LOGINGood morning. Stay tuned for more updates! Huwag kalimutang mag-iwan ng komento sa bawat kabanata. Paki-rate na lang din po ang libro. Maraming salamuch 🫶
Pinupunasan ni Killian ang luha niya habang nakatayo sa harap ng altar. Halos hindi siya huminga nang makita si Claudette na dahan-dahang naglalakad papasok ng simbahan, suot ang wedding gown na matagal nitong pinangarap. Puting-puti, simple pero elegante, bagay na bagay sa kaniya. Hawak ni Claudette ang bouquet habang nakangiti, pero halatang nangingilid rin ang luha sa mga mata. Maraming bisita ang naroon — pamilya, mga kaibigan, pati mga anak nila na nakaayos sa harapan. Si Alessandro, na siyam na taong gulang na, ang ring bearer. Ang kambal na sina Larkin at Lara, suot ang cute na damit at barong, ang flower girl at page boy. Nang magtagpo ang tingin ni Claudette at Killian, pareho silang natawa sa gitna ng emosyon. Paglapit nito sa altar, inabot ni Killian ang kamay niya. “You’re so beautiful,” bulong ng lalaki, halos hindi maipinta ang ngiti. “Thank you,” sagot ni Claudette, medyo nanginginig ang boses. “You’re not bad yourself, Mr. Nicolaj.” Tumawa si Killian, pinunasan u
Excited si Claudette habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin. Suot niya ang simpleng white silk dress na pinili ni Killian para sa date nila. Hindi siya makapaniwala na sa wakas ay makakapag-relax din sila kahit isang gabi lang, malayo sa mga bata.Nasa ibaba si Killian, naka-white polo na bahagyang bukas ang tatlong butones, habang hawak ang kamay ni Claudette nang bumaba ito.“Ready ka na, Mrs. Nicolaj?” tanong ni Killian na may ngiti sa labi.“Ready na, Mr. Nicolaj,” sagot ni Claudette habang nakangiti rin. “Na-check mo na ba ‘yong mga bata? Baka iyakan na naman ni Lara si Ate Caleigh kapag hindi niya ako nakita.”“Checked and double-checked. Si Mommy Celeste na nga ang nagpatulog kina Larkin at Lara. Si Alessandro naman, busy makipaglaro sa mga pinsan niya. Don’t worry, babe. This night is all ours.”“Sigurado ka ha, kasi ayokong may tumawag sa gitna ng—”“Promise. I already turned off my business phone. Tonight, it’s just you and me.”Habang naglalakad sila papunta sa p
Binuhat ni Killian si Claudette papasok sa loob ng silid nila. Mahigpit ang yakap nito sa babae, parang sabik na sabik na muli sa lambing ng asawa. Wala pa silang nasisimulan, pero halata na agad ang init sa pagitan nilang dalawa.Pagkalapat ng pinto, hindi na niya napigilan ang sarili. Agad niyang sinunggaban ang labi ni Claudette, marahas pero puno ng halik na matagal na niyang gustong ibigay. Gumanti naman si Claudette, hawak sa batok ng asawa habang napapaungol sa bawat paggalaw ng kanilang mga labi.“Killian…” mahina niyang tawag, halos hindi na maayos ang boses dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.“Hmm?” bumaba ang mga halik ni Killian sa leeg nito. “Gusto mo ba talaga ng isa pa? Gusto mo bang sundan sina Larkin at Lara?”Napangiti si Claudette, kahit nakapikit. “Oo naman. Pero baka ikaw ang mapagod, ha?”Tumigil saglit si Killian, nakatingin sa mukha ng asawa. “Ako? Mapagod? Claudette, sa dami ng anak natin, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog minsan.”“Loko
Tahimik na nakaupo si Killian sa study room ng bahay habang hawak ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Matagal niya itong tinitigan, saka bahagyang ngumiti. Galing ito sa ibang bansa, binili niya habang nagbi-business trip sa Singapore dalawang linggo na ang nakalipas. Sa isip niya, paulit-ulit niyang sinasabi: This time, I’ll do it right.Pumasok si Alessandro sa kwarto, hawak ang laruan niyang eroplano. “Daddy, what’s that?” tanong ng bata habang lumapit.Ngumiti si Killian. “Secret, buddy. Pero para ito kay Mommy.”“Kay Mommy? Is it her birthday again?” tanong ni Alessandro, halatang excited.Killian tumawa. “No, not birthday. But I’m planning something special.”“Special?” nakangiti ang bata. “Like when we had cake last time?”“Even better than cake,” sagot ni Killian, sabay kindat. “Promise, you’ll see soon.”Tumakbo palabas ng kwarto si Alessandro, sigaw nang sigaw ng “Mommy, Daddy’s planning something!” kaya napailing si Killian. “Ay naku, anak talaga,” mahina niyan
