แชร์

One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband
One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband
ผู้แต่ง: Major_Canis

Chapter 1

ผู้เขียน: Major_Canis
“I’m getting married again,” malamig na sabi ni Dashiel. “And I won’t repeat myself. Hindi rin ako hihingi ng permiso mo.”

Bigla niyang ibinaba ang tasa ng kape sa mesa, sapat ang lakas para tuluyang tapusin ang almusal na ni hindi man lang niya nahawakan.

Nanatiling nakatayo si Addison malapit sa mahabang dining table na may puting marmol. Hawak pa rin niya ang spatula, pero nagsimula nang manginig ang mga daliri niya. Pinilit niyang maging kalmado ang mukha, kahit pakiramdam niya ay unti-unti siyang nilalason ng bawat salitang binitawan ni Dashiel. Bahagya niyang ibinaba ang ulo, hinayaan niyang tumimo ang sinabi nito, kahit ramdam niyang winawasak siya nito mula sa loob.

“Si Venus ba?” mahina niyang tanong, halos pabulong.

Hindi siya tiningnan ni Dashiel. Huminga lang ito nang mababaw bago sumagot nang walang emosyon. “Yes. Who else?”

Hindi kailanman minahal ni Dashiel Kristian Gutierrez ang asawa nitong si Addison. Ang puso nito ay matagal nang pag-aari ni Venus Mae Bonifacio. Sa totoo lang, ang kasal nila ay malaking hadlang lang sa love story nj Dashiel at Venus. Isang abalang gusto nitong tanggalin. Pero ano ang magagawa ni Addison, kung ang babaeng nag-ayos ng kasal na nangyari ay naging mabuti sa kanya?

Si Eva Gutierrez, ang lola ni Dashiel.

Hindi rin ginusto ni Addison ang kasal na ito. Ang tanging hiling lang niya noon ay isang maayos na libing para sa kanyang ina. Lahat ng sumunod na nangyari, tinanggap na lang niya bilang kapalaran. Sumuko siya, kahit sariwa pa rin ang sakit ng pagkawala ng ina niya. Pero tumanggi si Eva na doon na lang matapos ang lahat. Ipinilit nito kay Addison na pakasalan niya si Dashiel, ang paborito nitong apo, bilang kabayaran sa kasalanang ginawa nito. Dahil si Dashiel ang dahilan ng pagkamatay ng ina ni Addison. Para kay Eva, si Addison ay isang batang babaeng nag-iisa na sa mundo.

Pumayag lang si Dashiel dahil wala siyang choice. Napilitan siya sa kagustuhan ng lola niya. Pero ngayon, patay na si Eva Gutierrez, pumanaw dahil sa sakit dalawang linggo pa lang ang nakalilipas, at nakita ni Dashiel ang pagkakataong makalaya sa kasal na hindi naman niya kailanman ginusto. Wala na siyang dahilan para manatili sa kasal na ito. Wala na.

Isang munting ngiti ang sumilay sa labi ni Addison. Hindi iyon ngiti ng saya, kundi ng mapait na pagtanggap. Pinatay niya ang kalan at marahang inilapag ang spatula. Muli niyang ipinikit ang mga mata, pilit kinokontrol ang unos ng emosyon sa dibdib niya.

“Hindi kita pipigilan,” mahina niyang sabi. Sobrang hina, halos hindi marinig sa lawak ng silid. “Alam naman nating pareho na wala talaga akong lugar sa puso mo.”

Nanatiling tahimik si Dashiel. Hindi niya itinanggi. Hindi rin niya itinama. Pero may bahagyang paggalaw sa mga mata niya habang dahan-dahang lumalapit si Addison. Sa isang iglap, inakala niyang iiyak ito, magmamakaawa, o magpapakita ng kahit kaunting sakit na magdudulot ng konsensya sa kanya.

Pero wala.

Tumayo si Addison nang tuwid. Bahagyang nakatikom ang mga kamay niya sa gilid ng simpleng damit. Malaya ang bagsak ng mahaba niyang itim na buhok sa likod, kabaligtaran ng tahimik na lakas ng tindig niya. Ang maiinit at light brown niyang mga mata ay nakatuon ngayon kay Dashiel, walang emosyon, walang mabasa mula roon ang lalaking matagal na niyang kasama sa iisang bubong, pero kailanman ay hindi niya tunay na nakilala.

