Kabanata 6
"Papa! What brought you here? Did you miss me that much?" bungad na bati ni Jackson habang pumapasok sa kaniyang opisina."Bakit naman kita mamimiss? Tahimik ang buhay ko kapag nasa malayo ka," pabiro ngunit makatotohanang sambit ni Don Vandolf. Inalalayan siyang tumayo ni Set buhat sa kaniyang wheelchair. Inakay siya nito tungo sa couch at maingat na pinaupo roon.Lumapit si Jackson sa kaniyang papa at nagmano. Niyakap niya rin ito."I missed you, papa. Thank you for your visit. Please, take care of your health. I'm sorry. Hindi pa ako makakauwi sa Monte Carlos. I'm quite busy here." Jackson whispered.Ngumiti si Don Vandolf at tinapik ang likod ng kaniyang panganay na anak. "Sige na. Enough of this drama. Sit down."Tinawagan ni Jackson ang kaniyang secretary at inutusan itong magtimpla ng paboritong tsaa ng kaniyang papa."If you don't miss me, what's the reason for your sudden visit, papa?" Tumingala si Jackson sa kaniyang secretary nang magpatong ito ng tsaa sa mesa. "Thank you. You may leave." Tumango sa kaniya ang kaniyang secretary at mabilis na lumabas ng president's office.Humigop ng tsaa si Don Vandolf. Iniikot niya ang kaniyang mga mata sa opisina ng kaniyang anak. "Who's your interior designer?" he asked."Yvette Marcus," matipid na sagot ni Jackson."Totoo pala ang balita na nag-aral ulit siya at umalis na sa puder ni Rhea. Well, she's great in her chosen career," manghang sabi ni Don Vandolf. Ibinaba niya ang hawak na tasa sa mesa at umupo ng de quatro. Bumuwelo muna siya bago muling nagsalita. "Why don't you invite her for dinner later? I would love to see her and to talk to her.""Papa, that's impossible." Humigop ng tsaa si Jackson.Kumunot ang noo ni Don Vandolf. "Why is it impossible? You're Jackson Gray and I know that Yvette will run towards here if you're going to invite her." He laughed."She's enjoying her Europe tour. Besides, why would I invite her for dinner?" Biglang nagtayuan ang mga balahibo ni Jackson sa braso nang magtama ang mga mata nila ng kaniyang papa. "Papa, bakit gan'yan ka makatingin? May nasabi ba akong mali?" nagtatakang tanong niya."Yvette loves you." Kinuha ni Don Vandolf ang kaniyang baston.Nagsalubong ang mga kilay ni Jackson. "Yes, he loves me. Sino bang babae ang hindi magkakandarapa sa isang Jackson Gray?" pagmamayabang niya.Hinampas ni Don Vandolf ng kaniyang baston ang kaniyang anak. "Hindi lahat ng babae, mahal ka! Lib0g at paghanga lang ang nararamdaman ng iba! Ang ilan naman, pera, karangyaan, kasikatan at pangalan lang ang habol sa'yo."Tumawa nang malakas si Jackson. "I'm just kidding, papa pero totoo naman din ang sinabi ko. Kapag ginusto kong paibigin ang isang babae, walang babae ang hindi iibig sa akin."Si Don Vandolf naman ang tumawa nang malakas pero ilang saglit lang ay biglang sumeryoso ang kaniyang mukha."Kailan mo balak mag-asawa? Kayong dalawa ni Jett. Kailan niyo balak lumagay sa tahimik?" Muling humigop ng tsaa si Don Vandolf."Are you ordering me to marry someone as soon as possible, papa?" Jackson said directly.Tumango si Don Vandolf. "Alam kong sariwa pa ang sugat diyan sa puso mo dahil kay Freya pero hindi na rin tayo pabata. You need to start dating and when I say dating I always mean, dating a decent and independent woman."Jackson cleared his throat. "And when you say a decent and independent woman, are you referring to Yvette?"Ngumiti si Don Vandolf. "Mana ka talaga sa akin. Mabilis pumick-up!" Kinindatan niya si Jackson.Muling humigop ng tsaa si Jackson. Ibinaba niya ang tasa sa mesa pagkatapos."I don't love her, papa." Idinipa ni Jackson ang kaniyang kamay sa couch. Pinaghiwalay