Share

CHAPTER 128

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-10-22 22:05:17

THE VOICE BEHIND THE NAME

Pagdating ni Elise sa bahay, halos hatinggabi na. Pagod siya matapos ang mahabang araw sa ER Properties, pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya habang inaalala ang mga nangyari sa company event.

Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Ate Gina sa sala, inaayos ang ilang gamit bago magpahinga.

“Elise, nakauwi ka na pala.” Lumingon si Ate Gina at ngumiti. “Kumusta ang event?”

Hinubad ni Elise ang sapatos at marahang minasahe ang sakong niya. “Ate Gina, ang dami
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 128

    THE VOICE BEHIND THE NAMEPagdating ni Elise sa bahay, halos hatinggabi na. Pagod siya matapos ang mahabang araw sa ER Properties, pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya habang inaalala ang mga nangyari sa company event.Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Ate Gina sa sala, inaayos ang ilang gamit bago magpahinga.“Elise, nakauwi ka na pala.” Lumingon si Ate Gina at ngumiti. “Kumusta ang event?”Hinubad ni Elise ang sapatos at marahang minasahe ang sakong niya. “Ate Gina, ang daming nangyari ngayong araw. Pero alam mo ba kung ano ang highlight nito?”“Ano naman iyon?” tanong ni Ate Gina, natatawa sa pananabik niya.“Na-promote ako, Ate!”Napangiti nang malaki si Ate Gina. “Talaga? Ay, congratulations! Deserve mo 'yan, Elise. Alam kong pinaghirapan mo ang trabaho mo. Masaya ako para sa'yo.”“Thank you, Ate Gina!” Masayang ngumiti si Elise, pero agad ding napahikab. “Kwento ko na lang bukas sa'yo, Ate. Medyo gusto ko na ring magpahinga. Pagod na rin ako, tapos tulog na si

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 127

    THE RIGHT HE NO LONGER HADKatatapos lang ni Ethan sa isang business meeting nang tumawag si Jason. Isinasara na sana niya ang laptop nang makita ang pangalan ng kaibigan sa screen.“Hey, bro. What’s up?”“May ikukuwento ako sa ’yo. May nakaaway ako sa company event kanina.”Napahinto si Ethan sa pag-aayos ng mga dokumento. “Anong ibig mong sabihin? Kakapasok mo pa lang sa ER Properties.”“Si Daniel. Nagkaroon kami ng argument, tapos nauwi sa suntukan.”Napabuntong-hininga si Ethan. “Seriously, Jason? Hindi mo man lang hinintay na makapag-adjust ka muna bago ka nagkagulo?”“Hindi ko naman sinasadya. Siya ang nagsimula.”“Hindi iyon ang point. Nasa trabaho ka, hindi sa kung saan puwede mong suntukin ang kahit sinong hindi mo kasundo.” Naging seryoso ang tono niya. “Kapag nagreklamo siya sa HR, kailangan mong harapin ang consequences. Hindi porke kaibigan kita, puwede kitang iligtas sa lahat ng problema mo.”“Alam ko. Handa naman akong sagutin kung may complaint siya.”“Good. Tandaan mo

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 126

    THE MAN BEHIND THE RUMORSDire-diretsong pumasok si Jason sa bahay, kasunod si Mia. Hindi man lang niya nilingon ang sala kung saan nakaupo ang kaniyang ina. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. Kilala ng kaniyang ina ang nag-iisa niyang anak. Kapag ganyan ito katahimik at halatang galit, tiyak na may mabigat na nangyari.“Jason? Anak, anong nangyari sa ’yo?”Hindi sumagot si Jason. Dumiretso lamang siya sa hagdan, tila walang narinig.“Jason!” tawag ulit ng kaniyang ina, pero nagpatuloy pa rin siya sa pag-akyat.Napalingon ang babae kay Mia at agad na nilapitan ito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.“Mia, what happened? Bakit parang may kaaway ang anak ko?”Nag-alinlangan si Mia bago sumagot. “Tita, nagkaroon po ng problema sa company event nila.”“Anong problema?”“Nasuntok po ni Jason ang isang coworker niya. Co-intern niya po.”“Good heavens! Bakit naman niya gagawin iyon?”Saglit na tumingin si Mia sa hagdan bago muling humarap sa kaniya.“Dahil po

