Nasa bahay ako ngayon dahil linggo at si Ronel naman kanina pa hindi nagsasalita. Si mama naman wala rito ngayon dahil kailangan nya pa rin mag trabaho. Ako lang yong na iwan dahil marami na rin kasi kaming lilinisin. Nahuli na nga si tiyo kagabi kaya ito si Ronel di nagsasalita. Kalat na kasi sa buong barangay kaya siguro nalaman nya rin kahit 'di namin sinabi sa kanya."Anna," nagulat naman ako sa biglaang pagdating ni mama."Bakit po?""Don ka nga pala kila sir Dale maglinis. Pupunta daw kasi sila sa sunod na araw at nagplaplano na daw silang papatayuan ang lupa."Hindi ko nga pala nasasabi na may dati kaming lupa malapit din yon sa may beach pero 'di doon matao tapat. Kaso pinabenta namin iyon at si Sir Dale nga ang nakabili. Pinabenta daw yon ng bata pa ako dahil nga sa sakit ko. Kami din ang ginawang caretaker ng lupa na yon. Kaso isang buwan na 'ata namin yon 'di napupuntahan lalo na si papa talaga yong mahilig maglinis doon at sumasama lang ako."Sige po," hindi na ako nag aba
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa bahay dahil tinakbo ko na lang talaga. Pasado alas syete na ng gabi ng makauwi ako."Anna, ang tagal mo naman umuwi kanina ka pa namin hinihintay." Nangunot ang noo ko ng makita silang nag i-impake at naka bihis din."Ma, anong nangyayare? Saan tayo pupunta?""Kailangan na natin umalis dito sa lugar. Nanganganib tayo may pagsabog na naganap kanina sa kabundukan at may nag-ikot kanina na kailangan nating lumikas. Dalian mo magbihis hanggang alas otso lamang tayo hihintayin ng sasakyan ng rescuer sa Barangay."Ilang buhos lang ng tubig ang nagawa ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi din ako mapakali lalo na di ko talaga alam ang nangyayare sa lugar namin. Plus iniisip ko pa si Bryce kong ano na bang nangyare sa kanya don? Hindi ako pwedeng umalis kailangan ko pang balikan si Bryce. Baka tuluyan na siyang mamatay kapag 'di ako naka balik."Anna, tara na." hinila na ako ni mama pero di ako nagpadala. "Anna, ano ba?""Ma, 'di ako sasama." "Ano
GIANNA POINT OF VIEW"Bryce!" agad akong napatakbo palapit kay Bryce ng matumba siya bigla. Hinawakan ko siya at sobrang init ng katawan nya.Inalalayan ko siya bumangon mabuti na lamang ay 'di rin ako nahirapan dahil gising pa rin naman siya at natumba lang. Mukhang nanghihina talaga siya at nilalagnat na rin. Itinuro nya sa akin ang ginawa nyang higaan nong umalis siya sa pinag-iwanan ko sa kanya na kubo. Mga tuyong dahon ang nakalapag dito sa lupa na pwedeng higaan at ang tanging naging bobong naman ay may kinabit siyang trapal. Hindi ko alam kong saan nya nakuha tong trapal basta medyo luma na rin at ang naging dingding naman na ginawa nya mga tuyong paklang ng nyog at dahon.Kaya siguro talaga nanghina siya ng bongga ay paano nag pagod gumawa nito. Nasa may gilid din pa rin yong isang tinapay na galing sa bag ko. Ang ginawa nya namang unan ay yong damit ko. Oo damit ko galing pa yon don sa kubo na pinag-iwanan ko sa kanya. Mabuti naman at nagdala siya.Paano kaya 'to? Wala din di
GIANNA POINT OF VIEWNakatingin lang ako sa maliwanag na buwan sa kalangitan. Habang mahimbing na natutulog sa tabi ko si Bryce. Maraming pumapasok sa isipan ko na kong paano mag bunga yong nangyare sa amin? Kong natatandaan nya ba? Kong anong mangyayare sa kinabukasan? Kong matatapos pa ba ang gulo dito? Kong makakabalik pa ba ako kila mama ng ligtas? Pero desisyon ko namang lahat 'to kaya kailangan kong panindigan ang lahat.Tumingin ako sa napaka among mukha ni Bryce. May gasgas pa yong banda sa ilong nya pero 'di ito naka bawas sa kagwapuhan nya. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisnge. Napa buntong hininga ako sa isipin na kong anong mangyayare bukas. Sana maging maayos ang lahat.Unti-unti akong napapikit hanggang sa namalayan ko na lamang na naka tulog na pala ako.*****Nagising ako sa isang malakas na pag sabog sa 'di kalayuan. Naramdaman ko ding wala na akong katabi kaya naman agad akong bumangon at hinanap si Bryce. Naabutan ko siyang nag-iihaw ng isda."Gising ka na pala?
