INICIAR SESIÓNHindi niya na maalala kung paano sila napunta sa puntong iyon—kung sino ang unang lumapit, kung sino ang unang humawak. Ang alam niya lang, hindi siya umatras.
Sa loob ng silid, mas tahimik, mas mabagal ang bawat halik, parang huminto ang mundo sa pagitan nilang dalawa. Saglit nitong pinakawalan ang mga labi niya. Nararamdaman niya ang titig nito sa kanya—mabigat, matagal, at parang sinusukat ang bawat paghinga niya. “Last chance,” mahina nitong sabi, halos dumikit ang boses sa tenga niya. “You can still walk away.” Napapikit si Luna sandali, pilit hinahanap ang natitirang rason para umatras. Ito na ang punto na pwede pa siyang bumalik, pwede pa niyang piliin ang tama. Pero pagod na siya—pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maging maayos sa mundong paulit-ulit siyang binabasag. “I won’t,” bulong niya. At sa sandaling iyon, tuluyan nang nawala ang pagitan sa kanila. Dahan-dahan siyang hinalikan ni Adrian, parang binibigyan pa rin siya ng oras na magbago ang isip. Ngunit nang hindi siya kumilos palayo, mas nilaliman pa nito ang paghalik. Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng kamay nito sa bewang niya, ang paraan ng paghila nito sa kanya na parang alam na nito na hindi na siya tatanggi. “Look at me,” utos nito nang muli nitong pakawalan ang mga labi niya. Napatingin siya, at sa mga mata nito, wala siyang nakitang pag-aalinlangan—kundi isang tahimik na pagnanasa na lalo lang nagpalakas ng kaba sa dibdib niya. “Don’t regret this,” dagdag nito. Ngunit hindi siya sumagot. Sa halip, ay muli niyang inabot ang mga labi nito. At doon tuluyan na siyang nawalan ng kontrol sa sarili. Sa bawat paghalik nito, sa bawat marahang haplos, unti-unting nawawala ang sakit na pilit niyang tinatakasan. Ang galit. Ang hiya. Ang lahat ng iniwan ni Mark sa kanya. Ipinulupot niya ang mga braso sa malapad nitong balikat, na parang doon niya hinahanap ang sagot sa lahat ng tanong na hindi niya masagot. “Adrian…” mahina niyang sambit, halos hindi niya namalayan na nasabi niya iyon. Saglit itong tumigil, sapat para maramdaman niya ang bigat ng sandali. “Say my name again,” bulong nito, mas mababa, mas mabigat. Napalunok siya, ngunit hindi siya umatras. “Adrian…” ulit niya, mas malinaw na ngayon. At sa sandaling iyon, tila may kung anong tuluyang naputol sa pagitan ng tama at mali. Hanggang sa tumilapon ang kani-kanilang mga saplot sa kabuuan ng silid. Hindi na siya nag-isip. Hindi na siya nagtanong. Hinayaan niya ang sarili na madala sa init ng gabing iyon—sa paraan ng paggalaw nito sa ibabaw niya, sa paraan ng paghawak nito na hindi marahas pero hindi rin mahina, sa paraan ng pag-angkin nito na parang siya lang ang naroon sa mundong iyon. “You’re shaking,” mahinang sabi ni Adrian, napansin ang bahagyang panginginig niya. “I’m fine,” sagot niya agad, kahit alam niyang hindi iyon totoo. Bahagyang ngumiti ang lalaki, halos hindi niya nakita pero naramdaman niya. “You don’t have to lie,” bulong nito. Sa gabing iyon, hindi siya si Luna na iniwan. Hindi siya si Luna na niloko. Hindi siya si Luna na nagtiis ng apat na taon. Sa gabing iyon, siya ay isang babaeng piniling kalimutan ang sakit—kahit panandalian lang. Isang gabi na walang pangalan. Walang bukas. Walang pangako. Kinabukasan, nagising si Luna sa isang silid na hindi kanya. Dahan-dahan siyang napadilat, agad nasilaw sa liwanag na tumatagos mula sa bintana. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa kisame bago unti-unting bumalik ang alaala ng nakaraang gabi—ang bar, ang lalaki, ang pangalan nito. Si Adrian. Nanlaki ang mata niya at mabilis siyang napaupo, hinila ang kumot para takpan ang sarili. “What did I just do…” mahina niyang bulong. Napalingon siya sa gilid ng kama—at nandoon ito, mahimbing ang tulog, parang walang kahit anong iniisip. Mas lalo siyang kinabahan. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at pinulot ang mga damit niya. “Okay lang ‘to,” bulong niya habang nagbibihis. “One night lang. Tapos na.” Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa pinto— “Leaving already?” Nanigas siya. Dahan-dahan siyang napalingon. Gising na si Adrian, nakatingin sa kanya, at kahit bagong gising, hindi nabawasan ang presensya nito. “I have work,” sagot niya, pilit itinutuwid ang malapit ng magkandabuhol-buhol niyang pagsasalita. “You don’t even want to stay?” kalmadong tanong nito. “No,” mabilis niyang sagot. “Hindi na kailangan.” Bahagyang ngumiti ang lalaki. “You’re avoiding me.” “I’m not,” depensa niya. “Then why are you running?” diretsong tanong nito. Napahigpit ang hawak niya sa bag. “Because this was a mistake,” sagot niya. Natahimik si Adrian sandali. “A mistake?” ulit nito sa mababang boses. Tumango si Luna. “We agreed. Just tonight. Walang bukas.” Ilang segundo siyang tinitigan ng lalaki bago ito bahagyang tumango. “Your rules,” sagot nito. “Good,” sabi ni Luna, pilit ngumiti. “Let’s keep it that way.” At hindi na siya lumingon pa. Paglabas niya ng hotel, saka lang siya nakahinga nang maayos. Ngunit hindi iyon kapayapaan—kundi isang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. At pilit niyang kinumbinsi ang sarili na tapos na ang lahat.Hindi agad nakagalaw si Luna matapos umalis si Mark. Para bang naiwan pa rin ang presensya nito sa hangin, kasama ang mga salitang pilit niyang tinatabunan pero hindi niya tuluyang maikubli. “Explain,” mababa ang boses ni Adrian, pero sapat para maramdaman niya ang bigat nito. Napalunok siya bago sumagot. “He’s my ex,” sabi niya, pilit pinapakalma ang sarili. “I heard,” sagot ni Adrian, hindi man lang kumukurap. “I’m asking about the part where he thinks he still matters.” Luna clenched her jaw. “He doesn’t.” “Didn’t sound like it,” balik nito agad. Napatingin siya rito, bahagyang nanginginig ang loob kahit pilit niyang tinatago. “Hindi mo pwedeng i-base ‘yan sa ilang minutong nakita mo.” “I don’t need minutes,” sagot ni Adrian, mas malamig. “People don’t look at someone like that unless there’s something unfinished.” Natahimik si Luna, at sa katahimikang iyon, masyadong maraming totoo. “You’re overstepping,” sabi niya sa wakas, pero hindi na kasing tapang ng dati. “And you’
Hindi inaasahan ni Luna na ang simpleng paglabas niya para kumuha ng kape ang magbabalik sa isang bagay na pilit niyang tinakasan. Pagkabukas pa lang ng pinto ng lobby, napahinto na siya—parang may kung anong bumigat sa hangin. At nang marinig niya ang boses na matagal na niyang hindi naririnig, tuluyan siyang nanigas.“Luna.”Dahan-dahan siyang napalingon, at sa isang iglap, bumalik ang lahat—ang sakit, ang galit, at ang mga alaala na pilit niyang nilibing. Nakatayo si Mark ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Mas pagod ang itsura nito, mas seryoso ang mga mata, pero hindi nawala ang presensya nito na minsan niyang pinanghawakan.“Hi,” sabi nito sa mahinang boses, parang hindi sigurado kung paano magsisimula.Hindi agad nakasagot si Luna. Nakatingin lang siya rito, pilit pinipigilan ang sarili na hindi mag-react.“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong sa lalaki.Bahagyang ngumiti si Mark, pero halatang pilit. “I’ve been trying to see you,” sagot nito. “Hindi ka madaling
