital at mukhang nasa nurse station. Nakasuot siya ng puting uniporme, may nakasabi

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 30

    Soleia POVNakakainis kasi ang dami ng tao nang makarating ako sa tapat ng sikat na bilihan ng inihaw na manok dito sa Savaya Town.Pagkababa ko pa lang ng tricycle, agad kong napansin ang napakahabang pila sa labas ng tindahan. Halos umabot na sa gilid ng kalsada ang mga taong naghihintay. May mga pamilyang bibili ng ulam, may mga naka-motor na halatang pauwi na galing trabaho, at mayroon ding mga kagaya kong nagmamadaling makabili bago maubusan.Napangiwi ako. Naku! Ang haba naman ng pila! Sumilip ako sa loob ng tindahan. Nakita kong abala ang mga empleyado sa paglalagay ng bagong ihaw na manok sa mga lalagyan. Mabango ang amoy ng litson na manok, lalo na kapag naaamoy mo ang timpla ng marinade at ang usok mula sa ihawan.Pero hindi iyon ang pangunahing problema ko.Si Zenjiro! Tiyak na malapit na siyang umuwi mula sa clinic niya, at kung magtatagal pa ako rito, baka maabutan niya akong wala pa sa bahay. Gusto ko sanang maihanda ang hapunan bago siya dumating.Iyon ang request niya

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 29

    Soleia POVAlas tres na ng hapon nang magising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Akala ko ay nananaginip pa ako. Akala ko sa pinapanuod ko kanina sa TV ko. Pero hindi kasi totoong nanggagaling sa labas ang ingay na iyon.“Delivery! Hello! May tao ba diyan? Hi, kanina pa po ako rito, yohoooo!!”Kasabay niyon ang sunod-sunod na pagpindot sa busina ng motor. Napaka-ingay. Napangiwi ako at pilit na dinilat ang mga mata. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Katatapos ko lang ding managinip nang bigla akong ginising ng kung sinong napakaingay sa labas.Nakakabulaho na rin siya ng ingay sa mga kapitbahay.“Delivery po! May delivery! May tao po ba diyan? Hello po!”Napabuntong-hininga ako. Sino ba naman ang nag-order? Wala namang nabanggit sa akin si Zenjiro na may parcel siyang parating? Kung sa kaniya ito, malalagot talaga siya sa akin. Panira siya ng tulog.Bumangon na ako mula sa kama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Hindi ko na rin pinag-abalahan pang magpalit ng damit dahil pantulog l

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 28

    Soleia POVHabang kumakain kami ni Zenjiro ng tanghalian, hindi ko maiwasang mapansin na parang sanay na sanay na siyang makatanggap ng kung anu-anong pagkain mula sa mga pasyente niya.Kanina pa kasi ako nakikinig sa mga kuwento niya tungkol sa clinic. May mga batang nagpapatingin, may mga magulang na kung anu-anong tanong ang itinatanong, at mayroon ding mga nanay na nagdadala ng pagkain bilang pasasalamat daw sa kaniya.Napaisip tuloy ako.“Zenjiro.” Napatingin siya sa akin habang nagsasandok ng sabaw.“Oh?”“Totoo bang maraming nagdadala sa ‘yo ng pagkain sa clinic o mga order mo iyon?”Natawa siya sa tinanong ko. Alam ko naman na kasi kung ano ‘yung totoo. Wala lang, gusto ko lang makausap siya habang nandito pa. “Oo. Bakit?”“Anong mga pagkain?”“Kung anu-ano. Minsan cake, minsan tinapay, may mga nagdadala rin ng prutas. May mga nanay na nagluluto pa ng ulam at ipinapadala sa clinic.”Napataas ang kilay ko. “Wow! Ang dami naman pala talaga.”Napakamot pa siya bigla sa ulo. Ewan

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 27

    Soleia POVPagkauwi ko sa bahay, hindi ko maiwasang mapasimangot habang isinasara ang gate.Nakakainis! Sobrang nakakainis!Nag-effort pa naman akong pumunta doon, tapos ganoon lang mapapala ko.Pinauwi lang ako at sinabihan pang hindi pambatang pagamutan iyon!Ganoon lang?Wala man lang tanong kung gaano kasakit ang ulo ko? Hindi man lang nag-alok na tingnan ako? Hindi man lang nagsabing magpahinga muna ako sa clinic niya?Pambata nga ang clinic niya, pero doktor pa rin naman siya! Hindi ba puwedeng bigyan niya ako ng gamot doon?Napailing ako habang naglalakad papasok sa bahay.Pogidok nga pero ang cold naman pala kapag nandoon na sa clinic niya.Pagdating ko sa sala, ibinaba ko ang dala kong bag sa sofa. Nasayang lang ang dala-dala kong tinolang manok at kanin.Pagkatapos ay dumiretso ako sa dining area para uminom ng tubig. Naupo ako sa silya at sumandal.Ano ba naman kasi ang inaasahan ko?Hindi naman kami magkasintahan. Hindi niya obligasyong alagaan ako o mag-alala sa akin. Is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status