niya ang kaniyang mga binti."I know," Don Vandolf murmured.Jackson smirked. "Alam mo naman pala eh. Bakit ipipilit mo pa siya sa akin?""Alam kong hindi mo siya mahal sa ngayon pero alam ko ring matutunan mo rin siyang mahalin pagdating ng araw. Yvette is a strong woman. Sa kabila nang nangyari sa pamilya niya, she managed to overcome it and look at her now, isa siya sa mga tinitingalang personalidad sa kaniyang larangan." Biglang napa-ubo si Don Vandolf. Napahawak din siya sa kaniyang ulo nang bigla iyong kumirot.Mabilis na pumunta si Jackson sa kinaroroonan ng kaniyang papa. Lumuhod siya sa harap nito. Kitang-kita ang matinding pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Papa, what happened? Set, call his doctor. Bilis!" sigaw niya."No, Set! Stay here," utos ni Don Vandolf."Pero papa! Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga nararamdaman mo ngayon. Yes, you may survived death multiple times pero hanggang kailan? Even cats with a myth of having nine lives die, tayo pa kayang tao? Kailangan mong ingatan ang sarili mo. Ang babata pa ng mga apo mo. 'Yong iba, hindi pa isinisilang." Umupo si Jackson sa tabi ng kaniyang papa.Hinampas ni Don Vandolf si Jackson sa ulo nito nang mahina. "Ikaw talagang bata ka! Pati naman pusang nananahimik, dinadamay mo pa sa pangongonsensya mo sa akin."Lihim na napatawa si Set sa sinabi ng kaniyang amo."Huwag na kasing pasaway, papa. Pasalamat ka at umalis si Diana. Kung nandito 'yon, sakay na kayo sa emergency van natin." Hinawakan ni Jackson ang kamay ni Don Vandolf. "Papa, you need to be extra careful. Huwag mo na kaming isipin. Malalaki na kami. You need to relax and to do whatever makes your heart and soul happy. Okay?"Ginulo ni Don Vandolf ang buhok ni Jackson. Kapwa sila napangiti."Kung inaalala mo na tatanda akong binata, hindi 'yon mangyayari, papa. Pangako ko 'yan sa'yo." Pinahid ni Jackson ang butil-butil na luhang pumatak sa mga mata ng kaniyang papa."Kung ayaw mo kay Yvette, hindi na kita pipilitin." Inayos ni Don Vandolf ang kaniyang sarili.Lumiwanag ang mukha ni Jackson. "Walang bawian, papa! Nasabi mo na!""Hindi na kita pipilitin kung may ihaharap ka sa aking babae sa loob ng tatlong araw na nandito ako. Kapag wala kang ipinakilala sa akin, i-se-set ko na ang kasal mo kay Yvette," ani Don Vandolf.Ngumiti na parang demonyo si Don Vandolf. Alam niya kasing wala pang girlfriend ang kaniyang anak na si Jackson. Batid din niyang sobrang busy nito sa renovation at expansion ng Escueza kaya imposibleng maisingit nito sa kaniyang schedule ang pakikipag-date."Papa, may deadline ba ang pag-aasawa? Gugunaw na ba ang mundo? Bakit biglaan mong naisipan ang tungkol sa bagay na 'yan? Kahit anong mangyari, I will never marry that brat. Siguro, she's successful now pero ang isang bratinella ay isa pa ring bratinella. Her status and appearance may change but her attitude, I can bet my life on it. Ganoon pa rin siya hanggang ngayon." Binasà ni Jackson ang kaniyang labi. "Baka nga mas lumala pa ang ugali niya," bulong niya.Bumalik na si Jackson sa puwesto niya kanina at kinuha ang kaniyang tsaa. Balak na niyang ubusin iyon dahil nasarapan siya sa lasa nito.Tumaas ang sulok ng itaas na labi ni Don Vandolf. Sinenyasan niya si Set na ibalik na siya sa wheelchair. Sa sobrang tagal na nilang magkasama, kabisado na nito ang kaniyang ugali. Nagkakaintindihan silang dalawa kahit sa mga tingin lamang."I need to take a rest. Hindi ko babawiin ang kondisyon ko, Jackson. Three days. Counted ang araw na ito kaya mayroon ka na lang, two days." Ngumiti nang nakakaloko si Don Vandolf.Maging si Set ay napapa-iling