Share

Chapter 2

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-03-02 03:05:40

Celeste's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang ipagsiksikan ang sarili ko sa shower nang halos isang oras, sinisikap na hugasan ang hindi ko maipaliwanag na bigat sa balat ko. Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong sabunin ang sarili ko, hindi nababawasan ang kilabot sa loob ko.

Ilang beses akong napapikit, pilit na binabalikan ang gabing iyon, at pilit na kinakalkal ang memorya ko. Pero wala. Isang malabong haze lang ang bumabalot sa akin. Para akong nalunod sa dilim at hindi ko alam kung paano ako lumutang.

Hindi ako makatulog at makapag-focus dahil bumabagabag sa akin ang nangyari sa amin.

Anong nangyari sa pagitan namin ni Ninong Chester?

Pero kung walang nangyari… bakit ganoon ang reaksyon niya?

Kumakabog ang dibdib ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin. Maputla ang mukha ko, ang mga mata ko ay bahagyang namamaga dahil sa kakaiyak.

Celeste, pull yourself together.

Pagkalabas ko ng banyo, isang bagay lang ang naging priority ko—ang bumalik sa normal. I needed to work. I needed to pretend na walang nangyari. Pero bago ko pa man maisuot nang buo ang aking white blouse, biglang nag-ring ang cellphone ko.

Napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinakabahan. Lalo na nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Ninong Chester.

Para akong nawalan ng lakas sa mga daliri ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi. Pero alam kong hindi ako makakatakas dito nang matagal.

Huminga ako nang malalim bago pinindot ang answer button.

"H-Hello…"

"Nasaan ka?" malamig na tanong niya.

Napakurap ako at napalunok. Diretso agad sa punto. Walang greetings, walang kahit anong introduction. Hindi ako sanay.

"Uh… nasa condo. Paalis na rin po." Sinubukan kong gawing normal ang tono ko, pero kahit ako, hindi kumbinsido sa sarili kong boses.

Tahimik siya sa kabilang linya. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.

Hanggang sa sa wakas, nagsalita siya.

"Magkita tayo."

Napapitlag ako. "W-What?" Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Magkita tayo. Ngayon. May kailangan tayong pag-usapan."

Alam kong wala akong choice. Gusto kong malaman kung anong nangyari.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa café na pinili ni Ninong Chester para pagtagpuan namin. Isang upscale at private na lugar ito, na para bang sinigurado niyang walang makakakita sa amin.

Nang pumasok ako sa loob, hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko.

Agad ko siyang nakita. Nakaupo si Ninong Chester sa isang sulok, suot ang paborito niyang itim na suit. Malinis ang hiwa ng buhok niya, at seryoso ang expression sa mukha. Pero ang pinakamatingkad na bahagi sa kanya ngayon ay ang kanyang mga matatalim na matang nakatingin sa akin.

Napalunok ako bago dahan-dahang lumapit. Tahimik akong umupo sa harap niya.

Tahimik lang siya. Hanggang sa nagsalita siya at diretsong nakatitig sa akin.

"Do you remember anything from last night?"

Sa tanong niyang iyon, pakiramdam ko ay para akong sinampal ng reyalidad dahil wala akong maalala kagabi. Napakagat-labi ako nang maalalang n*******d na nang magising kanina. Masakit ang aking buong katawan at ang pinakapribadong parte ng aking katawan. Mas lalo lang akong kinabahan nang sumagi sa isipan ko na baka may nangyari sa amin.

Isang malaking kahihiyan sa aming pamilya kapag nalaman nilang may nangyari sa amin at magbubunga ang pagkakamaling iyon.

"Hindi ko maalala," pag-amin ko sa mahina kong boses. "Ninong, anong nangyari kagabi?" tanong ko at nagbabasakaling mali ang iniisip ko.

Mas dumilim ang tingin niya. "I was hoping you could tell me."

Napahawak ako sa sentido ko. My God, what did I get myself into?

Huminga siya nang malalim. "Celeste… something is not right."

