Share

Kabanata 7

Author: Mariya Agatha
last update Last Updated: 2025-09-12 19:18:34

Lahat ng takot at pagkataranta ko ay biglang naglaho. At sunod na bumuhos lahat ng hinanakit na pinagdadaanan ko sa buhay kaya para akong bata na mahigpit na kumakapit sa pader na ayaw ko nang bitiwan pa.

And this is the first time in my life na emosyonal akong umiiyak sa bisig ng isang lalaki, not even Red kahit pa sa loob ng dalawang taong pinagsamahan namin. Red only saw me as a happy and supportive woman. Ni hindi niyon alam ang mapait na pinagdaanan ko sa buhay dahil gusto kong masaya lang kami sa tuwing magkasama. Na ang sakit at pait ay tinatago ko lamang sa isang ngiti.

But now, I am willingly crying on the shoulder of this stranger.

Hanggang sa hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong emosyonal na nakayakap sa kanya habang umiiyak. Na para bang nakalimutan kong babae ako at ang lalaking ito ay hindi ko man lang kilala maging sa pangalan.

Jusko!

Kaya nang bigla akong natauhan ay mabilis akong umurong at napatingin sa kanya.

Saka ko biglang naisip ulit, paano nga kung may girlfriend siya? O baka may asawa at pamilya na tapos ako itong parang linta na dumidikit ng walang paalam?

Agad akong pinamulahan ng mukha saka nahihiyang nagbaba ng tingin.

“Pasensya na…” Mabilis kong sambit saka bahagyang lumayo. “Salamat ulit… sobrang salamat.” Turan ko.

At bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako at patakbong umalis. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at hindi ko na rin siya nilingon. Dumiritso na ako sa kwarto ko. At pagkapasok na pagkapasok ko ay halos ibagsak ko ang sarili ko sa kama.

“Ano itong ginagawa mo Iya!?” Halos isigaw ko sa sarili ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at paulit-ulit na nagpaikot ikot sa kama dahil sa kahihiyan.

 “Hindi mo alam kung may sabit siya tapos yayakap-yakap ka? Diyos ko, nakakahiya ka!”

Kulang na lang ay ipalo ko ang ulo ko sa dingding. Para akong tangang natauhan. Sa edad ng lalaking yon na sa tingin ko ay matanda sa akin ng ilang taon, siguradong committed na yon! 

At saka oo na, aaminin ko ng napakagwapo niya naman talaga at napakalakas pa ng sex appeal kaya imposibleng wala iyong karelasyon. Kung ang kagaya nga ni Red na gwapo lang ay nagawa pang mag two timer, ang estrangherong iyon pa kaya na halos perpekto ang pisikal na anyo?

Pero infairness, sulit pa rin ang first time ko dahil walang kasing gwapo at kasing kisig na lalaki ang nakakuha ng bataan ko.

“Hoy shit ka Iya! Nababaliw ka na! Sinuwerte ka lang kung tutuusin dahil nagkataong ganoon kagwapo ang nasa tabi mo nung gabing iyon.” Palatak ko sa sarili. Dahil sa nararamdaman kong init ng katawan nung gabing iyon, baka kahit pangit ay mapapatos ko na.

Goodness! Mabuti nalang nakatsamba. Yon nga lang ay maling mali pa rin yon.

Kaya bago pa ako tuluyang madala sa kabaliwan kong ito ay kinailangang tapusin ko na ang bakasyong ito sa lalong madaling panahon.

At dahil sa nangyari ay inabot ako ng madaling araw bago nakatulog dahil hindi na napakali ang isipan ko.

Kaya naman kinabukasan ay halos ayaw ko ng bumangon. Ang sakit ng katawan ko sa kakapiga ng unan kagabi at ang bigat pa rin ng pakiramdam ko dahil sa kahihiyan. Akala ko magiging normal lang ang umaga ko ngayon, na walang kakaiba.

Hanggang sa bigla na lang…

DING DONG!

Napakunot ang noo ko nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Sino ba naman itong nang iistorbo ng maaga? Pero dahil gusto ko pang matulog ulit ay tinakpan ko nalang ng unan ang dalawang tainga ko. Inisip ko na baka room attendant lang ito. Binalot ko pa ang sarili ko ng kumot.

Pero hindi tumigil….

DING DONG! DING DONG! DING DONG!

“Arghhh! Shit! Sino ba ‘to?! Istorbo!” Reklamo ko habang pinilit na lamang na bumangon. Magulo pa ang buhok ko at nakapantulog pa na puro cartoon characters.

Nayayamot kong binuksan ang pintuan. At ganoon na lamang ang biglaang pamimilog ng mga mata ko nang mabungaran ang mukha ng lalaking naglalaro sa isipan ko kagabi.