sa mga sinasabi ng kaniyang amo. Kinuha niya ang baston ni Don Vandolf at saka niya dahan-dahan itong binuhat pabalik sa wheelchair. Nagkatinginan sila ni Jackson. Kinilabutan siya nang biglang sumama ang tingin nito sa kaniya.'Sir Jackson, huwag mo akong idamay sa issue niyo ni senior. Labas na po ako riyan,' sigaw ng isip ni Set.'Bilisan mo na, Setyembre! Ilabas mo na rito si papa para makahinga na ako nang maluwag!' isip-isip ni Jackson habang nakatitig kay Set.Tiningnan ni Don Vandolf sina Jackson at Set. "Nag-uusap ba kayo sa pamamagitan ng inyong mga mata?" May naisip siyang kalokohan. "Jackson, may itinatago ka ba sa akin? May relasyon ba kayo ni Set?"Naibuga ni Jackson ang iniinom niyang tsaa. He swiftly put his cup on the table. He got some tissues and wiped his lips."Buti na lang at hindi ko sa'yo naibuga ang tsaa, papa." Muli siyang sumenyas kay Set na lumabas na ng silid."Bakit ba ayaw niyong mag-uusap ni Set? Puro kayo senyasan at titigan. Para kayong mga asong naghaharutan." Naiinis na si Don Vandolf sa kinikilos ng dalawa."Hayaan mo na kami ni Set, papa. Gano'n talaga mag-usap ang mga guwapo. 'Di ba, Set?" Inayos ni Jackson ang kaniyang damit at buhok. Umupo siya nang prente."Lumakas bigla ang hangin. Tara na, Set. Gusto ko nang mamahinga. Nagsisimula na namang magyabang ang aking anak. Baka ikamatay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin," pang-aasar ni Don Vandolf.Natawa si Set sa sinabi ni Don Vandolf. Marahan niyang ipinihit ang wheelchair. Aalis na sana sila nang muling magsalita si Jackson."Papa, this time…I will make sure na hindi mo na ako madidiktahan. Bukas na bukas din, ihaharap ko sa'yo ang babaeng pakakasalan ko," kumpiyansang sambit ni Jackson.Don Vandolf smirked. "Don't try to fool me, son. Ayokong magkaroon ng manugang na pipitsugin. Baka mamaya, basta ka na lang manghila ng babaeng bayaran." Mas lalong sumeryoso ang tono ng pananalita niya. "Walang lugar ang contract marriage at fake marriage sa pamilya natin. Huwag mo nang tangkaing tularan ang ginawa ng kapatid mong si Jacob dahil, ihaharap at ihaharap ko kayo sa tunay na altar," banta niya."Don't worry, papa. Hindi ko naman sasayangin ang oras ko para sa mga walang kwentang tao at bagay." Muli niyang dinampot ang tasa nang makita niyang may laman pa itong tsaa. Hinigop niya iyon hanggang sa maubos. "Sige na, Set. Dalhin mo na si papa sa suite niya para makapahinga ka na rin. Mahaba-haba rin ang binyahe niyo kanina.""Sige po, Sir Jack. Alis na po kami ni senior," tugon ni Set.Nang masigurong nakalayo na ang kaniyang papa at si Set ay tumayo si Jackson mula sa kaniyang pagkaka-upo. Kinuha niya ang isang tasa sa ibabaw ng mesa at buong-lakas niya itong itinapon sa sahig. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa pira-pirasong bubog na nagmula sa tasa."Mamamatay muna ako bago niyo ako maitali kay Yvette. I will never agree to an arranged marriage. I'm going to fetch Mereya and I'll ask her to marry me. She's going to be mine, no matter what happens." Humiga si Jackson sa couch. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. "Eya, bakit hindi mo ako makilala?" bulong niya bago tuluyang makatulog dahil sa hangover, puyat at pagod.Kabanata 7"LUMAYAS KA! HUWAG NA HUWAG KA NANG BABALIK SA PAMAMAHAY KO! SIMULA NGAYON, SI MERELLA NA LANG ANG KIKILALANIN KONG ANAK!" galit na galit na sigaw ni Cindy habang hinahagis ang mga damit ni Mereya sa labas ng gate ng mansyon nila."Lalayas na po talaga ako rito kasi parang hindi niyo rin naman ako nakikita, parang hindi rin naman po ako nag-e-exist sa mansyon na ito!" Isa-isang pinulot ni Mereya ang mga damit na itinapon ng kaniyang ina.Tumawa nang pagak si Cindy. "Anong hindi nag-e-exist na sinasabi mo? Madalas kitang binibisita sa kuwarto mo ah. Isa pa, hindi ka na bata para gabayan at bigyan palagi ng atensyon. Malaki ka na, Eya!""Laging binibisita? Eh pumupunta lang naman po kayo sa kuwarto ko kapag hinahanap niyo 'yang si MERELLA. Ni kumustahin nga po ako hindi niyo man lang magawa. Opo, hindi na ako bata para gabayan niyo pero kahit naman noong bata pa lang ako, hindi niyo rin naman nagawang gabayan ako. Palagi po kayong busy sa trabaho at sa lalaki niyo pero kapag s
Kabanata 8"Ella, kanina ka pang tulala ah. Don't tell me, naaawa ka sa ate mo?" Uminom ng champagne si Jen habang nakatingin sa kaniyang kaibigan."Bakit naman ako maaawa sa kaniya? Pinapabalik siya ni mama sa mansyon, ayaw naman niya. Choice niya 'yon kaya bahala siyang magdusa." Umupo si Merella sa tabi ng kaibigan niyang si Jen. "Ang aga-aga, umiinom ka rito. Nag-away na naman ba kayo ng boy bestfriend mong si Bob?""Hindi naman. Naiinis lang ako sa kaniya. He's asking about your ate." Muling uminom ng champagne si Jen."What?" Tumawa si Merella. "Why is everybody asking for her? Gano'n ba siya kaganda para hanapin?" Inagaw niya ang wine glass sa kamay ni Jen at nagsalin ng alak. Diretso niya iyong nilunok."Bakit? May iba pa bang naghahanap sa ate mo?" tanong ni Jen."The man of my dreams asked me about her whereabouts," Merella replied, swiftly."What? Para saan daw? Nakaharap mo na pala ulit si mister pogi eh so alam mo na ang name niya?" Nagsindi ng sigarilyo si Jen."I thought
Kabanata 9"I'm sorry, Yuna. Kasalanan ko kung bakit ka tinanggal ni mama sa trabaho," nakayukong sabi ni Mereya habang umiiyak."Ano ka ba naman! Wala kang kasalanan 'no." Hinagod ni Yuna ang likod ni Mereya. Umiiyak din siya. Nasa labas sila ng kaniyang dating apartment. Pinalayas na siya ng landlady nang malaman nitong nasibak siya sa trabaho."Saan ka na titira, Yuna?" Hinaplos ni Mereya ang kaniyang tiyan. Pinilit niyang tumahan para sa kaniyang baby."Uuwi muna siguro ako sa lola ko. Mamamahinga muna ako ng isang taon bago ulit ako bumalik dito sa Monte Vista." Kumuha ng isang maliit na bato si Yuna at itinapon iyon sa daan. "Ikaw? Anong balak mo?""Ayoko nang bumalik sa bahay. Sigurado akong stress lang ang aabutin ko ro'n araw-araw lalo na at malapit nang ikasal si Mama Cindy kay Sevi." Pinaglaruan ni Mereya ang laylayan ng kaniyang damit.Hinawakan ni Yuna ang mga kamay ni Mereya. "Gusto mo bang sumama sa akin?""Gusto ko sana kaso baka malasin ka na naman dahil sa akin eh." B
Hi everyone! Posted na po ang revised chapters nito. Alisin niyo po sa muna sa library niyo tapos add niyo po ulit para mag-reflect po ang changes. Thank you! Sana po ay magustuhan ninyo ang revision nito. Marami po akong nakahandang pasabog sa mga susunod na kabanata.Sisikapin ko po itong pagandahin tulad ng story nina Jacob at Freya. Thank you po sa inyo! God bless.List of StoriesGray Series1. One Night Love (Tagalog) -COMPLETED One Night Deal (Tagalog) -COMPLETED2. One Night Darker - ON GOING3. Nights with the Billionaire - COMING SOONShe Speak Series1. Suddenly Married to a Billionaire - COMPLETED2. The Heiress Revenge (Tagalog) - COMPLETEDLovelots,Docky
