Share

Chapter 4

Author: Winter_sorrow
last update Last Updated: 2022-01-25 20:12:45

     Araw na ng sabado, dalawang araw pagkatapos ng kaarawan ni Samantha, saka lang nakauwi ang kaniyang kapatid mula sa Maynila. Hindi kasi pwedeng basta na lamang umalis ang kaniyang kuya sa trabaho nito dahil inaasahan din ito ng kanilang engineer sa paghawak ng mga trabahador sa construction site. Ngunit dahil sa tanong na hindi pa rin nila masagot, pare-parehas silang hindi mapalagay. Walang gustong magbukas ng topic tungkol sa paternity test kaya naglakas-loob si Samantha na magsalita. “Ang mabuti pa… Ako na lang ang tatawag kay Mr. Viray. Mas maganda kung malalaman natin ang totoo sa lalong madaling panahon, ‘di ba?”

     “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ng kaniyang Kuya Tyron.

     “Oo nga, Sam… Pwede naman nating kalimutan na lang ang mga sinabi ng lalaking iyon, ‘di ba?” Hinawakan ni Nora ang kaniyang kamay at bahagyang pinisil iyon.

     “Kuya, ‘Nay, ‘Tay, mabuti na po ‘yong harapin na natin ito para matapos na. Kagaya niyo, hindi rin naman ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya pero mas mabuti na ‘yong nakakasiguro tayo. Ayoko naman pong isipin na may posibilidad talagang hindi niyo ko anak at kapatid.”

     Katahimikan ang sumunod na namayani sa kanilang apat. Naiintindihan nila ang punto ng bawat isa ngunit hindi nila maalis ang takot sa kanilang dibdib. Paano kung ampon nga talaga si Samantha? Paano kung patay na pala talaga ang totoo nilang anak? Paano na nila pakikiharapan ang isa’t isa kapag nalaman nila ang totoo?

     “Tama si Samantha… Mabuti na ngang malaman natin ang totoo kaysa naman tinatalikuran lang natin ang problema. At isa pa, tayo naman ang mamimili kung saan gagawin ang paternity test nila Samantha at no’ng Peterson Viray. Siguro naman, hindi iyon basta madadaya,” malumanay na sambit ni Danny, pero halatang hindi siya mapanatag.

     Dahil ayaw rin naman ng pamilya Reyes na ipagkait kay Samantha ang totoo, pumayag ang mga ito kahit labag sa kalooban nila ang desisyon ng dalaga. Si Samantha ang tumawag kay Peterson Viray upang sabihin ang appointment nila sa kalapit na center. Alas-diyes ng umaga tumawag si Samantha pero nakarating kaagad si Peterson pagdating ng alas-onse. Nagkita-kita na lang sila sa center para kumuha ng mga DNA sample nila. Dahil kakilala ng mga Reyes ang may-ari ng center, hindi sila natatakot na baka dayain ang ginawang paternity test.

     “Salamat naman at pumayag kayong ipa-DNA namin ulit kayo,” magalang na sabi ni Tyron. Dahil nasa Maynila na siya nagtatrabaho at nakatira, alam niya kung gaano kalaki ang impluwensiya ng taong nasa kaniyang harapan.

     “Wala iyon. Salamat din sa pagkakataon na makita kong muli si Marion… Ang ibig kong sabihin, si Samantha.” Malapad ang ngiti ni Peterson at mukha talagang alam na nito ang magiging resulta ng test.

     “Marion?” Hindi mapigilang itanong ni Samantha.

      “Tama. Marion Jade Viray, iyon kasi talaga ang ibinigay namin sa iyo ng Mama mo.” Lalapit nasa si Peterson kay Samantha pero humakbang paatras ang dalaga. Nanatili na lang si Peterson sa pwesto nito.

     “Kung wala na tayong dapat gawin, ang mabuti pa, umuwi na tayo.” Nakakapit si Nora sa braso ni Samantha na para bang ayaw niyang bitawan ang anak.