Jusko! Ang estranghero!

Muntik ko nang mabitawan ang doorknob sa lubhang pagkagulat.

“Hi! Good morning.” Nakangiting bati niya kaya hindi ko mapigilan ang sariling suyurin ito ng tingin. Halatang bagong ligo ito dahil sa mamasa masang buhok at talagang sumuot sa ilong ko ang napakabango at expensive nitong amoy. Suot nito ay isang simpleng grey shirt pero ang lakas ng dating.

Shit!

“I brought you breakfast. Naisip ko lang na baka hindi ka pa kumakain. And I guess, I’m right.” Sunod na salaysay nito kaya bumaba ang mga mata ko sa hawak nitong tray ng pagkain, may pancakes, bacon at orange juice.

Napaawang ako at sunod na napalunok ng mariin.

“A—a— anong…?” Hindi ko maituloy ituloy ang sasabihin. Para akong naubusan ng hangin at kinakapusan ng hininga sa biglaang pagwawala ng dibib ko.

Tumaas ang kilay niya kasabay ng isang pilyong ngiti sa labi. 

“Anong ano? Anyway, It’s already too hot outside pero mukhang bagong gising ka pa lang.” Sambit pa niya kaya napatingin ako bigla sa suot kong pajamas na may prints ng unicorn.

Jusko!

At dito na ako labis na pinamulahan ng mukha dahil sa pagkapahiya. Kung may butas lang sa sahig ay doon na ako magtatago.

“Ay—ah— ka– kasi….” Hindi ko na alam ang idadahilan ko. Ang tanging naisip ko lang ay mabilis kong tinakpan ang sarili ko ng kumot na dala ko pa mula sa pagbangon sa kama.

Shit! Nangangamoy laway pa ata ako habang ang lalaking ito ay sobrang fresh na!

Bigla na lamang ito tumawa. Iyong tipo ng tawa na malakas pero hindi nakakaasar.

Parang nakakakilig!??

What!?

“Relax, I didn’t mean to offend you.” Sabi niya kasama ng isang simpleng ngiti.

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Talaga lang ha?! Parang hindi nga sa tipo ng tawa mo.” Nayayamot na reklamo ko nang sa wakas ay makapagsalita din. But honestly, I also lost my words, halos wala ng ibang mga salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa pagwawala ng damdamin ko. At ramdam na ramdam ko ang pamumula ang buong mukha ko.

“Okay, fine.” Kumunot ang noo niya niya at ngayo’y biglang naging seryoso ang mukha nito. 

“May I come in now? Breakfast na tayo?” Aniya sabay taas ng tray.

Pero nakaharang pa rin ako sa pintuan. I even cleared my throat bago tinanong ang katanungang kanina ko pa gustong itanong.

“At bakit mo naman ako dinadalhan ng pagkain aber? Tsaka paano mo nalaman na dito ang kwarto ko?” Kunot- noong tanong ko pa kahit ang totoo ay nagwawala na ang kaloob looban ko sa nararamdamang kilig na hindi ko kayang pigilan.

He sighed. “Paano nalaman? Obviously you knew the answer. And I just want to eat with you. Ayaw mo ba?” Seryosong sagot niya, diretsahan at walang paligoy ligoy. Oo nga pala, talagang malalaman nito kung nasaan ang room number ko dahil sa nangyari last time, naalala kong ibinigay ko nga pala sa kanya ang susi ko pero sa kwarta niya ako dinala.

Ehhhh!

Parang biglang may sumabog na confetti sa loob ng dibdib ko nang maalala ang kaganapang iyon, idagdag pa ang pagiging sweet nito ngayon. Ang init init lalo ng pisngi ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin saka nakagat ang ibabang labi ko nang di sadya.

“I’ll go inside, ayokong masayang ang pagkaing dala ko.” Aniya tapos walang paalam na pumasok sa loob ng kwarto ko, nilampasan pa niya ako dahil para akong biglang naging estatwa na hindi makakilos.

“Hoy! Hindi ka puwedeng basta pumasok!” Tarantang wika ko hindi dahil ayaw ko kundi dahil nahihiya pa ako lalo pa at masyado pang makalat.

Umupo siya sa maliit kong mesa at maayos na inilapag ang tray. “Why not? Don’t worry, hindi ako magnanakaw at mas lalong hindi ako masamang tao. Kakain lang tayo.” Baritono at mariing wika niya kaya natameme ako.

Para akong biglang inatake ng guilt dahil nga sa ginawa nitong pagtulong sa ‘kin kagabi. Kung hindi siya dumating ay baka wasak na ang pukelya ko sa tatlong manyakis na yon. So, anong karapatan kong tumanggi at mag inarte pagkatapos niya akong iligtas?

