Share

Chapter 4 Ang Dahilan ng Di Pagsulpot ni Andrew sa Debut ni Joan

MALALIM na buntunghininga na naman ang pinawalan ni Joan habang pabalik-balik siya ng lakad. Paroo't parito siya dahil hindi niya malaman ang dapat niyang gawin. Magtatampo ba siya o mag-aalala? 

Sabi ng utak niya, dapat siyang magtampo kay Andrew dahil hindi siya nito sinipot sa mahalagang okasyon sa kanyang buhay gayung matagal na nilang napag usapan na ito lang ang escort niya, walang iba. Iyon nga lang, masyadong mahalaga sa kanya si Andrew para pangibabawin niya ang tampo rito. Saka, kilala niya ito. Hindi ito mag-a-absent sa kanyang debut kung walang mabigat na dahilan. 

Bigla tuloy siyang kinabahan, hindi kaya may nangyaring masama kay Andrew? Tiyak kasi niyang iyon lang ang magiging dahilan para maawat si Andrew sa pagpunta sa kanya. Sa kaisipang iyon, biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinabahan kasi aiya talaga ng husto. 

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mama Meldy. 

"Ouch," hindi niya napigilang ibulalas nang bumalandra siya sa kung saan. Ang mga salita kasi ng kanyang madrasta ay parang isang magic na nagpatigil sa kanya na huwag masyadong mataranta. Iyon kasi ang naisip niya nu'ng maisip niyang maaaring may masamang nangyari kay Andrew. 

Andrew?

Ang kaisipan niya ay tuluyan nang bumalikwas nang bangon. Napagtanto niya kasi na hindi si Andrew ang kanyang kaharap kundi si Lorenzo at lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niyang nasa ilalim niya ito. 

Dahil sa sobra siyang nag-aalala kay Andrew, gusto niyang agad itong mapuntahan. Ibig niyang malaman kung safe ba ito. Ayaw na niyang pairalin ang kanyang pride. Naisip niya kasing sobrang halaga niya kay Andrew para maisip niyang sasadyain siya nitong saktan. 

"Pwede bang umalis ka na…sa ibabaw ko," buong diing sabi ng boses. 

Kahit na may urgency siyang naaaninag sa mga salita nito, hindi pa rin niya magawang sundin agad ang sinasabi nito. Para kasing may kung anong sinasabi ang mga mata nito at may curiosity siyang naramdaman. Bakit parang may bolang apoy ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya?

"Joanne.." buong diin nitong sabi. 

Kahit na may iritasyon siyang naaaninag sa Pagbanggit sa buo niyang pangalan, parang ibig niyang matawa. Kasing tunog lang naman kasi ito ng kanyang palayaw kaya ewan niya kung bakit binigyan pa siya ng palayaw. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ang sarap-sarap sa kanyang pandinig kapag binibigkas ni Lorenzo ang kanyang pangalan at kailanman ay hindi niya iyon naramdaman kay Andrew. 

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa riyan," wika ng kanyang Mama Meldy na talaga namang nagpataranta sa kanya kaya bigla siyang umalis sa ibabaw ni Lorenzo. Iyon nga lang, para magawa niya iyon ay kailangan niyang maghagilap ng matutungkuran para siya ay makatayo. May matigas at mahaba naman siyang nakapitan pero sunod-sunod na mura naman ang pinawalan ni Lorenzo. 

Ibig sana niyang magalit pero hindi niya iyon nagawa nang mapagtanto niya kung saan aiya napahawak – sa ibabang bahagi ng katawan nito. 

Hindi niya tuloy napigilan ang mapatili. Sobra kasi siyang napahiya sa kanilang sitwasyon.  Kaya kahit hindi siya nakaharap sa salamin, sigurado siyang ang pula-pula ng kanyang mukha. 

"Shut up!" Si Lorenzo. 

"Ang bastos mo!" Wika niya. Talaga kasing ibig niyang makabawi sa naramdamang pagkapahiya at alam niyang magagawa niya iyon kapag nagtaray siya. Defense mechanism ang alam niyang tawag doon at matagal na niya iyong ginagawa kay Lorenzo. Kailangan niya itong tarayan at sungitan palagi dahil gusto niyang itago ang kanyang tunay na nararamdaman. 

Wala akong feelings kay Lorenzo, inis niyang sabi sa sarili pero tiyak niyang sarili rin niya ang kanyang kinakalaban. Mahirap naman kasing pigilan ang nararamdaman niyang atraksyon kay Lorenzo na tiyak niyang naramdaman niya nang unang beses niya itong makita. 