Napatingin ako sa kanya, ang kaba sa dibdib ko ay lumakas lalo.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagtagilid ang panga niya, para bang nagpipigil ng emosyon. "I reviewed the security footage of the hotel."

Napalunok ako. "A-And?"

Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya nagpatuloy.

"Someone drugged you, Celeste."

Parang biglang umikot ang mundo ko.

"W-What?"

"Your drink," aniya, naninigurado sa bawat salitang binibigkas niya. "Sa footage, kitang-kita kung paano ka nila nilagyan ng something sa baso mo."

Bigla akong nanlamig.

"Oh my God…" bulong ko, parang hindi makapaniwala.

"Sino?"

"I have suspicions," sagot niya. "Pero ang mas mahalaga ngayon, Celeste… alam mong hindi ako ang gumawa nito sa 'yo."

Napatitig ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang bigat ng sitwasyon. Tuluyan na akong napaupo nang maayos, ang kamay ko ay nanginginig sa ibabaw ng mesa.

"May nangyari sa atin, Celeste."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Ninong Chester.

Parang lumubog ang buong mundo ko sa isang iglap.

Tahimik akong nakatitig kay Ninong Chester, pero pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Nanginginig ang mga daliri ko sa ibabaw ng mesa, habang ang buong katawan ko ay nanlamig sa bawat salitang binitiwan niya.

"Pareho tayong naka-drugs. Pareho tayong nalason ng inumin mo."

Napalunok ako. "Oh my God…"

Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko ipo-process ang lahat ng ito. Ang akala kong bangungot ay mas totoo pala kaysa sa inaakala ko. Ang akala kong wala lang nangyari ay isang kasinungalingan.

Isa itong malaking pagkakamali dahil si Ninong Chester ang lalaking nakasama ko. Ang lalaking hindi ko dapat pinangarap kailanman.

I swallowed hard, trying to keep myself together. Pero paano? Paano ko aayusin ang sitwasyong ito?

I looked at him, trying to find any sign that maybe—just maybe—he was wrong. Hoping na sana panaginip na lang ang lahat. Pero sa mga mata niya, nakita ko ang parehong pagkagulat at frustration na nararamdaman ko ngayon.

"I can't—" Umiling ako, nangingilid ang luha sa mata ko. "This can't be happening, Ninong."

Hindi siya agad sumagot. Ilang saglit siyang tahimik, pero alam kong hindi lang basta-basta ang iniisip niya.

Maya-maya pa, tumikhim siya at dumiretso ang upo. "We need to keep this between us, Celeste."

Nanlaki ang mata ko. "Anong—"

"I mean it." Matalim ang tingin niya sa akin. "No one else should know about this."

Dapat ba akong ma-offend? Hindi ko alam. Kasi kung ako lang, gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw at itanong sa kanya kung bakit ito nangyari sa amin. Pero anong magagawa namin? Wala kaming babalikan. Wala kaming rewind button na pwedeng pindutin para burahin ang nangyari. Wala kaming pagpipilian kung 'di ang tanggapin ito.

I clenched my fists. "Anong gusto mong gawin natin, Ninong? Kalimutan na lang? Act like nothing happened?"

"Yes," sagot niya agad nang walang pag-aalinlangan.

Parang sinampal ako ng realidad.

"You don’t even want to talk about it?" halos pabulong kong sabi.

Bumuntong-hininga siya. "Anong gusto mong pag-usapan natin, Celeste? Pareho tayong na-drug. Wala tayong ginustong gawin. Nangyari ito dahil sa isang taong gusto tayong pabagsakin—lalo ka na. Hindi natin ginusto ito."

Alam kong tama siya, pero bakit parang mas lalo lang akong nadudurog?

Bakit kahit alam kong wala akong kasalanan, pakiramdam ko ay may tinanggal sa akin?

Napalunok ako at yumuko, mariing pinikit ang mga mata ko, at pilit na nilalabanan ang bumibigat na emosyon.

Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kanya. "Fine. Walang makakaalam."

Isang tahimik na tango lang ang isinagot niya, pero kahit napagkasunduan na namin iyon… may isang bagay na hindi namin kayang kontrolin - ang alaala ng gabing iyon.

