Share

Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent.

"Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy.

Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?"

"Vincent?" Gulat na tanong nito.

"Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki.

"Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta.

"May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito.

"Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong.

"Magga-grab po ako."

"Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito.

"Opo."

"Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag.

Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status