Paano ba naman niya itutuloy pa ang kanyang damdamin kung nalaman niyang anak ito ng napangasawa ng kanyang ama. Sabi nga ng Papa niya at ng kanyang Mama Meldy, magkapatid na sila. Hindi man sa dugo pero nasa iisang pamilya na sila. At hindi niya dapat maramdaman pa ang paghanga niya rito. 

Hah, madali naman gawin iyon dahil mas guwapo naman si Andrew rito saka sabi ng kanyang Papa, si Andrew ang gusto nitong mapangasawa niya pagdating ng araw. Saka, sa paglipas ng panahon, nakikita niya kung gaano kalapit si Lorenzo sa kanyang ama. At hindi niya maiwasang sabihin sa kanyang sarili na dapat kamuhian na niya si Lorenzo. 

Mang-aagaw! Iyon ang tinatak niya sa kanyang utak para paulit-ulit niyang masabi sa kanyang sarili na wala itong kuwenta. 

"Paano ko naging bastos, ikaw nga ang bumangga at humawak sa akin," wika ni Lorenzo na parang hindi naman naapektuhan sa 'nangyari'.

Sa palagay niya'y lalong nag-init ang kanyang pakiramdam. "Hindi ko iyon sinadya," mariin niyang wika. Naningkit lang ang kanyang mga mata nang maisip niya ang sinabi ni Lorenzo. Sa palagay niya tuloy ay sanay na sanay itong hinahawakan ng kung sinu-sinong babae kaya walang dating dito ang kanyang paghawak. 

"Sa palagay mo gusto ko rin na sumaludo sa'yo ang sundalo ko? No. Natural lang iyon na reaksyon ng isang lalaki. Teka, bakit hindi mo alam? Eh, may boyfriend ka!"

"Hindi manyak si Andrew, noh." Nanlalaki ang mga matang sabi niya. 

"Baka talaga lang hindi ka mahal."

"Mahal ako ni Andrew!" Sigaw niya. "Kaya nga iginagalang niya ako."

"Ayusin na nga ninyo mga sarili ninyo," wika ng Mama Meldy niya na nasa harapan na pala nila. Oh, parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Nangangamba siya na baka nahalata nito ang kabang nararamdaman niya talaga. Nakakahiya!

"Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong ng kanyang Mama Meldy. 

"Pupuntahan ko po si Andrew."

"Hindi ka pwedeng magpunta sa ospital na ganyan ang hitsura mo," anitong napapantastikuhan. 

"Ospital?" Gilalas niyang sabi. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. "Anong ginagawa ni Andrew sa ospital."

"Naaksidente siya habang papunta sa debut mo."

"Andrew!" Gilalas niyang sigaw sabay hagulgol. Kahit tuloy nskapambahay siya'y parang gusto niyang sumugod sa ospital para mapuntahan si Andrew pero hindi nangyari ang kanyang gusto dahil kinawit ni Lorenzo ang kanyang beywang at parang walang anuman na binitbit siya ni Lorenzo saka nito sinabing maligo muna siya,  magbihis at dadalhin siya nito kay Andrew. 

ANG gusto sana ni Andrew ay matulog pa pero hindi na niya magawa dahil may humahagulgol sa kanyang tabi. Kahit hindi pa niya iminumulat ang kanyang mga mata, tiyak na niya kung sino ang humahagulgol – si Joan. 

"Nabibingi na ko sa kakaiyak mo," wika niyang hindi pa rin iminumulat ang mga mata. Mas magi-guilty kasi siya kapag nakita si Joan. Ang agad kasing papasok sa kanyang isipan ay 'yung nabigo niya ito. 

"Kamusta na pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. 

Para tuloy lalong piniga ang kanyang puso. Para kasing ang sigla ng boses ni Joan. Well, alam niyang nagkukunwari lang ito. Masyado niya itong kilala kaya alam niyang tumatakbo sa utak nito. 

"Masakit ang tainga ko," wika niya saka minulat ang mga mata. 

Pinalo nito ang braso niya. "Aasarin mo pa ako, eh, sobrang pag-aalala ko sa'yo. I'm sorry ngayon ko lang nalaman."

"Ako ang dapat mag-sorry sa'yo. Hindi ako nakarating sa party mo." 

"Ang importante sa akin, ligtas ka," wika ni Joan. 

"Masamang damo eh," wika ng isa pang boses. 

"Lorenz," wika niya sa matabang na boses. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya pero hindi niya makuhang makampante sa presensiya nito. Pagkaraan ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Joan. 

Kahit hindi siya magsalita ay alam niyang malinaw niyang maipaparating dito ang kanyang katanungan. Anong ginagawa ni Lorenzo sa hospital room ko? Magkasama ba kayong dumating?

