Reason kung bakit galit na galit si Don Rafael kay Claudette ay lumabas na. Hindi lang dahil magkapatid sina Larkin at Killian. May malalim na dahilan lang talaga ang matanda. Boss siya ni Anthony. Na-mention si Anthony Salvador sa Book II: The Billionaire's Vengeful Obsession (Caleigh's Story) Sana ay maliwanagan ang lahat. Stay tuned for more updates! Malapit ng mawala ang matanda. Pati ako naiinis na sa role niya. 🤣
Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat
Umarte si Don Rafael na tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa habang nakakulong sa loob ng isang malamig na detention cell. Nakaupo siya sa sulok ng selda, nakasapo ang isang kamay sa dibdib habang paulit-ulit na umuungol na tila hirap na hirap sa paghinga. “Guard! Guard!” sigaw ng isa sa mga kasamang detainee, habang lumalapit sa rehas. “’Yung matanda! Parang inaatake na sa puso!” Agad na nagdatingan ang mga bantay. Tumakbo ang isa sa kanila papasok, habang ang isa ay tinawagan ang in-house medic ng presinto. Nang buksan ang selda, tumumba sa sahig si Don Rafael, nangingisay, nilalaro ang sariling dila, at pilit inaabot ang dibdib. “Sir, huwag kang gagalaw. Dito ka lang. Relax. Parating na ang nurse,” saad ng isang officer, habang sinusubukan siyang pasandalin sa dingding. Ang totoo, wala ni kaunting sakit ang nararamdaman ng matanda. Mula’t sapul ay plinano na niya ang lahat. Kilala niya ang sistema. At sa tagal ng pananatili niya sa kapangyarihan at impluwensiya, alam niy
Marahas ang pagkakabukas ng pintuan sa silid ni Killian. Agad siyang nagising mula sa sandaling pagkaidlip sa malamig na sahig habang nakakadena pa rin ang kanang pulso. Dalawang malalaking tauhan ni Don Rafael ang pumasok, walang pakundangang sinunggaban siya at pinilit tumayo. "Bitawan n’yo ako!" sigaw ni Killian, nanginginig sa galit. "Hindi ako papayag sa kasal na 'to!" Ngunit bingi ang mga tauhan ng matanda. Parang mga makina silang sumusunod lamang sa utos. Pinwersa nilang ilakad si Killian habang nakakadena pa ang isa niyang kamay. Wala siyang suot kundi puting long sleeves na gusot at duguan pa sa bahagi ng balikat—tanda ng sariwa pang sugat. Nagsusumiksik pa rin sa isip niya ang huling beses na nakita niya si Claudette. Ilang hakbang pa, at nasilayan na niya ang hardin sa likod ng mansyon. Lahat ay puti’t ginto—mula sa carpet, bulaklak, hanggang sa telang nakasabit sa altar. Maraming bisita, karamihan ay mga taong may impluwensya sa negosyo ang naroon. Sa harap ng altar a
Madilim na ang kalangitan at ang katahimikan ng gabi ay tila naging saksi sa muling paghinga ni Claudette matapos ang mga araw ng impyernong pinagdaanan niya. Suot ang lumang hoodie na ipinahiram ng isa sa mga tauhan ni Don Rafael, halos hindi na siya makilala. Gasgas ang ilang bahagi ng balat niya sa tuhod, may pasa sa braso, at ang labi niya ay may punit—tila marka ng pananakit at pang-aalipusta. Ngunit ang mga mata niya—bagamat pagod at namumugto ay puno ng paninindigan. "Ma'am, hanggang dito na lang po ako," ani ng lalaking tumulong sa kaniya, marahan ang tono. Isa siyang tauhan ni Don Rafael na, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay naantig sa hirap ni Claudette. "Salamat po... sobra," mahina niyang tugon. Napatingin siya sa maliit na flash drive na iniabot ng lalaki. "Ano 'to?" "’Yan po ang kasagutan sa lahat," sagot ng lalaki bago siya tinalikuran. "Ingatan n’yo. Magsasabi ‘yan ng totoo." Nang bumukas ang gate, agad siyang sinalubong ng mga matang puno ng gulat at pag-aalala—a
Tatlong araw na ang lumipas mula nang huling makita si Claudette. Tatlong araw ng walang kasiguraduhan, tatlong gabing walang tulog ang pamilya niya, lalo na si Caleigh, na halos ikabaliw ang pagkawala ng kapatid. Maging ang kanilang ina ay halos hindi na kumain. Kahit buntis si Claudette, walang konsiderasyong ipinakita si Don Rafael—ang lalaking buong pusong kinamumuhian na ngayon ng pamilyang Villamor.Nakapag-file na ng missing person report si Caleigh sa tulong ni Drako, ngunit wala silang hawak na ebidensiyang magtuturo kay Don Rafael. Maging ang CCTV footage sa ospital ay nabura na rin—isang patunay kung gaano kalawak ang impluwensiya ng matandang Nicolaj. Wala siyang iniwang bakas. Samantala, sa isang lihim na silid sa ilalim ng isang hacienda sa labas ng lungsod, naroroon si Claudette—nakakulong at hindi pa rin mapipigil ang kanyang pag-iyak. Sa bawat pag-ikot ng araw, mas lumalalim ang takot sa puso niya. Hindi dahil sa maaaring may mangyari sa kanya, kundi dahil walang nak
Dahan-dahang lumingon si Killian sa Lolo niya habang pilit kinukuyom ang sugat sa tagiliran. Namumutla na siya, pero ang mga mata niya ay tirik pa rin sa galit. Umaapoy. Hindi takot ang naroon—galit, determinasyon, at paghihinagpis sa matandang hindi kailanman naging ama sa kaniya kundi isang makasariling emperador."Kung hindi ka makikinig sa mabuting usapan, dadaanin kita sa dahas!" singhal ng matanda, mariing nakatutok ang tungkod sa direksyon ni Killian. “Sinira mo ang pangalan natin. Sinayang mo ang pagkakataon. At ngayon, binabastos mo pa ang huling hiling ko.”Ngunit kahit dumudugo at halos mawalan ng lakas, ngumisi si Killian. Isang mapanghamong ngiti.“Hindi n'yo na ako kayang hawakan, Lolo,” aniya, hingal ang boses pero mariin. “Kahit barilin n'yo pa ako ulit… kahit ipapatay n'yo ako… hindi n'yo na mababago ang desisyon ko.”Napapitlag ang ilan sa mga tauhan sa paligid. Tila nag-aalangan na silang makisangkot sa hidwaan ng mag-lolo.Huminga nang malalim si Killian at mas lal