Muling nilingon ni Peterson ang kaniyang anak bago siya tuluyang lumabas ng pintuan ng bahay ng mga ito. Katamtaman ang laki ng bahay ng mga Reyes at mukhang hindi naman naghihirap ang mga ito kaya bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Mabilis naman ang pagkilos ng mga bodyguards niya para lumapit sa kaniya.
“Tara na, babalik na tayo sa opisina,” utos niya sa mga ito.
Pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa mga bodyguard niya kaya umakyat na lang si Peterson sa sasakyan. Dahil siya ang CEO ng pinakamalaking bangko sa Pilipinas, nag-iingat rin siya kaya naman palagi siyang may kasamang mga bodyguard. Dahil nasa ma-taong lugar at maraming kabahayan ang pinuntahan nila, kinailangan niyang umalis rin kaagad dahil masyadong malaki ang sasakyan nila para sa daanan sa looban.
Kinuha ni Peterson ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon niya at nag-dial ng numero. Itinapat niya ang cellphone sa kaniyang tenga nang marining ang pag-ring mula sa kabilang linya. “Kumpadre, baka mahuli ako ng kalahating oras sa meeting. Pakisabi na lang sa board of directors. May pinuntahan kasi ako…” nagsalita kaagad siya nang marining ang pag-click mula sa kabilang linya, senyales na sinagot ang kaniyang tawag.
“Bakit? Saan ka ba nanggaling kumpadre?” tanong ng lalaki sa kabilang linya.
Bahagyang ngumiti si Peterson. “Wala naman. Namasyal lang ako sandali. Nagpapahangin lang… Sige, magkita na lang tayo mamaya pagdating ko riyan.” Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kaniyang kaibigan. Pinatay na niya ang tawag at muling ibinalik ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa.
“Sir, nakausap na po namin si Attorney Panganiban. Handa na raw po ang dokumento na pinapagawa niyo sa kaniya,” anunsiyo ng kaniyang head of security, ang nakaupo sa kaniyang kanan na si Romeo.
“Good. Siniguro ba niyang walang kaalam-alam si Oscar?” paniniguro niya.
“Yes, Sir. Tahimik lang po si Attorney Panganiban. Ang sabi niya, basta tulungan niyo siya sa utang niya sa Dragon Casino, gagawin niya ang kahit na anong gusto niyo.”
Ngumiti si Peterson nang makaramdam ng ginhawa. Unti-unti nang nagiging maayos ang matagal na niyang pinaplano. “Mabuti naman. Ayokong malaman ni Oscar at Diana ang tungkol kay Marion. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa anak ko. Mabuti na ‘yong naibigay ko na kay Marion ang karapatan niya bilang tagapagmana ko habang hindi pa siya nakikilala ng mga iyon… Lalo na si Diana, hindi ko alam kung anong gagawin niya kapag nalaman niyang buhay pala ang anak ko.”
Tumango si Romeo bilang pagsang-ayon. “Naiintindihan ko po kayo, Sir. Nag-iiba po talaga ang ugali ng isang tao kapag malaking pera na ang pinag-uusapan.”
“Tama ka… Ikaw na lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa ngayon. Hindi ko alam pero iba na ang tingin ko kay Oscar. Pakiramdam ko, nagbago na ang kaibigan ko nang mahigit dalawang dekada.” Umismid pa si Peterson. “Kaya nga ayoko nang tumatambay ngayon sa opisina. Lahat sila, abala sa pagpapakilala ng mga anak at pamangkin nila -- mga buwitre na naghahandang sumakmal sa akin kapag wala akong nailabas na tagapagmana ng kumpanya.”
“Kung ganoon… Gagawin niyo po bang tagapagmana ng FD Bank si Miss Marion?”
“Kung anong gustong gawin ng anak ko, hahayaan ko siya. Ang gusto ko lang, magkaroon siya ng sariling pamilya. Magkaroon ng anak, at maranasan ko naman ang kasiyahan na magkaroon ng apo.” Ngumiti si Peterson nang maisip na mararanasan na rin niyang mag-alaga ng bata. “Kung kinakailangan na tulungan ko si Marion para magkaroon ng asawa at anak, walang problema sa akin.”
Kumunot ang noo ni Romeo. “Pero ayon sa nakuha naming intelligence, wala siyang kasintahan. Paano niyo po makukuha ang gusto niyo?”
Lumapad naman ang ngiti ni Peterson bago tumingin sa daan na binabagtas nila pabalik sa opisina niya. “Minsan lang nagtama ang mga mata namin ng batang iyon pero ramdam kong magka-ugali kami. Sabihin mo kay Attorney Panganiban na gawan ako ng kontrata. Sisiguraduhin kong si Marion mismo ang magkakaroon ng interes sa pagkakaroon ng sarili niyang anak.”
