Share

Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian.

Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.

AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo.

Napabuntunghininga siya. Alam niyang dahil doon ay na-disappoint na naman niya ang kanyang ama pero ano bang magagawa niya kung hindi niya kayang gawin ang hindi niya gusto. Hindi siya ang tipo ng tao na nagpapanggap na masaya sa isang tao o bagay kahit hindi naman.

Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Kaya pala …

Tumigil ka, singhal niya sa atribidang bahagi ng kanyang isipan.

"Happy ka ba?" Nagtatakang tanong ni Andrew.

"Of course," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw niyang sumama ang loob nito kapag nalaman nitong mayroong gumugulo sa kanyang utak.

Sa utak lang ba? Tanong na naman ng atribidang utak niya. Ngunit, isip lang ba niya ang nagtatanong? Bakit ang puso niya ay panay ang react kapag napapatingin siya kay Lorenzo

"Hindi halata," sarkastikong sabi naman ng impaktong si Lorenzo.

Sa inis tuloy niya rito, hindi niya tuloy napigilan ang sariling bigyan ito matalim na tingin. Kung maaari nga lang ay gusto niya itong bumulagta at bumagsak ng duguan. Ngunit, walang kakayahan ang mga mata niya para makapagbato ng palakol.

"Pwede ba umuwi ka na," inis niyang sabi.

"Nope," wika nito. "Magkasama tayong pumunta rito kaya magkasama rin tayong aalis."

"Feeling mo talaga kuya kita."

"Hah, kailanman hindi kita gugustuhing maging kapatid."

Naningkit lalo ang mga mata niya sa sinabi nito. "The feeling is mutual."

"Sana lang ay pareho ang dahilan natin," wika nito.

Kumunot tuloy ang noo niya sa sinabi ni Lorenzo. Gusto sana niyang itanong kung ano ang ibig nitong sabihin pero hindi siya nakasisiguro kung magugustuhan ba niya ang maaari nitong isagot.

"Hayaan mo na lang siya sa gusto niya," wika naman ni Andrew.

Ibig sana niyang kontrahin ang sinabi nito pero tumango na lang siya. Ayaw naman niya bigyan ng stress ang kanyang mahal. Kahit sinabi ni Andrew na okay na ang pakiramdam nito, ayaw pa rin niyang maniwala. Kung talaga kasing okay na ito ay dapat bigyan ito ng go signal ng doctor na lumabas.

"Ewan ko nga ba kung bakit nagpi-feeling kuya yan ngayon," inis niyang sabi.

"Kuya nga ba?" Bulong nito pero nakarating pa rin iyon sa kanyang pandinig.

Kahit alam na alam niya ang ibig sabihin ni Andrew, hindi niya makuhang mairita sa sinabi nito. Ewan lang niya kung dahil mas gusto niyang matawa sa sinabi ni Andrew o baka naman may kaba siyang naramdaman kung sakali lang totoo ang hinala nito. Tiyak kasi niyang kailanman ay hindi siya itatrato ni Lorenzo bilang kapatid ngunit sa mga titig nito sa kanya ay sigurado niyang mayroon iyong ibig sabihin.

"Nagdadalawang isip ka na bang magpakasal sa akin?" Tanong sa kanya ni Andrew.

"Hindi, ah," mabilis niyang sabi. Hindi niya kasi gustong nàkakàaninag ng lungkot sa boses ni Andrew. "Naisip ko lang na napakabata pa natin para magpakasal."

"Eight years old pa nga lang tayo, gusto na natin magpunta sa simbahan at sabihin sa pari na gusto na natin magpakasal."

Hindi niya napigilan ang mapahagikgik sa sinabi ni Andrew. Totoo naman kasi iyon. Ngunit, pagkaraan ay natigilan siya. Matagal din niyang tinitigan si Andrew. Gusto niya siyempreng tiyakin kung handa ba itong tanggapin ang kanyang sasabihin.

"Kasi ano, eh," wika niyang hindi agad makahagilap ng tamang salitang dapat ibulalas. "Gusto ko munang mag-concentrate sa pangarap ko."