“C’mon on now!” Aya niya ulit kaya para akong zombie na napilitang umupo sa harap niya. Siya pa ang nagsalin ng juice sa baso ko.

At nang mapatapat na sa akin ang plato ng pancake na may nakapatong na smiley face na gawa sa syrup at bacon strips, muntik na akong mapahalakhak.

“Teka… bakit may paganito?” Natatawang tanong ko, nanunukso ang tono.

“Effort ‘yan. I just want you smile after what happened last night.” Marahan at puno na sensiridad niyang sagot kaya parang hinaplos ang puso ko.

Jusko!

Sinong mag aakala na sa kabila ng pagiging seryoso niya ay marunong pa pala siya ng mga paganito? At first time ko pa ito naranasan dahil nasanay ako na ako ang nag- eeffort noon sa relasyon namin ni Red.

Para tuloy ayaw kong kumurap habang ito ay nagsimula ng sumubo. It seems like a dream at ang lalaking ito sa harapan ko ay para lang ding isang karakter sa panaginip ko. Karakter na hindi kapani- paniwalang nag- eexist!

“Busog ka na ba?” Tanong nito bigla kaya para akong natauhan.

“Huh!?”

“Kasi, parang busog na busog ka na habang nakatitig sa akin.” Aniya sa seryoso pa ring boses kaya agad akong nag iwas ng tingin saka isinubo ang isang buong pancake sa pagkapahiya.

At dahil nga sa kagagahan ko ay nabulunan ako. Mabuti nalang at to the rescue naman kaagad ito. Mabilis nitong ipinainom ang juice sa ‘kin saka tumayo sabay haplos ng likuran ko kaya napaubo ako.

“Are you okay?” Nag aalalang tanong nito. At nang makaramdam ng ginhawa ay parang mas lalo akong nilamon ng kahihiyan.

Jusko! Ano na ba itong pinagagawa ko sa buhay ko!? Bakit ako natataranta ng ganito?

Pero hindi ko rin maitatanggi ang gaang hatid nito sa aking puso. Na para bang sa tuwing magkasama kami ay palagi akong safe.

“Pa–pasensiya na sa katakawan ko.” Tanging nasabi ko lang at agad na sumilay ang ngiti sa labi nito.

At sa gitna ng ngiti at pagkain, bigla akong napaisip, paano pala kung siya ang gamot sa lahat ng pinagdadaanan kong sakit at hirap?

Pero upang makasigurado ay lakas loob ko ng tinanong ang katanungang una palang ay bumabagabag na sa akin.

“Are you single!?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 23

    Nagising ako sa isang malambot at malaking kutson na para bang lumulubog ang likod ko sa pagkakahiga. Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit ko pa rin itong iminulat. At nang maimulat ko ng ito ay halos mapaso ako sa liwanag na sumalubong mula sa isang malaking bintana. The room isn’t familiar! Na— nasaan ako!? My eyes widened. Saka pa lamang unti unting nagsink-in sa utak ko ang huling nangyari at kung paano ako napadpad dito. Oh my goodness! Natutop ko ang bibig ko saka ako dahan dahang nagpalinga linga sa bawat sulok. Napakalaki ng kwartong ito at mabango ang paligid. Amoy mamahaling kandila na parang pinaghalo ang sandalwood at vanilla. At nang tumingala ako ay saka ko lang napansin ang sobrang taas na kisame, ang mamahaling chandelier, at ang pagkalaki-laking couch. This isn’t an ordinary room. Dahil kahit laki ako sa karangyaan ay ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking kwarto kaya natitiyak kong hindi basta ordinaryong tao ang nagpadukot sa akin. Kung

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 22

    “Ms. Villa Madrid, hindi pa talaga namin nirerekomenda na lumabas ka ngayon,” Mahinahong wika ng doktor habang inaayos nito ang chart ko. “You need rest. Your body is still recovering from stress exhaustion. Kung pwede sana at least another one or two days pa especially that you’re pregnant.”Napapikit ako. Inasahan ko na ang litanyang ito ng doktor pero kailangan ko pa ring lumabas dahil flight ko na bukas. Kapag hindi ako umalis, siguradong mahihirapan na akong makapagbook ulit ng ticket dahil wala na akong sapat na pera para doon. At kung gising at nakakapagsalita lang sana si papa ngayon, alam kong iyon ang nais niya.“Doc, I understand.” Sagot ko sa kalmado ding tono. “Pero may flight po ako bukas ng umaga. Hindi ko na po iyon puwedeng i-cancel.” Paliwanag ko pero ang tipo ng tingin nito ay halatang hindi sang- ayon.“Just to make it clear for you, hindi biro ang stress exhaustion Ms Villa Madrid. Your blood pressure dropped dangerously low. Your body is telling you something.” M

