MasukLumaki ang buka ng mga labi ni Eclaire dahil sa narinig nito. “Ano? Seryoso ba kayo?”
Tumango-tango si Seojun. “Oo. Sa totoo lang, sa kaniya ako nanggaling bago ako pumunta rito sa ospital. Wala na kong ibang pwedeng malapitan. Alam mo namang marami na tayong utang sa mga kakilala natin at wala na silang maipapahiram sa ‘tin.”
“Ano naman ang kapalit? Hindi ako naniniwalang bibigyan niya kayo ng ganoon kalaking halaga dahil lang sa gusto niya –”
“Naalala mo ‘yong pinagbubulungan namin noong una tayong pumunta sa unit niya?” Gustong ipaalala ni Seojun sa anak na ito ang rason kung bakit sila nagkaroon ng koneksyon ni Marion. “Ang alam mo siguro… ordinaryong trabaho lang ang kailang
Pagtuntong ng alas-singko y’ medya, magkakaharap na sa hapag kainan sina Marion, Eclaire at EJ. Kahit sabihin na hindi naman talaga magsisimula ang event ng saktong alas-syete ng gabi, hindi naman sila pwedeng mahuli nang sobra na mauuna pa ang mga bisita nila kaysa sa kanila. Halos nangangalahati na siya sa sinandok niyang kanin nang biglang dumating si Seojun. Halatang galing pa ito sa site dahil sa alikabok sa pantalon at sapatos nito. “Sorry, na-late ako Hon. Grabe yung traffic sa may Tagaytay area kanina. Marami kasing tourist doon kapag ganitong summer. Alam mo naman, hindi pwedeng hindi ko daanan ang paborito ng mga anak mo.” Inilagay ni Seojun ang dala nitong isang box ng custard egg pie sa lamesa bago nito hinila ang upuan na nasa gawing kaliwa niya. “Olivia, pasuyo na lang ako nitong dala ko para makakain ang mga bata nitong dessert.” “Dad, kanina pa kayo hinihintay ni Mommy. Alam niyo namang gusto niyan na palagi tayong sumusunod sa schedule niya.” H
Bahagyang iginalaw ni Irene ang mga balikat nito – pataas at pababa – bago ito sumagot. “Hindi ko rin po alam Maam. Basta ang sabi sakin, ibigay ko daw po sa inyo ito. Kayo na daw po ang bahala.” Lumapit ito sa lamesa ni Marion at inilagay ang hawak nito. Pagkatapos no’n, nagpaalam na rin kaagad ito na babalik na ulit sa trabaho. Mabilis niyang binulatlat ang mga pahina. Doon niya napansin na karamihan sa mga arrangements ay maayos na. Para itong ibinigay lamang sa kaniya upang siya ang kumuha ng credits kung magiging successful ang party. Kaagad siyang tumayo at dumiretso sa opisina ng Manager nila. Hindi siya mahilig sa kumprontasyon pero isa ito sa pinaka-ayaw niya – pinaparamdam sa kaniya na nandoon lang siya para magpasikat ang magpabango ng pangalan para sa Daddy niya. Umiiksi talaga ang pasensya niya kapag naramdaman niyang minamaliit siya nang wala sa lugar. Magkaharapan lang ang mga opisina nila. Paglabas niya ng pintuan, nandoon din naman ang opisina
“The pleasure was ours,” gumanti rin ng ngiti si Marion sa mga bago nilang kasosyo sa project nila. “By the way, hindi pa ba babalik si kumpadre? Gusto sana namin na magkaroon ng hangout sa Macau bukas ng gabi, baka gusto niyang sumama?” tanong ni Mr.Chiu habang inaayos ang papeles na kailangan nitong pirmahan. “Well… Ayaw niya pa daw pong umuwi dahil nagbabakasyon sya ngayon sa Milan. Pero babanggitin ko pa rin po sa kanya ang invitation nyo,” iyon na lang ang sinabi niya kahit alam niyang hindi pupunta ang Daddy niya sa Macau dahil sa nangyari nitong nakaraan lang sa kanilang pamilya. “That would be nice…” hirit ni Mrs.Elizalde “Oh… Interesado ka bas a casino Mrs. Elizalde?” tanong ni Mr.Chiu, isa sa mga kumpadre ng Daddy niya na malakas gumastos sa mga casino at bar. “Of course. Six months na yata simula no’ng huling nakapag-unwind ako sa Macau. Okay lang ba na sumama ako sa inyo?” malambing ang tanong ng babaeng nasa mid 50’s na ang