Kabanata 10"DÀMN IT!" Ipinagtatapon ni Jackson ang lahat ng mga gamit na nakapatong sa mesa."Bro, relax. We cannot fix a problem with that kind of temper," payo ni Jett habang umiinom ng milktea."Lumipas na naman ang isang araw at wala pa ring Mereya sa tabi ko. Paano ako kakalma nito?" Marahas na naupo si Jackson sa executive chair."Baka naman nagbibiro lang si papa sa sinasabi niyang three days. Hi—""He's not kidding, Jamison. Kapag sinabi niya, he mean it! Fúck!" Napasabunot sa kaniyang buhok si Jackson.Itinaas ni Jett ang kaniyang paa sa mesa. "If that's the case, you have no choice. Kailangan mong humanap ng babaeng papayag na maging fake girlfriend mo.""That's what I'm thinking but…""But?" Tumaas ang kilay ni Jett."What if papa suddenly demands for marriage?" Jackson slammed his hand on the table. He abruptly stood up from his seat."Well, that will become your biggest problem if that happens pero malay mo naman, bigyan ka niya ng pagkakataong mas kilalanin pa ang baba
Kabanata 11"Sevi! It's nice to see you here. Congratulations on your upcoming wedding." Lumakad si Jackson palapit kay Sevi at niyakap ito. Tinapik niya ang likod nito. "Anong pakiramdam na natuhog mo ang mag-ina?" bulong niya.Halata ang pagkagulat sa mukha ni Sevi. Paano nito nalaman ang tungkol doon? Ipinagsabi na ba ni Mereya ang tungkol sa kanilang lihim na relasyon?"Magkakilala kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Merella."Yep. Matalik kong kaibigan ang EX-GIRLFRIEND niya. 'Di ba, Sevi?" Umupo si Jackson sa bench na malapit sa glass window. "Ang ganda ng view rito, pero mas maganda pa rin ang view sa penthouse ng Escueza."'Ex-girlfriend? Sevi told me na ako ang first girlfriend niya. Is he lying?' Cindy thought. She shrugged her shoulders and focused her attention on Jackson instead of his fiancé. Itinulak niya si Merella."Bakit mo ako itinulak, mama?" angal ni Merella."Sundan mo si Mr. Gray at tabihan mo. Huwag kang magsayang ng oras," bulong ni Cindy. "Pero, mama. Naka
Kabanata 12"My dear brother, nandiyan ka na pala! Kumusta ang lakad mo? May ihaharap ka na ba kay papa bukas?" tanong ni Jamison habang naglalakad palapit sa kaniyang Kuya Jackson.Matapos manggaling sa Jones Groups of Companies ay agad na dumiretso si Jackson sa isa sa mga condo unit niya para maligo. Sukang-suka siya sa amoy ng pabango ng mag-ina. He even scrubbed his body well dahil niyakap siya ng mga ito."Saan ka ba nagpunta? Bakit bigla kang nawala? Akala ko ba hihintayin mo akong makabalik sa sasakyan? Dala-dala mo pa ang susi noong umalis kang gàgo ka! Mabuti na lang at may duplicate key ako." Pinatay ni Jackson ang telebisyon. Sinalinan niya ng tsaa ang kaniyang tasa."Nagtanong ako pero sinagot ako ng tanong din. Iba ka talaga, my dear brother." Umupo si Jett sa tabi ni Jackson. Kinuha niya ang remote at binuhay ang telebisyon pero ilang saglit pa ay inagaw ng kaniyang kapatid ang remote sa kaniya. Pinatay nito ang telebisyon. "Anak ng!"Ngumiti si Jackson bago niya sinimu
Kabanata 13"Set, halika." Pinaglaruan ni Don Vandolf ang kaniyang tungkod habang sumisipol."Bakit po, senior?" mabilis na tugon ni Set."Alamin mo ang pangalan ng babaeng hinabol ni Jackson sa may expressway," ani Don Vandolf."P-Po?" gulat na sambit ni Set."Tumawag sa akin ang aking kaibigan. May record ng over speeding ang isa sa mga sasakyan ni Jackson. I didn't believe him at first dahil alam kong maingat magmaneho si Jackson. I asked him to view the footage for me. It's the only way to know why my son carelessly did it." Itinuon ni Don Vandolf ang kaniyang baston at sinubukang tumayo pero nabigo siya. Agad naman siyang inalalayan ni Set."Confirmed na po ba senior na kay Sir Jackson talagang sasakyan ang nag-over speed?" kunot-noong tanong ni Set.Tumango si Don Vandolf. "My friend spotted another car. Sa tingin niya ay iyon ang hinahabol ni Jackson dahil na rin sa mga kilos ni Jett. He tried his best to come closer to that car pero nabigo siya. The thing is, that another car