Compartilhar

CHAPTER 71

Autor: Bhie Anne
last update Data de publicação: 2026-09-27 21:33:28

WHEN LOVE BEGAN TO FADE

Hindi agad nakabangon si Elise.

Napahawak siya sa tiyan niya habang pilit na bumabangon mula sa sahig. Masakit ang pagkakabagsak niya, lalo na sa bandang tagiliran at ibabang bahagi ng katawan, pero mas nangingibabaw ang kaba niya kaysa sa sakit. Hindi niya alam kung may nangyari sa baby niya.

Mabilis na lumapit si Jason. Halatang nakainom na siya, pero matino pa rin. Bahagyang namumula ang mga mata nito at may bahid ng alak sa hininga, pero malinaw pa rin ang pananalita
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 74

    THE GOODBYE WE NEVER HADMahabang minuto ang lumipas bago tuluyang bumukas ang pinto ng emergency room. Agad na tumayo si Renato nang makita ang doktor na papalapit sa kanya. Sa mukha pa lang nito ay may kaba na siyang naramdaman, pero pinilit niyang manatiling kalmado habang hinihintay ang sasabihin nito.“Kayo po ba ang ama ni Elise?”“Opo. Ako po.”Huminga nang malalim ang doktor bago nagsalita. “Pasensya na po. Malakas po ang naging pagdurugo ni Elise. Sinubukan naming pigilan iyon at iligtas ang baby, pero hindi na po namin nagawa.”Parang biglang nawala ang lakas ni Renato. Ilang segundo siyang nakatayo roon, hindi agad makapagsalita habang pilit inuunawa ang narinig.“Anong ibig ninyong sabihin?”“Ma’am Elise suffered a miscarriage,” maingat na sagot ng doktor. “Hindi na po nakaligtas ang baby.”Napapikit si Renato. Isang luha ang dumaloy sa kanyang pisngi at mabilis niya iyong pinunasan. Tatlong buwan pa lang ang baby, pero kahit ganoon pa lamang ito katagal sa tiyan ni Elise,

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 73

    WHEN EVERYTHING WENT WRONG“Kuya Renato… dinudugo si Elise!”Parang biglang tumigil ang mundo ni Renato nang marinig ang sigaw ni Gina. Ilang segundo siyang natigilan, hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nakahiga si Elise sa kama, maputla ang mukha at nanginginig ang buong katawan, habang unti-unting kumakalat ang dugo sa ilalim nito.“Papa…”Mahina ang tawag ni Elise, ngunit sapat iyon para mawala ang pagkabigla ni Renato. Agad siyang lumapit at lumuhod sa tabi ng kama, pilit na itinatago ang takot na nagsisimula nang kumapit sa dibdib niya.“Elise, huwag kang gagalaw. Gina, tumawag ka ng ambulance. Bilis!”“Opo, Kuya!”Mabilis na lumabas si Gina ng kuwarto habang si Renato naman ay nanatiling nakatutok sa anak. Nang makita niyang napahawak si Elise sa tiyan nito, lalo siyang kinabahan.“Pa… yung baby ko…”Nanginginig ang boses nito.Napatingin si Renato sa tiyan ng anak. Tatlong buwan pa lamang ang pagbubuntis ni Elise, pero mula nang malaman nilang may bagong buhay na nabubuo sa l

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 72

    A NIGHT OF TEARSPagkaalis ni Jason, saka lang tuluyang bumigay si Elise.Mahigpit siyang kumapit kay Renato na para bang kapag bumitaw siya, tuluyan na rin siyang mawawalan ng lakas. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili. Mula nang makita niya si Jason at Mia, hanggang sa komprontasyon sa garden, sa pagkakatulak sa kanya ng ina nito, at sa halos walang tigil nilang pagtatalo pagdating sa condo—parang ngayon lang nagsabay-sabay ang lahat.“Papa…” Halos hindi na niya mailabas nang maayos ang salita sa sobrang iyak. “Hindi ko maintindihan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla siyang naging gano'n.”“Halika, anak. Umupo ka muna.”Dahan-dahang inalalayan siya ni Renato papunta sa sofa. Naupo si Elise pero hindi niya binitiwan ang kamay ng ama. Nanginginig pa rin ang mga daliri niya at halos hindi siya makahinga nang maayos sa sunod-sunod na hikbi.“Akala ko okay kami, Pa.” Napailing siya habang pilit na nagsasalita. “Kanina lang… dito lang kami. Nag-celebrate kami ng birthday niy

