Celeste's POV
Masikip at maingay ang bar. Ang kulay gintong liwanag ng chandeliers ay kumikislap sa mamahaling baso ng alak, at ang tunog ng halakhakan ay sumasabay sa mabigat na beat ng music. Hindi ko kailanman ginusto ang ganitong klaseng environment, pero ngayong gabi, wala akong choice. "Come on, Celeste! You won a big case today!" tili ni Andrea, isa sa mga junior associates sa firm. "One drink lang!" I shook my head, pero bago pa ako makatanggi nang maayos, may dumaan nang waiter at iniabot sa akin ang isang baso ng champagne. Si Raymond, isa pang associate na laging may hidden agenda, ang nag-abot nito sa akin. Nakangiti siya—masyadong matamis para hindi kahina-hinala. "Huwag kang KJ, Celeste," aniya. "You deserve this. One drink lang. Swear." Napabuntong-hininga ako. I just wanted to go home, pero alam kong kung tatanggihan ko pa sila, magiging topic na naman ako ng office gossip. Masyado nang maraming naiinggit sa akin sa law firm at mas lalong marami ang gustong makita akong sumablay. So I took a sip. Isang lunok lang para makauwi na ako kasi may case pa akong kailangang pag-aralan. Matamis at medyo mas matapang kaysa sa inaasahan ko, pero wala akong oras para isipin iyon. Gusto kong tapusin agad ang inuman na ‘to, kaya tinungga ko na lang ang buong laman ng baso. Pagkalipas ng iñang minuto, napahawak ako sa table namin nang nagsimula nang lumabo ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko at pinilit na maaninag ang buong paligid. "Celeste, okay ka lang?" tanong ni Andrea, pero para bang lumulutang na lang ang boses niya sa hangin. Nilingon ko siya. Hindi ko siya makita ng maayos dahil sobrang labo ng paningin ko. Para akong nasa ilalim ng tubig. Mabagal ang kilos ko. Hindi ko ma-focus ang mga mata ko. Para bang hindi ko na kontrolado ang sarili kong katawan. Parang… parang may mali. "Shit, ang init," bulong ko. Dumaan ang kamay ko sa leeg ko, pero parang hindi ko na maramdaman ang sarili kong balat. Para akong lumulutang sa kawalan. Narinig ko ang mahinang tawa ni Raymond. "Mukhang tinamaan ka agad, Celeste. Dapat yata hindi mo ininom nang buo." May kung anong kilabot ang gumapang sa balat ko. "Celeste, gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Andrea ulit, pero wala na akong boses para sumagot. Ilang sandali pa, naramdaman kong may humawak sa braso ko. Mahigpit ang pagkahawak ng taong nag-aalalay sa akin. "Come on, I'll take you home," sabi ng isang pamilyar na boses—si Raymond. Ginamit ko ang natitirang lakas ko upang makabalik sa hotel room ko. Pakiramdam ko ay parang may mali sa nangyayari. Halos gumapang na ako papasok sa loov ng elevator. "Are you okay, Ma'am?" rinig kong tanong ng isang hotel staff na nakasalubong ko sa elevator. "Help me..." paos na ang boses ko, pinipilit pa rin ang sariling huwag magpadala sa alak na nainom ko. "Saang floor at room number po ang room ninyo?" tanong niya ulit. Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Ang nasa isip ko lang ay makalayo sa mga kasama ko. "Celeste!" Napahigpit ang hawak ko sa hotel staff nang marinig ang boses ni Raymond. "This is my room," sabi ko sa empleyado nang mabuksan ko ang isang hotel room na nasa ikaanim na palapag. Tiningnan ko ang hotel number at hindi ko na maaninag ng mabuti dahil mas lalong lumabo ang paningin ko. Ni-lock ko agad ang pintuan at humiga sa kama. Hinubad ko ang aking suot na damit nang maramdamdaman ang panginginit ng aking buong katawan. Napalingon ako sa gilid ng kama nang marinig ang pagdaing ng isang lalaki. Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot. Kahit hirap na hirap ako sa sitwasyon ko, nilapitan kp pa rin ang lalaki. "Damn it!" usal ko nang maramdamdamang may humawak sa beywang ko dahil muntik na akong matumba. "Help me..." usal niya. Napahawak ako sa batok niya nang bigla niya akong halikan sa labi. *** Nagising ako sa pakiramdam ng malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Mabigat ang ulo ko. Para akong nilunod sa dilim, at ngayong paunti-unti na akong nagkakamalay, gusto ko na lang bumalik sa kawalan. Napalinga-linga ako sa paligid nang mapansin ang kakaibang amoy ng kwarto. Dahan-dahan akong gumalaw, pero pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Ang mga daliri ko, parang hindi ko maigalaw nang maayos. At saka ko naramdaman… may katabi akong ibang tao. Napabalikwas ako, pero sa bilis ng galaw ko, biglang umikot ang paningin ko. Hindi ko man lang namalayan na lumabas ang isang mahinang ungol sa labi ko. "Shit," may mababang boses na narinig ako sa tabi ko. Malalim at pamilyar. