MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa
“HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k
"HINDI mo ba tatanungin kung sino ang mahal ko?"Kahit nangangati na ang dila ni Joan na ibulalas ang katagang sino, hindi pa rin niya nagawa. Bigla kasi siyang kinabahan. Ibang klase naman kasi ang pagtitig sa kanya ni Lorenzo. Parang gusto nitong alamin ang laman ng kanyang puso. "Hindi ako interesado." Agad niyang iniwas kay Lorenzo ang kanyang tingin. Hindi niya kasi gustong makita nito ang kanyang mga mata dahil malalaman nitong nagsisinungaling siya. Para tuloy gusto niyang manggigil sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya dapat na magselos pero iyon ang nangyayari. Basta naramdaman na lang niyang parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Dahil sa pag-iwas niya nang tingin kay Lorenzo ay noon lang niya nagawang pagmasdan ang paligid. Puro bato, hindi niya namalayan na nakaupo rin siya sa bato. Para kasi siyang naeengkanto kanina dahil naging sunud-sunuran lamang siya kay Lorenzo. At dahil doon, nakaramdam siya ng panggigigil. "Eh, bakit parang maiiyak ka?" nag-aalalang t
ANG sakit ng kepyas ko! Nakangiwing sabi ni Joan Mendoza nang dumilat siya pero muli siyang pumikit nang maalala niya ang petsa ngayon. May 8. Ito sana ang 6th year anniversary nila ni Andrew bilang magkasintahan at magiging araw ng kanilang kasal, kundi lamang ito nawala. Kahit pa sa dagat nawala si Andrew ay ayaw pa rin niyang maniwala sa sinasabi ng marami na ang kanyang mahal ay patay na. Hindi niya kayang isipin na maaari ngang niluray-luray ito ng pating kaya't wala siyang natagpuang bangkay nito. Hindi, hindi pa rin siya naniniwala na maaari ngang patay na si Andrew. Nararamdaman niyang isang araw ay babalik din ito. Bago pa man kasi sila nag-aminan ng feelings nila ay naging malapit na magkaibigan muna sila. Best of friends sila kaya't tiyak niyang hindi siya nito matitiis. Kung talagang wala na ito ay magpapakita si Andrew sa kanyang panaginip para sabihing kailangan na talaga siya nitong iwanan ngunit kailanman hindi siya nito dinalaw sa panaginip kaya tiyak niyang buhay
"I do," kinikilig na sabi ng walong taong gulang na si Joan. Sa isip niya kasi ay magiging Sebastian na ang kanyang apelyido. Agad na nanghaba ang nguso niya ng itaas ni Andrew ang puting tela na tumatabing sa kanyang mukha. Matanda lamang ng dalawang buwan sa kanya si Andrew kaya naman sila ang palaging magkasama, magkaklase rin sila at magkapitbahay. Magkaibigan ang kanilang mga ama kaya ang pangarap ng mga ito ay makasal sila pagdating ng araw. Kahit tuloy bata pa lamang siya, parang nai-imagine niyang magsasama nga sila habambuhay ni Andrew. Wala naman kasi siyang ibang gustong makasama kundi si Andrew lang. "You may now kiss the bride," wika ni Andrew na iniba pa ang boses. Talagang gusto rin nitong magpanggap na may pari ngang magkakasal sa kanila. "Itigil ninyo 'yan!"Nanggagalaiti man ang boses ng bagong dating, mas nakaramdam ng panggigigil si Joan. Pakiramdam niya kasi'y humiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa pagsigaw nito. Mas na-bad trip tuloy siya n
"ANONG mapapala mo sa pagsusulat?" mabalasik na tanong ng kanyang ama. Bahagyang napaigtad si Joan sa pagsigaw na iyon ng kanyang Daddy pero agad niyang sinaway ang sarili. Hindi kasi siya dapat magpakita ng takot dito. Tiyak niya kasing masisira ang tiwala niya sa sarili kapag pinakinggan niya ang pagkontra ng ama. Saka, hindi ito ng tamang panahon para magtalo sila. Nasa harap kasi sila ng pagkain. Kahit na bakasyon pa siya ay kinakailangan niyang gumising nang maaga para siya makasalo sa almusal ang ama, madrasta at ang kanyang stepbrother. "Mas maigi pang magtake ka ng Nursing, Engineering, Education o Business Management," wika ng ama niyang gigil na gigil pa rin. "Mass communication ang kukunin kong kurso. Malaki ang maitutulong nu'n sa aking pagsusulat," buong diin niyang sabi. Gusto niyang iparamdam sa kanyang ama na hindi na mababali ang desisyon niya. Inasahan niya na mas ikagagalit ng ama niya ang sinabi pero wala ng salitang lumabas sa bibig nito. Sa halip, binigyan l
"WILL you be my escort?" Kabadung-kabadong tanong ni Joan kay Andrew. Kahit naman kasi may mutual understanding sila ng kanyang best friend mula pagkabata, gusto pa rin niyang makasigurado na ito ang magiging partner niya sa napakahalagang okasyon sa kanyang buhay – ang debut niya. "Of course," mabilis at madiin na sabi ni Andrew na parang napapantastikuhan sa kanyang tanong. "Ako ang boyfriend mo kaya dapat lang na ako ang maging escort mo.""B-boyfriend kita?" Gilalas niyang tanong. Kumunot ang noo ni Andrew sa pagkakatitig sa kanya. "Bakit parang hindi mo alam?""Nanligaw ka ba?" Mangha pa rin niyang tanong. Sa isip niya kasi, ang manliligaw ay may dala palaging roses at chocolate sa kanyang nililigawan pero hindi iyon ang laging dala ni Andrew sa kanya kundi milk tea at pizza. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Favorite niya kasi ang mga iyon. "Eight years old pa lang tayo, mag-sweetheart na tayo. Hindi nga ba gusto na natin magpakasal noon?"Sa pagbabalik a
MALALIM na buntunghininga na naman ang pinawalan ni Joan habang pabalik-balik siya ng lakad. Paroo't parito siya dahil hindi niya malaman ang dapat niyang gawin. Magtatampo ba siya o mag-aalala? Sabi ng utak niya, dapat siyang magtampo kay Andrew dahil hindi siya nito sinipot sa mahalagang okasyon sa kanyang buhay gayung matagal na nilang napag usapan na ito lang ang escort niya, walang iba. Iyon nga lang, masyadong mahalaga sa kanya si Andrew para pangibabawin niya ang tampo rito. Saka, kilala niya ito. Hindi ito mag-a-absent sa kanyang debut kung walang mabigat na dahilan. Bigla tuloy siyang kinabahan, hindi kaya may nangyaring masama kay Andrew? Tiyak kasi niyang iyon lang ang magiging dahilan para maawat si Andrew sa pagpunta sa kanya. Sa kaisipang iyon, biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinabahan kasi aiya talaga ng husto. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mama Meldy. "Ouch," hindi niya napigilang ibulalas nang bumalandra siya sa kung saan. Ang mga salita kasi n