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 71

    WHEN LOVE BEGAN TO FADEHindi agad nakabangon si Elise.Napahawak siya sa tiyan niya habang pilit na bumabangon mula sa sahig. Masakit ang pagkakabagsak niya, lalo na sa bandang tagiliran at ibabang bahagi ng katawan, pero mas nangingibabaw ang kaba niya kaysa sa sakit. Hindi niya alam kung may nangyari sa baby niya.Mabilis na lumapit si Jason. Halatang nakainom na siya, pero matino pa rin. Bahagyang namumula ang mga mata nito at may bahid ng alak sa hininga, pero malinaw pa rin ang pananalita. Sa halip na lambing ang makita ni Elise, may pigil na galit sa mukha nito.“Elise, tumayo ka.”Hinawakan ni Jason ang braso niya at hinila siyang makatayo. Napangiwi si Elise nang madiinan ang pagkakahawak nito.“Masakit.”Saglit siyang tiningnan ni Jason bago bahagyang lumuwag ang kamay nito. “Tumayo ka. Uuwi na tayo.”Pinilit ni Elise na tumayo. Nang manghina ang mga tuhod niya, sinalo siya ni Jason bago siya tuluyang mawalan ng balanse.“Paano kung may nangyari sa baby?” tanong niya, nangin

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 70

    THE NIGHT SHE FOUND OUTTahimik ang biyahe.Nakasandal si Elise sa bintana ng taxi habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas. Ilang beses niyang sinubukang pakalmahin ang sarili. Baka pagod lang siya. Baka mas sensitive lang siya dahil buntis. O baka gusto lang talaga niyang makita si Jason dahil matagal na rin niyang nami-miss ang asawa.Pero habang papalapit sila sa bahay ng mga Monteverde, hindi niya maalis ang bigat sa dibdib niya.“Dito na, Ma'am,” sabi ng driver.Nagbayad si Elise at maingat na bumaba. Paglingon niya sa bahay, agad siyang napahinto.Mas maraming sasakyan ang nakaparada sa labas kaysa sa inaasahan niya. Maliwanag ang garden, at rinig na rinig mula sa labas ang videoke, tawanan, at mga taong nagkukuwentuhan.Hindi ito mukhang maliit na celebration.Bahagyang nakabukas ang gate dahil may mga taong pabalik-balik. Huminga nang malalim si Elise bago pumasok.Abala ang lahat. May mga nakaupo sa paligid ng garden, may hawak na baso, may kumakain, habang ang iba naman a

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 69

    A BIRTHDAY TO REMEMBERJuly 20.Birthday ni Jason.Simple lang ang celebration nila sa maliit nilang condo. Dahil naka-bedrest pa rin si Elise, hindi na nila pinaghandaan ng malaking party. Nag-order na lang sila ng spaghetti, pancit, chicken wings, ilang pulutan, soft drinks, at isang maliit na birthday cake. Si Ate Gina ang tumulong sa pag-aayos ng pagkain habang si Elise naman ay nanatili sa sofa, nakasandal sa unan, kasama si Hope na mahimbing na natutulog sa playpen.Nang lumabas si Jason mula sa kwarto, agad siyang sinalubong ng mga bati ng mga kaibigan at ng kanyang mga magulang. Ngumiti siya bago lumapit kay Elise at hinalikan ito sa noo. “Thank you,” sabi niya nang mapansin ang mga pagkaing nakahain. “Ikaw ba nag-ayos nito?” Napangiti si Elise at umiling. “Umorder lang ako. Hindi ako gumawa. Baka pagalitan ako ni Dra. Honey.” Napailing din si Jason at marahang hinaplos ang tiyan niya. “Good. Ayokong mapagod ka. Okay ka lang ba?” Tumango si Elise at sinabing maayos naman siya

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status