Share

CHAPTER FOUR

HINDI ko alam kung nakakailang bote na ba kami ng alak ni Diana dito sa pinuntahan naming bar. She was just drinking after drinking at hindi pa rin naman ginagawa ang bagay na pinunta namin dito. Tanging pagtanaw lamang sa isang mesa na napapalibutan ng napakaraming lalaki ang ginagawa niya. Ganoon at ganoon lamang ang nangyayari simula noong dumating kami hanggang ngayon na limang oras na ang nakalilipas.

And she said that according to her source, isa sa mga mga matitipunong lalaki na iyon ang future husband niya. Hindi ko maintindihan sa babaeng ito kung bakit hindi nalang lapitan at itanong na agad doon kung sino ba si Diether Sandoval para naman makaalis na kami. May job interview pa akong pupuntahan bukas.

Kung kanina ay kakaunti lamang ang tao dito sa bar na ito, ngayon ay para nang umuulan ng tao sa paligid sa sobrang siksikan ng lugar.

"What are you waiting for, Diana? Puntahan mo na-"

"I can't, Krys. Nahihiya pa ako. Paano kung tanggihan niya ako sa harap ng mga kaibigan niya? Eh di uuwing luhaan ang maganda mong kaibigan? Maghintay pa tayo nang kaunti pa..." kumunot ang noo ko nang muling magtaas ng kamay si Diana at senyasan ang isang waiter na naglalakad. "... another bucket please."

"Hoy! May balak ka bang maglasing?" tanong ko rito sabay tampal sa kamay niya. Ngumiti lang ito sa akin sabay ngiti nang matamis.

"No, of course not, Krys. Kumukuha lang ako ng lakas ng loob. I need these so that I will have a courage to go and talk to Diether-"

"Nilalasing mo kamo ang sarili mo!" I snorted out. Wala na akong ibang nagawa kung hindi sabayan ang paglaklak ng kaibigan ko.

Hindi pa nga humuhupa ang sakit ng ulo ko dahil sa paglalasing ko kagabi ay mukhang madadagdagan ulit. Hindi naman ako makatanggi kasi hello! Alak 'yan! Vitamins 'yan ng mga taong katulad ko na hindi alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa buhay.

"Wait Krys, I'll just go to the powder room first. Mag-aayos lang ako saglit at baka puntahan ko na si future husband sa table nila maya-maya, " agad naman akong gumilid para makadaan si Diana.

"Sigurado ka bang kaya mo? Baka bigla ka nalang bumulagta dyan sa sahig huh," puno ng pag-aalala kong tanong rito.

Nagthumbs up lang ito sa akin bago tuluyang umalis at mawala sa paningin ko. Wala naman akong katabi kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko para tingnan kung may tawag roon o text.

I only have one unread message and it was from my cousin Rusty. He's asking kung nasaan ba ako. Akmang magtitipa pa lamang ako ng isasagot rito nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Sa pag aakalang si Diana iyon ay hinayaan ko lang.

"Oh you're back agad-agad. Ang bilis mo naman yata..." naputol ang mga sinasabi ko nang paglingon ko ay isang lalaki na mukhang manyakis ang nakita kong nakatabi sa akin.

Dali-dali akong lumayo at pinandilatan ito ng mga mata.

"Oh c'mon miss, I know you want me too. My place is just one kilometer away from here. Pwedeng-pwede kitang madala doon-"

Mabilis kong kinuha ang baso ko at marahas na tinapon iyon sa mukha ng lalaki. Agad namang nagsalubong ang kilay nito at akmang lalapit muli sa akin nang may pares ng mga kamay ang mabilis na humigit dito at inilayo sa akin.

"Dude, don't you know the word respect? The lady obviously not into you. Why do you have to be so cocky-"

"Tangina sino ka ba?" galit na galit na tanong ng lalaking manyakis sa taong humila sa kanya.

Agad naman akong napalingon roon at ganoon na lamang ang pagbundol ng kakaibang kaba sa akin nang makita ang mukha ng lalaking iyon. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito rin iyong lalaki na nabangga ko kanina sa harap ng coffee shop.

What a coincidence na hanggang dito sa bar ay magtatagpo pa rin ang mga landas namin.

"Nycs..."

Salubong na salubong ang kilay ko nang marinig ang pangalang sinabi nito. Lihim naman akong napatawa nang makita ang isang matangkad at may itsura ring lalaki na lumapit dito.

"Hey, any problem here, Ymir?" baritono at buong-buo ang boses na tanong ng lalaking kalalapit lamang sa table namin.

"Here. This dickass just harassing this..." saglit na nagkapalitan kami ng titig ng lalaking nagngangalang Ymir. "... poor woman. Paalisin mo na sya dito sa bar mo." wika nito sabay tulak sa lalaking manyakis. Agad naman iyong sinalo ng mga bouncer na nagkalat.

"As you wish, my dear friend. By the way, Myco with the gang is there. Bakit hindi ka doon pumunta?"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang nang mapansin ko sa peripheral vision ko na pinagmamasdan ako ng lalaking nagngangalang Ymir. Do I have to say thank you to him? Iyon ba ang hinihintay niya?

"I can't, Nycs. There is someone who is waiting on my unit. I definitely know that you know what I mean," rinig kong usal nito sabay tawa.

Iniiwas ko nalang ang paningin ko at nagkunyaring busy at may ginagawa sa phone ko kahit wala naman.

"Magtatampo ang mga iyon sayo. Ano ka ba! Pumunta kana doon kahit saglit lang. I promise dude makakauwi ka pa nang maayos sa babae mo-"

"Andrea was not my woman. At saka duda ako dyan sa ganyan mo. The last time you invited me to have some drinks with you guys, ay halos buong araw akong tulog. May iba yatang halo ang mga alak mo dito eh-"

"Oo dude meron! And that is paradise! Gago halika na nga."

Nakahinga ako nang maluwang nang tuluyang na ngang umalis ang dalawang iyon sa harap ko. Hindi ko tuloy napansin na naging sunod-sunod na pala ang paglagok ko sa alak.

I don't know what is happening to me. Para akong kinakabahan na hindi ko malaman kung bakit.

"Hey Krys, did something happened? Bakit ganyan ang mukha mo? At saka don't tell me na nakaubos ka agad ng tatlong bote habang wala ako?! Geez woman! Akala ko ba ay hindi tayo maglalasing ngayon?" natatawa nitong tanong sa akin ngunit mariin lang akong umiling.

Hindi kami maglalasing ngayon. Shit! Hindi pwede.

"Diana?" tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Agad naman itong lumingon sa akin.

"Hmmm?"

"Order ka pa nga. And please, add a four shots ng pinakamatapang na alak nila-"

"Are you sure na kakayanin natin 'yon?"

"Kailangan mo 'yon! Para makapunta kana kay Diether!" kunyari ay dahilan ko dito pero alam ko sa sarili ko kung para talaga kanino iyon.

I just made a decision in my head. Hindi ako aalis ng lugar na ito nang hindi nakakausap ang Ymir na iyon. At para magawa iyon, I need to get drunk and have to courage to do that. Pakapalan na ng mukha.

If I want something, I must do everything to make it happen. Too bad that Ymir is the one I wanted right now.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status