Maganda si Addison, sa tahimik at hindi pilit na paraan. Pero hindi iyon kailanman nakaapekto kay Dashiel. Para sa kanya, si Addison ay isang istorbo, isang hindi kilalang tao na ipinilit sa buhay niya. At ngayon na may pagkakataon na siyang alisin ito, gagawin niya iyon nang walang pag-aalinlangan.

“Bigyan mo ako ng isang buwan,” kalmadong sabi ni Addison. “Just one month. Hayaan mo akong maging asawa mo… for real.”

Kumunot ang noo ni Dashiel. “What do you mean?”

“Aalis ako,” diretsong sagot ni Addison. “Gaya ng gusto mo. Pagkatapos mong pakasalan ang babaeng mahal mo.” Masakit ang bawat salitang lumabas sa bibig niya, parang unti-unting hinihiwa ang puso niya. “You can divorce me. I promise, I won’t cause trouble. Mawawala ako sa buhay mo nang tuluyan. Pero bago iyon, hayaan mo akong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng maging asawa. Hindi lang ‘yung parang bisita ako sa sarili kong bahay.”

Muling bumalot ang katahimikan sa paligid.

Isang may pangmamaliit na tawa ang kumawala sa labi ni Dashiel. Pinunasan pa niya ang gilid ng mata niya, parang aliw na aliw sa kahangalan ng hiling ni Addison. Ano ba ang iniisip ng babaeng ito?

Isang buwan? Nakakatawa.

Lumapit si Dashiel, binawasan ang distansya sa pagitan nila. Pinagmasdan niya ang mukha ni Addison, tila may hinahanap na nakatagong intensyon. Baka tama ang hinala ng ina niya noon, baka pera lang ang habol ni Addison. Ang apelyidong Gutierrez. Ang yaman. Ang kapangyarihan.

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Dashiel Kristian Gutierrez? CEO ng Gutierrez Enterprise, isa sa pinakabatang at pinakamakapangyarihang negosyante sa Mayumi City. Maraming tao ang nag-aagawan para lang mapalapit sa kanya, lalo na ang mga babaeng uhaw sa atensyon niya. Pero iisa lang ang babaeng minahal ni Dashiel.

At hindi iyon ang asawa niya.

Iba ang babaeng iyon, si Venus Mae Bonifacio. Isang rising supermodel na mabilis na sumisikat sa mundo ng fashion.

“Are you serious?” malamig na tanong ni Dashiel, puno ng pagdududa. “Hindi ito cheap soap opera, Addison.”

Bahagyang tumango si Addison. “Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo,” sabi niya, may halong mapait na tawa. “Sino ba naman ako para humingi ng gan’un?” Huminga siya nang malalim. “Gusto ko lang na itrato mo ako nang maayos, bilang asawa mo. Kumain tayo ng sabay. Mag-usap tayo kahit kaunti araw-araw. Show me a little affection… kahit peke lang.”

Napahigpit ang paglunok ni Addison. Kinuyom niya ang mga kamao para manatiling matatag. “Pagkatapos nun, aalis na ako nang tahimik. I’ll walk away. Malaya ka nang pakasalan kung sino man ang gusto mo.”

Napasimangot si Dashiel, hindi malaman kung tatawa pa ba siya o maiirita. Pero sa kabila ng pagdududa niya, may kung anong tumama sa sinabi ni Addison. Isang simpleng hiling, sobrang simple na nakakaintriga.

Ano ba talaga ang pakay niya?

“Bakit hindi ka humingi ng mas… reasonable na hiling?”

Nanahimik si Addison. Mahirap umiwas ng tingin sa mga matang sing-itim ng hatinggabi ni Dashiel ay nakatitig sa kanya, parang inuutos na huwag siyang bibitaw ng tingin hangga’t hindi niya sinasabi ang lahat.

“Kung pera ang gusto mo, sabihin mo lang,” malamig na sabi ni Dashiel. “I’ll give it to you.”

“Hindi,” mariing sagot niya, walang pag-aalinlangan. Desidido na siya. Wala nang atrasan.

“Hindi ka talaga marunong sumuko, ano?” sarkastikong sabi ni Dashiel.

“Sumuko na ako, Dashiel,” mahina niyang sagot. “Pero gusto ko lang magkaroon ng isang alaala. Isang bagay na pwede kong dalhin habang buhay bago ako tuluyang lumayo sa 'yo.”

Wala nang nagsalita pa sa kanila.

Sa pagkakataong ito, hindi na ganoon katalim ang tingin ni Dashiel. Tinitigan niya ang babaeng nasa harap niya, hindi mabasa ang emosyon. Nalilito ba ang ekspresyon ni Dashiel? Naiinis? O… curious?