***

Pagkauwi ko sa condo, pakiramdam ko’y isa akong zombie. Hindi ko alam kung paano ako nakalakad, kung paano ako nakapasok sa unit ko. Hindi ko na rin matandaan kung paano ako nahiga sa kama. Basta ang alam ko lang, wala akong ibang nararamdaman kundi takot. Takot sa hindi ko maalala. Takot sa maaaring nangyari. Takot sa kung anong maaaring mabago nito sa buhay ko. At lalo na… takot kay Ninong Chester.

Hindi dahil masama siya, pero dahil alam kong mula ngayon, hindi ko na siya kayang tingnan sa parehong paraan.

He was always untouchable. He was always this distant, unreachable man na hindi ko kailanman pinangarap na maging bahagi ng mundo ko sa ganitong paraan.

Pero ngayon?

Alam ko nang nakita niya ang bahagi ng sarili kong hindi dapat niya nakita.

Paano kung hindi ko na ito matakasan?

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Napatayo ako mula sa kama, nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang inaabot ang phone ko sa nightstand. Pagtingin ko sa screen, halos mahulog ko ito sa kamay ko.

One New Message from Ninong Chester.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko.

With shaky fingers, I unlocked my phone and read the message.

Ninong Chester: Make sure to act normal at work. No one should suspect anything.

I clenched my jaw.

Ang sakit sa dibdib. Para bang pinapaalala niya sa akin na walang nangyari. Na kahit anong gawin ko, hindi pwedeng magbago ang dynamics namin. Pero paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi lang iyon ang magiging problema namin?

Sa unang pagkakataon, dumaan sa isip ko ang isang posibilidad na mas lalo lang gumulo sa isipan ko.

What if I'm pregnant?

Kapag nabuntis ako, paano ko sasabihin sa mga magulang ko na ang lalaking nakabuntis sa akin ay si Ninong Chester?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (13)
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 352

    Tahimik ang loob ng bahay. Tanghali na pero nakahiga pa rin si Killian sa kama, nakasandal sa headboard, may benda pa rin sa kanang balikat at paa. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi iyon naging hadlang para bantayan ang bawat kilos ni Claudette sa loob ng kwarto.Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng tray na may pagkain. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina. Ayaw niyang tulungan siya ni Killian dahil gusto niyang magpahinga ito. Pero gaya ng dati, hindi pa rin talaga nagpapapigil ang binata.“Claudette,” mahinang tawag ni Killian.Hindi siya kaagad lumingon.“Pwede ba akong tumayo mamaya? Kahit saglit lang? Gusto ko lang maglakad kahit sa may hallway.”Napabuntong-hininga si Claudette bago sumagot. “Sabi ng doktor, huwag ka munang pilitin ang katawan mo. Hindi ka pa fully recovered.”“Sinasanay ko lang sarili ko. Ayoko naman maging pabigat sa'yo araw-araw.”Nilapitan siya ni Claudette habang hawak ang tray. “Hindi ka pabigat, Killian. Ginusto ko 'to. Gusto kong alagaan ka.”

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 351

    Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 350

    Umarte si Don Rafael na tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa habang nakakulong sa loob ng isang malamig na detention cell. Nakaupo siya sa sulok ng selda, nakasapo ang isang kamay sa dibdib habang paulit-ulit na umuungol na tila hirap na hirap sa paghinga. “Guard! Guard!” sigaw ng isa sa mga kasamang detainee, habang lumalapit sa rehas. “’Yung matanda! Parang inaatake na sa puso!” Agad na nagdatingan ang mga bantay. Tumakbo ang isa sa kanila papasok, habang ang isa ay tinawagan ang in-house medic ng presinto. Nang buksan ang selda, tumumba sa sahig si Don Rafael, nangingisay, nilalaro ang sariling dila, at pilit inaabot ang dibdib. “Sir, huwag kang gagalaw. Dito ka lang. Relax. Parating na ang nurse,” saad ng isang officer, habang sinusubukan siyang pasandalin sa dingding. Ang totoo, wala ni kaunting sakit ang nararamdaman ng matanda. Mula’t sapul ay plinano na niya ang lahat. Kilala niya ang sistema. At sa tagal ng pananatili niya sa kapangyarihan at impluwensiya, alam niy

