FAZER LOGINNapahinto si Ethan sa paggalaw. Hindi niya inaasahan ang tanong, bagama't alam niyang darating din ang pagkakataong magiging interesado si Elise sa personal niyang buhay.“Why do you want to know?”“Curious lang naman ako!” mabilis niyang sagot. “Huwag kang mag-isip ng kung ano. Matagal na tayong nag-uusap, kaya natural lang na gusto kong malaman kung may girlfriend ka.”“Wala akong girlfriend.”Hindi maintindihan ni Elise kung bakit bigla siyang nakaramdam ng ginhawa. Wala naman siyang dahilan para matuwa sa sagot nito. Hindi pa nga niya alam ang tunay nitong pangalan, at hindi rin naman niya alam kung ano ang itsura nito. Pero nang marinig niyang wala itong girlfriend, parang may kung anong bigat na nawala sa dibdib niya.“Ah, okay,” sagot niya, pilit na ginagawang casual ang tono. “Good to know.”“Good to know?” ulit ni Ethan, halatang natutuwa. “You sound relieved.”“Hindi ah! Bakit naman ako mare-relieve?”“That's what I'm asking.”“Wala nga! Ikaw talaga, kung anu-ano ang iniisip
“I'm glad you feel that way,” sagot niya. “Because I look forward to our conversations, too.”Napahawak si Elise sa gilid ng kumot. “Talaga?”“Of course. Do you think I'd stay up talking to you if I didn't enjoy it?”“Malay ko ba. Baka bored ka lang.”“Then I must be very bored, considering how often I wait for your messages.”Natigilan siya. Ilang segundo niyang tinitigan ang cellphone na para bang makikita niya roon ang mukha ng lalaki. Nang mapagtantong wala siyang maisip na magandang isagot, napangiti na lamang siya at pilit na nagkunwaring walang epekto sa kaniya ang sinabi nito.“Okay, Mr. Sweet Talker. Baka mamaya kung ano na naman ang sabihin mo.”“I'm just being honest.”“Mas nakakatakot ka kapag ganiyan.”“Why?”“Kasi hindi ko alam kung paano sasagot.”Napatawa si Ethan, at nang marinig iyon ni Elise, kusa siyang napangiti. Hindi niya akalaing ang isang simpleng audio call ay magdudulot sa kaniya ng ganitong saya. Kanina, gusto lang naman niyang marinig ang boses ng lalaki d
A FAMILIAR STRANGER“Hello? Elise? Are you still there?”Napakurap si Elise nang muling marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Kanina pa siya tahimik, hawak ang cellphone malapit sa tainga habang nakatingin sa kisame. Hindi naman siya nawalan ng sasabihin. Sa totoo lang, napakarami niyang gustong itanong. Kaya lang, hindi niya inasahang magiging ganito pala ang pakiramdam kapag narinig na niya ang boses ng taong ilang buwan na niyang kausap.“Yes, I'm here,” sagot niya, saka bahagyang inayos ang pagkakahiga. “Sorry, nagulat lang ako. Iba kasi sa ini-imagine ko ang boses mo.”“Should I be worried?” natatawang tanong ni Ethan.“Hindi naman! Bakit ka naman mag-aalala? Wala pa nga akong sinasabing masama.” Napangiti siya habang inaayos ang unan sa likod ng ulo niya. “Pero aminin mo, curious ka rin kung ano ang iniisip ko ngayon.”“Actually, I'm more curious about what you imagined me to sound like.”Napakagat-labi si Elise. “Secret!”“So, there's something to hide?”“Wala nga! Huw
THE VOICE BEHIND THE NAMEPagdating ni Elise sa bahay, halos hatinggabi na. Pagod siya matapos ang mahabang araw sa ER Properties, pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya habang inaalala ang mga nangyari sa company event.Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Ate Gina sa sala, inaayos ang ilang gamit bago magpahinga.“Elise, nakauwi ka na pala.” Lumingon si Ate Gina at ngumiti. “Kumusta ang event?”Hinubad ni Elise ang sapatos at marahang minasahe ang sakong niya. “Ate Gina, ang daming nangyari ngayong araw. Pero alam mo ba kung ano ang highlight nito?”“Ano naman iyon?” tanong ni Ate Gina, natatawa sa pananabik niya.“Na-promote ako, Ate!”Napangiti nang malaki si Ate Gina. “Talaga? Ay, congratulations! Deserve mo 'yan, Elise. Alam kong pinaghirapan mo ang trabaho mo. Masaya ako para sa'yo.”“Thank you, Ate Gina!” Masayang ngumiti si Elise, pero agad ding napahikab. “Kwento ko na lang bukas sa'yo, Ate. Medyo gusto ko na ring magpahinga. Pagod na rin ako, tapos tulog na si
THE RIGHT HE NO LONGER HADKatatapos lang ni Ethan sa isang business meeting nang tumawag si Jason. Isinasara na sana niya ang laptop nang makita ang pangalan ng kaibigan sa screen.“Hey, bro. What’s up?”“May ikukuwento ako sa ’yo. May nakaaway ako sa company event kanina.”Napahinto si Ethan sa pag-aayos ng mga dokumento. “Anong ibig mong sabihin? Kakapasok mo pa lang sa ER Properties.”“Si Daniel. Nagkaroon kami ng argument, tapos nauwi sa suntukan.”Napabuntong-hininga si Ethan. “Seriously, Jason? Hindi mo man lang hinintay na makapag-adjust ka muna bago ka nagkagulo?”“Hindi ko naman sinasadya. Siya ang nagsimula.”“Hindi iyon ang point. Nasa trabaho ka, hindi sa kung saan puwede mong suntukin ang kahit sinong hindi mo kasundo.” Naging seryoso ang tono niya. “Kapag nagreklamo siya sa HR, kailangan mong harapin ang consequences. Hindi porke kaibigan kita, puwede kitang iligtas sa lahat ng problema mo.”“Alam ko. Handa naman akong sagutin kung may complaint siya.”“Good. Tandaan mo
THE MAN BEHIND THE RUMORSDire-diretsong pumasok si Jason sa bahay, kasunod si Mia. Hindi man lang niya nilingon ang sala kung saan nakaupo ang kaniyang ina. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. Kilala ng kaniyang ina ang nag-iisa niyang anak. Kapag ganyan ito katahimik at halatang galit, tiyak na may mabigat na nangyari.“Jason? Anak, anong nangyari sa ’yo?”Hindi sumagot si Jason. Dumiretso lamang siya sa hagdan, tila walang narinig.“Jason!” tawag ulit ng kaniyang ina, pero nagpatuloy pa rin siya sa pag-akyat.Napalingon ang babae kay Mia at agad na nilapitan ito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.“Mia, what happened? Bakit parang may kaaway ang anak ko?”Nag-alinlangan si Mia bago sumagot. “Tita, nagkaroon po ng problema sa company event nila.”“Anong problema?”“Nasuntok po ni Jason ang isang coworker niya. Co-intern niya po.”“Good heavens! Bakit naman niya gagawin iyon?”Saglit na tumingin si Mia sa hagdan bago muling humarap sa kaniya.“Dahil po