“Hindi ko ipinapangako na magiging mabait ako,” sa wakas ay sabi ng lalaki.

“Hindi ko rin naman inasahan na magbabago ka,” mahinahong sagot ni Addison. Mas masakit pa ang pagiging kalmado niya kaysa anumang luha.

At doon nabuo ang isang tahimik na kasunduan.

Isang buwan. Tatlumpung araw para maranasan ni Addison ang maging asawa ni Dashiel Kristian Gutierrez. Isang realidad na dapat sana ay nagsimula pa noong araw ng kasal nila. Pero para kay Dashiel, palagi lang si Addison na isang istorbo.

Ngayon, bago tuluyang matapos ang lahat, may isang bagay na ipinagpasalamat si Addison, hindi tinanggihan ni Dashiel ang hiling niya.

“Isang buwan lang, Addison,” babala ni Dashiel. “After that, mawala ka na sa paningin ko.”

“Alam ko kung ano ang hinihingi ko,” mahinahong sagot niya. “Hindi mo na kailangang mag-alala.”

Natawa si Dashiel nang may pangmamaliit, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “At kapag may in-expect ka na higit sa kaya kong ibigay, hindi ako magdadalawang-isip na palayasin ka.”

Tahimik na tumango si Addison.

“Huwag na huwag mong sisirain ang pangako mo, Addison.” Muling tumalim ang tingin ni Dashiel, parang tumatagos. “Kapag ginawa mo iyon, huwag mo akong sisihin kung sisirain ko ang buhay mo.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband   Chapter 50

    “Minsan nakakalimutan ko kung gaano ka-comforting ang ganitong katahimikan,” mahinang sabi ni Carter.Tumango si Addison. “Pagkatapos ng maraming taon ng gulo at ingay, ito na ‘yung klaseng katahimikan na talagang ipinagpapasalamat ko.”Humarap si Carter sa kanya, steady ang tingin. “Sana hindi ka pinaramdam ng lahat ng gulong ‘yon na parang mas mababa ka.”Ibinaon ni Addison ang tingin sa tasa habang umiinom. “Kaya nga pinahahalagahan ko ang buhay ko ngayon. Lalo na kasama si Dustin… talagang grateful ako.”“Kasama ba ako sa gratitude na ‘yan?” tanong ni Carter, banayad ang boses, hindi inaalis ang tingin sa kanya.“Syempre naman, grateful din ako sa 'yo, Mr. Mer—”“You promised, remember?” putol ni Carter, kunwari’y nakasimangot. “Huwag mo akong tatawaging ganyan kapag wala tayo sa school. Lalo na kapag wala si Dustin.”Napatawa si Addison. “Adult ka na pero ang childish mo pa rin.”“Teka, sorry,” dagdag niya na may halong biro at ngiti. “Carter.”“Much better,” sagot ni Car

  • One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband   Chapter 49

    “Sobrang sarap nito, Mom!” masayang sigaw ni Dustin habang isinusubo ang malaking tinidor ng baked macaroni. Agad na lumiwanag ang maliit niyang mukha, sabay taas ng hinlalaki bilang papuri.“Agree ako diyan, little champ,” dagdag ni Carter na may kasamang tango, halatang naa-appreciate ang pagkain. “Honestly, napapaisip tuloy ako, nag-aral ka ba ng cooking dati? Kasi grabe, nakaka-adik ang luto mo. Parang araw-araw ko na siyang hahanapin, Miss Castillo.”Napangiti si Addison, pilit itinatago ang pamumula ng pisngi niya. Mabilis siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring abala sa pag-refill ng baso ni Dustin ng tubig.“Kumain na kayo,” mahinahon niyang sabi. “Lalo na ikaw, Dustin. Huwag kang magsalita habang ngumunguya, baka mabulunan ka.”“Yes, Mom,” masayang sagot ni Dustin, hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha.Kahit ilang beses niya itong paalalahanan, halatang sobrang excited si Dustin para manahimik. Kitang-kita ang saya sa mga mata nito. Natapos ang hapunan sa isang magaan a

