Share

Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin.

Very good.

Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito.

Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan.

Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit.

"Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status