เข้าสู่ระบบPagkatapos ng matinding komprontasyon kay Ereena, hindi na hinintay ni Yvee ang paglipas ng oras. Diretsuhan na niyang hinarap ang huling tao sa listahan niya: ang kanyang ama, si Edwin.Pagpasok niya sa maliit at madilim na kwarto kung saan naka-detain si Edwin, bumungad sa kanya ang lalaking dati niyang tinatawag na "Daddy." Hindi ito tulad ni Ereena na mukhang gulo-gulo ang buhok. Nakasuot pa rin ito ng maayos na damit, ang kanyang postura ay tuwid, at ang kanyang mga mata ay nananatiling matalim—tila nakaupo pa rin siya sa kanyang opisina at naghihintay ng report ng kanyang mga tauhan.Pagkakita kay Yvee, imbes na magsisi, isang mapanghamak na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Edwin."Yvee," aniya, ang boses ay puno ng awtoridad. "Ayusin mo ang gulo na 'to. Masyadong matagal na akong nandito. Sabihan mo ang mga abogado na kailangan ko nang makalabas. I have business to attend to."Hindi umupo si Yvee. Nanatili siyang nakatayo, nakatingin nang diretso sa mga mata ng ama."Bakit ko
Sa kabila ng panghihina ng katawan at bigat ng kalooban, itinuloy pa rin ni Yvee ang kanyang lakad. Sinamahan siya ni Gideon patungo sa detention facility kung saan pansamantalang nakakulong si Ereena at Edwin habang gumugulong ang kaso.Ayaw sanang payagan ni Gideon si Yvee, lalo na’t sariwa pa ang sugat ng katotohanang nalaman niya kagabi tungkol sa kanyang ina. Pero alam ni Gideon na kapag nagmatigas si Yvee, walang sinuman ang makakapigil dito. Ang tanging nagawa na lang ng CEO ay bantayan ito nang husto, kasama ang isang team ng mga pinagkakatiwalaang abogado.Nang pumasok si Yvee sa visitation room, sinalubong siya ng amoy ng luma at malamig na semento. Pag-upo niya sa tapat ng salamin na may maliit na rehas, bumukas ang pinto sa kabilang panig at iniluwa ng mga pulis si Ereena.Sariwa pa sa isip ni Yvee ang imahe ng kapatid noong huli silang magkaharap—arogante, laging nakataas ang mukha, at nag-aastang reyna. Pero ngayon, suot ang kulay-kahel na preso uniform, tuyot ang mga l
Dinala si Yvee ng kaniyang isip sa huling ilang buwan ng buhay ng kaniyang ina.Malinaw na malinaw pa sa memorya niya ang hitsura nito. Nakaupo sa wheelchair sa tapat ng bintana, payat na payat, at halos buto't balat na lang ang mga kamay. Ang mukha ng mama niya na dating napakaganda at laging masayahin, naging maputla, tuyot, at laging mukhang pagod na pagod. Naalala ni Yvee kung paano ito laging nakatitig sa malayo, walang buhay ang mga mata, at palaging nanghihina na parang unt-unting tinatapos ang lakas sa bawat araw na lumilipas.Isang mainit na luha ang biglang pumatak mula sa mata ni Yvee, kasunod ng isa pa, hanggang sa sunod-sunod na itong dumaosdos sa kaniyang pisngi. Nagsimulang manginig ang buong katawan niya. Hindi ito ang karaniwang panginginig dahil sa takot—ito ay ang panginginig ng isang taong unti-unting pinapatay ng katotohanan."Yvee? Hey, tumingin ka sa akin," pag-aalala ni Gideon. Nang mapansin nitong hindi man lang kumukurap si Yvee at tuluyan nang nangangatog,
“Are you sure about this?” puno ng pag-aalalang tanong ni Gideon.Bumuntong-hininga si Yvee, “Oo, sigurado ako rito. Ito ang paraan ko para maka-move on. I want to restart my life, gusto ko na kapag ikinasal tayo ay wala na akong dala-dalang bagahe. Please let me do this?”Tinitigan ni Gideon si Yvee, at nakikita niyang desidido ito. Kung siya lang ang pagdedesisyonin, ayaw niyang kitain pa ni Yvee ang ama at kapatid niya, dahil wala naman itong ibang ginawa kung hindi ang saktan si Yvee. At ayaw niya na balikan pa ni Yvee ang mga sandaling iyon.Pero iba ang nasa isipan ni Yvee, para sa kanya kailangan niyang harapin ang ama at si Ereena para tuluyan ng tapusin ang lahat. Gusto niyang makalaya sa sakit na dulot ng mga ito.Hindi na nakasagot si Gideon. Lalapitan niya sana si Yvee para yakapin nang biglang kumatok ang kasambahay nila sa pinto ng silid."Ma'am Yvee, Sir Gideon... pasensya na po sa istorbo, pero may bisita po kayo sa ibaba," nag-aalangang ulat ng katulong.Napakunot-noo
Habang pinapanood ni Yvee ang eksenang ito—si Gideon na pinapagalitan si Drew pero may patagong ngiti, si Ahma na pinapatahimik ang dalawa gamit ang isang matalim na tingin, at ang mga anak niyang masayang nag-aagawan sa paboritong ulam—isang malalim na realisasyon ang unti-unting gumapang sa puso ni Yvee.Pamilya.Dati, kapag naririnig ni Yvee ang salitang 'pamilya,' ang unang pumapasok sa isip niya ay sina Ereena at Edwin. Ang pamilyang naging mitsa ng kanyang mga luha, ang mga taong binuo ng parehong dugo pero walang ibang ginawa kundi gamitin siya, saktan siya, at pilitin siyang sumuko sa buhay. Para sa kanya noon, ang pamilya ay parang isang mabigat na kadena na kailangan mong kaladkarin habambuhay dahil lang sa magkapareho kayo ng huling pangalan.Ngunit habang tinitingnan niya ang mga taong nasa harap niya ngayon, napagtanto niya kung gaano siya kamali.Ang pamilyang binuo ni Yvee kasama si Gideon, kasama ang kanilang mga anak, at ang pamilyang maluwag na tumanggap sa kanya tul
Isang linggo ang lumipas bago tuluyang pinayagan si Yvee na madischarge. At sa buong linggo na nanatili siya sa hospital ay buhay prinsesa siya. Hindi siya iniwan ni Gideon, ginawang opisina at tahanan ni Gideon ang hospital. Todo alalay si Gideon kay Yvee, lalo na sa tuwing nag-a-undergo ito ng test. Kahit anong pagpipilit ni Yvee na umuwi na muna si Gideon at magpahinga ay ayaw nito. Na para bang mawawala si Yvee kapag kumurap si Gideon—naiintindihan naman ni Yvee na natatakot lang ito dahil sa nangyari sa kanya. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay kailangan itigil ni Gideon ang mundo nito para sa kanya. Si Gideon ay hindi lang fiance ni Yvee. Isa itong ama, apo, pinsan, at higit sa lahat CEO. Maraming buhay ang nakasalalay sa kamay niya, kaya nais ni Yvee na bumalik na ito sa pagtatrabaho. Pero matigas pa sa bato ang bungo ni Gideon. “Gideon, ayos lang naman talaga ako. Sabi nga ng doktor na kailangan ko lang magpahinga at tuloy-tuloy na ang paggaling ko. Kaya ayos lang na um