GIANNA POINT OF VIEWHalos marinig ko na ang kabog ng dibdib ko lalo na ng papalapit na sa pwesto namin ang isang lalake. Halos pigilan ko na rin ang pag hinga ko 'wag nya lamang ako marinig."Magpahinga na muna tayo dito," ani ng isa kanila at umupo sa isang tabi.Paano na kami ni Bryce makakaalis dito? Oras na lumabas kami sa likod ng punong pinagtataguan namin ay malamang na mapapansin kami. Tatlo lang naman sila pero mas lamang sila dahil mga armado sila.Naramdaman ko ang pagpisil ni Bryce ng kamay ko. Ngayon ko lang din na pansin na magkahawak kamay pala kami. Tumingin ako sa kanya at parang may pinapahiwatig ang tingin nya. Agad akong umiling. Kahit 'di ko maintindihan yong pinapahiwatig nya."Lalabas ako at mauna ka ng tumakbo at wag ka ng babalik pa," bulong nya sa akin. Agad akong umiling sa sinabi nya. Hindi pwede na 'di siya kasama."Sa di kalayuan may kayak don," napatingin naman ako sa dagat. Meron ngang kayak na palutang lutang pero kailangan ko pa yong languyin. Hindi k
"Kuya?" naglandasan ang mga luha ko. Sabay kaming naglakad palapit sa isat-isa at niyakap ang bawat isa."Akala ko 'di mo na ako matatandaan pa. Sa wakas nahanap na kita." Bumitaw kami sa isat-isa at napatingin ako sa lalaking nasa tabi namin. "He's our father.""Gianna," inilabas nito ang dalawang kamay na parang hinihintay ako na yakapin ko rin siya. Lumapit ako sa kanya at isang napaka higpit na yakap ang iginawad nya sa akin. Pagkatapos ng pagtatagpo naming tatlo ay hinanap ko kaagad si Bryce pero hindi ko siya makita. May mga dumating kasi kanina na tauhan ni daddy at sasakay na kami ngayon sa yatch pero 'di ko pa rin siya makita."Hinahanap mo si Bryce?" na bigla naman ako sa biglaang pagdating ni kuya. Kong dati hirap na hirap ako kong anong itatawag ko sa kanya kong Oliver ba or Sir. Hindi ko akalaing magiging kuya lang pala."Oo, nakita mo ba siya?""Umalis na siya kanina 'di na nya nagawang makapag paalam sa'yo dahil ayaw nyang guluhin ang pag-uusap nating tatlo.""Saan siy
Ilang araw na ang nakakalipas at dalawang araw na lamang din ay gaganapin na ang welcoming party ko. Medyo kinakabahan nga ako dahil first time to.Nasa veranda ako ngayon ng bahay at nagbabasa ng libro. Maayos din ang suot ko ngayon na unti-unti ko ng nakakasanayan dahil kailangan. Kong dati mga ganitong damit ay nasusuot lang kapag may party ngayon ay pambahay ko na. Boring n boring nga ako ngayon dahil wala kaming lesson. Nasaulo ko na kasi agad kahapon ang basic etiquette for dining.Gustong gusto ko na makita si Bryce kaso naman 'di pa ako marunong mag drive. Naging busy kasi ako at 'di ako nagka time para makapag paturo sa pag drived. Napasimangot na lamang ako.'Teka, bakit ba kasi ako nag nag i-insist na makita si Bryce?'Pwede naman kasi si Bryce ang pumunta dito? Bakit ba di siya pumupunta dito? Hindi ko tuloy alam kong napano na siya? Kong kamusta na siya? Mis ko na siya, gusto ko na makita ang mukha nya!! Gusto ko mag reklamo kay kuya kaso wala naman siya dito Alam mo yon
Nang hapon na yon 'di ko na alam pa kong anong nangyari. Kong paano ako nakauwi na umiiyak at nagmukmuk sa loob ng kwarto ko. Hindi ako lumabas kahit na tinatawag na ako. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa bigat ng dibdib na nararamdaman ko.Kasalanan ko rin naman talaga kong bakit ako umaasa na magugustuhan nya ako. Kong bakit ang tanga-tanga ko!Ngayon ang araw ng welcoming party ko at nasa dressing room na ako ngayon. Sa tuwing naiisip ko yong nangyare nong hapong yon naiiyak ako. Pero pilit ko rin pinipigilan ang sarili ko na 'wag umiyak, pangalawang ayos na kasi 'to ng make-up ko. Hindi ko kasi napigilan kanina yong pag-iyak ko kaya naman nasira ang make-up kanina. Kaya ngayon maingat na talaga ako na pigilan ang sarili ko na 'wag maiyak. Kawawa naman kasi 'tong make-up artist ko kong iiyak pa ako.Pinagdadasal ko pa na sana 'di ko siya makita at sana wag na lang siya umattend!Nasa second floor ako ng bahay at kapag tinawag ako ay bababa ako sa hagdan. Nandito din sa taas si Mel