แชร์

Kabanata 120

ผู้เขียน: Docky
last update วันที่เผยแพร่: 2026-04-13 20:01:44

Hindi agad nakasagot si Yvee. Nakatitig lang siya sa may pintuan ng silid. Para bang sa kabilang side ng pinto ay may bagay na hindi niya alam kung paano niya haharapin.

Matriarka ng mga Revamonte…

Hindi naman kabilang si Yvee sa pamilya nila. Kahit pa sabihin ni Gideon na fiancee siya nito, pakiramdam pa rin niya ay parang nakikisiksik lang siya sa mundong hindi naman para sa kaniya. Oo, siya ang ina ng kambal… pero para sa kaniya ay wala iyong koneksyon sa mga Revamonte. Gulong-gulo na ang is
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 202

    Agad na tumayo si Ahma. “Ano’ng ibig sabihin nito?” malamig niyang tanong.Hindi agad sumagot si Edwin. Diretso lamang siyang nakatingin kay Yvee. Tila puno ng sama ng loob.“Engagement?” mapait na sambit ni Edwin. “Talaga?”Napakurap si Yvee. “Dad—”“Hindi mo man lang naisip na sabihin sa akin?” putol agad ni Edwin. “Kailangan ko pang malaman sa balita?”Napatingin si Edwin sa center table. Nakita niyang nakalatag ang mga invitation sample sa mesa. May mga papel at ballpen na nakalatag na rin doon.Unti-unting tumigas lalo ang mukha ni Edwin. Lumapit siya at mabilis na hinablot ang hawak na papel ni Yvee. Mabilis niyang binuklat ang listahan. Isa-isa niyang binasa ang mga pangalan ngunit habang tumatagal… mas lalo lamang umiitim ang ekspresyon niya. “Wala ang pangalan ko.”Maging si Elena ay tila nagulat kunwari bago siya mabagal na napailing. “Yvee…” mahinang sambit niya na parang nasasaktan. “Hindi mo man lang naisip ang daddy mo?”Napakuyom si Yvee sa sariling kamay. “Anong ginaga

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 201

    Maagang naging abala ang buong Revamonte mansion.Sa gitna ng malaking salas, nakaupo si Yvee sa carpet kasama ang kambal na sina Atticus at Atlas. Nakakalat sa center table ang ilang folders, notepad, ballpen, at tablet na ginagamit nila sa paglista ng mga bisita. Samantalang si Ahma naman ay komportableng nakaupo sa sofa habang suot ang reading glasses nito.“Hindi p'wedeng simpleng engagement party lang ito,” seryosong sabi ni Ahma habang may sinusulat sa hawak na notebook. “Revamonte engagement ito. Kailangang maging talk of the town!”Napatawa si Yvee habang nakatingin siya sa listahan. “Ahma, engagement pa lang naman po. Hindi pa ito kasal.”“I know!” mabilis na sagot ni Ahma. “Pero dapat engrande na agad. Ilang taon kong hinitay na mangyari ito. Kaya sana ‘wag mo akong pigilan na pagkagastusan ito, hija.”Napailing na lang si Yvee habang natatawa. Minsan naiisip niya paano kung buhay ang ina niya? Kasama niya kaya ito ngayon sa paghahanda sa kasal? Pero kahit gano'n paman ay na

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 200

    Napapikit si Ereena habang tumutulo ang luha. Pakiramdam niya ay pinagsasabay-sabay siyang durugin ng lahat. “Mahal ko si Gideon, daddy…” umiiyak niyang bulong.“At ano’ng ginawa mo para makuha siya?” malamig na balik ni Edwin.Natahimik si Ereena. “Dad…”“Wala,” diretsahang sagot ni Edwin. “Kung hindi ka sana tatanga-tanga, baka noon pa lang ay naunahan mo na si Yvangeline. Hindi ka tumulad sa ate mong madiskarte! Eh, ikaw? Binigay ko sa iyo lahat, Ereena. Mula sa magandang edukasyon, hanggang sa marangyang buhay. Pero ano itong pinaggagawa mo sa nakalipas na mga araw?”Parang biglang natigil ang paghinga ni Ereena. Mabigat siyang napatingin sa ama niya. “I was hurt, Daddy! Sana naman maintindihan niyo kaya ako nagkakaganito,” katuwiran niya.“Oh, please, Ereena. Enough with your bullshit. Sawang-sawa na ako sa kaartehan mo. Imbes na tumulong ka sa akin para maayos natin ang negosyo natin ay mas pinili mong magmukmok dito. At kung noon pa lang ay gumawa ka na ng paraan para mapalapit

