“Alam kong buhay ng tao ’to! Mahalaga rin ang oras kaya, kailangan maagapan!” Ang sigaw ni Chesca ay may kasamang kaba at pag-aalala. “Golden three minutes of rescue ‘to. Kapag nadelay pa tayo ng isang segundo, pwedeng mamatay si Mr. Sandoval dito!”Agad siyang lumapit at sinabi, “Kahit pumunta ka pa sa doctor ngayon, gaano kabilis sa tingin mo makakarating ’yon? Bigyan mo ako ng dalawang minuto! Promise, magiging maayos siya!”Dumaan ang ilang segundo. Pawis na pawis na si Chesca habang pilit na kumakalmang nagsalita, “Bilis na! Wala na akong oras para maghintay sa pagdadalawang-isip mo!”Sa huli, pinili ni Cedric na maniwala sa kanya. Hindi niya rin alam kung bakit. "Okay." Mahinang tugon niya habang ibinaba ang kamay.Natuwa si Chesca at agad na iniabot ang kamay sa kanya. “Kutsilyo! Nando’n sa mesa!”“Okay.” Agad kumilos si Cedric bilang assistant niya, kinuha ang kutsilyong pangprutas mula sa mesa at inabot sa kanya.“Cedric, nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Biglang sumingit si Cedr
"Pamilya ni Cedric?" Napangiti si Jovencio. Aliw na aliw siya sa sagot ng dalaga kaya't tiningnan niya si Cedric. “Ah gano’n ba? Anong ginagawa mo kasama si Cedric ngayon?”Kilala niya si Cedric bilang apo ng matalik niyang kaibigan, si Robert. Maayos ang lahat sa batang ito, may talento, matalino, ngunit kulang sa pakikisama. Kaya naman bihira ang pagkakataong matuksong kulitin ito.Diretsahang sagot ni Chesca, “Pinapunta po ako ni Grandpa para samahan si Cedric at batiin kayo sa inyong kaarawan, Mr. Sandoval.”“Salamat sa abala, iha,” ani Jovencio, tila may inaabangang kasunod. Ngumiti ito. “Dahil narito ka para batiin ako sa kaarawan ko, may inihanda ka bang regalo para sa akin?”Napailing si Cedric nang marinig iyon. Patay... Sa isip niya, Anong regalo naman kaya ang naihanda nitong si Chesca?Alam niyang hindi gano’n kainit ang pagtanggap ni Jovencio sa kanila, at baka lalo pang lumala kung may maipakitang kahihiyan si Chesca.Ngunit laking gulat niya nang tumango si Chesca. “Me
"Bitawan mo siya."Isa-isang binigkas ang mga salita ni Cedric. Maamo ang tono, pero may bigat na nagdulot ng kaba sa dibdib ni Ryuu."Opo, Sir," sagot niya agad habang maingat na ibinaba si Chesca.Sa kabila ng pagkakabitaw, hindi pa rin nagising si Chesca. Napakunot-noo si Cedric. Siya pa naman ang pinapunta rito ng lolo niya. Kapag nagreklamo pa ito sa matanda, tiyak siya ang mapapagalitan."Ang gulo," bulong niya sa sarili.Napabuntong-hininga si Cedric at dumampot kay Chesca. Inakay niya ito papasok at maingat na inilapag sa kama. Sa pagkilos niya, bahagyang umangat ang palda ng dalaga, at lumitaw ang dalawang pasa sa tuhod nito.Napahinto si Cedric. Ano ‘to? Naalala niyang napasigaw si Chesca kagabi. Ganito ba niya nakuha ‘yon?Nakadikit ang mukha ni Chesca sa kanyang dibdib, tila ayaw pang bumitaw. Mahigpit ang yakap nito sa leeg niya habang mahina itong nagbulong.Napakunot-noo si Cedric. Pangalan ba ‘yon? Mukhang pangalan ng babae. Sino naman ‘yon.Bahagya siyang natigilan hab
