Share

Drew Chapter 33

Author: Docky
last update publish date: 2026-07-25 16:27:27

“Sir Drew, huwag na po ninyong uulitin ito. Kapag nalaman ni Ahma na nagmaneho kayo ng lasing baka masisante ako sa trabaho ko," sabi ni Gibo habang nagmamaneho. “Mabuti na lang at tinawagan ako ni Miss Iya."

Tahimik lamang si Drew habang nakaupo sa may backseat. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang palihim na hinahawakan ang kaniyang labi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyaring halik kanina. Mas ikinagulat niya ang katotohanang hindi siya itinulak ni Iya.

Napabuntong-
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Hot Night to Forever   DREW Chapter 44 BOOK 1 ENDING

    “Mommy, bilisan mo po!” masayang sigaw ni Blake habang tumatakbo siya sa aisle ng private jet. “Blake, no running,” natatawang saway ni Iya habang hinahabol niya ng tingin ang kaniyang anak. “Pero excited na po kami ni Kuya! Makikita na po namin sina Kuya Atticus at Kuya Atlas!” reklamo naman ni Drake. Napailing na lamang si Drew habang pinagmamasdan niya ang dalawang anak nila. Pareho silang mana sa ina nila — makulit, madaldal, at puno ng buhay. “Come here.” Hinila ni Drew si Iya sa bewang dahilan para mapaupo ito sa tabi niya. “Drew...” namumulang bulong ni Iya. “Ano?” kunwari’y inosenteng tanong ni Drew. “Nandito ang mga anak natin.” “So?.” Napailing si Iya bago marahang sinuntok ang dibdib ng asawa niya. “Ikaw talaga.” Ngumiti si Drew saka hinalikan ang noo ni Iya. “Ilang taon na tayong kasal pero nahihiya ka pa rin.” “Dahil ikaw ang dahilan.” “Bakit?” natatawang tanong ni Drew. “Lagi mo akong inaasar.” Napatawa si Drew bago niya niyakap nang mahigp

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 43

    Makalipas ang sampung buwan, sa loob ng delivery room unang beses na naramdaman ni Drew ang isang takot na hindi kayang tapatan ng kahit anong problema sa negosyo. Hindi siya natatakot sa pagkatalo. Hindi siya natatakot sa panganib. Ngunit nang makita niyang nahihirapan si Iya habang iniluluwal nito ang kanilang anak, doon niya napagtanto na may isang bagay pala sa mundo na mas mahalaga kaysa sa lahat—ang kaligtasan ng kanyang pamilya. “Iya...” Mahigpit na hawak ni Drew ang kamay ng kaniyang asawa. “Kasama mo ako.”Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya. “Drew...” “Huwag ka nang magsalita,” nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minah

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 42

    Hindi halos makatulog si Iya ngayong gabi. Nakatayo siya sa harap ng salamin habang hawak ang maliit na bagay na ilang beses na niyang tinitigan. Isang bagay na kayang magbago sa buhay nila ni Drew.Hindi alam ni Iya kung matatawa ba siya. Iiyak. O matatakot. Dahil kahit ilang beses niyang pinangarap ang sandaling ito... iba pa rin pala kapag nandiyan na mismo sa harapan niya.Dahan-dahang hinaplos ni Iya ang kaniyang tiyan. “Hindi pa rin ako makapaniwala...” mahina niyang bulong.Matagal na hinintay ni Iya ang pagkakataong ito pero bakit ngayong ibinigay na iyon sa kaniya ay parang nilukob siya ng matinding kaba na hindi niya maintindihan kung saan nagmumula?Sa kabilang bahagi ng mansyon, hindi alam ni Drew ang nangyayari. Abala siya sa isang video conference nang gabing iyon. Isa iyong emergency meeting. Kahit nasa harap niya ang mga executives ng kumpanya, hindi niya maiwasang mapansin ang isang bagay. Hindi pa lumalabas si Iya para bigyan siya ng goodnight kiss at hindi iyon no

