Walang label, pero grabeeee 🥵 Mainit na umaga sa lahat. Maraming salamat posna pagtangkilik ng aking akda hanggang book 3. Love you all! 💗
Pagdilat ng mga mata ko, agad kong napansin ang liwanag na pumapasok sa malalaking bintana ng kwarto. Tahimik. Maaliwalas. At may kakaibang katahimikang parang ayaw mong sirain. Sandali akong napahinga nang malalim, pilit inaalala kung paano natapos ang gabi namin ni Killian.Lumingon ako sa kaliwa—wala na siya sa tabi ko.Agad kong naramdaman ang malamig na espasyo sa kama. Pero bago pa man ako kab.ahan, napansin ko ang isang bagay sa paanan ng kama. Isang neatly folded one-piece black swimsuit, kasama ang beach kimono, shorts, shades, at isang malambot na oversized straw hat. Lahat branded. Lahat bago. Lahat ayon sa panlasa ko.Napakunot ang noo ko.Wala naman akong dinalang gamit kagabi, ‘di ba? Pinauwi na niya ako pagkatapos ng meeting, pero bigla rin akong sinundo at dumiretso kami sa rest house. Wala akong naaalalang nag-empake ako.Tumayo ako mula sa kama at tinungo ang bag na naroon sa gilid ng maliit na upuan. Pagbukas ko, nandoon na rin ang undergarments, toiletries, pati su
Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa kama. Pinunasan ko ang pisngi ko, inayos ang buhok at sarili. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong makita niya na kahit papaano, may lungkot pa rin akong dinadala. Gusto kong sa gabing ito, ako lang ang makita niya—hindi ang mga multo ng kahapon ko.Makalipas ang ilang minuto, kumatok siya sa pinto.“Dinner is served, Claudette. Come join me,” aniya, sabay ngiti.Pagbaba ko, natigilan ako sa nakita. Isang simpleng hapag, pero eleganteng nakaayos. Steak, mashed potatoes, fresh greens na salad, dalawang wine glasses, and a bottle of red. May tahimik na jazz music na umaalingawngaw mula sa speaker sa sulok ng sala, at ang liwanag ng fireplace ay nagbibigay ng malambot na ambiance sa buong paligid.“You cooked all of this?” tanong ko habang pinagmamasdan ang table. Halatang pinaghirapan ito.“Of course,” sagot niya habang inilalapit sa akin ang upuan. “I wanted tonight to be calm… and personal.”Tahimik kaming kumain sa una. Sapat lang ang ingay ng
Umiiyak ako habang naka-park sa gilid ng kalsada, sa loob ng sasakyan kong tila naging saranggolang wala nang direksyon. Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko. Pilit kong pinapawi ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo, pero paulit-ulit lang bumabalik sa isipan ko ang mga salitang tumaga sa puso ko kanina—ang medical record na nagsasabing baog ako, at ang bawat masakit na salita na ibinato ni Larkin na parang wala akong kahit anong naging halaga sa buhay niya."You’re not wife material. You’re just… a passing phase. A sterile chapter.”Paulit-ulit 'yon sa tenga ko. Parang sirang plaka. At sa bawat pagbalik ng linyang iyon, para akong sinasaksak sa dibdib. Sumandal ako sa manibela, ipinikit ang mga mata, at saka muling humikbi. Akala ko, ubos na 'ko. Akala ko, hindi na ako makakaramdam ng ganitong sakit pagkatapos ng lahat ng iniwan niya sa akin. Pero mas malalim pala ang sugat kapag kinumpirma ng papel ang pangungulila mo sa isang bagay na hindi mo kailanman makakamtan—isang anak.
Habang abala ako sa paggawa ng lesson plan para sa klase kinabukasan, tahimik lang ang paligid ng opisina. Tanging tikatik ng ballpen at mahinang pagtipa sa laptop ang maririnig. Ilang mug ng kape na rin ang naubos ko pero hindi pa rin nababawasan ang pagod na dala ng maghapong pagtuturo.Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng activity tungkol sa postmodern literature nang biglang nag-pop ang notification ng email ko.Sa una, hindi ko pinansin. Marami na akong spam mail galing sa faculty group, minsan pati mga forwarded jokes. Pero nang masulyapan ko ang pangalan ng sender, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Larkin Trump.Nanigas ang katawan ko. Napahinto ang mga daliri ko sa keyboard. Parang lahat ng ingay sa paligid ay biglang nawala.I stared at the screen for several seconds. My chest started to tighten.And for a moment, I considered closing the laptop and pretending I never saw it. But I couldn’t. Pinindot ko ang inbox at tumambad sa akin ang subject line:Subject: Finality
Nagulat ako nang maramdaman kong may dumampot sa leeg ng mesa–ang kamay ni Killian. Bigla akong tumigil sa pagka-hyperventilate nang punasan niya ang sarili niyang labi at ngumiti nang malikot sa akin.“Hide there,” bulong niya, at mabilis niyang binuksan ang pinto ng opisina. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—sabay ang pagmamadali ng bawat tibok. Parang ako ay naglalaro ng apoy sa gilid ng lava. Ngunit mas pipiliin ko pa rin iyon kaysa makita ang kahit sinong bumungad sa akin na ganitong kondisyon.Mabilis siyang magsara ng pinto at tumingin sa akin. “Stay low,” mahinang sabi niya, punung-puno ng katiyakan.Humiga ako sa ilalim ng mesa. May mga kalabog na tumitilapon—mga yabag, kwentuhan, sigawan ng mga professors sa labas.“Claudette?” maririnig kong tanong nila. “Where did she go?”Mabilis namang sumagot si Killian: “She had to leave earlier—something about errands. Sorry pero pagdating niya, interview muna siya sa Dean.”Pagkatapos ng limang minuto, nakaayos si Killian ng buhok niy
Pagdilat ng mga mata ko, agad kong napansin ang kakaibang katahimikan. Wala si Killian sa tabi ko. Wala ring tunog ng yapak o kaluskos mula sa mga kasambahay. Tahimik ang buong bahay—masyadong tahimik. Parang iniwan ako ng buong mundo. Napatingin ako sa orasan. Sobrang sakit pa rin ng katawan ko mula sa gabi at umagang walang patid na pag-angkin ni Killian. Pero kahit pa masakit ang balakang ko at nanginginig ang tuhod ko, pinilit kong bumangon. May trabaho ako. At may meeting pa kami after lunch. Napabuntonghininga ako habang naliligo. Ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko, nagbabakasakaling may mensahe si Killian. Pero wala. Wala ring tawag, kahit isang “I’ll be gone today” o kahit kalibugang mensahe man lang—ni video, wala. Pagdating ko sa Adamson, agad kong tiningnan ang parking lot. Walang kotse ni Killian. Ipinikit ko ang mga mata ko saglit at hiniling sa sarili kong huwag mag-overthink. Maybe he had an urgent meeting. Maybe he didn’t want to wake me up. Maybe he’s just