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 21

    Parang biglang nagslow- mo ang pangyayari.“Call an ambulance!” Naghi- hysterical na sigaw ko, nanginginig ang boses. “Papa, please!”Hawak ko siya sa dibdib, nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinipilit ko siyang gisingin. “Papa, please look at me… I’m sorry… I’m so sorry…” Humagulhol na ako. Hindi ko na malaman ang gagawin. Ngunit mas namutawi ang pag-aalala ko kay papa keysa sa kahihiyang ginawa ni Kelsey.At sa gitna ng kaguluhan at sa pagitan ng mga sigaw at ilaw ng kamera, bigla ko na lamang naramdaman ang pagkahilo. Bumigat ang ulo ko kasabay ng pag ikot ng aking paningin. At ang huling naalala ko ay ang mukha ni Kelsey, nakangisi… isang ngisi ng tagumpay para ipamukha at ipangalandakan ang kanyang pagkapanalo. ********Nang magmulat ako ng mga mata ay ramdam ko kaagad ang bigat ng aking mga talukap ganoon din ng aking pakiramdam.At ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame at ang amoy disinfectant kaya agad ko ring napagtanto na nasa isang ospital ako.Ang katawa

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 20

    “Tonight, we’re not just celebrating a union, we are witnessing the merging of two powerful families. Let us all welcome, Ms. Kelsey Emanuela Villa Madrid and Mr. Travis Escaño!”Nagpalakpakan ang lahat matapos ang anunsyong ito ng host. Nakakabinging palakpakan at ang mga mata ko ay nakatutok sa dalawang tao sa entablado.Ewan ko ba pero parang may kahawig ang Travis Escano na ito. Hindi man literal na magkamukha pero parang may naaalala ako sa galaw at tindig niya. Napailing na lamang ako at hindi na nag-isip pa ng kung anu-ano.Nagsalita na rin si Kelsey pero hindi na ako nakinig. Tila ba parang gusto ko ng matapos ito agad at nang makauwi na ako. Sunod namang nagsalita ang lalaki at dito na ako muling napatingin sa kanila.“I can say that I’m the luckiest man on earth dahil napakaganda ng fiance ko. Well mannered and kind hearted–” Puri nito kay Kelsey kaya hindi ko na pinakinggan pa ang sunod na mga sinabi nito. Nairolyo ko nalang ang mga mata ko, parang gusto kong masuka sa papu

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 19

    At nang dumating na nga ang pinakahinihintay na gabi ng lahat maliban sa akin, ay suot ko lang ay isang simpleng champagne dress na binili ko sa mall last minute. It’s simple yet it looks elegant din naman. Hindi na rin ako nagpa-make up professionally kagaya ni Kelsey na kung makaayos ay para bang ikakasal na agad agad. And I know that she really made sure na angat na angat ang ganda niya para masiguro na magiging proud sa kanya ang lalaking mapapangasawa. Well, araw niya naman ito kaya hahayaan ko na. I will let her shine ofcourse dahil masaya pa rin ako na siya ang nakasalo sa isang arranged marriage na hindi ko kailanman pinangarap. Pero kahit ganito lang kasimple ang suot ko, I held my head high. Ako pa rin ang legal na anak kaya wala akong dapat ikahiya ninuman. Pagdating ko sa malaking event hall na pinuno nila ng mamahaling bulaklak at mga chandelier ay ramdam ko agad ang mga mata ng iilang bisitang dumalo na nakatingin sa akin. Ang mga mata ng iba ay mababanaag ang paghanga,

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 18

    ONESUMMER Kabanata 18 “A— ano!? Bu–buntis ka!??” Halos hindi kumukurap si Diana nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin na ito agad sa kanya. If there’s only one person whom I trust the most, si Diana iyon. Kasalukuyan kaming nandito sa apartment ko. I called her na pumunta dito para dito nalang kami magkita dahil nga kukunin ko na ang mga mahalagang gamit ko. At ito lang talaga ang sadya ko dahil kinailangan ko rin bumalik agad sa mansyon dahil nga sa kalagayan ni papa. Mabilis ko namang tinakpan ang bibig nito. “Jusmeyo! Ang lakas ng boses mo! Baka marinig ng mga gwardiya sa labas!’’ Anas ko dahil nga may mga kasama akong security at driver. At si papa ang nagpumilit kaya kahit ayaw ko sana ay hinayaan ko nalang silang sumama. At nang medyo bahagya na itong kumalma ay saka ko pa lamang kinuha ang kamay kong nakatakip sa bungabunga niya. “Sorry naman… pero— hindi nga… buntis ka talaga!?” Ulit pa niya na mukhang hindi pa rin makapaniwala kaya inirapan ko ito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status