May 7,2027 ang nakalagay sa kalendaryo sa telepono ni Marion. Mahigit isang buwan simula noong nangyaring k*dnapping incident ni EJ. Kagaya ng ipinangako niya kay Abel, binigyan niya ito ng pera at sinigurong hindi ito magkakaroon ng kahit na anong record sa pulisya. Bukod doon, pinili niyang bigyan ito ng trabaho bilang utility aide sa isang branch ng FD Bank na malapit sa tinitirhan nito. Kahit paano, nawala na ang iniisip na dalahin ng lalaki dahil naipagamot na nito ang may sakit na kapatid. Hindi man direkta, pero pinaalam pa rin ni Romeo ang totoo kay Marion, sa pamamagitan ni Francis. Ito na mismo ang nangako sa kaniya na hindi na nito hahayaan pang magkaroon ng panibagong kakaibang ideya ang madrasta niya. Sa tuwing naiisip niya ang hirap at pagod ng kaniyang anak, nandoon ang kagustuhan na saktan din ang babae. Ganoon pa man, alam din niya na kahit kailan, hindi nito maiintindihan ang takot at pasakit na ibinigay nito sa kaniya. Hindi nito malalaman ang pakiram
Hindi na kailangan pang tingnan ni Romeo ang pulso ni Oscar. Sa dami ng tumalsik na dugo mula sa ulo nito, imposibleng maisalba pa ito. Ang napakahabang mga litanya nito ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Minabuti ni Oscar na tapusin ang sarili kaysa naman sa dumating sa puntong hindi na rin nito malaman kung hanggang saan ba dapat ito hihinto. Sino nga ba ang dapat na sisihin sa kanilang sitwasyon? Si Peterson, na nagawang magpakasal kay Diana kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman para rito? Si Diana, na hindi nagawa at nagampanan ang bagay na gustong makuha ng pamilya Viray? Si Melinda, na pilit na tinalikuran ang marangyang buhay na nakaabang dito kung sakali man na maisilang nito nang matiwasay ang batang nasa sinapupunan? O si Oscar, na isang pobreng estudyante na literal na nakasandal at nakasalalay sa kamay ng isang pamilya ang pag-ikot ng buhay? Nagbuga ng malalim na buntong hininga si Peterson, isinandal ang pagod na likod sa malambot na sofa.
Naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang makalabas si Marion. Hawak ni Oscar ang armas sa mga kamay nito. Iyon na lamang ang natitira nitong kakampi noong mga oras na iyon. Tahimik lang na nakamasid ang mga tauhan ni Peterson sa mga nangyayari. Saksi ang mga ito sa melodrama na nangyayari ngunit walang makikitang emosyon mula sa mukha ng mga ito. “Bakit mo naman ginawa iyan kay Diana, kumpadre? Ang akala ko pa naman… Magkatuwang kayo sa mga plano niyong ito?” may himig ng pangungutya si Peterson. Nagtatangis ang mga bagang ni Oscar dahil sa matinding iritasyon. “Nakahandusay sa harapan mo ngayon ang babaeng nakasama mo ng maraming taon. Ilang dekada din kayong kasal ni Diana. Iyan lang ang sasabihin mo sa kanya?” Ngumisi lang si Peterson. “Sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang iyan? Para mailigtas mo ang sarili mo, inilaglag mo si Diana. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano sya nasaktan sa ginawa mong pagtataksil sa kanya?” “Pwede ba!