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang unti-unti kong nilingon ang lalaking katabi ko, at nang makita ko kung sino iyon, pakiramdam ko bumaliktad ang mundo ko. Si Ninong Chester. Halos hindi ako makahinga. Bakit nandito si Ninong? Anong ginagawa ko sa kama niya? At bakit… bakit wala akong suot maliban sa manipis na bedsheet na bumabalot sa katawan ko? Napahawak ako sa ulo ko sabay iling nang sumagi sa isipan ko ang posibleng nangyari sa amin. "Holy shit," narinig kong bulong niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi siya n*******d, pero halatang bagong gising lang siya. Gusot ang puting sando niya, at ang buhok niyang laging maayos ay magulo. Pero ang mas lalong nagpayanig sa akin ay ang itsura niya—seryoso, pero may bahid ng gulat at inis sa kanyang mukha. I opened my mouth, pero walang lumabas na salita. "A-Anong nangyari?" bulong ko sa basag na boses. Huminga nang malalim si Ninong Chester. Tumitig siya sa akin, pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Iyon ang nakakatakot. Hindi ko alam kung galit siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. "That's what I was about to ask you," malamig niyang tanong sa akin. Napalunok ako. Hindi. Hindi puwedeng nangyari ‘to. Pero ang problema… hindi ko maalala. Ni isang detalye kung paano ako napunta rito. Ni isang alaala kung bakit ako nasa kama ng sariling Ninong ko. "Did we…" Hindi ko man lang kayang tapusin ang tanong. Nakita kong nagdilim ang mga mata niya. "I don't know," sagot niya agad. "Pero, Celeste, ano'ng ginagawa mo sa hotel room ko?" Doon ko na tuluyang naramdaman ang panlalamig ng katawan ko. Hindi ito ang kwarto ko? Diyos ko… anong ginawa ko? Hindi ko alam kung paano ako nakabangon mula sa kama, kung paano ako nagawang isuot ang damit ko kahit nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makatingin nang diretso kay Ninong Chester habang nilalapitan ko ang pinto. "Celeste," tawag niya, seryoso ang kaniyang boses. Pero hindi ko kayang humarap sa kanya dahil binalot ako ng kahihiyan. Bago pa niya ako mapigilan, binuksan ko ang pinto at mabilis na lumabas ng kwarto. Humakbang ako sa hallway ng hotel, pero sa bawat hakbang ko, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang iniwan ko sa kwartong iyon—kung anong klase ng relasyon namin ang nasira, kung may mas malala pang nangyari kaysa sa iniisip ko. Isang gabi lang… pero pakiramdam ko, hindi ko na mababawi ang sarili kong buhay. Sa dami ng lalaking pwede kong makasama sa iisang kwarto, bakit si Ninong Chester pa? Hindi pwede. Si Ninong Chester ay matalik na kaibigan ni Papa. Kapag nalaman niya ang tungkol sa amin, baka itakwil niya ako bilang anak.Tahimik ang loob ng bahay. Tanghali na pero nakahiga pa rin si Killian sa kama, nakasandal sa headboard, may benda pa rin sa kanang balikat at paa. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi iyon naging hadlang para bantayan ang bawat kilos ni Claudette sa loob ng kwarto.Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng tray na may pagkain. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina. Ayaw niyang tulungan siya ni Killian dahil gusto niyang magpahinga ito. Pero gaya ng dati, hindi pa rin talaga nagpapapigil ang binata.“Claudette,” mahinang tawag ni Killian.Hindi siya kaagad lumingon.“Pwede ba akong tumayo mamaya? Kahit saglit lang? Gusto ko lang maglakad kahit sa may hallway.”Napabuntong-hininga si Claudette bago sumagot. “Sabi ng doktor, huwag ka munang pilitin ang katawan mo. Hindi ka pa fully recovered.”“Sinasanay ko lang sarili ko. Ayoko naman maging pabigat sa'yo araw-araw.”Nilapitan siya ni Claudette habang hawak ang tray. “Hindi ka pabigat, Killian. Ginusto ko 'to. Gusto kong alagaan ka.”
Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat
Umarte si Don Rafael na tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa habang nakakulong sa loob ng isang malamig na detention cell. Nakaupo siya sa sulok ng selda, nakasapo ang isang kamay sa dibdib habang paulit-ulit na umuungol na tila hirap na hirap sa paghinga. “Guard! Guard!” sigaw ng isa sa mga kasamang detainee, habang lumalapit sa rehas. “’Yung matanda! Parang inaatake na sa puso!” Agad na nagdatingan ang mga bantay. Tumakbo ang isa sa kanila papasok, habang ang isa ay tinawagan ang in-house medic ng presinto. Nang buksan ang selda, tumumba sa sahig si Don Rafael, nangingisay, nilalaro ang sariling dila, at pilit inaabot ang dibdib. “Sir, huwag kang gagalaw. Dito ka lang. Relax. Parating na ang nurse,” saad ng isang officer, habang sinusubukan siyang pasandalin sa dingding. Ang totoo, wala ni kaunting sakit ang nararamdaman ng matanda. Mula’t sapul ay plinano na niya ang lahat. Kilala niya ang sistema. At sa tagal ng pananatili niya sa kapangyarihan at impluwensiya, alam niy
Marahas ang pagkakabukas ng pintuan sa silid ni Killian. Agad siyang nagising mula sa sandaling pagkaidlip sa malamig na sahig habang nakakadena pa rin ang kanang pulso. Dalawang malalaking tauhan ni Don Rafael ang pumasok, walang pakundangang sinunggaban siya at pinilit tumayo. "Bitawan n’yo ako!" sigaw ni Killian, nanginginig sa galit. "Hindi ako papayag sa kasal na 'to!" Ngunit bingi ang mga tauhan ng matanda. Parang mga makina silang sumusunod lamang sa utos. Pinwersa nilang ilakad si Killian habang nakakadena pa ang isa niyang kamay. Wala siyang suot kundi puting long sleeves na gusot at duguan pa sa bahagi ng balikat—tanda ng sariwa pang sugat. Nagsusumiksik pa rin sa isip niya ang huling beses na nakita niya si Claudette. Ilang hakbang pa, at nasilayan na niya ang hardin sa likod ng mansyon. Lahat ay puti’t ginto—mula sa carpet, bulaklak, hanggang sa telang nakasabit sa altar. Maraming bisita, karamihan ay mga taong may impluwensya sa negosyo ang naroon. Sa harap ng altar a
Madilim na ang kalangitan at ang katahimikan ng gabi ay tila naging saksi sa muling paghinga ni Claudette matapos ang mga araw ng impyernong pinagdaanan niya. Suot ang lumang hoodie na ipinahiram ng isa sa mga tauhan ni Don Rafael, halos hindi na siya makilala. Gasgas ang ilang bahagi ng balat niya sa tuhod, may pasa sa braso, at ang labi niya ay may punit—tila marka ng pananakit at pang-aalipusta. Ngunit ang mga mata niya—bagamat pagod at namumugto ay puno ng paninindigan. "Ma'am, hanggang dito na lang po ako," ani ng lalaking tumulong sa kaniya, marahan ang tono. Isa siyang tauhan ni Don Rafael na, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay naantig sa hirap ni Claudette. "Salamat po... sobra," mahina niyang tugon. Napatingin siya sa maliit na flash drive na iniabot ng lalaki. "Ano 'to?" "’Yan po ang kasagutan sa lahat," sagot ng lalaki bago siya tinalikuran. "Ingatan n’yo. Magsasabi ‘yan ng totoo." Nang bumukas ang gate, agad siyang sinalubong ng mga matang puno ng gulat at pag-aalala—a
Tatlong araw na ang lumipas mula nang huling makita si Claudette. Tatlong araw ng walang kasiguraduhan, tatlong gabing walang tulog ang pamilya niya, lalo na si Caleigh, na halos ikabaliw ang pagkawala ng kapatid. Maging ang kanilang ina ay halos hindi na kumain. Kahit buntis si Claudette, walang konsiderasyong ipinakita si Don Rafael—ang lalaking buong pusong kinamumuhian na ngayon ng pamilyang Villamor.Nakapag-file na ng missing person report si Caleigh sa tulong ni Drako, ngunit wala silang hawak na ebidensiyang magtuturo kay Don Rafael. Maging ang CCTV footage sa ospital ay nabura na rin—isang patunay kung gaano kalawak ang impluwensiya ng matandang Nicolaj. Wala siyang iniwang bakas. Samantala, sa isang lihim na silid sa ilalim ng isang hacienda sa labas ng lungsod, naroroon si Claudette—nakakulong at hindi pa rin mapipigil ang kanyang pag-iyak. Sa bawat pag-ikot ng araw, mas lumalalim ang takot sa puso niya. Hindi dahil sa maaaring may mangyari sa kanya, kundi dahil walang nak