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 349

    Marahas ang pagkakabukas ng pintuan sa silid ni Killian. Agad siyang nagising mula sa sandaling pagkaidlip sa malamig na sahig habang nakakadena pa rin ang kanang pulso. Dalawang malalaking tauhan ni Don Rafael ang pumasok, walang pakundangang sinunggaban siya at pinilit tumayo. "Bitawan n’yo ako!" sigaw ni Killian, nanginginig sa galit. "Hindi ako papayag sa kasal na 'to!" Ngunit bingi ang mga tauhan ng matanda. Parang mga makina silang sumusunod lamang sa utos. Pinwersa nilang ilakad si Killian habang nakakadena pa ang isa niyang kamay. Wala siyang suot kundi puting long sleeves na gusot at duguan pa sa bahagi ng balikat—tanda ng sariwa pang sugat. Nagsusumiksik pa rin sa isip niya ang huling beses na nakita niya si Claudette. Ilang hakbang pa, at nasilayan na niya ang hardin sa likod ng mansyon. Lahat ay puti’t ginto—mula sa carpet, bulaklak, hanggang sa telang nakasabit sa altar. Maraming bisita, karamihan ay mga taong may impluwensya sa negosyo ang naroon. Sa harap ng altar a

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 348

    Madilim na ang kalangitan at ang katahimikan ng gabi ay tila naging saksi sa muling paghinga ni Claudette matapos ang mga araw ng impyernong pinagdaanan niya. Suot ang lumang hoodie na ipinahiram ng isa sa mga tauhan ni Don Rafael, halos hindi na siya makilala. Gasgas ang ilang bahagi ng balat niya sa tuhod, may pasa sa braso, at ang labi niya ay may punit—tila marka ng pananakit at pang-aalipusta. Ngunit ang mga mata niya—bagamat pagod at namumugto ay puno ng paninindigan. "Ma'am, hanggang dito na lang po ako," ani ng lalaking tumulong sa kaniya, marahan ang tono. Isa siyang tauhan ni Don Rafael na, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay naantig sa hirap ni Claudette. "Salamat po... sobra," mahina niyang tugon. Napatingin siya sa maliit na flash drive na iniabot ng lalaki. "Ano 'to?" "’Yan po ang kasagutan sa lahat," sagot ng lalaki bago siya tinalikuran. "Ingatan n’yo. Magsasabi ‘yan ng totoo." Nang bumukas ang gate, agad siyang sinalubong ng mga matang puno ng gulat at pag-aalala—a

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 347

    Tatlong araw na ang lumipas mula nang huling makita si Claudette. Tatlong araw ng walang kasiguraduhan, tatlong gabing walang tulog ang pamilya niya, lalo na si Caleigh, na halos ikabaliw ang pagkawala ng kapatid. Maging ang kanilang ina ay halos hindi na kumain. Kahit buntis si Claudette, walang konsiderasyong ipinakita si Don Rafael—ang lalaking buong pusong kinamumuhian na ngayon ng pamilyang Villamor.Nakapag-file na ng missing person report si Caleigh sa tulong ni Drako, ngunit wala silang hawak na ebidensiyang magtuturo kay Don Rafael. Maging ang CCTV footage sa ospital ay nabura na rin—isang patunay kung gaano kalawak ang impluwensiya ng matandang Nicolaj. Wala siyang iniwang bakas. Samantala, sa isang lihim na silid sa ilalim ng isang hacienda sa labas ng lungsod, naroroon si Claudette—nakakulong at hindi pa rin mapipigil ang kanyang pag-iyak. Sa bawat pag-ikot ng araw, mas lumalalim ang takot sa puso niya. Hindi dahil sa maaaring may mangyari sa kanya, kundi dahil walang nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status