Pagpasok sa silid ng ospital, umupo si Chesca sa gilid ng kama. Ngumiti si Robert at tinanong siya, "Chesca, kumusta ang paghahanda mo? Naipack mo na ba ang gamit mo?"Napakunot ang noo ni Chesca. Anong paghahanda? Anong gamit ang kailangang i-pack?Hindi siya agad nakasagot.Agad na napansin ni Robert ang pag-aalinlangan niya. "Ay, hindi ba sinabi sa'yo ni Cedric? Talagang batang 'yon! Alam ko na, hindi ka na naman niya sineryoso!"Napag-alaman ni Chesca na may matandang kaibigan si Robert na may kaarawan. Dahil hindi na kayang bumiyahe ng matanda, pinakiusapan niya si Cedric na samahan si Chesca para bumati.May sariling layunin din si Robert, nakikita niyang may problema sa pagitan nina Cedric at Chesca, kaya gusto niyang mapalapit ang dalawa."Chesca, pakinggan mo si Grandpa," wika ni Robert habang seryosong nakatingin sa kanya. "Alam mo naman ang ugali ni Cedric, ayaw niyang inuutosan siya. Pero kasal na kayo. Dapat niyong pagtrabahuhan ang relasyon ninyo. Dapat n'yong subukang ma
Nawalan ng part-time job si Chesca, kaya't napilitan siyang maghigpit ng sinturon sa pang-araw-araw na gastusin. Kailangan niyang makahanap agad ng bagong trabaho. Pero tulad ng inaasahan, naging mahirap iyon, abala siya sa kanyang internship, kulang sa oras, at hindi rin siya sanay maghanap ng part-time na trabaho.Isang linggo na siyang naghahanap ng trabaho. Kapag nagugutom, tinatabunan na lang niya ng dalawang kagat ng tinapay ang sikmura. Halos hindi na siya kumakain, kaya't labis na siyang pumayat.Galing siya sa night shift ngayon at balak pa sanang maghanap muli ng trabaho nang tawagin siya ng isa pang intern."Chesca," tawag ni Jenna, kasamahan niya sa ospital. Tinapik siya nito sa balikat. "Pinapatawag ka ni Mr. Fabian sa opisina niya."Napakunot-noo si Chesca. “Alam mo ba kung bakit?”Umiling si Jenna. “Hindi rin. Pupunta pa ako sa blood collection. Ikaw na bahala.”Tumango siya. “Okay, salamat.”May kutob na si Chesca, pamilyar ang tagpong ito. Agad siyang tumuloy sa opisin
"Ryuu, umalis ka diyan."Hinawi ni Cedric si Ryuu sa gilid. Wala na ang galit na nasa mukha niya kanina, bumalik sa dati niyang eleganteng anyo. Tahimik pero malamig ang boses niya nang magsalita, “What do you want?”“Ikaw ang nagpaalis sa akin sa trabaho ko?”“Oo.” Walang pakialam na sagot ni Cedric habang tiningnan siya ng mabilis. “I already answered. Ryuu, let’s go.”“Yes, Sir Cedric...”“Sandali lang!” Agad na humarang si Chesca sa harap niya matapos tumakbo ng ilang hakbang. “Kasalanan ko.” Kinagat niya ang ibabang labi niya, pilit na ibinababa ang pride. Wala na siyang ibang maipagmamalaki, handa siyang magpakumbaba.Alam niyang mali siya. Ginamit niya ang kasal para gantihan ang pamilya niya, pero nakalimutan niyang si Cedric ay hindi basta-bastang tao na puwedeng laruanin. Siya ang may pagkukulang, hindi si Cedric.“Please… huwag mo akong paalisin. Kailangan ko talaga ang trabahong ito.” Malapit na siyang grumadweyt sa medisina. Intern pa lang siya ngayon sa ospital at walang