Share

Chapter 278

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-05-27 23:59:11
Kinabukasan.

Mainit pa rin ang pakiramdam ng katawan ko, hindi lang dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa sheer curtain ng kwarto namin, kundi dahil sa braso ni Drako na mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Ang hininga niya, malalim, mainit, dumadampi sa batok ko—mahimbing pa ang tulog niya, tahimik, tila ba wala nang ibang problema sa mundo.

Napangiti ako habang nakahiga lang doon, ninanamnam ang sandaling ito na parang isang panaginip. Gamit ang hintuturo ko, iguhit ko ang pamilyar na peklat sa balikat niya. Isa ‘yong paalala ng mga sugat ng nakaraan—mga lihim na ginawang armas, sakit na naging lakas. Pero ngayon, ang mga sugat na ‘yon ay hindi na lang alaala ng madilim na kahapon… kundi ebidensya ng paninindigan niya—na kahit basag siya, pinili pa rin niya akong mahalin.

Nagulat ako nang biglang kumilos ang katawan niya. Lumapat lalo ang braso niya sa katawan ko, saka siya huminga nang malalim.

“Ang tahimik mo naman diyan,” bulong niya, paos ang boses, halatang bagong gi
Deigratiamimi

Good evening po. Kauuwi ko lang galing probinsiya Babawi po ako bukas. Maraming salamat po at pasensya kung walang update ilang araw na.

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mark Paras
NXT episode plss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 279

    Nakaharap ako sa salamin ng kwarto habang hawak-hawak ang cellphone ko—walang tumatawag, walang update. Ilang minuto, ilang segundo, parang buong araw na ang lumilipas habang wala pa ring balita mula kay Drako.Ang mga kamay ko, nanginginig. Buong katawan ko, malamig. Ang puso ko, tila nilulukot sa kaba.Nasaan na siya?Buhay pa ba si Mommy?Napaupo ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili kong katawan, pilit na pinipigilang umiyak. Pero hindi ko na kaya."God, please..." bulong ko, halos wala nang boses. "Not again. Please don't take her away from me."Tulad ng dati, walang sagot ang katahimikan.Nasa isang safehouse daw si Drako kasama ang mga tao niya. Na-trace nila ang van na ginamit sa pagdukot. Armed men. Multiple targets. Ang sabi ni Leo, high risk ang operation.Wala si Drako sa tabi ko.Nasa panganib siya. Dahil sa ‘kin. Dahil sa Mommy ko.I couldn't breathe.Tumayo ako, naglakad paikot sa kwarto, walang direksyon. Napatigil ako sa harap ng balcony at marahas na binuksan ang sl

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 278

    Kinabukasan. Mainit pa rin ang pakiramdam ng katawan ko, hindi lang dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa sheer curtain ng kwarto namin, kundi dahil sa braso ni Drako na mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Ang hininga niya, malalim, mainit, dumadampi sa batok ko—mahimbing pa ang tulog niya, tahimik, tila ba wala nang ibang problema sa mundo. Napangiti ako habang nakahiga lang doon, ninanamnam ang sandaling ito na parang isang panaginip. Gamit ang hintuturo ko, iguhit ko ang pamilyar na peklat sa balikat niya. Isa ‘yong paalala ng mga sugat ng nakaraan—mga lihim na ginawang armas, sakit na naging lakas. Pero ngayon, ang mga sugat na ‘yon ay hindi na lang alaala ng madilim na kahapon… kundi ebidensya ng paninindigan niya—na kahit basag siya, pinili pa rin niya akong mahalin. Nagulat ako nang biglang kumilos ang katawan niya. Lumapat lalo ang braso niya sa katawan ko, saka siya huminga nang malalim. “Ang tahimik mo naman diyan,” bulong niya, paos ang boses, halatang bagong gi