“Yes, Sir…” Hindi na muling nagtanong pa si Romeo. Kinuha niya ang cellphone niya para tumawag sa abogado.
Nakahinga nang maluwag si Peterson. Idinantay niya ang kaniyang likod sa malambot na upuan at tahimik na pinakinggan ang mga sinasabi ni Romeo. Ang kailangan na lang niya ay ang pagpayag ng mga magulang ni Marion sa mga gusto niyang mangyari, pati na rin ang pagkuha niya sa loob ng kaniyang anak. Matagal na paghihintay ang kaniyang ginawa dahil inakala niyang patay na talaga ang anak niya. Pero nang maisipan ng asawa niya na muling buksan ang puntod ng sanggol para magkaroon ng paternity test sa kaniya, doon lang din niya nalaman na hindi pala niya anak ang ipinalibing niya noon.
Halos apatnapung minuto ang naging byahe nila mula sa bahay ng mga Reyes hanggang sa main branch ng FD Bank. Dahil halos oras na ng tanghalian, nagpa-reserve siya ng puwesto sa isang kalapit na restaurant para doon gawin ang board meeting niya kasama ang mga shareholders ng FD Bank. Dahil hindi naman ganoon kalayo ang bagong meeting place, hindi na nagreklamo ang mga taong halos isang oras niyang pinaghintay. Nagpalabas siya ng masaganang eight-course meal para sa mga ito para hindi siya makarinig ng mga reklamo, at para na rin mapa-amo ni Peterson ang mga tao niya.
Nang makapasok siya sa loob ng restaurant, nanatili sa labas ng meeting room ang ibang mga bodyguards at tanging si Romeo lang ang pumasok sa loob kasama niya. Dahil na rin sa awa sa mga tauhan niya, inutusan niya ang mga ito na kumain na muna. Sapat na si Romeo para maipagtanggol siya. Kampante siya sa kakayahan ng kaniyang kanang kamay dahil dati itong kasama sa Special Forces. Pero nang malubog ito sa utang dahil sa pagkakasakit ng nag-iisa nitong anak, inalok niya ng trabaho si Romeo sa ilalim niya. Simula noon, naging sunod-sunuran na si Romeo sa lahat ng inuutos niya -- legal man o hindi.
“Mr. Viray, this way, please.” Malaki ang ngiti ng manager ng restaurant habang sinasamahan siya papunta sa private meeting room.
“Thank you.”
“You’re welcome, Sir.” Muli itong ngumiti bago magpaalam nang marating nila ang pintuan na yari sa mahogany. Ilang beses na silang nakakarating roon pero palagi pa rin siyang inihahatid ng manager ng restaurant bilang respeto sa kaniya bilang VIP guest.
Binuksan ni Romeo ang pinto kaya pumasok na si Peterson sa loob. Naroon ang walo sa mga major stockholders ng FD Bank. Dahil nag-umpisa nang kumain ang mga ito at nalasahan ang masarap na pagkain mula sa restaurant, nakangiti na ang mga ito nang pumasok siya sa loob. “I’m sorry for the delay… May pinuntahan lang ako sandali,” nagsabi pa rin siya ng palusot kahit alam niyang hindi naman na ito uusisain ng iba.
“Anong meron? Wala naman akong alam na may appointment ka ngayong araw?” tanong ni Oscar, ang kaniyang kaibigan at kumpadre, ang abogado na pinagkatiwalaan niya sa loob ng maraming dekada.
“Hindi naman importante ang pinuntahan ko kaya hindi mo na kailangang malaman. At isa pa, kahit si Diana na asawa ko, hindi naman nangingialam sa schedule ko kumpadre,” hindi maiwasan ni Peterson na lagyan ng sarkasmo ang kaniyang tinig.
Bahagyang tumikhim naman si Oscar. “Tama ka, kumpadre. At isa pa, ikaw naman ang may-ari ng kumpaniya kaya hindi mo kailangan sabihin sa ‘kin ang lahat ng gagawin mo.”
Bahagyang umismid si Peterson pero ngumiti pa rin siya nang bahagya pagkatapos. “Exactly, kumpadre. Ang mabuti pa, kumain na muna tayo ng tanghalian para naman busog tayo kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa mga negosyo. Ano sa tingin niyo?” tanong niya sa iba pang mga naroon.
Tumango ang mga ito at nagtawanan habang sumasang-ayon sa kaniya. Simula nang hawakan ni Peterson ang FD Bank, lalo itong naging matatag at yumabong nang husto. Bukod sa hawak na ng bangko niya ang titulo bilang numero uno sa Pilipinas, nag-e-expand din siya ng investments sa iba-ibang mga industry kagaya ng mining, real estate, at land development. Alam niya na sa lahat ng mga taong nasa kuwartong iyon, si Oscar lang ang may lakas ng loob na tanungin siya tungkol sa kaniyang personal na ginagawa.