Nakita niya ang bahagyang paglunok ni Joan pero bumuka lang ang bibig nito pero walang lumabas ni isang kataga. Hanggang sa ibang boses ang narinig niyang nagpapaliwanag. 

"Sinamahan ko lang ai Joan dito dahil parang luka-luka kung makaiyak."

Bahagyang tawa ang pinakawalan ni Andrew. "Salamat kung ganoon."

"Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ni Joan. 

Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ni Joan kaya hindi niya napigilang haplusin ang pisngi nito. 

"May iniwasan akong sasakyan na nag-overtake sa lane ko kaya bumangga ako sa isang malaking puno. Pagkatapos noon, nag- blackout na ang tingin ko sa paligid." wika niyang nakakunot noo. Para kasing may liwanag siyang nakita matapos siyang mabangga. 

"Salbahe naman yung muntik makabanga sa'yo." Pagkaraan buntunghininga ito. "Mabuti na lang, at hindi malala ang nangyari sa'yo." 

"At iyon ang nakapagtataka," wika niya. Alam niya kasing nang bumalandra ang mukha niya sa manibela ay sobra ang lakas ng impact. Mabuti na lang at gumana ang airbag ng kanyang sasakyan. 

Dapat sana ay makampante na siya sa pagbabalik alaala niya pero hindi niya magawa. Pakiwari niya kasi ay mayroon siyang dapat ns maalala pero hindi niya maalala. 

"Ano?" 

"Magpasalamat ka na lang at buhay ka," wari'y iritadong bigkas ni Lorenzo. 

"Yah…" wika na lang niya. Talagang may gusto niyang balikan sa isip pero hindi naman niya malaman kung paano niya magagawa iyon. Basta pakiramdam niya'y hindi kumpleto ang nasa utak niya. 

"BAKIT hindi mo ipinaalam sa akin agad ang nangyari?"

Damn it, shit! Nanggigigil na sabi ni Lorenzo. Sa totoo lang, gusto niyang isigaw ang mga salitang iyon dahil parang gusto niyang magsuka habang pinagmamasdan niya sina Andrew at Joan. 

Hinaplos ni Joan ang pisngi ni Andrew na para bang sinasamba ito. Para tuloy gusto niyang hablutin si Joan at ilayo kay Andrew. Ngunit, anong karapatan niyang gawin iyon? 

"Ayokong sirain ang debut mo."

"Sa palagay mo naging masaya ako?" Naghahamong tanong dito ni Joan. 

Bigla siyang napatingin sa kanyang stepsister. Kahit naman alam niyang mas magiging masaya si Joan kung si Andrew ang naging escort nito, para pa ring nilamutak ang kanyang puso. Siguro dahil inisip niyang naging kuntento si Joan sa kanyang bisig. Napabuntunghininga na lang siya at tinanong ang sarili, paano mangyayari iyon kung wala itong ibang mahal kundi si Andrew?

"Mas gugustuhin ko pang mag-debut sa emergency room na kasama ka."

Marahang tawa ang pinawalan ni Andrew kaya lalo siyang na-badtrip dito. Para kasing binubuwisit nito at sinasabing, mahal na mahal ako ng stepsister mo. 

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong niya pagkaraan. 

Mabilis ang pagsagot ni Joan. "Dito lang ako kay Andrew."

"What?"

"Hindi ako uuwi," mariing sabi ni Joan. 

"Kayong dalawa lang dito?"

"Ospital ito, hindi motel," bad trip na sabi sa kanya ni Joan. 

Tawa naman ang isinagot ni Andrew. "Bugbog sarado pa ang katawan ko dahil sa aksidente kaya hindi mangyayari ang kaberdehan na naiisip mo. Saka, huwag mo ako itulad sa'yo. Ginagalang ko ang mga babae, lalo na si Joan. Mahal ko siya at pakakasalan."

"Mabuti naman…" wika niya pero bigla siyang napahinto sa salitang binitiwan ni Andrew na talaga naman nagpakaba sa kanya ng husto. "Anong pakakasalan?"

Gusto sana niyang hamunin ang mga mata ni Andrew sa sinabi nito pero hindi na niya nagawa iyon dahil kay Joan ito nakatingin. Halatang nabigla rin si Joan sa narinig pero ang mga mata nito ay parang bituin na kumukuti-kutitap."A-anong ibig mong sabihin?" Nabiglang tanong nito pero nasa boses naman ang excitement. 

"Will you marry me?" Malambing na tanong dito ni Andrew pero sa pandinig niya, parang may granadang sumabog. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status