     “Magkita na lang po tayo sa lugar na ito pagkatapos ng tatlong araw. Sabay-sabay po nating babasahin ang resulta,” anunsiyo ni Danny sa bisita nila.

     Ramdam ni Peterson na gusto na siyang paalisin ng mga ito kaya hindi na siya nagpumilit pa. Ngumiti na lang siya at magalang na umalis sa lugar na iyon. Alam niya kasi na simula sa susunod na linggo, makakasama na niya si Marion. Kapag ginusto ng mga Reyes na puntahan ang libingan ng totoong anak ng mga ito, dadalhin niya ang mga ito sa lugar kung saan inakala niyang nakalibing ang kaniyang anak.

      Kasama si Romeo, sumakay na si Peterson sa kanilang sasakyan. Pero bago sila tuluyang umalis, ibinaba ni Peterson ang bintana sa kaniyang tapat bago tumingin kay Samantha. “Nakalimutan ko po palang banggitin… Kapag positive ulit ang resulta ng paternity test namin, kukunin ko na si Marion sa poder niyo. Salamat.” Muli niyang isinara ang bintana habang kumakaway sa mga Reyes.

     Tila nanghina ang mga tuhod ni Nora nang marinig ang sinabi ni Peterson. Mabuti na lang at mabilis na nasalo ni Samantha ang kaniyang ina kaya naman hindi ito napasalampak sa kalsada. Mabilis naman na hinawakan ni Tyron ang kanilang nanay para samahan ito sa paglalakad pabalik sa bahay nila. Hindi naman makapagsalita si Danny, nakatingin lang siya sa asawa na mukhang malapit nang maluha dahil sa sama ng loob.

     Nang makarating sila sa bahay nila, si Tyron ang tumulong kay Nora na humiga sa sofa habang kumuha naman ng tubig mula sa refrigerator si Samantha at ibinigay iyon sa ina para makainom ito. Umupo naman sa single sofa si Danny, tahimik pa rin na tinitingnan ang mga anak na abala sa pag-aalaga kay Nora. Tila hindi pa rin ma-proseso ni Danny at Nora ang kanilang sitwasyon kaya hindi makapagsalita ang mga ito.

     “Nay, ‘Tay, huwag niyo na po masyadong isipin ang paternity test na iyon, okay? Positive man iyon o negative, kayo pa rin ang mga magulang ko. Walang magbabago roon. Kayo ang nakasama ko sa buong buhay ko.” Halos mapasalampak si Samantha sa sahig. Ramdam niya ang stress at anxiety ng kanilang mga magulang sa mga nangyayari pero gusto niya pa ring magpatuloy. Hindi dahil sa gusto niyang yumaman, o dahil alam niyang may pag-asang gumanda rin ang buhay ng mga magulang nila. Gusto niyang malaman ang totoo para mawala na ang matagal na niyang insecurity -- na hindi niya kamukha ang kaniyang pamilya.

     “Sam, huwag kang mag-alala. Para sa amin, ikaw lang ang nag-iisa naming bunso. Kesehodang Marion o Samantha ang pangalan mo, ikaw pa rin ang nag-iisa kong kapatid. Maliwanag ba?” pag-aalo ng kaniyang Kuya Tyron.

     “Samantha, kung sakali man na…” tila hindi magawang ituloy ni Danny ang kaniyang sasabihin. Bumuga siya ng malalim na hininga bago tumingin sa anak. “Kapag nalaman mong hindi pala kami ang mga magulang mo, aalis ka ba? Sasama ka ba sa kaniya?”

     Tumingin si Nora at Tyron kay Samantha, pare-parehas sila ng iniisip pero si Danny ang naglakas-loob na magtanong. Napakamot naman sa ulo si Samantha. Siya mismo, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Natatakot siya… Hindi malinaw kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Kung sakali man, tatalikuran ba niya ang mga magulang niya para sumama sa totoo niyang ama? O mananatili siya sa poder ng mga taong itinuring niyang pamilya?