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 41

    Pagbalik nina Drew at Iya mula sa kanilang honeymoon sa Europe, tila ibang bersyon na sila ng kanilang mga sarili. Saglit lang silang nakausap ni Ahma kagabi dahil pagod na pagod sila at pagbaba nila mula sa kanilang silid ay muli silang sinalubong ng matriyarka.“Sa wakas, nagising na rin kayo.”Napangiti si Iya. “Namiss po ba ninyo kami, Ahma?” “Hindi,” agad na sagot ng matanda.Nagulat si Iya at bago pa siyamakapagsalita, ngumiti si Ahma sa kaniya.“Namiss ko kayo nang sobra.”Napatawa ang lahat. Maging si Drew ay hindi napigilang ngumiti. Matagal na niyang hindi nakikita ang lola niya ng ganoon kasaya.“Drew.” Lumapit si Ahma at inayos ang kuwelyo ng kaniyang apo. “Ngayon kita mas nakikilala.”Napakunot ang noo ni Drew. “Ano pong ibig sabihin?” “Dati, akala ko magiging tulad ka ng mga nauna sa atin. Isang lalaking puro responsibilidad at nakakalimutan ng mabuhay.”Natahimik si Drew. “Pero nagkamali ako.”Tumingin si Ahma kay Iya. “Dahil dumating ang taong nagpaalala sa’yo n

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 40

    Sa Paris, ginugol nina Iya at Drew ang mga araw na parang ordinaryong magkasintahan. Hindi bilang tagapagmana ng malaking kumpanya. Hindi bilang kilalang personalidad. Kung hindi bilang dalawang taong gustong mas makilala pa ang isa’t isa. Naglakad sila sa mga kalsada ng walang bodyguard sa tabi. Kumain sila sa maliliit na restaurant. Namasyal sa mga lugar na dati ay pinapangarap lamang ni Iya.At sa bawat pagkakataon, hindi maiwasan ni Drew na pagmasdan ang kaniyang asawa. “Bakit mo ako tinitingnan?” tanong ni Iya habang naglalakad sila sa tabi ng ilog.Umiling si Drew. “Wala.” “Drew.” Napangiti Iya. “Tumigil ka. Tama si Ahma, hindi ka marunong magsinungaling.” Tumigil si Drew. “At ikaw naman, hindi ka marunong maniwala kapag sinasabihan ka ng totoo.”Natahimik si Iya. “Ano’ng totoo?” Tumingin si Drew sa kaniyang asawa. “Masaya ako…”Simple lamang ang sinabi ni Drew. Ngunit alam ni Iya kung gaano kalalim ang kahulugan noon. Dahil kilala niya ang lalaking nasa harapan niya

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 39

    Isang linggo matapos ang kasal, naramdaman nina Drew at Iya ang katahimikan. Walang gulo, walang takot at walang kailangang patunayan. Sa pagkakataong ito, hindi sila tumatakbo palayo sa problema. Sa halip, naglalakad sila patungo sa bagong yugto ng buhay nila…bilang mag-asawa.Sa unang araw ng kanilang honeymoon sa Europe, hindi muna nagplano si Drew ng kahit anong business related things. Isang bagay iyon na ikinagulat ni Iya dahil kilala siya nito bilang isang lalaking halos hindi na humihiwalay sa trabaho.Ngayon, ang CEO ng Revamonte Group ay nakatayo sa harap ni Iya habang hawak ang dalawang tasa ng kape. “Para sa’yo.”Napatingin si Iya sa hawak ni Drew. “Hindi ako makapaniwala.” “Bakit naman?” natatawang tanong ni Drew.“Dahil ikaw mismo ang gumawa ng kape ko. Trabaho ko kasi ‘yan, SIR DREW,” turan ni Iya, medyo nang-aasar.Bahagyang ngumiti si Drew. “Problema ba iyon? Isa pa, you're not my secretary anymore. You are my wife now.”Napangiti si Iya. “Hindi naman ‘yan proble

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status