Dahil dekada na rin ang pagsasamahan nila, naging shareholder na rin si Oscar sa kaniyang kumpaniya. Kuwento ng rags to riches ang buhay nito, mula sa isang simpleng tao na nagkaroon ng pagkakataon para maging isa sa mga abogado ng FD Bank. Alam niyang mataas ang ambisyon ng kaniyang kaibigan. Pero nang mapansin niya na tila lumalagpas na sa linya ang pangingialam nito sa kaniyang personal na buhay, lalo na sa usapin ng tagapagmana ng FD Bank, hindi niya maiwasan na mag-isip nang hindi maganda.
“Romeo, halika na, sumalo ka na rin sa amin,” alok ni Peterson.
“Salamat, Sir. Pero mamaya na lang po,” magalang na sagot nito.
“I insist… Wala naman sigurong masama kung kasama ka naming kumain. Hindi ba?” nagtatanong si Peterson pero base sa kaniyang mga ngiti, hindi siya tatanggap ng sagot na ‘hindi.’
“S-sure, Mr. Viray. Mahigit isang dekada na rin si Romeo sa tabi niyo. Para na rin namin siyang kasamahan.” Ngumiti si Mrs. Sanchez, ang isa sa mga shareholder, ngunit halata namang pakitang-tao lamang iyon.
Sanay na si Peterson na makipag-plastikan sa mga ito at alam naman niyang hanggang nananatiling maayos ang pamamalakad niya sa kumpaniya, walang masasabi ang mga ito kahit anong gusto niyang gawin. “See? Umupo ka na, Romeo.”
May dalawang waiter na naroon sa meeting room na naghanda ng upuan at mga kubyertos para kay Romeo. Nakaupo ito sa gawing kanan ni Peterson at nasa kaliwa naman si Oscar. Ang mga shareholders naman ay muling ipinagpatuloy ang mga kwentuhan na para bang wala lang. Pero ang totoo, alam ni Peterson kung gaano kataas ang pride ng mga ito at kung gaano kababa ang tingin ng mga ito sa mga kagaya ni Romeo na ordinaryong manggagawa lamang. Muli namang napangiti si Peterson dahil kampante siya sa hawak niyang kapangyarihan.
Naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang makalabas si Marion. Hawak ni Oscar ang armas sa mga kamay nito. Iyon na lamang ang natitira nitong kakampi noong mga oras na iyon. Tahimik lang na nakamasid ang mga tauhan ni Peterson sa mga nangyayari. Saksi ang mga ito sa melodrama na nangyayari ngunit walang makikitang emosyon mula sa mukha ng mga ito. “Bakit mo naman ginawa iyan kay Diana, kumpadre? Ang akala ko pa naman… Magkatuwang kayo sa mga plano niyong ito?” may himig ng pangungutya si Peterson. Nagtatangis ang mga bagang ni Oscar dahil sa matinding iritasyon. “Nakahandusay sa harapan mo ngayon ang babaeng nakasama mo ng maraming taon. Ilang dekada din kayong kasal ni Diana. Iyan lang ang sasabihin mo sa kanya?” Ngumisi lang si Peterson. “Sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang iyan? Para mailigtas mo ang sarili mo, inilaglag mo si Diana. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano sya nasaktan sa ginawa mong pagtataksil sa kanya?” “Pwede ba!
Imbes na magpakita ng takot, gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Oscar. “Ano ngayon? Wala akong pakialam kahit p*tayin mo ko sa lugar na ito. Ganoon din naman ang mangyayari sakin kapag napunta ako sa mga kamay ng Daddy mo. Sigurado akong didispatsahin niya na ko nang tuluyan. Bakit pa ko matatakot? Pero kung magagawa kong isama sa hukay ang pamilyang pinakamamahal niya, makakaganti rin ako sa kaniya kahit paano. Ano sa tingin mo?” Itinaas ni Marion ang safety pin ng hawak nitong armas. Isang kalabit lang ng gatilyo at mawawala na ang lalaki sa kaniyang harapan. Ngunit dahil sa hawak nitong device sa kamay nito, nag-aalangan siya. Hindi niya alam kung bluff lang ang sinasabi ni Oscar. Pero hindi niya kayang gumawa ng ganoon katinding paghamon sa kaniyang swerte. Wala siyang pakialam kahit bumaligtad ang buong Pilipinas kung sakaling mawala ang mga importanteng guests na naroon sa barkong iyon. Pero hanggat hindi niya nasisigurong ligtas ang mga ito, hindi siy
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama