Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang laboratory center, naririnig ng iba sa mga naroon ang pinag-uusapan nila. Nakatingin ang mga ito kay Samantha na para bang nanonood ng pelikula sa totoong buhay. Samantala, ramdam ni Samantha ang mainit na haplos ng kaniyang ina sa kaniyang likod. Inaasahan na niya ang maluha-luhang ekspresyon ng kaniyang mga magulang pero ngayon na hindi na maitago ng mga ito ang kalungkutan, lalo siyang hindi makapag-desisyon.
“Bakit hindi tayo mag-usap sa bahay niyo?” suhestiyon ni Peterson.
Naririnig nila ang alingasngas mula sa mga nagtsitsismisan sa kanilang tabi kaya naman mabilis na pumayag ang pamilya Reyes sa suhestiyon nito. Naunang sumakay si Peterson sa sasakyan at inimbitahan ang mag-asawa na ihahatid na sumakay na rin. Dahil mainit na at baka tumaas pa ang presyon ng mga magulang kapag naglakad sa initan, pumayag na rin si Samantha sa suhestiyon ni Peterson. Sa loob ng mamahaling limousine, nakaupo si Peterson sa pinakahulihang bahagi, katabi ang bodyguard na si Romeo. Nakaharap naman si Danny, Samantha at Nora sa mga ito.
Walang imik ang mag-asawa habang nasa loob ng sasakyan. Noon lang sila nakasakay sa ganoon kagarang kotse, nakaranas makaupo sa mamahaling seat cover at makitang may kotse pala na may mini-refrigerator na sa loob. Binigyan ng malamig na bote ng mineral water si Nora dahil tila namumutla na ito. Awtomatiko naman na kinuha iyon ni Samantha at pinainom sa kaniyang ina. Malamig ang aircon ng sasakyan na nagbibigay ng kakaibang kilabot sa kanila. At nang magsimulang umandar iyon, halos hindi nila narinig ang ingay ng makina. Doon napagtanto ni Samantha kung gaano kalayo ang estado ng kaniyang tunay na ama sa kinalakhan niyang buhay.
Nang makarating sila sa bahay ng mga Reyes, nagmamadali ang mga magulang niya na magbigay ng kahit na anong pwedeng ihain sa kanilang bisita. May mamon at softdrinks silang binili para sana sa miryenda nila mamayang alas-tres ng hapon pero inihain na nila ang mga iyon kay Peterson bilang pasalamat sa paghahatid nito sa kanila.
Si Samantha naman ay tahimik na nakaupo sa sofa, kaharap ng puwesto ni Peterson. Habang tumatagal, lalo niyang napapansin ang mga maliliit na detalye na nagsasabing kamukha nga niya ang lalaking nakaupo sa kaniyang harapan. Bukod sa kanilang parehas na kulay at kulot na buhok, parehas sila ng kilay -- tamang-tama ang haba at hindi na kailangan pang ayusin. Ang mga pilikmata nito ay nakakurba kagaya no’ng sa kaniya. Mas manipis ang labi nito sa itaas kumpara sa ibaba, kagaya ng kaniyang mga labi. Kahit wala ag resulta ng paternity test, masasabi naman talaga na malaki ang pagkakahawig niya kay Peterson.
“Pumapayag na ko… Sasama ako sa inyo, pero may kondisyon din ako.” Tiningnan ni Samantha nang diretso sa mga mata si Peterson. Naguguluhan pa siya sa mga nangyayari pero kung sakali man, nandito sa kanilang harapan ang isa sa pinakamayamang bilyonaryo sa Pilipinas at kinukuha siya bilang anak nito. Sino siya para tumanggi sa grasya, ‘di ba? “Bukod sa tatlumpung milyon na makukuha ng mga magulang ko, gusto ko rin na tulungan niyong makatapos ng pag-aaral ang Kuya Tyron ko. Isang taon na lang at makakatapos na siya bilang Civil Engineer. Sayang ang talino at abilidad niya kung magiging foreman lang siya habang buhay.”
“Iyon lang ba? Walang problema. Sasagutin ko ang tuition fee niya at pati na rin ang allowance niya.” Ngumiti si Peterson dahil pumapanig na sa pabor niya ang sitwasyon.
“Gusto ko rin na masigurong may titingin sa mga magulang ko. Gusto kong magbigay kayo ng makakatulong nila rito sa bahay, lalo na sa mga gawaing-bahay. Saka… Gusto ko rin ng bagong bahay para sa mga magulang ko, ‘yong mas malaki kaysa rito. At saka gusto ko rin na magbigay kayo ng negosyo para sa kanila.” Hindi inaalis ni Samantha ang kaniyang tingin kay Peterson. Pinag-aaralan niya ang bawat kibot ng mukha nito. “Bilyonaryo kayo kaya alam kong barya lang sa inyo ang hinihiling ko, hindi ba? Hindi naman siguro masamang magbigay kayo sa mga taong nag-alaga sa ‘kin ng halos tatlong dekada.”