Mainit pero maliwanag ang umagang iyon. Sa loob ng bahay ng mga Nicolaj, puno ng tawanan at ingay ng mga bata. May mga lobo sa bawat sulok, pastel ang tema ng dekorasyon, at may malaking tarpaulin na may nakasulat: Happy 1st Birthday, Larkin and Lara! Masayang pinagmasdan nina Killian at Claudette ang kambal habang tumatawa ito sa sala. Nakaupo sa malambot na playmat sina Larkin at Lara, habang abala naman si Alessandro—ang panganay nilang anak—sa pagpapatawa sa mga kapatid niya. “Tingnan mo ‘yan,” natatawang sabi ni Claudette habang nakasandal sa balikat ni Killian. “Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mas maingay.” Ngumiti si Killian habang nakatingin sa tatlong bata. “Definitely Alessandro. He got that energy from you.” Napangiwi si Claudette. “Excuse me? I’m calm and composed.” “Really?” tumawa si Killian. “You used to throw things at me sa office noong hindi mo ako pinapansin after... you know.” Pinandilatan siya ni Claudette. “Don’t start, Killian.” Napahagikhik si Killi
Binyag ng kambal na sina Larkin at LaraMaagang nagising si Claudette sa araw ng binyag. Halos hindi siya nakatulog sa excitement at kaba. Gusto niyang maging perpekto ang lahat—mula sa handa, sa dekorasyon, hanggang sa mga bisita. Nakasuot siya ng simpleng kulay beige na dress habang abala sa paghahanda sa loob ng kanilang bahay.Kasama niya si Killian na kanina pa nakatingin sa kambal habang tulog pa ito. Nakangiti si Claudette habang inaayos ang ribbon sa maliit na ulo ni Lara.“Killian, make sure dalhin mo ‘yung extra milk nila, ha? Baka magutom ‘to sa simbahan,” paalala ni Claudette habang nag-aayos.Ngumiti si Killian. “Yes, Professor Claudette. Lahat ng checklist mo, nasunod ko na. Promise.”Umiling si Claudette at napangiti. “Ikaw talaga. Seryoso ako. Alam mo namang hindi ako mapalagay kapag may nakalimutan.”Lumapit si Killian at hinawakan ang balikat niya. “Hey, relax. Everything’s under control. Today is for our twins. Let’s just enjoy it.”Napatango siya at huminga nang ma
Celeste's POV Nang tuluyang makaalis si Isabelle, agad akong kumawala mula sa pagkakayakap ni Chester. Para akong nakalunok ng apoy—umiinit ang dibdib ko sa galit, sa inis, at sa sobrang pagkalito. Hinawi ko ang kaniyang mga bisig na tila ba umaangkin pa rin sa katawan ko kahit pa malinaw na malin
Celeste’s POV Habang naghihintay ng resulta sa kalagayan ni Caleigh, nahagip ng mata ko si Reginald Villamor na nakikipag-usap sa mga doktor at nurses. Nanliliksik ang mga mata ko nang nagtama ang paningin namin. Hindi naman kami sa Villamor Medical Hospital nagpunta, pero kahit dito ay nakikita
Celeste's POV Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatayo sa harap ng lalaking tinuring kong salot sa buhay ko. Halos magliyab ang dibdib ko sa galit. Hindi ko na alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para humarap sa kanya ngayon. Mabigat ang hangin sa loob ng silid. Tahimik ang paligid. Nasa
Celeste's POV Sa loob ng halos dalawang buwan na pananatili namin sa ospital, hindi pa rin ako nakaramdam ng kahit anong ginhawa—hindi bilang ina. Araw-araw ay para akong nilulumpo sa tuwing makikita ko ang anak kong si Caleigh na nakahiga sa puting kama ng silid na iyon, tila pinanghihinaan ng la