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 199

    Agad na napatingin si Ereena sa kaniyang ama. “Dad…” umiiyak niyang sambit. “Sabihin mo sa kanila! Sabihin mong hindi p’wede iyon! Hindi p'wedeng pakasalan ni Gideon si Yvangeline!”Iginala ni Edwin ang mga mata niya. Napailing siya nang makitang ang dami na namang sinirang kagamitan ni Ereena. Napahawak siya sa sintido niya. Panibago na namang mga sira. Panibagong gastos na naman. “Enough of this bullshit, Ereena!” iritadong wika ni Edwin. Ang dami niyang problemang kinakaharap ngayon. Mula sa nag backout na mga investors hanggang sa papalubog nilang kumpanya. Para nang sasabog ang ulo niya. Gusto niya ng katahimikan. “Tumahimik ka na, Ereena. Please." Hindi nakinig si Ereena. Lumapit pa siya sa kaniyang ama habang umiiyak. “Dad, please! Tulungan mo ako! Ako ang dapat na pakasalan ni Gideon! Hindi si Yvangeline! Hindi ang half-sister ko! Do something about it, dad. S-Sabi mo ako ang nababagay na maging Mrs. Revamonte. ‘Wag mong hayaan si Yvee na kunin iyon sa akin.”“Tumigil ka na

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 198

    Tahimik ang buong silid ni Ereena. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang ingay mula sa telebisyon ang maririnig. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang yakap niya ang unan. Tulala ang mga mata niyang nakatutok sa TV ngunit halatang wala talaga siyang pinapanood.Paulit-ulit lang sa isip ni Ereena ang mukha ni Gideon at ang boses nito na parang sirang plaka—paulit-ulit na tumutunog sa isipan niya. “Babalik din siya…” bulong ni Ereena sa kaniyang sarili. “Hindi niya ako kayang iwan… Ako ang pipiliin niya.”Matapos ang nangyari sa Revamonte Annual Charity Ball ay nagkulong lang si Ereena sa silid niya ng ilang araw. Ni hindi na siya kumakain, paulit-ulit lamang niyang tinititigan ang larawan ni Gideon. Biglang nag-iba ang tono ng palabas sa telebisyon. Isang matinis na tunog ng newsflash ang pumuno sa buong kuwarto dahilan para bahagyang mapataas ang tingin ni Ereena.“Breaking news!”Lumabas sa screen ang larawan ni Gideon habang nasa tabi nito si Yvangeline. Magkahawak ang kamay

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 197

    Tahimik lang sina Gideon at Yvee. Magkahawak ang mga kamay nila na parang may sarili silang mundo sa gitna ng maingay na kuwarto. Paminsan-minsan, hindi maiwasang mapangiti ni Yvee habang pinapaikot ang engagement ring sa daliri niya. Samantalang si Gideon, halos hindi maalis ang tingin sa kaniya.At siyempre, hindi nakaligtas kay Ahma ang kilos nina Yvee at Gideon. “Ano ba ’yang tingin mo diyan?” natatawang tanong niya kay Gideon. “Parang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin makapaniwalang sinagot ka na ni Yvee.”Bahagyang natawa si Gideon at umiling. “Hindi naman po, Ahma.”“Sinungaling,” singit agad ni Drew. “Kanina sa kusina, nahuli ko ’yang nakangiti mag-isa.”Napatingin agad si Yvee kay Gideon. “Talaga?”“Hindi.”“Totoo!” depensa ni Drew habang natatawa. “Nagkakape ako tapos nakita ko siyang tulala habang nakasmile. Akala mo nasa music video.”“Drew…” babalang sabi ni Gideon.“Sandali, may dagdag p

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 65

    Napatingin sina Yvee at Gideon sa itinuturo ng bata.“Sige na po, daddy?” malambing na tanong muli ni Atticus sa kaniyang ama.Bumuntong hininga si Gideon. “Why would you want that?”Ngumuso si Atticus. “I want to remember this dady, daddy. This is my first o-outing with a friend!”Itinuro ni Attic

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-31
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 79

    Kinabukasan, dinala ni Yvee si Atticus sa isang malaking arcade sa loob ng mall.Makukulay na ilaw ang kumikislap sa paligid, kasabay ng ingay ng mga laro at masasayang sigaw ng mga bata.Sa unang pagkakataon mula kagabi, muling lumiwanag ang mukha ni Atticus. “Mommy! Tingnan mo

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-05
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 81

    Sa kabilang dako ng lungsod, tahimik ang loob ng mansyon ng mga Revamonte.Nasa sala si Gideon. Nakaupo siya sa sofa habang hawak niya ang kaniyang cellphone. Ngunit bago pa siya makapagpahinga nang maayos ay mabilis na dumating si Atlas mula sa hagdan, halatang galit.“Daddy!”

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-05
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 80

    Humalakhak si Yvee. Mukha tuloy siyang nasisiraan ng bait dahil sa pagtawa niya. Mas lalo lang niyang ginalit ang lalaking kaharap niya. ‘Bakit maraming tao ang nais manloko para lang manlamang ng kapwa?’ sa isip-isip niya.“Ano’ng nakakatawa?” matalim na tanong ng lalaki.Hindi

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-05
บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status