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 125

    THE CONSEQUENCES “Ulitin mo. Tingnan natin kung kaya mo pang sabihin ’yan sa harap ko.”Nakatayo si Jason sa tabi ng mesa, nakatikom ang kamao habang hawak ni Daniel ang namamagang bahagi ng mukha niya.“Are you crazy, man? Sinuntok mo talaga ako!” galit na sigaw ni Daniel.Mabilis na lumapit ang ilang empleyado upang mamagitan. Si Mia, na naroon sa tabi ni Jason, ay agad na humarang sa pagitan ng dalawang lalaki.“Jason, tama na! Please, stop!” saway niya sa boyfriend. “Hindi ganito ang paraan para ayusin ang problema.”Bago pa makasagot si Jason, isang matatag na tinig ang umalingawngaw sa restaurant.“That's enough!”Napalingon ang lahat kay Ellain Rivera, ang executive vice president ng kumpanya. Tumayo siya mula sa mesa ng mga senior executives at lumapit sa kanila.Sa kabilang mesa, napatingin si Elise sa kaguluhan. Nang makita niyang hawak ni Daniel ang mukha nito, bahagya siyang umusog sa upuan, ngunit marahang hinawakan ni Ellain ang kaniyang braso.“Stay here, Elise. I'll h

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 124

    THE RUMOR BEHIND HER SUCCESSSumandal si Daniel sa upuan at bahagyang ngumisi habang pinagmamasdan si Elise sa mesa ng mga senior executives. Para bang may naalala siyang kuwentong matagal na niyang gustong ibahagi.“Pero alam mo, pre, may narinig akong chismis sa office.”Napalingon si Jason. “Anong chismis?”Bahagyang lumapit si Daniel, kunwari ay may ibinubulong na sikreto. “May malakas daw na backer si Elise.”Kumunot ang noo ni Jason. “Backer?”“Yeah. Kaya pala ang bilis ng promotion niya.” Itinuro ni Daniel ang mesa ng mga senior executives gamit ang baba. “Tingnan mo naman ngayon. Kasama na niya ang EVP at halos lahat ng matataas na officers. Hindi naman siguro basta-basta mangyayari 'yon kung walang tumutulong sa kanya.”Hindi agad sumagot si Jason. Hindi niya alam ang tungkol sa sinasabi ni Daniel. Sa pagkakaalam niya, masipag si Elise at hindi basta umaasa sa iba para umangat. Pero ngayon lang niya narinig ang tsismis tungkol sa isang taong maaaring tumutulong sa dating asaw

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 123

    A SEAT AMONG THE EXECUTIVESPagpasok nina Jason at Mia sa restaurant, sinalubong sila ng mahinang tugtog ng piano at masayang kuwentuhan ng mga empleyado. Eleganteng tingnan ang venue, bagay sa celebration na inihanda ng kumpanya para sa mga intern na nabigyan ng pagkakataong maging regular employees.Sa bandang gitna ng restaurant, nakaupo si Ellain Rivera, ang Executive Vice President, kasama ang ilang senior executives. Habang nakikipag-usap sa mga ito, may napansin siya sa kabilang bahagi ng venue. Bahagya siyang ngumiti at tinawag ang isang waiter.Samantala, nasa isang sulok si Elise, katabi ang kaibigang si Ciara. Pinili nila ang mesa dahil mas gusto ni Elise ang tahimik na lugar kung saan puwede siyang makipagkuwentuhan nang hindi masyadong napapansin.“Alam mo, Elise, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Jason pala ang ex-husband mo,” bulong ni Ciara habang inaayos ang napkin sa kandungan niya.Napatingin si Elise sa kaibigan. “Ciara, please. Huwag na nating pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status