แชร์

Kabanata 136

ผู้เขียน: Docky
last update วันที่เผยแพร่: 2026-04-20 22:03:45

Mabagal na umusad ang wheelchair sa mahabang pasilyo ng mansyon ng mga Revamonte. Tahimik ang paligid, tanging ang mahinang langitngit ng gulong ng wheelchair at ang maingat na mga hakbang ng mga kasama ang maririnig.

Si Gideon ang nagtutulak sa wheelchair ng kaniyang lola. Mahigpit ang hawak niya sa mga handle habang maingat na itinutulak ito patungo sa silid ng matanda. Kakauwi lang nila mula sa hospital matapos ang ilang araw na pananatili roon.

Akala nga ng ni Gideon ay aabutin pa ng ilang
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 242

    Sa kabila ng panghihina ng katawan at bigat ng kalooban, itinuloy pa rin ni Yvee ang kanyang lakad. Sinamahan siya ni Gideon patungo sa detention facility kung saan pansamantalang nakakulong si Ereena at Edwin habang gumugulong ang kaso.Ayaw sanang payagan ni Gideon si Yvee, lalo na’t sariwa pa ang sugat ng katotohanang nalaman niya kagabi tungkol sa kanyang ina. Pero alam ni Gideon na kapag nagmatigas si Yvee, walang sinuman ang makakapigil dito. Ang tanging nagawa na lang ng CEO ay bantayan ito nang husto, kasama ang isang team ng mga pinagkakatiwalaang abogado.Nang pumasok si Yvee sa visitation room, sinalubong siya ng amoy ng luma at malamig na semento. Pag-upo niya sa tapat ng salamin na may maliit na rehas, bumukas ang pinto sa kabilang panig at iniluwa ng mga pulis si Ereena.Sariwa pa sa isip ni Yvee ang imahe ng kapatid noong huli silang magkaharap—arogante, laging nakataas ang mukha, at nag-aastang reyna. Pero ngayon, suot ang kulay-kahel na preso uniform, tuyot ang mga l

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 241

    Dinala si Yvee ng kaniyang isip sa huling ilang buwan ng buhay ng kaniyang ina.Malinaw na malinaw pa sa memorya niya ang hitsura nito. Nakaupo sa wheelchair sa tapat ng bintana, payat na payat, at halos buto't balat na lang ang mga kamay. Ang mukha ng mama niya na dating napakaganda at laging masayahin, naging maputla, tuyot, at laging mukhang pagod na pagod. Naalala ni Yvee kung paano ito laging nakatitig sa malayo, walang buhay ang mga mata, at palaging nanghihina na parang unt-unting tinatapos ang lakas sa bawat araw na lumilipas.Isang mainit na luha ang biglang pumatak mula sa mata ni Yvee, kasunod ng isa pa, hanggang sa sunod-sunod na itong dumaosdos sa kaniyang pisngi. Nagsimulang manginig ang buong katawan niya. Hindi ito ang karaniwang panginginig dahil sa takot—ito ay ang panginginig ng isang taong unti-unting pinapatay ng katotohanan."Yvee? Hey, tumingin ka sa akin," pag-aalala ni Gideon. Nang mapansin nitong hindi man lang kumukurap si Yvee at tuluyan nang nangangatog,

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 240

    “Are you sure about this?” puno ng pag-aalalang tanong ni Gideon.Bumuntong-hininga si Yvee, “Oo, sigurado ako rito. Ito ang paraan ko para maka-move on. I want to restart my life, gusto ko na kapag ikinasal tayo ay wala na akong dala-dalang bagahe. Please let me do this?”Tinitigan ni Gideon si Yvee, at nakikita niyang desidido ito. Kung siya lang ang pagdedesisyonin, ayaw niyang kitain pa ni Yvee ang ama at kapatid niya, dahil wala naman itong ibang ginawa kung hindi ang saktan si Yvee. At ayaw niya na balikan pa ni Yvee ang mga sandaling iyon.Pero iba ang nasa isipan ni Yvee, para sa kanya kailangan niyang harapin ang ama at si Ereena para tuluyan ng tapusin ang lahat. Gusto niyang makalaya sa sakit na dulot ng mga ito.Hindi na nakasagot si Gideon. Lalapitan niya sana si Yvee para yakapin nang biglang kumatok ang kasambahay nila sa pinto ng silid."Ma'am Yvee, Sir Gideon... pasensya na po sa istorbo, pero may bisita po kayo sa ibaba," nag-aalangang ulat ng katulong.Napakunot-noo

