Super sagana naman ng petchay ni Claudette 🥵 May tagadilig HAHAHAHA
Pagkatalikod ni Larkin ay hindi ko na siya pinansin. Pinili kong bumalik na sa office sa ikalawang palapag ng admin building. Kailangan ko nang ituloy ang trabaho ko—at ang buhay ko.Pero hindi pa man ako nakakaakyat sa hagdan ay narinig ko ang boses ni Larkin mula sa lobby. May kasabay itong malakas na yabag, at maya-maya’y isang mas matigas na tono ang sumagot.“Watch where you're going,” mariing sabi ng pamilyar na boses.Mabilis akong napalingon.Si Killian.Nakatayo ito sa tapat ni Larkin, nakasuot ng dark tailored suit, freshly shaven, confident as always—parang hindi affected kahit na may tension sa paligid.Nagtagpo ang paningin nilang dalawa.“Killian?” gulat na usal ko, pero hindi nila ako pinansin.“Who the hell are you?” matalim na tanong ni Larkin.Ngumisi lang si Killian, ang mga mata’y malamig. “That’s funny. You're trespassing on my property, and yet you’re asking me who I am?”Biglang tumigil si Larkin. Napakunot ang noo niya. “Property mo?”“Oo,” sagot ni Killian. “I
Maaga pa lang ay abala na ako sa pagbubuklat ng mga paperworks sa faculty room. Halos dalawang oras na akong tuloy-tuloy sa pagtutok, hindi para matapos agad ang gawain, kundi para may ibang pagtuunan ng pansin ang utak ko.Ayokong mag-isip. Ayokong maramdaman.Biglang nag-vibrate ang phone ko sa gilid ng desk. Pagtingin ko, si Ate Caleigh ang tumatawag.Napabuntong-hininga ako bago sinagot.“Ate,” mahinang bati ko.“Claudie,” lambing ng boses niya, “Can we meet today? I just want to see you.”Umiling ako kahit hindi niya naman ako nakikita. “Busy ako, Ate. May dami akong kailangan tapusin dito sa university.”“Are you okay?” tanong niya, may bahid ng pag-aalala. “You’ve been avoiding everyone lately. Hindi ka na rin masyadong active sa family group chat.”Tumahimik ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi pa ako handa.Hindi ko pa kayang sabihin sa pamilya ko na isa sa pinaka-masakit na dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Larkin ay dahil… baog ako.Walang anak.Walang
Pagkapasok namin sa loob ng rest house, napansin ko agad ang kakaibang ayos ng dining area. May mga maliliit na kandila sa mesa, nakasindi na parang may paparating na romantic dinner. Pero ang pinaka-nakapukaw ng pansin ko ay ang isang maliit na cake na nasa gitna ng mesa—simple lang, kulay dark chocolate, pero may eleganteng gold lettering na nagsasabing “Happy Birthday, K.”Napahinto ako. Saglit akong natigilan.“Killian…” bulong ko habang lumapit ako sa mesa. “It’s your birthday?”He didn’t answer right away. Instead, tahimik siyang lumapit sa akin, ang mga mata niya ay nakatingin lang sa cake. May kung anong lungkot sa likod ng mga titig niya—isang tahimik na kirot na hindi niya kailanman binanggit sa akin dati.Tumango siya, saka umupo sa harap ng mesa.“Today’s my birthday,” he said quietly. “And you’re the only person I wanted to spend it with.”Napalunok ako, saka marahang napaupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gulat? Tuwa? O awa dahil alam kong may ma
Pagdilat ng mga mata ko, agad kong napansin ang liwanag na pumapasok sa malalaking bintana ng kwarto. Tahimik. Maaliwalas. At may kakaibang katahimikang parang ayaw mong sirain. Sandali akong napahinga nang malalim, pilit inaalala kung paano natapos ang gabi namin ni Killian.Lumingon ako sa kaliwa—wala na siya sa tabi ko.Agad kong naramdaman ang malamig na espasyo sa kama. Pero bago pa man ako kab.ahan, napansin ko ang isang bagay sa paanan ng kama. Isang neatly folded one-piece black swimsuit, kasama ang beach kimono, shorts, shades, at isang malambot na oversized straw hat. Lahat branded. Lahat bago. Lahat ayon sa panlasa ko.Napakunot ang noo ko.Wala naman akong dinalang gamit kagabi, ‘di ba? Pinauwi na niya ako pagkatapos ng meeting, pero bigla rin akong sinundo at dumiretso kami sa rest house. Wala akong naaalalang nag-empake ako.Tumayo ako mula sa kama at tinungo ang bag na naroon sa gilid ng maliit na upuan. Pagbukas ko, nandoon na rin ang undergarments, toiletries, pati su
Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa kama. Pinunasan ko ang pisngi ko, inayos ang buhok at sarili. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong makita niya na kahit papaano, may lungkot pa rin akong dinadala. Gusto kong sa gabing ito, ako lang ang makita niya—hindi ang mga multo ng kahapon ko.Makalipas ang ilang minuto, kumatok siya sa pinto.“Dinner is served, Claudette. Come join me,” aniya, sabay ngiti.Pagbaba ko, natigilan ako sa nakita. Isang simpleng hapag, pero eleganteng nakaayos. Steak, mashed potatoes, fresh greens na salad, dalawang wine glasses, and a bottle of red. May tahimik na jazz music na umaalingawngaw mula sa speaker sa sulok ng sala, at ang liwanag ng fireplace ay nagbibigay ng malambot na ambiance sa buong paligid.“You cooked all of this?” tanong ko habang pinagmamasdan ang table. Halatang pinaghirapan ito.“Of course,” sagot niya habang inilalapit sa akin ang upuan. “I wanted tonight to be calm… and personal.”Tahimik kaming kumain sa una. Sapat lang ang ingay ng
Umiiyak ako habang naka-park sa gilid ng kalsada, sa loob ng sasakyan kong tila naging saranggolang wala nang direksyon. Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko. Pilit kong pinapawi ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo, pero paulit-ulit lang bumabalik sa isipan ko ang mga salitang tumaga sa puso ko kanina—ang medical record na nagsasabing baog ako, at ang bawat masakit na salita na ibinato ni Larkin na parang wala akong kahit anong naging halaga sa buhay niya."You’re not wife material. You’re just… a passing phase. A sterile chapter.”Paulit-ulit 'yon sa tenga ko. Parang sirang plaka. At sa bawat pagbalik ng linyang iyon, para akong sinasaksak sa dibdib. Sumandal ako sa manibela, ipinikit ang mga mata, at saka muling humikbi. Akala ko, ubos na 'ko. Akala ko, hindi na ako makakaramdam ng ganitong sakit pagkatapos ng lahat ng iniwan niya sa akin. Pero mas malalim pala ang sugat kapag kinumpirma ng papel ang pangungulila mo sa isang bagay na hindi mo kailanman makakamtan—isang anak.