     “Hindi mo naman kailangang sumagot kaagad, anak. Pag-isipan mo muna ang mga dapat mong gawin,” puno ng lambing at pag-unawa ang tinig ng kaniyang Nanay Nora.

      "Salamat po, ‘Nay, ‘Tay, Kuya…” Pakiramdam ni Samantha, maiiyak na rin siya dahil sa stress pero nang haplusin ng kaniyang ina ang kaniyang likod, nakaramdam siya ng ginhawa. Para bang kaya niyang harapin ang kahit na ano.

*****

       Dumating na ang araw ng Martes. Nang malaman nila na handa na ang resulta ng paternity test, kaagad nilang tinawagan si Peterson para makapunta ito kaagad sa kanila. Ala-una na ng hapon pero makisig pa rin ang kanilang bisita habang nakasuot ng mamahaling suit, sapatos at relo. Dahil hindi na pwedeng magtagal pa si Tyron, bumalik siya sa Maynila pagdating ng lunes kaya sina Nora, Danny, at Samantha lang ang naroon.

     “Pumasok na po tayo,” magalang na wika ni Peterson sa mga magulang ni Samantha.

     Para naman silang maaamong tupa na nakasunod lamang kay Peterson. Ilang saglit lang at nasa kanila na ang sobre na naglalaman ng resulta ng paternity test. Si Danny ang may hawak no’n kaya siya na ang nagbukas ng sobre. Mabilis lang ang ginawa nitong pagbabasa dahil ang resulta sa ibaba ang kaagad nitong tiningnan. Nang mapansin nila Samantha at Nora ang panlulumo sa mukha ng padre de pamilya, alam na nila ang resulta kahit hindi pa nila nakikita ang nakasulat sa papel na iyon. Ibinigay ni Danny ang papel kay Peterson, simbolo ng kanilang pagtanggap sa resulta.

     Binasa ni Peterson ang nakasulat. Kagaya ng kaniyang inaasahan, siya talaga ang tunay na ama ni Samantha Reyes. Magkakayakap ang tatlo kaya hinayaan na muna ni Peterson na mag-usap-usap ang mga ito. Naroon lang siya sa tabi kaya naririnig niya ang mga iyon. Nang matapos sa pag-uusap ang pamilya Reyes, humarap sa kaniya si Samantha.

     “S-Sir?” nahihiyang tanong ni Samantha.

     “Don’t call me Sir. I am your father. Pwede mo kong tawaging Daddy.”

     Tuminging muli si Samantha sa mga kinalakhan niyang magulang bago tumingin sa kaniya ulit. “Kailangan po ba talagang iwanan ko ang mga magulang ko? Hindi po ba pwedeng sa kanila na lang ako?”

     Doon naman unti-unting nawala ang ngiti ni Peterson. Ayaw niya sanang sabihin iyon kay Samantha pero mukhang wala na siyang magagawa. “I’m sorry, anak. Alam mo kasi… Ilang dekada na ang ginugol ko para mahanap ka. Hindi naging madali ang lahat dahil wala pa namang CCTV noong mga panahon na iyon at wala kaming clue kung ano ba talagang nangyari sa iyo. Pero nang binalikan namin ang ospital kung saan ka ipinanganak, umamin na rin ang Head Nurse na siya ang nagbabantay sa nursery noong mga panahong iyon. At kahit alam na niya ang nangyaring pagpapalit sa inyo, hindi niya magawang isumbong dahil kapag nalaman ng ospital ang kapabayaan niya, matatanggal siya sa trabaho.”

     “Pero…” Lalong naguguluhan si Samantha. Hindi siya makapagdesisyon lalo na at ramdam niyang gusto rin siyang makasama ng kaniyang tunay na ama. “Paano naman po ang mga magulang ko?”