Bandang tanghali, tinawag si Luna ng HR at inabutan ng makapal na envelope. “Paki-deliver na lang ito sa executive conference room,” sabi ng HR staff. “Legal team meeting ‘yan—urgent.” Napakunot ang noo ni Luna. “Legal team?” “Oo,” sagot nito habang abala sa files. “May negotiation today. Si Atty. Vale mismo ang haharap.” Natigilan si Luna. “Atty… Vale?” “Yeah,” casual na sagot ng HR. “Hindi mo alam? He’s one of the best corporate lawyers in the industry. He just chooses not to practice publicly anymore.” Parang may malamig na dumaan sa likod niya. “Oh… I didn’t know,” mahina niyang sagot bago tuluyang umalis.Paglapit pa lang niya sa conference room, narinig na niya ang seryosong usapan sa loob—mga boses na kontrolado pero may tensyon. Kumatok siya, at nang marinig ang “Come in,” dahan-dahan siyang pumasok. Agad niyang naramdaman ang bigat ng atmosphere. Nakaupo ang ilang lalaking naka-suit, may mga open laptops, contracts, at legal documents na nakalatag sa mesa. Sa dulo, na
Hindi agad nakabalik si Luna sa desk niya matapos ang nangyari. Pagkalabas niya sa opisina ni Adrian, diretso siyang pumasok sa restroom at doon siya humawak sa gilid ng lababo, nakayuko habang pilit pinapantay ang paghinga niya. Pakiramdam niya parang may humahabol sa kanya—hindi tao, kundi ang sarili niyang emosyon na hindi niya mapigilan. “Ano bang ginagawa mo…” bulong niya sa sarili at mariing napapikit. “You’re better than this.” Ngunit kahit ilang beses niyang ulitin iyon, hindi mawala sa isip niya ang paraan ng paglapit ni Adrian, ang tono ng boses nito, at ang katotohanang hindi siya umatras agad.Kinabukasan, mas maaga siyang pumasok kaysa sa dati. Tahimik pa ang opisina, at iyon ang gusto niya—walang distraction, walang magpapaalala sa kanya ng lahat. Umupo siya at agad nagtrabaho, halos hindi na tumingala. Gusto niyang mapagod, para wala siyang oras mag-isip. “Ang aga mo ah,” bati ng katrabaho niya nang dumating ito. “May hinahabol ka ba?” Napangiti si Luna nang pilit.
Hindi agad nakaalis si Luna matapos niyang sabihin ang mga salitang pilit niyang pinanindigan. “It meant nothing.” Para itong umalingawngaw sa buong silid, mabigat at matalim, at halatang hindi pinaniwalaan ni Adrian. Tahimik ang opisina, ngunit ang katahimikang iyon ay parang bagyong handang sumabog anumang sandali. “You really believe that?” tanong ni Adrian sa wakas, sa mababang boses ngunit punong-puno ng tensyon. Napalunok si Luna at pilit pinanatiling matatag ang sarili. “I said what I meant,” sagot niya, kahit ramdam niyang may bahagyang panginginig ang boses niya. Saglit siyang tinitigan ni Adrian, matagal, parang sinusubukang basahin ang bawat emosyon na pilit niyang tinatago, bago ito bahagyang tumawa—isang tunog na walang halong saya. “You’re a terrible liar, Luna.”Nanlaki ang mata niya. “Excuse me?” “You heard me,” sagot nito habang dahan-dahang lumalapit. “If it meant nothing, you wouldn’t react like this.” Napahigpit ang hawak niya sa bag niya. “React like what
Hindi naging madali para kay Luna ang sumunod na mga araw. Kahit anong pilit niyang ituon ang sarili sa trabaho, ramdam niya ang bigat ng presensya ni Adrian—parang bawat galaw niya, bawat salita niya, may nakamasid. “Luna, may naghahanap sa’yo,” tawag ng katrabaho niya isang hapon habang nakatutok siya sa laptop. Napakunot ang noo niya at tumingin dito. “Visitor?” tanong niya. “Oo, nasa lobby. Hindi ko kilala, pero mukhang importante,” sagot nito. Wala naman siyang inaasahang bisita, pero napilitan siyang bumaba. Pagdating niya sa lobby, agad niyang nakita ang lalaking naghihintay—maayos ang suot, may kumpiyansa ang tindig, at halatang sanay makihalubilo. Nang mapansin siya nito, ngumiti agad ito. “Luna Reyes?” tanong nito. “Yes?” sagot niya, medyo naguguluhan. “I’m Daniel Cruz. We met during the presentation last month—partner company?” Saglit siyang napaisip bago niya naalala. “Right… Daniel,” sabi niya, bahagyang ngumiti. “Sorry, I didn’t expect—” “It’s fine,” putol ni