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 239

    Habang pinapanood ni Yvee ang eksenang ito—si Gideon na pinapagalitan si Drew pero may patagong ngiti, si Ahma na pinapatahimik ang dalawa gamit ang isang matalim na tingin, at ang mga anak niyang masayang nag-aagawan sa paboritong ulam—isang malalim na realisasyon ang unti-unting gumapang sa puso ni Yvee.Pamilya.Dati, kapag naririnig ni Yvee ang salitang 'pamilya,' ang unang pumapasok sa isip niya ay sina Ereena at Edwin. Ang pamilyang naging mitsa ng kanyang mga luha, ang mga taong binuo ng parehong dugo pero walang ibang ginawa kundi gamitin siya, saktan siya, at pilitin siyang sumuko sa buhay. Para sa kanya noon, ang pamilya ay parang isang mabigat na kadena na kailangan mong kaladkarin habambuhay dahil lang sa magkapareho kayo ng huling pangalan.Ngunit habang tinitingnan niya ang mga taong nasa harap niya ngayon, napagtanto niya kung gaano siya kamali.Ang pamilyang binuo ni Yvee kasama si Gideon, kasama ang kanilang mga anak, at ang pamilyang maluwag na tumanggap sa kanya tul

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 238

    Isang linggo ang lumipas bago tuluyang pinayagan si Yvee na madischarge. At sa buong linggo na nanatili siya sa hospital ay buhay prinsesa siya. Hindi siya iniwan ni Gideon, ginawang opisina at tahanan ni Gideon ang hospital. Todo alalay si Gideon kay Yvee, lalo na sa tuwing nag-a-undergo ito ng test. Kahit anong pagpipilit ni Yvee na umuwi na muna si Gideon at magpahinga ay ayaw nito. Na para bang mawawala si Yvee kapag kumurap si Gideon—naiintindihan naman ni Yvee na natatakot lang ito dahil sa nangyari sa kanya. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay kailangan itigil ni Gideon ang mundo nito para sa kanya. Si Gideon ay hindi lang fiance ni Yvee. Isa itong ama, apo, pinsan, at higit sa lahat CEO. Maraming buhay ang nakasalalay sa kamay niya, kaya nais ni Yvee na bumalik na ito sa pagtatrabaho. Pero matigas pa sa bato ang bungo ni Gideon. “Gideon, ayos lang naman talaga ako. Sabi nga ng doktor na kailangan ko lang magpahinga at tuloy-tuloy na ang paggaling ko. Kaya ayos lang na um

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 237

    Pagpasok pa lamang ni Elena sa silid kung saan naroon si Ereena, agad na tumakbo ang dalaga papunta sa harang na salamin.“Mom!” halos mapatili si Ereena sa iyak. “Mom!”Umupo si Elena sa kabilang bahagi. Halatang pagod na pagod na rin ang kaniyang katawan at namumugto ang kaniyang mga mata. “Ereena.”“Mommy…” nanginginig ang mga labi ng dalaga habang nakakapit siya sa salamin. “Nasaan si Gideon?”Nanigas si Elena sa tanong ng anak niya.“Mommy!” Mas lalong humagulgol si Ereena. “Hinanap ba niya ako? Nagpunta ba siya rito?”Nanatiling tahimik si Elena. Wala siyang maisagot. Alam niya ang totoo pero hindi niya iyon magawang sabihin.“Mommy, sabihin mo sa akin. Nasaan siya?” Tuluyan nang bumagsak ang pag-asa sa mukha ni Ereena.Napapikit na lang si Elena dahil sa matinding awa niya sa kaniyang anak. Kahit matapos ang lahat ng krimen at gulong nangyari, hindi pa rin matanggap ni Ereena ang katotohanan. Bulag pa rin ito sa sarili nitong mga ilusyon.“Ereena,” mahina ngunit mariing sambit

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status