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 277

    Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama nang marinig ko ang masisiglang boses ng aming mga anak mula sa sala. Tulad ng dati, tila may mini-reunion ng cartoon characters sa ibaba—ang quadruplets naming sina Calliope, Camila, Daemon, at Dax, nagkakagulo habang kausap si Drako. Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. “Daddy, bakit pagod si Mommy?” tanong ni Dax, ang pinakapilyo sa kanilang apat, na tila ba Sherlock Holmes sa kakulitan. Halos mapalubog ako sa kama sa sumunod na narinig kong sagot ni Drako. “Pagod ang Mommy n’yo kasi… tumulong siya sa paggawa ng magiging kapatid n’yo.” Napapikit ako. Napakagat sa labi habang pilit pinipigilan ang pagbugso ng tawa at hiya. Namula ang buong mukha ko, parang sinabuyan ng kumukulong tubig. “Drako…” mahinang ungol ko sa sarili, halos hindi makapaniwala sa sinabing ‘yon ng asawa ko. At syempre, hindi pa doon natapos. “Ohhh!” sabay-sabay pang sagot ng mga bata, habang tila may nakaka-excite na puzzle silang natuklasan. Hindi n

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 276

    Never in my life did I imagine myself doing something like this. I felt a wave of shame wash over me, but at the same time, there was this undeniable thrill. A forbidden excitement. Drako bit his lower lip as he watched me, waiting for my reaction to the bold, carnal desire he just whispered. His eyes—dark, longing, full of hunger—met mine, and whatever hesitation I had slowly melted into the heat between us. Pakiramdam ko, gusto niya talaga ito. I could see it in his gaze, feel it in the way he breathed, how he held himself back for me. Parang kahit anong gawin ko, kahit anong ipakita ko, he would never judge me. I was safe with him. Sa harap ng ibang tao, baka hindi ko kayanin. Pero kay Drako, okay lang. Kahit malaman niyang gusto ko rin ito—na sabik din ako sa kanya—hindi niya babalewalain ang damdamin ko. If anything, he would just embrace it more, embrace me more. And I wanted it, too. God, I wanted it so bad. Hindi ko inakala, pero he made me feel things I’ve never felt before

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 275

    Katatapos ko lang magluto ng popcorn para sa mga bata nang mapansin kong nakatayo si Drako sa may pintuan ng kusina. Nakapamewang siya, suot pa ang polo niyang bahagyang nakabukas sa dibdib. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Agad siyang lumapit at ipinulupot ang braso niya sa beywang ko. Walang sabi-sabi, hinalikan niya ako sa labi—marahan pero may init. Ramdam ko pa rin ang pagsabik sa bawat pagdampi ng mga labi niya. Parang laging unang halik. It’s been a month since we got back together. Isang buwang puno ng pag-a-adjust, pag-unawa, at muling pagkatuto kung paano magmahal nang walang takot. Kahit papaano, unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago niya—sa kilos, sa pananalita, sa bawat gabing inuuna niya ang pamilya namin kaysa sa galit o pride. Hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi sa mga magulang ko ang totoo—na binigyan ko si Drako ng isa pang pagkakataon. Na pinili kong isugal muli ang puso ko sa lalaking minsang sumira nito. "Nagluluto pa ako," sabi ko habang nilalagay ang

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 274

    Tahimik ang biyahe pauwi. Nasa likod ako ng sasakyan, kasama ang mga bata. Tahimik silang natutulog, parehong nakasandal sa magkabilang braso ko. Si Drako naman ay tahimik lang din sa driver’s seat, pero ramdam ko ang bigat ng kanyang mga buntong-hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa stress ng buong araw o dahil sa akin. Nilingon ko siya. Napatingin din siya sa rearview mirror. Saglit kaming nagtagpo ng tingin, pero agad ko ring ibinaling ang paningin ko sa labas ng bintana. Pagdating sa bahay, dahan-dahan naming inilipat ang mga bata sa kwarto. Maingat kong hinaplos ang buhok nina Camila at Calliope habang inaayos siya sa kama. Si Dax naman ay mariin ang yakap sa stuffed toy niyang si “Woofie.” Anghel ang mga mukha nila habang natutulog. Paglabas ko ng kwarto ng quadruplets, nabigla ako nang makita si Drako sa hallway, nakasandal sa pader, naghihintay. He looked exhausted. Disheveled in the most beautiful, devastating way. "Can't sleep?" tanong ko habang iniiwas ang tingin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status