Mula sa ngiti, bahagya pang natawa si Peterson. Doon nito napatunayan na nagmana talaga rito ang anak. “Iyon lang ba? Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita aalisan ng karapatan na makausap at makita ang mga nagpalaki sa iyo. Ang gusto ko lang, sumama ka sa ‘kin at gamitin ang iyong bagong pangalan -- ang totoo mong pangalan: Marion Jade Viray.”
“Anak, hindi naman namin kailangan ang lahat ng iyon. Sapat na samin na makita at makasama ka paminsan-minsan.” Muli na namang naluluha si Nora habang hinahawakan ang dulo ng suot na tshirt ni Samantha. Ramdam ng Ginang ang papalapit nilang paghihiwalay kaya naman para itong bata na ayaw mawalay sa minamahal.
“Tama siya, Sam. Hindi namin kailangan ang kahit na ano.” Tumingin saglit si Danny kay Peterson bago muling tumingin kay Samantha. “Gusto lang namin na makita ang libingan ng batang sinasabi ni Peterson kung saan nakalibing ang totoo naming anak.”
“Kung ganoon, pwede ko kayong dalhin doon kung kailan niyo gustong pumunta. Kailan niyo balak --”
“Ngayon na po sana.” Hindi na pinatapos ni Danny ang sinasabi ni Peterson. “Gusto naming malaman kung anong nangyari sa anak namin.”
Hinawakan ni Danny ang balikat ng asawa nito, bahagya namang pinisil ni Samantha ang kamay ng kaniyang ina. “Sasama po ako. Gusto ko rin siyang makilala… Ang totoong Samantha Reyes.” Buo na ang loob ni Samantha na tanggapin nang maluwag sa kaniyang puso ang lahat ng mga pagbabagong nararanasan niya ngayon.
“Kung ganoon, sumama kayo sa ‘kin. Pupunta tayo ngayon sa sementeryo. Huwag kayong mag-alala. Kahit nalaman kong hindi siya ang totoo kong anak, hindi ko pinabayaan ang puntod niya at siniguro kong dinadalaw siya sa kaniyang kaarawan taon-taon.” Iyon lang ang alam ni Peterson na pwedeng magpalubag ng loob sa mga Reyes kaya sinabi niya kaagad iyon.
“Salamat po… Maraming salamat.” Sa unang pagkakataon, ngumiti si Nora sa harapan ni Peterson. “Bakit hindi po muna kayo mag-miryenda? Magpapalit lang po muna ako ng damit.”
Tumango si Peterson bilang pagsang-ayon. Sumama naman si Danny sa asawa para magpalit din ng damit. Kahit paano, gusto nilang maging maayos ang itsura nila kapag pumunta sila sa puntod ng kanilang anak. Pagkakataon na rin iyon para masabi nila sa kanilang anak na si Tyron ang lahat ng mga nangyari, at mga posibleng mangyari sa hinaharap. Samantala, nanatili naman si Samantha sa salas, binabantayan si Peterson habang kumakain ito ng mamon na binili niya kaninang umaga sa panaderya.
“Wala na po rito ang mga magulang ko. Pwede niyo na bang sabihin sa ‘kin ang totoong dahilan kaya gusto niyo kong kunin mula sa mga kinalakhan kong magulang?”
“Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.”
Ramdam ni Samantha na ka-ugali niya ang ama kaya alam niyang may itatago ito sa kanila. “Hindi ko alam kung anong parte ng mga sinasabi niyo ang hindi totoo. Pero… Hindi nasasagot ng mga iyon ang mga tanong sa utak ko. Una, kung matagal niyo nang alam na nawawala pala ang anak niyo, bakit ngayon lang kayo lumapit sa akin? Hindi ako naniniwalang hindi niyo makukuha ang mga impormasyon na gusto niyo lalo na kung may pera kayo para ipantapat sa kahit kanino. Kung gusto niyo talaga akong mahanap, dapat, noon pa kayo pumunta sa ospital na iyon para malaman ang totoo. Pangalawa, bakit kailangan kong sumama sa inyo? Alam ko kung ano-ano ang posible kong makuha mula rito pero hindi ko makita kung ano bang makukuha niyo mula sa ‘kin. Pangatlo, bakit kailangan kong baguhin ang pangalan ko? Hindi pa ba sapat na nakita niyo ko? Bakit kailangan niyong mag-aksaya ng oras at pera para sa legal na proseso samantalang pwede niyo naman akong pamanahan na lamang at kalimutan pagkatapos?”
“Romeo, kita mo na? Sabi ko naman sa iyo… Carbon copy ko talaga ang batang ito.” Binuntutan ni Peterson ng masiglang halakhak ang kaniyang sinabi.
Sa unang pagkakataon, ngumiti si Romeo sa harapan ni Samantha. “Tama po kayo, Sir.”
Kumunot ang noo ni Samantha. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon mula sa mga ito. “Hindi ko maintindihan…”
“Tama lang na itanong ang mga iyon. Pero huwag kang mag-alala, may sagot naman ako sa mga gusto mong malaman.” Itinigil ni Peterson at seryosong tumingin kay Samantha. “Marion, anak, alam kong may hinala ka na rin at gusto mo lang na marinig mula sa bibig ko ang sagot. Bueno… Una, hindi ko kaagad nalaman ang lokasyon mo dahil may ahas na tumutulong pala sa asawa ko para hindi kita mahanap. Hindi ko alam kung ayaw nilang mahanap kita dahil sa sama ng loob o dahil sa katotohanan na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ko.”
Napalunok si Samantha. Bago sa kaniyang pandinig ang pangalang iyon ngunit madali lamang para sa kaniya na masanay sa maliliit na pagbabago. “Tama… Wala nga pala kayong anak bukod sa akin. Para sa ibang tao, ako ang nag-iisang sagabal para makuha nila ang pera at kumpaniya niyo.” May kakaibang kamandag ang ngiti niya, nagiging interesante na ang lahat para sa kaniya.
Parehas sila ng uri ng ngiti ni Peterson, para silang mga nilalang na nababasa ang iniisip ng isa’t isa kahit wala pang sinasabi ang isa sa kanila. “Sa pangalawa mong katanungan, personal na kagustuhan ko ito. Hindi ako nagkaroon ng masayang pamilya kahit noong nagkaroon na ko ng asawa. Gusto kong maranasan na mag-alaga ng isang bata, isang masaya at kumpletong pamilya. At ikaw, Marion, ikaw ang nag-iisang pag-asa ko para makuha iyon. Kapag nagkaroon ka ng asawa at anak --”
“Teka, sinong may sabi sa inyo na gusto kong magkaroon ng anak?” putol ni Samantha. “Wala akong balak na mag-asawa, magbuntis, at manganak. Pass ako riyan.”
“Talaga? Kahit bigyan kita ng isandaang bilyong piso kapalit ng pagbibigay sa ‘kin ng hinihiling kong apo?” diretsong tanong ni Peterson.
Tila nanuyo ang lalamunan ni Samantha nang marinig ang sinabi ng kaniyang totoong ama. Isandaang bilyong piso para sa sarili niya... Kapalit lamang ng isang bata. Kumpara sa perang iyon, ano na lang ba ang takot niya sa panganganak? “Papayag ako kung IVF o In Vitro Fertilization ang mangyayari. Wala akong balak na magkaroon ng boyfriend o kahit asawa. Kung gusto niyo ng apo, bibigyan ko kayo, basta pumayag kayo sa mga kondisyon ko.”
Naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang makalabas si Marion. Hawak ni Oscar ang armas sa mga kamay nito. Iyon na lamang ang natitira nitong kakampi noong mga oras na iyon. Tahimik lang na nakamasid ang mga tauhan ni Peterson sa mga nangyayari. Saksi ang mga ito sa melodrama na nangyayari ngunit walang makikitang emosyon mula sa mukha ng mga ito. “Bakit mo naman ginawa iyan kay Diana, kumpadre? Ang akala ko pa naman… Magkatuwang kayo sa mga plano niyong ito?” may himig ng pangungutya si Peterson. Nagtatangis ang mga bagang ni Oscar dahil sa matinding iritasyon. “Nakahandusay sa harapan mo ngayon ang babaeng nakasama mo ng maraming taon. Ilang dekada din kayong kasal ni Diana. Iyan lang ang sasabihin mo sa kanya?” Ngumisi lang si Peterson. “Sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang iyan? Para mailigtas mo ang sarili mo, inilaglag mo si Diana. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano sya nasaktan sa ginawa mong pagtataksil sa kanya?” “Pwede ba!
Imbes na magpakita ng takot, gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Oscar. “Ano ngayon? Wala akong pakialam kahit p*tayin mo ko sa lugar na ito. Ganoon din naman ang mangyayari sakin kapag napunta ako sa mga kamay ng Daddy mo. Sigurado akong didispatsahin niya na ko nang tuluyan. Bakit pa ko matatakot? Pero kung magagawa kong isama sa hukay ang pamilyang pinakamamahal niya, makakaganti rin ako sa kaniya kahit paano. Ano sa tingin mo?” Itinaas ni Marion ang safety pin ng hawak nitong armas. Isang kalabit lang ng gatilyo at mawawala na ang lalaki sa kaniyang harapan. Ngunit dahil sa hawak nitong device sa kamay nito, nag-aalangan siya. Hindi niya alam kung bluff lang ang sinasabi ni Oscar. Pero hindi niya kayang gumawa ng ganoon katinding paghamon sa kaniyang swerte. Wala siyang pakialam kahit bumaligtad ang buong Pilipinas kung sakaling mawala ang mga importanteng guests na naroon sa barkong iyon. Pero hanggat hindi niya nasisigurong ligtas ang mga ito, hindi siy
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m