     “Huwag kang mag-alala. Bibigyan ko sila ng thirty million pesos, kabayaran sa mga taon na ginugol nila para alagaan at mahalin ka.” Pilit na inaamo ni Peterson si Samantha ngunit halata namang mas matimbang pa rin ang mga Reyes kaysa sa kaniya. “Saka, alam mo kasi… Nasa second stage na ang pancreatic cancer ko, anak. Kailangan kong mag-undergo ng chemotherapy sa lalong madaling panahon. Sana, habang malakas pa ko, gusto kitang makasama…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 114

    Hindi na kailangan pang tingnan ni Romeo ang pulso ni Oscar. Sa dami ng tumalsik na dugo mula sa ulo nito, imposibleng maisalba pa ito. Ang napakahabang mga litanya nito ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Minabuti ni Oscar na tapusin ang sarili kaysa naman sa dumating sa puntong hindi na rin nito malaman kung hanggang saan ba dapat ito hihinto. Sino nga ba ang dapat na sisihin sa kanilang sitwasyon? Si Peterson, na nagawang magpakasal kay Diana kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman para rito? Si Diana, na hindi nagawa at nagampanan ang bagay na gustong makuha ng pamilya Viray? Si Melinda, na pilit na tinalikuran ang marangyang buhay na nakaabang dito kung sakali man na maisilang nito nang matiwasay ang batang nasa sinapupunan? O si Oscar, na isang pobreng estudyante na literal na nakasandal at nakasalalay sa kamay ng isang pamilya ang pag-ikot ng buhay? Nagbuga ng malalim na buntong hininga si Peterson, isinandal ang pagod na likod sa malambot na sofa.

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 113

    Naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang makalabas si Marion. Hawak ni Oscar ang armas sa mga kamay nito. Iyon na lamang ang natitira nitong kakampi noong mga oras na iyon. Tahimik lang na nakamasid ang mga tauhan ni Peterson sa mga nangyayari. Saksi ang mga ito sa melodrama na nangyayari ngunit walang makikitang emosyon mula sa mukha ng mga ito. “Bakit mo naman ginawa iyan kay Diana, kumpadre? Ang akala ko pa naman… Magkatuwang kayo sa mga plano niyong ito?” may himig ng pangungutya si Peterson. Nagtatangis ang mga bagang ni Oscar dahil sa matinding iritasyon. “Nakahandusay sa harapan mo ngayon ang babaeng nakasama mo ng maraming taon. Ilang dekada din kayong kasal ni Diana. Iyan lang ang sasabihin mo sa kanya?” Ngumisi lang si Peterson. “Sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang iyan? Para mailigtas mo ang sarili mo, inilaglag mo si Diana. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano sya nasaktan sa ginawa mong pagtataksil sa kanya?” “Pwede ba!

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 112

    Imbes na magpakita ng takot, gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Oscar. “Ano ngayon? Wala akong pakialam kahit p*tayin mo ko sa lugar na ito. Ganoon din naman ang mangyayari sakin kapag napunta ako sa mga kamay ng Daddy mo. Sigurado akong didispatsahin niya na ko nang tuluyan. Bakit pa ko matatakot? Pero kung magagawa kong isama sa hukay ang pamilyang pinakamamahal niya, makakaganti rin ako sa kaniya kahit paano. Ano sa tingin mo?” Itinaas ni Marion ang safety pin ng hawak nitong armas. Isang kalabit lang ng gatilyo at mawawala na ang lalaki sa kaniyang harapan. Ngunit dahil sa hawak nitong device sa kamay nito, nag-aalangan siya. Hindi niya alam kung bluff lang ang sinasabi ni Oscar. Pero hindi niya kayang gumawa ng ganoon katinding paghamon sa kaniyang swerte. Wala siyang pakialam kahit bumaligtad ang buong Pilipinas kung sakaling mawala ang mga importanteng guests na naroon sa barkong iyon. Pero hanggat hindi niya nasisigurong ligtas ang mga ito, hindi siy

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 111

    “Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 110

    Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 109

    Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status