"Magagawa mo naman makapagsulat kahit kasal na tayo. Hindi naman kita pagbabawalan. Susuportahan pa kita." Pagkaraan ng ilang saglit, malalim na buntunghininga kanyang pinawalan. "Pero, siyempre, hindi naman kita pipilitin."

"Basta fiance na kita at fiancee mo na ako. Hindi na tayo pwedeng maghanap ng iba," buong diin niyang sabi. Ewan nga lang niya kung bakit sa palagay niya'y higit niyang sinasabi iyon sa sarili.

"Maghihiwalay din kayo," buwisit naman na sabi ni Lorenzo.

ALAM naman ni Lorenzo na wala siyang karapatan na magselos pero hindi niya maiwasan. Mahal naman kasi niya si Joan mga bata pa lang sila. Kaya, nga lagi siyang nakabuntot dito at enjoy na enjoy siyang asarin ang maganda niyang stepsister. Ngunit, kahit anong gawin niya, masama ang tingin nito sa kanya.

Kahit mahal niya ang kanyang ina, pinili niyang sumama sa kanyang ama. Si Joan ang dahilan. Alam niyang nagseselos ito sa kanya at ayaw niyang lumala ang galit nito sa kanya kaya minabuti niyang bahagyang lumayo. Bahagya lang dahil hindi rin naman niya kayang di ito nakikita sa isang araw.

Para rin siyang pinapatay sa matinding selos kapag nakikita niya si Joan na kasama si Andrew. Alam kasi niyang darating ang araw na magkakatuluyan ang mga ito. At hindi niya iyon mapapayagan.

Hindi naman niya sinabing hindi niya hahayaan na nagkatuluyan sina Andrew at Joan dahil lamang sa kanyang sarili kundi dahil sa palagay niya'y hindi naman lubos ang pagmamahal ng dalawa sa isa't isa. At naramdaman niya iyon ng debut ni Joan.

Kung talaga kasing mahal ni Joan si Andrew, makikita niya talaga ang lungkot sa mga mata nito nu'ng hindi dumating si Andrew pero para itong nagka-amnesia nu'ng magkasayaw sila. Para ngang kampanteng-kampante si Joan noon sa kanyang dibdib.

At ganoon din ang nararamdaman niya kay Joan ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy lumipad ang tingin niya kay Joan nang maisip niyang pareho lang sila ng nararamdaman.

PAKIRAMDAM ni Joan ay may mga matang nakatingin sa kanya kaya agad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Hindi kasi siya kampante roon.

"What?" wika niya saka lalong nagsumiksik sa kanyang malaking teddy bear.

"Talagang tinabihan mo pa dyan sa hospital bed si Andrew." Naniningkit anh mga matang sabi naman ni Lorenzo.

"Pakialam mo ba?" Inis niyang tanong kay Lorenzo. Sa klase kasi ng pananalita ni Lorenzo

"Kakahiya."

"Hindi ka kasi sweet."

"Dapat nasa lugar ang sweetness."

Natawa siya sa kaseryosohan na naaaninag sa boses ni Lorenzo. Para kasing iritadung-iritado ito.

"Naiinggit ka ba?" Nanunudyong sabi niya.

"Yes."

Malapad na malapad ang ngiti niya ng sabihin ang mga salitang iyon pero biglang napawi sa sinabi nito. Ewan niya kung bakit parang may ibig itong sabihin lalo pa't diretso itong nakatingin sa kanyang mga mata.

"Gusto mong ikaw tumabi kay Andrew."

"Ikaw ang gusto kong tabihan," wika ni Lorenzo.

Hindi niya nakuhang mag-react sa sinabi nito sa ilang kadahilanan. Una, may kakaiba siyang init na naramdaman sa sinabi nito. Ibig sana niyang magalit pero hindi niya nagawa. Pangalawa, si Andrew ay umuungol na para bang hirap na hirap.

Gigisingin sana niya ito pero bigla itong bumalikwas nang bangon. "Umalis ka hindi kita kailangan."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status