  • One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband   Chapter 48

    “Mom, pwede bang pumunta si Uncle Carter sa bahay para mag-dinner?” tanong ni Dustin na may malalaking mata, punong-puno ng pag-asa, habang hinihila ang manggas ni Addison paglabas nila ng café.Napatingin si Addison sa kanya. “Well, hindi ko pa nga tinatanong kung gusto ni Uncle Carter sumama sa atin.”Nasa labas na sina Carter at Luna at naghihintay malapit sa kotse na naka-park hindi kalayuan sa entrance ng café.“I’d love to,” sabay sabi ni Carter, may kasamang magaan na ngiti.“Yes!!!” sigaw ni Dustin sa sobrang tuwa, agad itinaas ang mga kamay para sa high-five, na masiglang sinabayan ni Carter.Napabuntong-hininga na lang si Addison, parang tanggap na ang nangyayari.“So, anong ulam natin tonight, Champ?” tanong ni Carter habang hawak ang kamay ni Dustin.“Sabi ni Mommy, baked macaroni. Extra cheese for me!”Tumaas ang kilay ni Carter. “Miss Castillo’s baked macaroni? Ang hirap tumanggi diyan.”Naglakad sila sa sidewalk, habang ang ginintuang kulay ng dapithapon ay unti

  • One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband   Chapter 47

    “Hanggang kailan mo ba siya patuloy na tatanggihan?”Ang tanong ay galing kay Luna, na nakaupo sa tapat ni Addison habang dahan-dahang humihigop ng espresso. Matulis ang tingin niya, diretso kay Addison. Marahang napabuntong-hininga si Addison at ibinaba ang tinidor sa tabi ng halos hindi nagalaw na slice ng red velvet cake.“Hindi ko naman siya tinatanggihan, Luna. I just… kailangan ko lang ng mas mahabang time para mag-isip.”Nakatira sila sa isang plush na sofa na nakaharap sa play area, may hawak na mainit na tsaa, paminsan-minsan ay pasulyap-sulyap sa eksenang nagaganap ilang hakbang lang ang layo mula sa kanila.Medyo matao ang café pero hindi maingay. Pumasok ang ginintuang sikat ng araw sa malalaking bintana, nagbibigay ng warm glow sa hardwood floor. Ang buong lugar ay halatang dinisenyo para sa mga pamilya, may soft pastel colors, isang cozy na play corner na may makapal na carpet, at mga estante na puno ng educational toys, puzzles, at picture books.At doon, sa gitna n

  • One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband   Chapter 46

    “Good morning, everyone,” magiliw na bati ni Addison pagpasok niya sa teachers’ lounge.“Morning, Addison,” sabay-sabay na sagot ng ilan. May iilan ding ngumiti sa kanya bilang pagbati.“Nagdala ka na naman ba ng breakfast?” tanong ni Tonyo, ang laging hyper na P.E. teacher, habang biglang tumayo mula sa inuupuan. “Perfect timing, kakatapos lang mag-brew ng coffee ko.”“Hindi ka ba puwedeng dumaan man lang sa bakery bago pumasok?” bulong ni Mari, ang math teacher, halatang hindi impressed sa sobrang excitement ni Tonyo. “Anong masama sa pag-asa sa miracle?” natatawang sagot ni Tonyo.“May dala naman ako,” sagot ni Addison na may banayad na ngiti. “Nagustuhan kasi ni Dustin, so I made a little extra.”Inilabas niya ang isang paper bag na puno ng ginintuang raisin toast. Agad kumalat sa buong lounge ang mabango at buttery na amoy, dahilan para mapatingin ang ilan na halatang nagugutom.“Kuha lang kayo,” sabi niya nang may lambing habang inaalok ang lahat.“Wow, marunong ka talag

  • One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband   Chapter 45

    7 years later… “Dustin, huwag mong itulak sa gilid ang broccoli,” tawag ng isang babae habang abala pa rin sa pagluluto sa kalan. Hindi na siya lumingon dahil alam na niya, siguradong iniiwasan na naman ng anak niya ang gulay sa plato nito.“Ayaw ko kasi, Mom,” mahinang reklamo ng batang may dark brown na mga mata. Nakausli ang labi niya sa inis. “Pwede bang kainin ko na lang lahat, except broccoli?”Napabuntong-hininga si Addison, mahaba pero kalmado. Tinanggal niya ang apron, pinatay ang kalan, at naglakad papunta sa mesa kung saan nakaupo ang anak niyang nakasubsob sa kalahating kain na almusal.“Dustin Journey Castillo,” sabi niya sa seryosong tono, pero hindi naman galit.“Okay, Mom,” sagot ni Dustin habang dahan-dahang itinataas ang ulo.“Alam mo ba kung gaano kabuti sa 'yo ang broccoli?”Napangiwi si Dustin. Siyempre alam niya… pero ayaw pa rin niya.“Kahit konti lang. Huwag mong iiwanan ng marami sa plato. Hindi ba sabi ni Miss Santos, bad example ang pagiging masyadon

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status